Share

CHAPTER 114: The Dream To Have A Baby

Penulis: YULIANNE
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-25 09:17:20

HINDI AGAD nakapagsalita si Theo. Kinuhang tsansa iyon ni Amanda para magpatuloy upang mailabas ang kaniyang nararamdaman.

"Oo, nakinabang ako sa pera at kapangyarihan mo. Oo, marami kang naibigay na sa akin... pero kung tutuusin, quits lang naman tayo, ah? Pahiyang pahiya ang pagkatao ko sa iyo at marami kang ginawang pagpapasakit sa buhay ko! Sapat na bang kabayaran iyon?"

Kumunot lalo ang noo ni Theo. "Ano na naman ba 'to, Amanda? Saan patungo itong mga pinagsasabi mo ngayon?" tanong pa nito at hindi na rin maipinta ang mukha.

Kahit masakit pa ang katawan ni Amanda at mataas pa rin ang lagnat, pinilit niya ang sariling hubadin ang singsing niya, ang hikaw, kwintas at inilagay sa bedside table. Ang ilang mga alahas na paborito niyang gamitin mula pa noon... tinanggal na niya lahat.

Bakas ang kalituhan sa mukha ni Theo dahil sa ginawa niya.

"'Yan lang ang ilan sa mga gamit na galing sa pera mo. 'Wag kang mag alala, lahat ng mga damit ko at kasuotan na nanggaling sa pera mo, ibabalik
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (6)
goodnovel comment avatar
Mercy Tubil Banlat Edulag
ang tagalong nman ng kasunod
goodnovel comment avatar
Edeline Alvarez
ang tagal ng update nila puro nlng sila amanda ala n bang bgo
goodnovel comment avatar
Malou Palacios Calzado
lalong hndi nakakatuwa dahil walang update nkakainis
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 290: The Gentleness In Her Voice

    "LUIGI..." HALOS manginig na ang boses ni Therese habang nakatitig sa lalaking minsan niyang pinag alayan ng kaniyang pagmamahal.Gulat pa rin talaga siya dahil nagpakita na ito. Matagal na niyang natanggap na wala na ang asawa niya at sumama sa ibang babae. Mas pinili nito ang iba kaysa sa kanila. Talagang inanakan pa nito ang babaeng kinalantari nito.Napakuyom na lang ang kamao ni Therese. Matigas ang ekspresyon niya habang nakatitig sa lalaki na akala mo ay walang nangyari sa nagdaang taon at ang kapal ng mukhang humarap sa kaniya ngayon."Bakit ka pa bumalik?" tanong ni Therese habang masama na ang tingin sa lalaki.Humakbang papalapit si Luigi pero napaatras lang muli si Therese. Para saan pa? Hinding hindi na siya papayag na malapitan siya ng lalaki! Para sa kaniya, matagal ng patay ang asawa niya..."MOMMY, GUSTO KO pa pong magplay!" maktol ni Baby Alex nang nakarating na sila sa bahay. Naawa naman bigla si Amanda kasi kinailangan talagang maputol ang paglalaro nito kanina d

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 289: The Father Is Back

    "MAY NAPANSIN AKO diyan kay Theo kanina..." salubong ni Sylvia kay Amanda kinaumagahan.Patay malisya namang bumaling si Amanda sa babae, kahit na may alam na siya kung bakit. Alam naman niyang nawalan ng mood si Theo dahil sa naging pag uusap nila kinaumagahan. Hindi naman niya masisisi ang lalaki sa inaakto nito pero alam naman niyang valid ang rason niya kung bakit nasabi niya ang mga iyon."Ano iyon, Ma?" tanong ni Amanda at nag iwas ng tingin."Medyo ilag siya pati sa anak niya. May alam ka ba kung bakit?" tanong pa ni Sylvia."Wala, Ma," sagot naman ni Amanda. "Uhh... oo nga po pala, ipapasyal ko ang anak ko mamaya diyan lang sa malapit na park. Para naman makalanghap siya ng sariwang hangin.""Naku, mabuti pa iyan! Pero pwede bang sumama ako?"Ngumiti si Amanda. "Oo naman, Ma."Umakyat na muna saglit si Amanda para magpalit at ihanda si Baby Alex na tuwang tuwa nang nalaman niya ang plano ni Amanda. Naglakad lang sila papunta sa park kalaunan. Excited na excited si Baby Alex pe

