Hindi makapaniwala si Ghie Anne ng binabasa niya ang papel na nasa plastic envelope.
Eto ba ang regalong inaasahan niya sa kaniyang pagtatapos ng kolehiyo?
Halos manlumo ang buo niyang pagkatao ng matuklasan niya ang lahat. Dala dala iyon ng kaniyang kuya mula pa sa kanilang Probinsya. Kaya napakasakit sa kaniya na hindi na nga um-attend sa kaniyang graduation ang mama at papa niya ay ganito pa ang kaniyang malalaman. Na siya ay magiging kabayaran sa pagkakautang ng kaniyang pamilya sa pamilya na kaniyang kinamumuhian.
“Sandali lang kuya….”ani ni Ghie Anne na napapikit pa ng mariin bago muling binasa ang dokumento na may sealed pa. “Hindi ko maintindihan… bakit nakalagay ang pangalan ko dito? At bakit ako ang kabayaran ng pagkakautang ng ating mga magulang?” sabi niya kasabay ng pagtuturo niya sa nakasulat sa papel. Maaging ang Tiya Pasing niya ay nagulat sa kaniyang narinig.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kuya ni Ghie Anne bago ito tumingin sa kaniya.
“Sa maniwala ka sa hindi… wala akong alam diyan sa pinag usapan ng ating magulang sa pamilya ng mga Lee. Kahit ako nagulat nga inabot sa akin iyang dokumento ni Mama. Ibigay ko nga raw iyan sa’yo.” Paliwanag ng kuya ni Ghie Anne.
“At bakit nagkautang sila Mama at Papa ng ganito kalaki, kuya?” takang tanong ng dalaga sa kaniyang kapatid na noo’y nakayuko na at ang mga palad nito ay nakasapo sa kaniyang mukha. “Kuya?!”
“Nilo! Ipaliwanag mo ngang mabuti ang lahat ng mga naririnig ko?” singit na ng tiyahin nila at naupo na rin mismo sa may harapan nila.
“Kailangan mong bumalik sa Probinsya Ghie Anne… sila Mama at Papa na ang magpapaliwanag sa iyo ng lahat ng iyan,” ang mahinang salita ni Nilo.
“Tiya…hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na kahit ako labag ang kalooban diyan sa nabasa kong kasunduan nila.” Sabay tayo ni Nilo at nagpabalik balik sa paglalakad sa harapan nila.
“Bakit magagawa ng mga magulang n’yo na si Ghie Anne ang kapalit ng mga pagkakautang nila? At ano? Ipapakasal? Bakit? Anong tingin nila sa anak nila? Walang damdamin para hindi masaktan?” inis na salita ng kanilang tiya Pasing.
Muling binuksan isa isa ang bawat pahina ng papel na hawak ni Ghie Anne. Naroon sa baba ang pirma ng kaniyang mga magulang pati na ang mga magulang ng lalakeng kinamumuhian niya ilang taon na ang nagdaan.
Tumayo si Ghie Anne sa kaniyang pagkakaupo at hinarap ang kaniyang kuya.
“Pupunta ako sa opisina ng kanilang attorney upang alamin ang lahat ng ito bago ako uuwi,” sabi ng dalaga sa kaniyang kuya.
“Huwag n’yo muna akong istorbohin sa aking kuwarto, gusto kong mapag-isa,” muling salita ni Ghie Anne bago ito tumalikod sa dalawa at dumeretso sa kaniyang kuwarto.
“Nilo! Halika ka nga dito, ipaliwanag mo sa akin ang lahat!” dinig ng dalaga na salita ng kanilang tiya sa kaniyang kuya.
Paglapat ng pintuan ng kuwarto ni Ghie Anne ay agad siyang napasandal at dahan dahang napadausdos ng upo sa likod ng pintuan na iyon.
Doon niya hinayaang tumulo ang kanina pang pinipigilan niyang luha. At hindi na nga siya nakapagtimpi pa ay agad na siyang umiyak.
“Bakit kailangan gawin ito sa akin ng sarili kong mga magulang? Pinatapos nga nila ako pero eto ang kababagsakan ko? At ang masakit ay kasal ang hinihinging kapalit ng Pamilyang Lee sa aking mga magulang at pumayag naman sila sa gusto ng mga ito?” ani ng isipan ni Ghie Anne na halos ikalukot ng dokumento na kaniyang hawak.
