Share

CHAPTER 09: The Invitation

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2024-05-13 12:07:24

HINDI ALAM ni Amanda kung paanong natapos niya ang isang tugtog kahit pa medyo distracted siya ngayon. Kagabi, dahil sa napanuod niya, parang hindi siya makapag-function bigla. Pero hindi dapat niya iniisip iyon. Kailangan niyang magfocus sa mga bagay na mas kailangang pagtuonan ng pansin.

Habang ilinalagay niya sa case ang kaniyang violin, natapunan ng pansin ni Amanda ang babaeng tila naghihintay sa kaniya sa labas. Bahagya siyang napatigil sa paggalaw.

Ang isa pang Mrs. Torregoza, si Therese na ina ni Thek.

Napatuwid ng tayo si Amanda dahil nakatingin sa kaniya ang ginang na para bang siya ang hinihintay. Kaya naman noong lumabas na siya, kaagad siyang sinalubong ni Therese na may seryosong ekspresyon sa mukha.

"May magandang coffee shop sa labas, baka gusto mong magkape muna bago pumunta sa kung saan ang susunod mong pupuntahan?"

Nagulat si Amanda sa pag-anyaya ni Therese. Pero tumango pa rin siya. Kung anong pakay ngayon sa kaniya ng ina ni Theo, hindi niya alam. Naunang maglakad
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Zarrah Cantos Catacutan
nakakainis lang
goodnovel comment avatar
Max Zane Majadas
208 na Ako tapos bumalik sa 16 ang Dami ko nang Pera nagasto nitong story nato
goodnovel comment avatar
Max Zane Majadas
paano ibalik last episode na binabasa mo kac bumabalik sa unang episode eh!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 288: The Regret

    "DADDY! UP po!" sigaw ni Baby Alex nang mapansin ang presensya ni Theo. Agad namang napangiti si Theo at kinarga ang anak. Nagtama ang kanilang tingin ni Amanda na napaiwas lang din ng tingin sa huli. Nailang siya bigla kasi nahuli siya ni Theo na tumutugtog ulit. Nahiya siya kasi hindi naman siya kasing galing gaya noon. Alam niya iyon sa sarili at hindi naman niya itatanggi."Tinuturuan mo pala ang anak natin..." ani Theo kay Amanda.Tumango si Amanda. "Oo. Hindi saw siya makatulog agad, eh," sagot naman niya.Natahimik ulit sila at tanging ang boses ni Baby Alex ang nangibabaw sa buong kwarto. Tinatawanan nito si Shishi na kumakahol pa kahit na medyo antok na rin.Pero binasag ni Theo ang katahimikan sa pagitan nila. "Amanda... gusto mo bang ipagpatuloy ang pagtugtog ulit?" marahang tanong nito sa malamlam na mga mata.Isang mapaklang ngiti ang namuo sa labi ni Amanda. "Bakit pa? Alam mo naman ang sitwasyon ko," mapait na wika niya."Pero passion mo pa rin iyan.""Alam ko. Pero no

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 287: The Violin

    BALISA SI THEO hanggang sa nakarating siya sa kaniyang kotse. Maging ang kaniyang driver ay hindi siya makausap ng matinonat nanatili itong tulala dahil sa napagtanto niya kani kanina lang.Aandar na sana ang sasakyan papalayo pero may kumatok na babae sa bintana ng kotse."Jennie?" takhang sabi ni Theo nang naging malinaw ang itsura ng babae sa labas ng kaniyang sasakyan.Parang wala sa sarili ang babae. Parang kaunting kalabit na lang ay maluluha ito bigla pero nang nasilayan ang mukha ni Theo ay nagkabuhay bigla ang ekspresyon nito."S-Sir Theo..."Kumunot ang noo ni Theo. "Ano na namang kailangan mo sa akin, Jennie?" tanong niya sa babae sa matigas na boses.Napayuko si Jennie at pinaglaruan ang kamay. Parang nag iisip ito kung sasagot pa o hindi. Pero kalaunan, nagkaroon din siya ng lakas ng loob para magsalita."Gusto lang kitang makita..." halos pabulong na wika nito na hindi nakatakas sa pandinig ni Theo.Isang mapang uyam na tawa ang kumawala sa labi ni Theo at napailing ilin

