Share

CHAPTER 260: The Father And Daughter

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2025-05-28 22:51:28

AKALA NI THEO ay namamalikmata lang siya. Pero si Amanda talaga itong nasa harapan niya ngayon. Hindi niya inaasahan na makikita niyo ito ngayon dito lalo pa at may dinalaw lang siyang business partner niya at tinanong ang progress ng isa sa mga product na finoformulate nila ngayon.

"Amanda, ikaw nga..." ani Theo at mas lumapit pa kay Amanda.

"D-Diyan ka lang!" natatanrantang sabi ni Amanda nang humakbang na papalapit si Theo. Paanong hindi siya matataranta eh, kalapit lang ang kwarto ni Baby Alex. Baka magkita ang mga ito agad! Wala pa sa plano iyon.

"Huh?" Naguguluhan na sabi ni Theo na ngayon ay may kunot na sa noo. Bakit naman kasi ayaw siya nitong papalapitin sa kaniya? Syempre, gusto niya itong makita sa malapitan.

"Diyan ka lang sabi, eh!" asik ni Amanda nang muli na namang humakbang si Theo.

Mas lalo lang naguluhan si Theo. Ngunit may napansin siya kay Amanda. Namumula ang mga mata nito na tila ba umiyak. Nagtakha naman siya. Anong dahilan o rason ng pag iyak nito?

"Ayos ka la
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Visitor
Girl po sya dati pa
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
girl sya hehe pwede babae pwede lalaki ang Alex na name
goodnovel comment avatar
Jenerose L. Sabondo
girl ang anak ni Amanda at theo ano kaba?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 267: The Hotel Room

    NAPANSIN NG GINANG NA hindi na gaanong kumportable si Amanda sa binuksan niyang topic kaya iniba na lang niya ang usapan. Mabuti na lang din dahil ayaw ngang pag usapan ang mga bagay na iyon.Medyo late na nang natapos ang party na iyon. Lumabas si Amanda mula sa venue. Nagkahiwalay na rin sila ng landas ni Eva Allejo ana mukhang ayaw pa siyang pakawalan dahil halatang nabitin sa kwentuhan nila. Pero nauna rin namang umalis ang babae dahil dumating ang sundo nito.Habang nakatayo si Amanda, may isang sasakyan bigla ang tumigil sa harapan niya. Bumukas ang pintuan no'n ay iniluwa si Theo. Bakas na bakas ang gulat sa mukha ni Amanda nang makita ang lalaki pero mas nadagdagan lang ang gulat na iyon nang bigla siyang hinila nito at yinakap ng mahigpit."T-Theo!" asik ni Amanda sa lalaki lalo pa nang hilahin siya nito sa backseat ng kotse. Dahil sa gulat, hindi agad nakabawi si Amanda. Ayaw siyang pakawalan ni Theo!May pinindot na kung ano si Theo na siyang nakapagpababa ng harang sa pagi

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 266: The Curiosity

    TATLONG ARAW ANG lumipas at muling nasilayan ni Theo si Amanda sa isang charity dinner. Galing pa siya sa trabaho kaya medyo pagod pero nang nakita ang babae, nabura iyon bigla.Ang kaso, ang tuwa sa dibdib ay agad ding nabura nang makita na may kasama itong lalaki. Kausap niya ito at tila may nakakatuwa sa kung anong pinag uusapan nila kaya napakuyom na lang ng kamao si Theo."Theo, kumalma ka..." bulong ni Theo sa sarili dahil baka bigla na lang niyang mahila si Amanda papalayo sa lalaking kausap nito.Kinalma niya ang sarili lalo pa at nagsimula na ang auction for a cause. May pinabid na necklace ang emcee kaya napunta doon ang atensyon ng lahat. At dahil sa pagtitig ni Theo kay Amanda, ni hindi niya namalayan na nakuha na ang kwintas at ang kasama ni Amanda ang nakakuha no'n.Tuwang tuwa ang lahat, maging si Amanda na malawak ang ngiti at kasama sa mga pumapalakpak.Mas lalo lang nawalan ng gana si Theo dahil do'n. Gustuhin man niyang umiwas, pero talaga namang pasaway ang mga mat