Pinakalma ni Ghie Anne ang kaniyang sarili at pinunasan ang kaniyang mga luha. Tumayo siya at kinuha ang nakalapag niyang cellphone sa side table ng kaniyang single bed. Doon ay ni research niya ang main company ng pamilya ng Lee. Kasunod noon ay ang opisina ng attorney na nakalagay sa papel. Ang pangalan nito at pangalan ng kompanya na nakasingit sa dokumento.
Agad niyang dinayal ang numero ng attorney.
Mabilis lamang ang pag ring nito at isang boses ng babae ang kaniyang narinig.
“Is this Ms. Attorney Dizon?” ani ni Ghie Anne.
“Yes, who is this?” sagot naman sa kabilang linya.
“I’m Ghie Anne Velasquez… and I know you know me Ms. Dizon.”
“Ohh! Is this really you? The daughter of Mr. and Mrs. Velasquez… so what is the real reason u called me, Miss? Is it about the agreement of the two parties?”
“Yes, I want to talk about that. Can i?”
“Sure. I will text about that. Where will we meet and what time,”
“I hope that tomorrow you will be able to… Ms. Dizon,”
“Don’t worry Ms. Velasquez once im done I will text you,”
Iyon lang at naputol na ang kabilang linya nito.
Napabuntong hininga si Ghie Anne. Dahil sa pagkakataong ito ay muli silang magkikita ng taong matagal na niyang kinalimutan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi mo basta basta maibabaon ang kahapon. Kaya kahit labag sa kaniyang kalooban ay kailangan niya itong harapin. Lalo na’t kaligayahan at buhay na niya ang nakataya.
Nakatayo at nakatingala si Ghie Anne sa malaking building na nasa harapan niya. QL building na pag-aari ng mga Lee. Ang pinaka main building company ng mga Lee. Maraming hawak na mall at supermarket sa siyudad at sa ibang bahagi ng Probinsya.
Dapat ay kasama niya ang kuya Nilo niya pero kailangan na nitong bumalik sa Probinsya dahil sa nanganak ang asawa nito.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ghie Anne bago ito pumasok sa main door ng building. Napamangha siya kung gaano ito kalawak at kalinis kumpara sa kompanya na pinag OJT- han niya. Ang amoy sa paligid ay mabango na nanggagaling sa aircon.
Nakangiti siyang lumapit sa reception area na may tatlong magagandang babae ang naroon.
“Good morning,” bati ni Ghie Anne sa isang mistisang babae na ngumiti rin sa kaniya.
“Hi, Ma’m! May I help you?” magiliw na sagot ng babae sa reception area.
“May appointment ako at dito raw kami magkikita. Kay Attorney Dizon,” ani ni Ghie anne.
Agad naman tumawag sa phone ang mistisang babae at nakita niyang tumango tango ito.
“Ma’m may I have your name please?” tanong nito sa kaniya habang hawak ang phone.
“Ghie Anne… Ghie Anne Velasquez,” mautal utal niyang sagot.
Binaba ng mistisang babae ang phone saka ito muling tumingin kay Ghie Anne.
“Ma’m, can I have your ID?” ani nito kay Ghie Anne.
Mabilis naman kinuha ni Ghie Anne ang valid ID niya at iniabot sa babae kapalit noon ang pag-abot naman nito ng ID sa kaniya bilang visitor’s.
“20th floor Ma’m. Paki top na lang po ang ID na binigay namin para po makapasok ka,” ngiti nitong salita habang itinuturo ng kaniyang kamay ang machine na sinasabi nito.
Tumango si Ghie Anne at nagpasalamat sa babae bago tinungo niya ang bagay na dapat muna siyang mag top ng ID bago makapasok.
Mabilis ang paghakbang ng paa ni Ghie Anne ng makita niyang pasara na ang pinto ng elevator.
“Sandali!” habol na sigaw nito na ikinagulat ng mga empleyadong naroroon.
Hinarang ni Ghie Anne ang kaniyang kamay upang muling bumukas ang pinto nito.
Bago pa niya makita ang nasa loob ng elevator ay may humawak sa kaniyang braso.
“Miss, hindi ka puwedeng sumabay…” sabi ng isang may edad na empleyado kay Ghie Anne na labis nitong ipinagtaka.
“Bawal pong sumabay sa may ari ng company…” mahinang salita ng isa pang empleyado.
Doon ay mabilis na napatingin si Ghie Anne sa loob ng elevator na bumukas. Pero natatakpan ito ng dalawang naka amerikanong lalake at ang isa pa nga’y pinindot na nito ang buttom ng elevator.
