"Isa pang halik sa bagong kasal!" Malakas na boses ni Judge George na sinuportahan naman ng mga kasambahay ni Ken na naroon at kasama nilang kumakain. Isang mabilis na halik ang ginawa ni Ken sa labi ni Ghie Anne na ikinagulat ng dalaga. Nakita ni Ken kung paano nag react si Ghie Anne sa kaniyang ginawa at naramdaman niyang bigla na lamang siyang kinurot nito sa bandang hita. "Nanamantala ka ba? Wala sa kontrata natin iyan," palihim na salita ni Ghie Anne habang kinakamot ni Ken ang hitang kinurot ng dalaga. "Wala akong magawa kundi ang gawin iyon Anne. Nakatingin si Judge sa atin," pabulong na salita ni Ken kay Ghie Anne na lumingon din sa kung saan nakaupo ang Judge. Ang nakakatawa pa ay tuwang tuwa ang mga kasambahay sa kanilang nasaksihan dahil nagpalakpakan pa ang mga ito. Pwera lang ang kuya Nilo ni Ghie Anne na tahimik lamang sa kaniyang upuan kasama ang kaniyang asawa na wala ding imik. Dahil alam nila na kasal lamang sa kontrata sina Ken at Ghie Anne. CHRISTOPHER KEN "H
GHIE ANNE Nakakamangha ang laki ng unit ni Ken sa isang kilalang condominiums dito sa Makati. Maging si Kesya ay di maitago ang pagkamangha nito sa unit. Bukod sa mga mamahaling gamit ay kompleto rin ito sa kagamitang pang kusina na gustong gusto ko. Dahil sa mahilig akong magluto at ito ang libangan ko noon pa. Lalo na't nakita ko ang malaking oven na may 6 burner. Mahilig akong mag bake kahit noon pa sa bahay namin at dinala ko iyon sa bahay ni tiya Pasing. "Ma'm Ghie Anne, saan po ako matutulog?" Ani ni Kesya na kahit ako ay hindi ko alam. Biglang tumunog ang security buttom ng pintuan hudyat na merong taong papasok sa unit. Kapwa kami napalingon ni Kesya ng lumitaw roon ang katauhan ni Ken. Nakasuot na lamang ito ng long sleeve na kulay asul at hawak ang amerikano nitong suit. "Kanina pa ba kayo?" Ani ni Ken sabay lapit nito sa akin. Nagulat pa ako sa paraang ginawa niya. Pasimple nitong dinikit ang pisngi nito sa pisngi ko na akala mo ay humalik sa aking pisngi. "Nakatingin
Hindi ko namamalayan na halos madurog ko na ang sugpo sa gigil ko sa pagbabalat nito dahil sa nakikita kong ginagawa ni Kesya kay Ken na gustong gusto naman ng kumag! "Sir eto po," magiliw na abot ni Kesya ng mainit na sabaw ng lapu lapu kay Ken. "Higupin nyo po agad ang sabaw sir," Tumayo akong bigla mula sa aking pagkakaupo at dumeretso ako sa lababo para maghugad ng kamay. Tama na! Hindi ko kayang panoorin ang dalawa. Isang nagpi flirt at isang nagpapa flirt. Salita ng aking isipan at ewan ko ba dahil nakakaramdam ako ng inis sa aking nakikita. "Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Ken na hinawakan pa ang aking kamay. "Tapos na akong kumain," pormal kong sagot at hindi ko pinahahalatang naiinis ako. Uminom ng tubig si Ken at saka ito tumayo. "Iligpit mo na lang ang mga iyan Kesya kapag tapos ka ng kumain. Mauuna na kami ni Ma'm mo," ani ni Ken na tumayo na rin mula sa pagkakaupo. "Tapos na rin kayo, Sir?" Takang tanong ni Kesya na ko na nag iba ang awra ng mukha nito. "Tapos
"Magtitimpla muna ako ng kape," ani ni Ghie Anne na mabilis na kumuha ng mug dahil kitang kita nito ang pagkasungit ni Ken. Nasira ni Kesya ang umaga ng binata at sa loob ng limang taon ay nakita niya itong muli. "Bukas na lang kita isasabay sa company. For now paki suyo si Kesya para mamaya. Susunduin siya dito para ihatid sa airport pabalik sa atin," ani ni Ken sabay higop nito ng mainit na kape na tinimpla ko. Nakita ko ang ngiti nito sa labi ng matikman niya ang kape. "Naaalala mo pa pala ang kapeng gusto ng taste buds ko," sabi nito sabay higop muli. Hindi umimik si Ghie Anne bagkus ay naghain siya ng pagkain para makapag-almusal na si Ken. Naupo na rin ito para kumain at hindi nila alintana ang paglabas ni Kesya na naka uniporme na ngayon ng pang katulong. "May susundo sayo mamaya Kesya...babalik ka na sa probinsiya. At hindi ka na rin magtatrabaho sa Mansion," ani ni Ken without looking Kesya. Patuloy lamang itong kumakain ng toasted bread na pinahiran niya ng strawberry
