MARAHAS ANG pag iling ni Loreign habang umiiyak dahil sa sinapit ni Amanda. Sobra siyang nasaktan para sa kaibigan. Hirap na hirap si Amanda samantala ni wala man lang ginawa si Theo para mapabuti ang kaibigan niya at mas pinili pa si Sofia! Si Sofia na alagang alaga ng mga propesyonal at nabigyan ng sapat na atensyon. Pero ang kaibigan niya, ni wala man lang tumingin ni isang doktor! Malawak at malaki ang koneksyon ni Theo pero hindi man lang ito gumawa ng paraan! Galit na galit si Loreign na hindi na niya namalayan pa ang pagkalaglag ng hearing aid niya. Medyo kumalma lang siya nang maramdaman ang pagyakap sa kaniya ni Amanda mula sa likuran."Ayos lang ako, Loreign. Tama na..." pabulong na wika ni Amanda sa kaniya.Kahit kumalma na si Loreign ay masama pa rin ang ipinukol na tingin kay Theo. Pinulot naman agad ni Amanda ang nahulog na hearing aid ni Loreign at ibinigay agad iyon sa kaniya. Isang ngiting basag ang isinukli niya sa kaibigan na para bang nagsasabing okay lang siya b
$$DETERMINADO SI Amanda na makalayo kay Theo pagkadischarge niya sa ospital. Baka maabutan siya ni Theo kaya mabilis ang paglalakad niya. Pero napatigil siya nang nakasalubong niya ang babaeng dahilan ng lahat ng paghihirap niya ngayon sa labas ng ospital. Si Sofia...Nakawheelchair si Sofia at halatang siya ang sadya niya. Pinaandar nito ang wheelchair para mas mapalapit kay Amanda. Kahit sa simpleng paggalaw nito ay mahahalata mo na agad na nanghihina na ito.Akmang tatanungin na ni Amanda kung anong kailangan ni Sofia sa kaniya pero bigla na lang itong umiyak at hinawakan ang kamay niya nang mahigpit."Amanda, mali ang pagkakaintindi mo sa lahat ng nangyari. Tungkol kay Theo--"Kaagad umiling si Amanda at pinigilan ito sa dapat na sasabihin. "Tama na. Buo na ang desisyon ko kaya 'wag ka nang magpaliwanag pa," putol niya dito."P-Pero ang totoo lang naman kasi ay convern lang siya sa kalagayan ko. Wala nang mas higit pa doon. Confused lang siguro si Theo."Mapaklang ngumiti si Aman
ANG HIRAP ISIPIN na hindi na kagaya noon ang kamay ni Amanda. Pakiramdam niya ay nawalan siya bigla ng buhay sa kaalamang maaring hindi na siya makakatugtog. Kahit anong pang aalu sa kaniya ni Theo, hindi niya magawang kumalma.Pilit siyang niyayakap ni Theo para mapakalma mula sa pagwawala pero pinapalis niya lang ang hawak nito sa kaniya.Hanggang sa kumalma na nang kaunti si Amanda at tumalikod mula sa pwesto ni Theo. Ni ayaw niyang makita ang pagmumukha nito ngayon. Naiinis siya lalo kay Theo. Pero halos nanginig lang siya sa ginawang sumunod ni Theo. Nagawa pa nitong dampian ng magaan na halik ang kaniyang ulo na kaagad niya lang pinalis. Abot langit ang inis niya ngayon kay Theo na pakiramdam niya ay sasabog na siya!"Amanda..." Rinig ni Amanda na sinambit ni Theo. Kumuyom lang lalo ang kamay ni Amanda, naalala na naman lahat ng mga nangyari sa pagitan nila ni Theo. Ang paggamit nito sa katawan niya ng buong rahas at walang pag iingat... at ito ngayon, may gana pa itong magpaki
MALALA ANG TINAMONG mga sugat ni Amanda. Marami siyang galos at halos hindi niya maigalaw ang katawan. Kailangan na kailangan niya talaga ng suporta para makagalaw ng maayos pero kung si Theo lang din naman, ay 'wag na lang.Lahat ng offer nitong tulong at maging ang mga pagkain na dala nito, mariing tinatanggihan ni Amanda. "Ilayo mo nga sa 'kin 'yan! Ayaw ko sabi, eh!" Tumaas na ang boses ni Amanda kakasaway kay Theo habang may bitbit itong mangkok ng pagkain niya. Iminuwestra nito ang kutsara malapit sa bibig nito pero napuno na si Amanda. Gamit ang natitirang lakas niya, nagawa niyang tabigin iyon kaya kumalat na sa sahig ang laman ng mangkok na pagkain. Noong una ay nakaramdam siya ng konsensya pero naisip pa lang niyang si Theo ang magsusubo ng pagkain niya, sumasama na ang loob niya. Naiinis lang siya lalo at naaalala ang lahat ng sinapit niya. Si Theo ang pinaka dapat niyang sisihin dito! Siya lang!Matagal na tinitigan ni Theo ang natapong pagkain sa sahig habang nakaigting