Tanging nakayukong lalake lamang ang nakita ni Ghie Anne sa likuran ng dalawang lalake.
Umatras si Ghie Anne ng tuluyan ng sumara ang pintuan ng elevator.
“Sorry po,” aniya sa mga empleyadong mga nakatayo sa harap ng elevator.
“Okay lang, visitor ka pala kaya hindi mo alam.” Aning muli ng may edad na babae.
Napakunot si Ghie Anne.
“Rules ba ng may ari na bawal itong sabayan sa loob ng elevator ng kaniyang mga empleyado o kahit sa mga tulad niyang visitor’s?” ani ng kaniyang isipan. “So? Ang tanong sino sa mga may ari ang tinutukoy? Ang ama ba o ang anak?” dugtong ng isipan ni Ghie Anne.
Nang bumukas ang kabilang pintuan ng elevator ay agad na siyang sumakay kasabay ng iba pang empleyado. Bukod tanging si Ghie Anne lamang ang pupunta sa 20th floor.
Kabado si Ghie Anne na lumabas mag isa sa elevator. Isang maaliwalas na hallway ang kaniya ngayong nilalakaran papunta sa isang mesa na malapit sa may salamin na pintuan.
“Good morning, Ma’m. Are you Miss Ghie Anne?” salubong agad sa kaniya ng isang magandang dalaga.
Tumango so Ghie Anne bilang pag tugon dito.
Lumabas sa kinatatayuan ang magandang babae at tinungo nito ang malapad na salaming pintuan saka nito itinulak palabas upang papasukin siya.
“Thanks,” usal ni Ghie Anne sabay ngiti nito.
“Maupo lang po muna kayo diyan sa conference room at lalabas po si Sir at si Ma’m Dizon,” anitong muli kay Ghie Anne.
Itinuro kay Ghie Anne ang mahabang mesa na may maraming upuan na nakapalibot dito.
Naupo siya at inayos niya sa ibabaw ng mesa ang kaninang hawak niyang envelope.
Malamig sa loob sapagkat napakalakas ng buga ng aircon roon.
Maya maya’y muling lumapit sa kaniyang kinauupuan ang babaeng kausap niya kanina. May dala itong tray at inilapag sa kaniyang harapan ang isang basong may lamang cremier coffee.
“Mag kape ka muna Ma’m Velazquez,” sabi nito sabay ngiti kay Ghie Anne.
Hindi naman nag alinlangan na higupin ni Ghie Anne ang mainit na kape lalo na’t alam niyang makababawas ito ng lamig sa kaniyang katawan.
“Hello Ms. Velasquez,” boses ng isang babae ang nagpalingon kay Ghie Anne.
Isa itong may edad na babae at naka salamin na nakangiti sa kaniya kasunod ang isang lalake na naka suot naman ng isang tuxedo na talagang bumagay sa kaniyang pangangatawan. Pamilyar kay Ghie Anne ang ngiti nito na kaniyang ikinakunot noo.
“Have a seat,” ani ng may edad na babae na naupo sa kaniyang harapan banda at ang lalake naman ay naupo banda sa may dulo ng mesa.
“I’m Attorney Dizon and I am the companies attorney of Lee’s.” sabi nito. “Hindi na kami magpapatumpik tumpik pa. Alam namin kung bakit ka narito,” sabay labas nito ng isang binding folder na itim.
“Both parties have an agreement last two years. At dahil sa grumaduate ka na sa college u need to know na ikaw at ang anak ng may ari ay ikakasal within this week,” walang preno nitong paliwanag na halos ikagulat ni Ghie Anne.
“I beg your pardon? Ako? Pakakasal?” she smirks. “At paano kayo makakasigurado na papayag ako sa gusto nila?” sabay sulyap na matalim ni Ghie Anne sa lalakeng nakatingin lamang sa kaniya.
“You have no choice Ms. Velasquez but to do this. Kung hindi… “
“Kung hindi ano?” biglang putol ni Ghie Anne sa nagsasalitang attorney.
“Mapipilitan ang aking mga magulang na kuhanin ang lahat ng ari arian ninyo na dapat noon pa nakuha ng bangko na pinagkaka utangan ng iyong mga magulang.” Singit ng lalake na ikinakunot muli ng kaniyang noo.