GHIE ANNE Unti unting akong dumilat ng aking mata. Kay sarap ng aking tulog sa buong magdamag. Mapayapa at walang ni anumang ang nasa aking isipan habang tulog ako. Nag inat ako ng aking katawan at medyo nasilaw sa liwanag na tumama sa aking mukha na nagmumula sa labas ng terrace. Napabalikwas ako ng bangon ng maalala kong may kasama pala akong tao dito sa kuwarto. Hinanap ko ito kaagad pero nakaligpit na ang kaniyang higaan. "Anong oras na ba?" Tanong ko sa aking sarili. "Na saan ang aking cellphone?" Sabay tingin ko sa side table ng aking higaan. Naroon ito na agad kong kinuha. Pero bago ko pa makita ang oras ay napansin ko ang maliit na nite na nakadikit sa side table katabi ng aking cellphone. YOU WE'RE SLEEPING SO I DIDN'T BROTHER YOU ANYMORE. BUT I HOPE YOU WON'T BE LATE ON YOUR WAY TODAY. KEN Ani sa maliit na papel. Nag panic agad ang aking utak ng maalala ko na dapat pala nasa company na ako nila Ken. "Sh*t! Ano bang nangyari? Bakit ako nakatulog ng malalim." Muli k
Hindi makapaniwala si Ghie Anne na natanggap siya sa trabaho at kailangan niyang magsimula bukas. At hindi niya rin akalain na siya ang pansamantalang papalit sa puwesto ni Ms. Glenda ang head manager ng lahat ng Department. Tulala siyang nakaupo sa isang waiting area ng malawak na kompanya. Ang kaniyang isip ay kung saan saan napupunta without noticing that there was someone looking at her. "Miss, applicant ka?" Salitang nagbalik sa kaniyang ulirat. "Ha?" Takang tanong ni Ghie Anne sa lalakeng tumabi ng bahagya sa kaniyang upuan. Itinuro nito ang suot kong id na hindi konpa na pala natatanggal at ibalik sa counter staff "Ahhh ..." Sabay tanggal ko ng suot kong id. "Salamat," at tumayo so Ghie Anne para ibalik ito sa counter. "Sandali, hindi naman iyan ang ibig kong sabihin. Ahm...gusto ko lang alamin kong okay ka na ba sa interview sa taas?" Ani nito ng nakangiti. "Ahhh...aplikante ka rin ba?" Tanong ko rito. "Ahh ako? Ahhh oo!" Alanganin pa nitong sagot kay Ghie Anne. "Tapo
GHIE ANNE Hindi ako kaagad naka imik ng makita ko sa screen aking phone ang mukha ni Ken. Parang nag stop ang aking paligid sa lakas ng appeal nito sa akin. Napaka guwapo ni Ken sa video call at halos hindi ko maibuka ang aking labi. "Yes, Anne?" Sabi nito sa akin. Narinig ko iyon pero bakit parang mas gusto ko siyang titigan kesa ang sagutin. "Hey! Nasa meeting ako ngayon, may sasabihin ka ba sa akin?" muli nitong tanong. "Ha? Ano...nasa meeting ka pala. Sige huwag na lang," mabilis kong salita. "Don't you dare to end the Video Call not unless u didn't say it. Ano ba iyon?" Mabilis na salita nito ng akmang papatayin ko na sana ang video call. Nilipat ko ang kuha ng aking camera upang makita nito kung sino ang pumalit kay Kesya. "And?" Ani ni Ken sa akin. "Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko sa kaniya. Gusto ko sanang ikaw na lang ang mag interview," sabi ko. "Anne, i am in the middle of meeting and you want me to do that? Hindi ba't sinabi ko na sayo na ikaw na lang a
Nagkatinginan sila ni Ken ng bumukas ang pinto ng elevator. Pinahinto pa nga ni Ken ang kaniyang assistant sa pagsasalita nito ng makita si Ghie Anne. "Oh, bakit hindi pa kayo sumakay?" Ani ni Jacob ng um-appear sa likuran bigla nila Ghie Anne. Napahinto si Jacob ng makita niya si Ken. "Ahhh...oo nga pala, bawal pa lang sumabay sa kaniya," sarcasm nitong salita na sinabayan pa ng ngiti. "Good morning, Sir." Bati ni Jacob. "Tara dito tayo sa kabila," sabay aya nito kala Ghie Anne kasama ng iba pang bagong hire na employee. Pero biglang lumabas sa may pintuan ang assistant ni Ken at tinawag silang lahat. Takang nagkatinginan sila Jacob at Glenda ng ayain silang sumabay na sa elevator kasama ang CEO. Maging si Ghie Anne ay nagulat din sapagkat noon una niyang punta ay hindi siya pinasabay ng mga empleyado dahil bawal daw. Pero ngayon ay pinasabay silang lahat. Nasa dulo banda sila Ken katabi ang assistant nito habang si Ghie Anne ay sa gitna banda. CHRISTOPHER KEN Iisang floor