"MAAARING DINALA kayo ng tadhana sa isa't isa sa mga nagdaang taon. Maganda man o pangit ang naging kahihinatnan ninyong dalawa, pero sa tingin ko, kailangan nang mawakasan ang lahat ng iyon. Nagustuhan ka noon ni Amanda noong medyo bata pa siya. Pero ngayon..." Napabuga ng hangin si Sylvia at napailing.Hindi magawang sumagot ni Theo, pilit niya pa ring prinoproseso lahat ng mga sinabi ni Sylvia. Hanggang sa umalis na nga ng tuluyan si Sylvia at iniwan na si Theo sa loob ng opisina niyang mag isa. Kumuyom ang kamao niya bago napasabunot ng sariling buhok.Natanaw niya sa labas ang kalmadong araw na papalubog, senyales na papatapos na naman ang araw. Kalmado ang lahat, kabaliktaran ng isip ni Theo na gulong gulo. Napabuntong hininga siya at hindi agad makapokus sa trabaho. Mayamaya lang ay biglang kumatok si Secretary Belle at pumasok muli sa loob ng opisina niya."Sir, nakarating po ang balita sa akin na umalis na raw ang mga Fabregas sa tinutuluyan nila ngayon. Maging ang mga nurse
HINDI NAKASAGOT agad si Amanda. Hindi sigurado kung handa ba siyang makinig kay Theo. Pero nang makita ang kaseryosohan ng lalaki ay parang nagkaroon siya ng lakas ng loob pakinggan ito. Hindi sumagot si Amanda pero nahinuha na agad ni Theo na payag nang makinig si Amanda."Noong bata ako, iniwan kami ng ama ko. Tandang tanda ko pa ang gabing iyon. Umuulan ng malakas sa labas pero... hindi siya nagpapigil. Pero alam mo kung anong mas masaklap?" Isang mapait na ngiti ang kumurba sa labi ni Theo. "Willing siyang iwanan ang lahat, makasama lang ang babae niya. Kaya niyang bitawan ang lahat ng tinamasa niyang magandang buhay para sa iba. Ni hindi man lang niya ako isinaalang ala na anak niya... kung iniisip pa niya ako ng mga panahon na iyon. Wala siyang kaalam alam na pagkatapos niya akong iwan, mas naging miserable lang lalo ang buhay ko sa pangongontrol ng sarili kong ina."Pilit na itinago ni Amanda ang gulat sa mukha. Hindi niya inaakalang mag oopen up si Theo sa mga ganitong bagay.
SUMUNOD NA araw, alas nueve ay nagpunta si Theo kay Amanda. May doktor na umeeksamin sa kalagayan nito ngayon. Kahit hindi siya gaanong tinatapunan ng pansin ni Amanda, matyaga pa rin siyang pumunta doon makita lamang ito.Mayamaya lang ay nakarinig sila ng katok sa pintuan. Si Secretary Belle iyon at dumiretsong bumulong kay Theo."Sir, flight na po ni Ms. Sofia ngayon," ani Secretary Belle.Kahit pabulong lang iyon ay hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Amanda. Walang emosyon lang itong tumingin kay Theo. At sa loob loob naman ni Theo ay hindi niya maiwasang mairita. Ni wala man lang reaksyon si Amanda! Lihim na lang na napailing si Theo bago tapunan ng tingin si Secretary Belle muli. "Alam ko, mauna ka na do'n," bilin niya sa sekretarya."Sige po, Sir," sagot ni Secretary BelleMakailang minuto lang ang lumipas ay umalis na rin ang doktor at pati na rin si Secretary Belle. Naiwan sina Amanda at Theo sa loob ng kwarto na walang imik sa isa't isa. Hanggang sa hindi na nga nakatiis p