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 286: The Real Relationship

    "IKAW ANG BAHALA. Kompaniya mo naman iyan. Hindi ko ugaling makialam na lang basta basta," sagot ni Amanda habang napangisi na lang sa loob loob niya.Lumalim na ang gabi. Sa mansion, nanlagkit bigla si Amanda dahil maghapon sa labas. Nauna na siyang maligo at nagtungo sa banyo. Pero hindi naman niya inaasahan ang biglaang pagsunod sa kaniya ni Theo. Napasinghap pa siya sa gulat."Theo, ano ba? Bakit ka ba sumunod dito? Ang gago mo talaga..." asik niya sa lalaki na halatang hindi naman naapektuhan dahil talagang lumapit pa ito sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran."Oo na, gago na kung gago. Pero itong gagong ito... mahal na mahal ka," pabulong na wika ni Theo sa puno ng tenga ni Amanda.Namilog naman ang mga mata ni Amanda sa sobrang gulat. Pilit niyang inignora ang init na tumutupok sa mga katawan nila at ipinokus ang isip sa sinabi ni Theo.Matapang na hinarap ni Amanda si Theo habang nag iinit ang sulok ng kaniyang mga mata. Hindi niya inaakala na ngayon ay maririnig niya ang

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 285: The Woman She Wants To Fire

    NAGBONDING MUNA ang mag ama at hinayaan naman iyon ni Amanda. Makailang minuto lang ang lumipas ay pumasok bigla si Secretary Belle na bahagyang ikinagulat rin naman ni Amanda kasi syempre, ang tagal din nilang hindi nagkita. Nagulat din si Secretary Belle sa presensya niya pero kalaunan ay ngumiti rin."Secretary Belle... ang tagal nating hindi nagkita," ani Amanda at ngumiti.Tumango si Secretary Belle. "Oo nga, eh. Catch up tayo sa baba? Kape lang saglit, kung ayos lang sa iyo, Ma'am Amanda...""Oo naman," sagot ni Amanda. Wala naman siyang maling makita para hindian ang alok ni Secretary Belle. Maayos naman ang trato nito sa kaniya noon kahit papaano. At naalala niyang ibinilin niya nga pala si Theo at ang anak nila rito para tulungan ang lalaki sa pag aalaga. May sinabi pa si Secretary Belle kay Theo tungkol sa trabaho nito. Kinailangan muna nito ang lumabas sa opisina para sa isang importanteng meeting. Sumama naman si Baby Alex na parang ayaw ng humiwalay sa ama. Pati si Shish

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 284: The Kiss

    NAGPAALAM DIN NAMAN si Amanda kay Sylvia at nagsabi na aalis muna at may kailangan siyang asikasuhin. Mabilis ang kilos niya kaya hindi na niya napansin ang bulto ni Theo na nakatayo sa harapan niya. Nagkabanggaan tuloy sila.Sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ni Amanda parang nahuli siya sa isang bagay na ginawa niyang mali. Naging concern niya bigla ang mga sinabi niya kay Sylvia.Posible bang narinig iyon lahat ni Theo?Napalunok na lang si Amanda at parang hindi alam ang sasabihin bigla. Pero bago pa man niya maibuka ang labi para magsalita, naunahan na siya ni Theo."Uhm, pupunta ako mamaya sa kompaniya. Nakaschedule mamaya ang check up ng anak natin, hindi ba?" kaswal na tanong ni Theo. Nagpanggap na lang siyang walang alam sa naging usapan nila Amanda at Sylvia.Wala sa sariling tumango si Amanda. "O-Oo."Ewan ba ni Amanda kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Para siyang nahuli sa isang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa! Bakit ba ganito?"Sasama sana ako. Dumaan

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 283: The Eavesdropping

    "T-THEO..." IYON LANG ang tanging nasambit ni Amanda sa mga oras na iyon.At doon palang alam na agad ni Theo kung ano ang sagot nito sa sinabi niya. Hindi naman siya tanga para hindi mapagtanto iyon. Pero mali bang umasa? Umaasa siya sa isang bagay na imposible namang maibigay sa kaniya."Pero... kung gusto mo, ako na lang ang laging dumalaw sa inyo. Kaya ko naman magpabalik balik," dagdag pa ni Theo.Mas lalong imposible rin iyon. May trabaho siya. May kompaniya siyang kailangang patakbuhin. Hindi pwedeng laging pabalik balik siya. Pero... susubukan naman niya kung iyon ang gusto ni Amanda, eh. Wala siyang pakialam kung mahirapan siya. Wala siyang pakialam kung mapagod siya. Ang importante, makasama niya ang mag ina niya.Walang nagsalita sa pagitan nila pagkatapos no'n. At hindi mapigilan ni Theo ang masaktan dahil sa simpleng pananahimik ni Amanda na iyon, alam na alam na niya ang sagot nito.Niyakap na lang ni Theo si Amanda. Dahil sa panghihina sa ginawa nila, hindi nakapalag si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status