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 265: The Voice

    NANG LUMABAS NA si Theo sa apartment nila Amanda ay nanatili muna siya sa loob ng kaniyang kotse at nanigarilyo saglit. Magpapakalma muna siya dahil magulo pa ang isipan niya.Ang kaso, natigil ang paghithit niya sa sigarilyo nang nakita ang medical records sa dashboard ng kaniyang kotse. "Dapat ko ng tigilan 'to..." bulong niya sa sarili bago itapon ang sigarilyo. Mas makakasama sa anak niya kung ganitong magpapatuloy pa siya sa paninigarilyo. Wala naman kasi itong maidudulot na mabuti. Makalipas ang ilang minuto, pinaandar na rin papalayo ni Theo ang kotse. At ilang saglit lang, nakarating na siya sa family house nila Amanda kung saan siya tumutuloy ngayon.Pagkarating doon ay nakita niya agad ang isang taong hindi niya inaasahan na darating ngayon. Wala naman kasi silang usapan na dapat silang magkita ngayon."Anong ginagawa niyo dito, Mom?" takhang tanong ni Theo kay Therese."Gusto kitang makausap tungkol sa isang importanteng bagay, Theo," seryosong wika ni Therese at halos h

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 264: The Smile

    PORMAL NA PORMAL ang kasuotan ni Theo. Tapos ito siya, talaga namang game na game na kumilos sa kusina. Walang arte ito doon kahit na nauusukan na ito. Napapangiti pa nga ito dahil natutuwa ito sa mga mumunting hagikhik ni Baby Alex.Nang kumain na sila, asikasong asikaso ni Theo ang anak. Kandong niya ito sa kaniyang hita at ito pa mismo ang nagsusubo ng pagkain dito."More pa, baby?" marahang tanong ni Theo sa anak."Yes, daddy!" sagot naman nito. Agad naman itong sinubuan ni Theo. Napangiti na lang ulit si Theo.Napansin iyon ni Amanda. Magana kasing kumain ngayon si Baby Alex. Hindi naman ito ganito. Ngayon lang na mayroon si Theo. Kumakain naman ito ng tama lagi pero ngayon kasi, masaya ito kaya kain ito ng kain. Napatingin na lang si Amanda sa kaniyang pagkain at nagpatuloy sa pagsubo. Mas lalo lang siyang naguguluhan kung ano ang dapat gawin. Kaya ba niyang ilayo ang ganitong kasiyahan ng anak niya? Kaya ba niyang ilayo ang anak niya kay Theo?Dahil sa pananahimik ni Amanda, h

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 263: The Feelings

    "A-ANO BANG PAKIALAM mo?" iritadong sabi ni Amanda. Pero nahalata agad ni Theo na tila nagtatapang tapangan lang ito kaya sa loob loob niya ay napangisi siya."Amanda... wala ka bang naging karelasyon sa mga nagdaang taon? Dahil kung meron man... hindi ka magiging ganito kaapektado," sabi naman ni Theo."Kung anu ano ang pinagsasabi mo, Theo. Itigil mo nga 'to!" asik pa ni Amanda kay Theo. This time, talagang ibinigay na niya ang lakas niya upang tuluyang makawala kay Theo. Mukhang nagtagumpay naman siya dahil bahagya nga siyang nakawala. 'Yon nga lang, nahuli naman siya agad ni Theo sa kaniyang pulsuhan ulit. Mabilis ang kilos ng lalaki at wala naman siyang laban dahil mas malakas ito."Anong meron sa inyo ni Harold, Amanda? Ni minsan ba, sumagi sa isip mo na... piliin siya? Na siya na lang ang kasama mong magsettle down?" lakas loob na tanong ni Theo.Napalunok na lang si Amanda at sinubukan na tapangan ang ekspresyon kahit na medyo kabado talaga siya. "Hindi ko kailangang sagutin i

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 262: The Earring

    IMBES NA SAGUTIN, naging tahimik lang si Amanda. Halatang ayaw nitong ientertain ang sinabi ni Theo. Nanlumo naman si Theo doon. Gusto niyang maliwanagan pero paano kung si Amanda na mismo ang umiiwas? Ayaw naman niyang pilitin ito.Napabuntong hininga si Theo at umiwas na rin ng tingin. "Bibisita na lang ulit ako mamayang gabi o kapag maluwag ang schedule ko. Basta gagawan ko ng paraan para mas makasama ko ng matagal ang anak ko," may pinal na sabi pa niya.Kumunot ang noo ni Amanda. "Pero..." aalma pa sana ito pero napaigting na lang ng panga si Theo. Pinigil ni Amanda ang sariling magsalita."Sana 'wag mong ipagdamot sa akin iyon, Amanda. Sandali lang naman. Ang haba ng panahon na hindi ko siya nakita kaya gusto kong sulutin iyon ngayong nandito na siya ulit," sagot naman ni Theo.Napalunok si Amanda bago unti unting tumango. "Sige. Ikaw ang bahala," aniya at hindi na talaga sinalubong pa ang tingin ni Theo.Tumango lang si Theo pero tila malaking tinik ang nabunot sa dibdib niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status