/ Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 107

공유

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 107

작가: MIKS DELOSO
last update 최신 업데이트: 2025-02-19 23:31:31

Tumingin ito sa kanya, seryoso. "Mahirap, kasi mukhang nagiging paborito ko nang palabas ang buhay mo."

Nanlaki ang mata ni Sara. "Anong ibig mong sabihin?!"

Ngumiti ito. "Wala naman. Basta, magkikita pa tayo ulit."

"Hoy, Adrian!" sigaw ni Sara, pero nakalayo na ito bago pa siya makapagsalita pa ng kung ano. "Ano bang problema ng lalaking ‘yon?!"

Napatakip ng bibig si Aling Laura, pigil ang kilig. "Ay naku, Sara, hindi mo ba nakikita? Mukhang interesado sa’yo ‘yang si Sir Adrian!"

"Interesado sa gulo! Wala akong panahon sa kanya!" reklamo ni Sara habang mabilis na inayos ang mga paninda. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maalis sa isip ang itsura ni Adrian—ang nakakalokong ngiti, ang titig na parang may gustong ipaalala sa kanya.

"Aba, eh kung ayaw mo, pwede ba akong pumila?" biro ni Mercy, isa sa mga tindera sa palengke. "Ang gwapo, mayaman, at willing mag-ayos ng isda? Diyos ko, Sara, jackpot ‘yan!"

"Hoy! Hindi ako interesado! At saka baka nga may asawa ‘yon sa Amerika!" sagot
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 239

    Sa isang umagang payapa, habang si Ana ay abala sa paglalaro kay Anabella sa sala, umakyat si Belle sa silid niya hawak ang kanyang cellphone. Sa kamay niya'y naroon ang mabigat na balita na matagal na niyang gustong iparating sa kanyang mga magulang—isang balitang puno ng kabiglaanan, luha, at muling pagkabuo.Habang nakatayo sa gilid ng bintana at tanaw ang bughaw na langit, pinindot niya ang pangalan ng kanyang ina—Sophia Smith—at ilang segundong pag-ring, may pamilyar na boses ang sumalubong sa kanya."Hello, darling! Good morning!" bati ng kanyang ina mula sa kabilang linya. Nasa likod nito ang mahinang boses ni Clyde, ang kanyang ama, na mukhang abala sa paghahanda ng almusal sa kanilang bahay sa Sydney, Australia."Hi, Mom… Dad…" nanginginig ang boses ni Belle. Ramdam niya ang kaba sa dibdib. "May mahalaga po akong sasabihin sa inyo… Please, makinig lang muna kayo at huwag kayong magugulat.""Bakit, anak? Anong nangyari? Okay ka lang ba diyan sa Japan? Si Anabella? Si Luke?" su

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 238

    Habang nagsimula siyang maglakad patungo sa isang bench na nakatayo sa gilid ng hardin, ang mga alaala ng nakaraan ay muling sumik sa kanyang isipan. Si Nanay Glenda at Tatay Romero—ang mga magulang na hindi siya iniwan. Ang mga simpleng sandali ng pagpapatawad, ng pagmamahal, at ng mga kwentong ibinahagi sa kanya. Ang kanilang mga mata na puno ng kabutihan, ang mga palad nilang nag-alaga sa kanya sa mga panaho'ng hindi niya matandaan. Isang matamis na sakit na nagbigay ng lakas sa kanya upang magpatuloy.Sa kabila ng lahat ng kalituhan sa kanyang isipan, naramdaman ni Ana na may mga bagay na hindi kailanman mawawala—mga alaala ng pagmamahal at mga pangako na gagabay sa kanya. “Hindi ko sila malilimutan,” bulong niya sa sarili.Si Anabella, ang anak niyang matagal niyang nawalan ng pagkakataon. Hindi pa man niya maaalala ang buong kwento ng kanilang nakaraan, ramdam niyang may malalim na koneksyon sila. May mga bagyong dumaan sa buhay nila, ngunit ngayon ay natutunan niyang yakapin si

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 237

    Kinabukasan, pag-gising ni Ana, ang kanyang puso ay puno ng emosyon at kabuntot na tanong. Bawat hakbang na ginugol niya sa paglalakad sa hardin ng kanilang tahanan ay puno ng bigat at saya. Ang kanyang mga kamay ay naglalakbay sa mga malamlam na halaman, ang mga dahon ay nagsasayaw sa hangin. Ang kalikasan na parang sumasalamin sa kanyang buhay—matagal nang nawawala, ngunit ngayon ay muling nakahanap ng kanyang sarili.Hindi pa siya ganap na nakaka-move on, ngunit natutunan niyang tanggapin ang kanyang bagong buhay. Ngunit may mga alaala na patuloy na nagbabalik, at ang mga tanong ng "sino ako?" at "saan ako patungo?" ay patuloy na bumangon sa kanyang isipan. Ngunit sa bawat hakbang, natutunan niyang yakapin ang kasalukuyan.Hinawakan niya ang kanyang cellphone, nagdadalawang-isip sa isang sandali. Gusto niyang magpatuloy at magbagong-buhay, ngunit may mga tao sa buhay niya na hindi niya kayang iwanan—ang mga magulang na tumulong sa kanya, na nag-alaga sa kanya sa oras ng kanyang pag