“Look Ghie Anne, it’s not what you think…” ani ng binata sabay patong ng mga kamay nito sa ibabaw ng mesa.”Iniligtas ng pamilya ko ang pamilya mo,”
“Iniligtas? Paanong iniligtas kung may kapalit ito?” ani ni Ghie Anne.
“Dahil iyon ang nais ng aking ama, kapalit na siya ang magbabayad ng lahat. Nakita mo naman kung gaano kalaki ang utang ng iyong mga magulang sa bangko at hindi pa kasama roon ang mga tubo nito na hindi nila nabayaran. Gugustuhin mo bang walang matitirhan ang iyong mga magulang? Walang matitira sa ari-arian nila at ni singkong duling ay wala silang magiging hawak kundi mga damit lamang nila.” Paliwanag nito kay Ghie Anne.
“Kaya nakipagkasundo sila na ako ang ibabayad?” inis niyang salita at halos hindi siya makapaniwala.
“Alam kong ayaw mo ng ganitong usapan,”
“Cut the crap Ken! Narito ako para ako mismo ang magsasabi sa inyo na labag sa akin ang kasunduan na iyan dahil wala akong kaalam alam! At isa pa! Kahit gaano iyan kalaki ay babayaran ko,” ani ni Ghie Anne na nanginginig pa ang kaniyang katawan.
“What makes you sure na makakapag bayad ka sa loob ng tatlong buwan?” muling salita ni Ken kay Ghie Anne.
Ewan ni Ghie Anne… pero bigla siyang nakaramdam ng panghihina. Umikot bigla ang kaniyang paningin na tuluyan ng nagdilim.
“Ghie Anne!” ang huling salita na kaniyang narinig.
GHIE ANNETama ba ang aking narinig?Si Nestor ba talaga ang kaharap ko?"Huwag mo akong niloloko ng ganyang salita," sabi ko na lamang na may ngiti sa aking mga labi kahit na nakikita ang pagkaseryoso nito sa kaniyang mukha."Hindi ako nagbibiro," mabilis na sagot sa akin ni Nestor."Nestor...huwag kang ganyan. Nakakailang," sabi ko sa kaniya na totoo naman talga. Napahinto na tuloy ako sa pagkain ng masarap na pagkain. "Ghie Anne...matagal na kitang gusto. Noon pa kung natatandaan mo ito. Hindi lang ako makalapit sayo noon dahil sa masyado kayong close ni Ken..kaya naman noong nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan nagkaroon ako ng pagkakataon na makalapit sayo. Maniwala ka na noon pa kita gusto," ani ni Nestor sabay hawak nito sa aking kamay na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ako agad naka react sa aking narinig. Dahil biglang nag flash back sa akin ang nakaraan ng mga panahon na si Nestor lamang ang nagpasaya ng mga araw ko sa panahon na iniiwasan ko si Ken. At alam ko na noon na may
Tahimik ang lahat sa conference room ng dumating si Ken upang makinig at manood sa presentation ng dalawang team na hawak ni Ghie Anne. Syempre na roon din si Jacob at Nestor na nakatabi pareho kay Ghie Anne. "Sandali," pahinto ni Ken sa team one na nagpapaliwanag tungkol sa presentation ng bago nilang product packaging. "Do you think it will pass the standard in all convenience store on each of their shelves if the packaging is this big?" Tanong ni Ken sa leader ng team one. "Can you see guys na masyado itong malaki at kapag i-display ito sa shelves ilang piraso lang ang mailalagay," Nagtaas bigla ng kamay si Ghie Anne na agad tinanguan ni Ken. "Sir, can you please listen first to the presentation of my team? And nasa next page ang bawat sizes ng packaging ng ready to eat meal." Derektang salita ni Ghie Anne kay Ken. Lahat ng naroon sa kuwarto ay nakatingin sa kanilang dalawa. "So ibig sabihin nito na kapag sa convenient store ang ready to eat meal ay itong maliit na size ang n