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 288: The Regret

    "DADDY! UP po!" sigaw ni Baby Alex nang mapansin ang presensya ni Theo. Agad namang napangiti si Theo at kinarga ang anak. Nagtama ang kanilang tingin ni Amanda na napaiwas lang din ng tingin sa huli. Nailang siya bigla kasi nahuli siya ni Theo na tumutugtog ulit. Nahiya siya kasi hindi naman siya kasing galing gaya noon. Alam niya iyon sa sarili at hindi naman niya itatanggi."Tinuturuan mo pala ang anak natin..." ani Theo kay Amanda.Tumango si Amanda. "Oo. Hindi saw siya makatulog agad, eh," sagot naman niya.Natahimik ulit sila at tanging ang boses ni Baby Alex ang nangibabaw sa buong kwarto. Tinatawanan nito si Shishi na kumakahol pa kahit na medyo antok na rin.Pero binasag ni Theo ang katahimikan sa pagitan nila. "Amanda... gusto mo bang ipagpatuloy ang pagtugtog ulit?" marahang tanong nito sa malamlam na mga mata.Isang mapaklang ngiti ang namuo sa labi ni Amanda. "Bakit pa? Alam mo naman ang sitwasyon ko," mapait na wika niya."Pero passion mo pa rin iyan.""Alam ko. Pero no

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 287: The Violin

    BALISA SI THEO hanggang sa nakarating siya sa kaniyang kotse. Maging ang kaniyang driver ay hindi siya makausap ng matinonat nanatili itong tulala dahil sa napagtanto niya kani kanina lang.Aandar na sana ang sasakyan papalayo pero may kumatok na babae sa bintana ng kotse."Jennie?" takhang sabi ni Theo nang naging malinaw ang itsura ng babae sa labas ng kaniyang sasakyan.Parang wala sa sarili ang babae. Parang kaunting kalabit na lang ay maluluha ito bigla pero nang nasilayan ang mukha ni Theo ay nagkabuhay bigla ang ekspresyon nito."S-Sir Theo..."Kumunot ang noo ni Theo. "Ano na namang kailangan mo sa akin, Jennie?" tanong niya sa babae sa matigas na boses.Napayuko si Jennie at pinaglaruan ang kamay. Parang nag iisip ito kung sasagot pa o hindi. Pero kalaunan, nagkaroon din siya ng lakas ng loob para magsalita."Gusto lang kitang makita..." halos pabulong na wika nito na hindi nakatakas sa pandinig ni Theo.Isang mapang uyam na tawa ang kumawala sa labi ni Theo at napailing ilin

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 286: The Real Relationship

    "IKAW ANG BAHALA. Kompaniya mo naman iyan. Hindi ko ugaling makialam na lang basta basta," sagot ni Amanda habang napangisi na lang sa loob loob niya.Lumalim na ang gabi. Sa mansion, nanlagkit bigla si Amanda dahil maghapon sa labas. Nauna na siyang maligo at nagtungo sa banyo. Pero hindi naman niya inaasahan ang biglaang pagsunod sa kaniya ni Theo. Napasinghap pa siya sa gulat."Theo, ano ba? Bakit ka ba sumunod dito? Ang gago mo talaga..." asik niya sa lalaki na halatang hindi naman naapektuhan dahil talagang lumapit pa ito sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran."Oo na, gago na kung gago. Pero itong gagong ito... mahal na mahal ka," pabulong na wika ni Theo sa puno ng tenga ni Amanda.Namilog naman ang mga mata ni Amanda sa sobrang gulat. Pilit niyang inignora ang init na tumutupok sa mga katawan nila at ipinokus ang isip sa sinabi ni Theo.Matapang na hinarap ni Amanda si Theo habang nag iinit ang sulok ng kaniyang mga mata. Hindi niya inaakala na ngayon ay maririnig niya ang

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 285: The Woman She Wants To Fire

    NAGBONDING MUNA ang mag ama at hinayaan naman iyon ni Amanda. Makailang minuto lang ang lumipas ay pumasok bigla si Secretary Belle na bahagyang ikinagulat rin naman ni Amanda kasi syempre, ang tagal din nilang hindi nagkita. Nagulat din si Secretary Belle sa presensya niya pero kalaunan ay ngumiti rin."Secretary Belle... ang tagal nating hindi nagkita," ani Amanda at ngumiti.Tumango si Secretary Belle. "Oo nga, eh. Catch up tayo sa baba? Kape lang saglit, kung ayos lang sa iyo, Ma'am Amanda...""Oo naman," sagot ni Amanda. Wala naman siyang maling makita para hindian ang alok ni Secretary Belle. Maayos naman ang trato nito sa kaniya noon kahit papaano. At naalala niyang ibinilin niya nga pala si Theo at ang anak nila rito para tulungan ang lalaki sa pag aalaga. May sinabi pa si Secretary Belle kay Theo tungkol sa trabaho nito. Kinailangan muna nito ang lumabas sa opisina para sa isang importanteng meeting. Sumama naman si Baby Alex na parang ayaw ng humiwalay sa ama. Pati si Shish

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status