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 236

    Hapon na. Ang sikat ng araw ay unti-unting humihina, tumatagos sa mga kurtinang puti at lumilikha ng mga ginintuang guhit sa sahig ng sala. Sa isang sulok ng bahay, naupo si Ana sa sahig habang hawak ang isang maliit na stuffed bunny. Sa tabi niya, tahimik na nakaupo si Anabella, may hawak na libro ng kulay at krayola.Tahimik ang bata. Tila nahihiya. Si Ana nama’y nakatingin sa kanya, pinag-aaralan ang bawat galaw—ang bawat tahimik na titig, ang bahagyang pagkagat sa labi, ang pagkapilyang ngiti na tila pamilyar... kahit wala siyang maalala.“Anabella,” mahina ngunit puno ng lambing ang tinig ni Ana. “Alam mo ba… araw-araw, iniisip ko kung paano ko sasabihin sa’yo… na mahal kita. Kahit hindi pa bumabalik lahat ng alaala ko.”Dahan-dahang tumingin ang bata sa kanya. “Talaga po, Mommy?”Hindi napigilan ni Ana ang pagtulo ng luha. “Oo, anak. Mommy mo ako. Kahit hindi ko pa maalala kung paano kita inalagaan noon… ramdam ko. Ramdam ng puso ko na ikaw ang anak ko.”Lumapit si Anabella. Ini

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 235

    Sa isang tahimik na sulok ng hardin, nagtakda ng isang pribadong pag-uusap sina Luke at Adrian. Si Baby Leo ay natutulog na sa kwarto, at si Ana ay abala sa paglalaro kasama si Anabella. Nasa pagitan ng mga malalaking puno, ang hangin ay malumanay, at ang mga huni ng ibon ay nagbibigay ng himig sa paligid.Tumayo si Luke mula sa isang bench at naglakad papunta kay Adrian. Mabilis ang mga hakbang nito, at ramdam ni Adrian ang bigat ng mga mata ni Luke. Agad na tumingin si Adrian sa kanya, may pag-aalala sa kanyang mga mata.“Luke, ano ang—” nagsimula si Adrian, ngunit agad siyang pinutol ni Luke.“I need to talk to you,” wika ni Luke, ang tinig ay malalim at tahimik. “Tungkol kay Ana.”Nag-angat si Adrian ng kilay, ngunit hindi umalis sa lugar. “Ano'ng nangyari? May problema ba?”“Gusto ko lang iparating… na may plano akong gawin,” simula ni Luke. "Plano kong mag-file ng annulment."Naguluhan si Adrian. “Annulment? Bakit? Para saan?”Luke ay huminga ng malalim, napabuntong-hininga. “Hi

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 234

    “Ramdam ko na anak ko siya,” bulong ni Ana, hawak pa rin ang kamay ng kakambal. “Kahit hindi ko pa alam noon, kahit wala pa akong alaala, may bahagi ng puso ko na kumikirot tuwing nakikita ko siyang lumalapit sa’yo… sa kanya. Ngayon alam ko na—dugo ko siya, laman ng laman ko. At pinalad siyang mahalin mo gaya ng pagmamahal ng isang tunay na ina.”“Ginawa ko lang ang sa tingin ko’y tama,” umiiyak na sagot ni Belle. “Noong pinanganak siya, para akong naguluhan—parang may kulang. At sa bawat ngiti niya, parang may aninong bumabalot sa’kin. Ngayon ko lang naiintindihan—dahil hindi ko siya ganap na anak. Anak mo siya, Ana. Ikaw ang ina niya.”Tumango si Ana, bakas sa mukha ang kalmadong pagtanggap sa katotohanan. “Pero ikaw ang naging sandalan niya. At sa panahong wala ako, ikaw ang naging ilaw niya. Kaya hindi ko kailanman ipagkakait sa kanya ang pagmamahal mo. Hindi ko siya aagawin sa’yo, Belle. Sa halip, gusto kong makasama siya—tayong dalawa. Tayong tatlo nina Luke… bilang iisang pamil

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status