ANDIE "Ano ba ang mahalaga nating pag uusapan?" Bungad agad sa akin ni Nestor bago ito naupo banda sa aking harap. Inimbitahan ko kasi itong kumain sa labas upang alukin sa aking plano. Dahil alam ko na noon pa man ay gustong gusto na niya si Ghie Anne. Kaya nga hanggang ngayon ay nanatili itong single kahit na maraming mga babaeng nagkaka interes sa kaniya. Ni isa ay wala itong na i-date na babae. Dahil minsan ko na itong napanood sa interview na meron siyang inaantay na tao na noon pa niya gusto. "Let's eat first," sabi ko sabay buklat ko ng menu. "May mga bagay pa akong gagawin Andie kaya sabihin mo na ang dapat mong sabihin," ani ni Nestor sa seryosong mukha. "Ohhh, well...i'll go straight to the point. Do you like Ghie Anne?" Derekta kong tingin sabay lapag ko ng menu sa isang tabi. "Inimbitahan mo lang ba ako para sa ganyang tanong?" He smirked. "Alam mong mahal na mahal ko si Ken at gagawin ko ang lahat para mapasa akin siya. Ikaw? Gaano mo kagusto si Ghie Anne? Sa pagka
GHIE ANNE Unti unting nagdilat ang aking mga mata at doon ko lang napansin na nasa ibang kuwarto ako. Mabilis ang aking pagkilos at napaupo akong bigla upang malaman lang na nasa opisina ako ni Ken. "How are you now?" Boses na aking ikinalingon. Si Ken nakaupo sa kaniyang office chair habang may ginagawa ito sa kaniyang personal na computer. "A...anong nangyari? Kasama ko kanina—" "Matagal mo na bang sakit iyan? Bigla ka na lang matutulog ng wala sa oras," sabay tingin nito sa akin. "Hindi. I mean oo! At bihira lang ito mangyari sa akin," sabi ko sabay tayo ko at inayos ko ang aking sarili. "My father wants to have a dinner with you," biglang sabi sa akin ni Ken. "Ha?" Ang tanging nasambit ko habang nakatingin sa kaniya na busy naman sa pagtingin nito sa monitor nh kaniyang computer. "Andito si Daddy at gusto ka niyang makita bago siya umuwi ng mansion," ani nito sabay sulyap niya saglit. "At kailangan mong magpa Psychiatry dahil sa kondisyon mong iyan," habol nitong salita.
"Hi!" Bungad ni Nestor sa pintuan ng opisina ni Ghie Anne."Oh, ikaw pala. Tapos na ang show mo?" Tanong ni Ghie Anne kay Nestor na palapit na sa dalaga."Kain tayo sa baba," aya ni Nestor."Sure," mabilis na sagot ni Ghie Anne.Inayos ng dalaga ang kaniyang gamit sa ibabaw ng kaniyang mesa bago hinubad niya ang coat niya puti na uniform nila sa lab at isinabit. Nakangiti ang dalaga na sumabay kay Nestor tungo sa elevator pababa sa canteen."Masarap ang menu ng canteen ninyo ngayon kaya mag eenjoy tayo," ani ni Nestor.Maraming empleyado ang nakapila dahil sa mga oras na iyon at lunch time na. Pumila din sila at habang napila ay nag uusap sila ni Nestor.Sadyang kwela talaga ang binata kaya naman hindi maiwasan na tuwang tuwa si Ghie Anne sa presensiya nito. Ang saya ng mukha ni Ghie Anne ay hindi nakawala sa paningin ni Ken na kasalukuyang kumakain din sa canteen kasama ang Assistant nito at ang kaniyang Daddy na Chairman ng Company."Andito pala ang Chairman," mahinang salita ng i
Napatitig si Ken sa hawak niyang stick ng sigarilyo na kasalukuyan niyang hinihithit. "Kailan ka pa natutong manigarilyo? Hindi ka naman naninigarilyo dati ah!" Sita ni Ghie Anne kay Ken. "Dati iyon Anne. Sa nagdaang limang taon sa palagay mo ba ako pa rin ang Ken na nakilala mo? Kung ikaw nga ang laki ng ipinagbago mo ako pa kaya?" Sabi ni Ken kay Ghie Anne. "Kung ganun huwag mong ipakita sa akin ang paninigarilyo mo," sabi ni Ghie Anne sabay talikod nito at padabog na isinara ang sliding door ng terrace. "What the heck!" Sabay pitik ni Ken sa stick na kaniyang hawak. Pagpasok niya ay dumeretso siya sa banyo upang maglinis ng kaniyang katawan. Matapos ang ilang minuto ay lumabas si Ken sa banyo ng tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa kaniyang pang ibabang bahagi ng kaniyang katawan at sobrang ikli nito. "Ano ba Ken! Sinabihan na kita na hindi lang ikaw ang narito sa kuwarto, bakit kailangan mong lumabas ng ganyan lang ang itsura mo?!" Ani ni Ghie Anne na nakapaling na ang k