HINDI NAGSALITA si Amanda at hinayaan si Theo na iayos ang pagkakahiga niya sa kama. Hanggang sa nagtapat ang kanilang mga mukha at nagtama ang kanilang paningin. Nakaramdam ng kakaibang hatak si Theo at natagpuan na lang ang sariling dinadampian ang labi ni Amanda ng buong suyo.Mabagal. Para bang nilalasahan nito ang tamis ng labi ni Amanda at tinutudyo upang ibuka iyon para sa kaniya. Na ginawa rin naman kalaunan ni Amanda.Isang malamyos na ungol ang kumawala sa labi ni Amanda nang ipinasok ni Theo ang dila sa loob ng bibig nito. Nang akmang papalalimin pa ni Theo ang halik, biglang umiwas ng tingin si Amanda na ikinabigla niya.Napabuntong hininga na lang si Theo. Mas magiging kumplikado lang kung ipipilit niya ang kagustuhang halikan si Amanda. Hindi pa siya umalis sa pwesto niya at may suyong tumingin sa mga mata ni Amanda."Hindi kita pipilitin. Naiintindihan ko, Amanda," halos pabulong na wika nito. Ang mainit at mabangong hininga nito ay bahagyang pumaypay sa mukha ni Amanda
TUMAWA SI ESMEDALDA upang pagtakpan ang kaba sa dibdib. Hindi niya maiwasang matakot dahil sa seryosong ekspresyon ni Theo ngayon sa harapan nila. Pero syempre, hindi niya ipapakitang kabado siya."A-Ano bang pinagsasabi mo diyan, Theo? Wala kaming alam diyan," ani Esmeralda bago nag iwas pa ng tingin."'Wag niyo akong gawing tanga! Bakit niyo ginawa lahat ng iyon sa akin?!" asik pa ni Theo na halatang nagpipigil ng magwala sa galit.Napalunok na lang si Esmeralda. "T-Theo, mali naman yatang nadadamay pa dito si Sofia. Wala na siya. Kahit kaunting respeto lang sa kaniya, pwede bang ibigay na lang natin iyon para sa ikatatahimik ng lahat? At wala talaga kaming alam sa sinabi mong paratang mong iyan..." litanya pa nito.Natawa na lang ng sarkastiko at napailing pa. Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Esmeralda ngayon."Talaga lang, huh? Respeto? Matapos lahat ng ginawa niya at pati na rin kayo? Sa tingin niyo deserve niya ni katiting na respeto ngayon? Hinayaa
HUMAHANGOS NA NAGISING si Theo. Ang panaginip niyang iyon ay tila totoo. Ramdam niya ang tagaktak ng pawis sa kaniyang noo pababa sa gilid ng pisngi. Sumikip din ang dibdib niya nang matandaan ang mukha ni Amanda na umiiyak sa panaginip niyang iyon.Napahilot na lang sa sentido si Theo dahil doon. Hindi na siya mapakali pa. Hindi na niya kayang ipagpabukas pa kaya kinuha niya ang flash drive na bigay sa kaniya ni Jennie at dumiretso sa study. Naupo siya sa swivel chair at binuksan ang kaniyang laptop. Isinalpak niya doon ang flash drive at binuksan ang files doon.Nakita niya agad ang folder doon ng raw version ng recording ni Sofia. Sa hindi malamang dahilan, kinakabahan na binuksan iyon ni Theo at umalingawngaw ang tugtog. Ganoon pa rin naman pero... walang maramdaman na kakaiba si Theo. Ibang iba sa naramdaman niya nang mga panahon na comatose siya."Parang may mali..." bulong pa ni Theo at inulit pa ang tugtog. Pakiramdam niya ay kulang sa emosyon ang tugtog. Hindi no'n nahaplos a
HINDI PINANSIN NI Theo ang ina. Napaisip din tuloy siya bigla.Maaaring hindi pa naproproseso ang divorce nila ni Amanda pero hindi pa rin magawang palitan ni Theo agad ang babae. Kasi sa loob loob niya, sa tingin niya ay kaya pa niyang isalba ang relasyon nilang mag asawa kapag magaling na si Amanda. Baka pwede pa...Pero tumagal ang tingin niya sa anak. Paano naman ito? Inaamin niyang may mga pagkukulang din siya bilang ama. At hindi niya masabi sa sarili kung kakayanin ba niyang maging magulang sa anak kahit mag isa lang siya. Hindi talaga maitatanggi na kailangan ni Baby Alex ng isang ina.At ayaw mang tanggapin ni Theo sa sarili, nakikita niyang may kakayahan talaga si Georgina na maging ina sa anak niya. At sa loob loob niya, parang kinokonsidera na niya ito...Napailing na lang siya. Hindi na niya namalayan pa ang paglayo ng ina niya. Lumipas pa ang oras at si Theo naman ang nag alaga sa anak dahil umalis na rin sina Georgina at Therese. Umiyak bigla si Baby Alex nang may gward
NAPAILING NA LANG si Theo sa sobrnag disappointment. Alam naman niyang may mga ganito ng pahaging ang ina niya pero hindi pa rin niya maiwasang mainis lalo. Aware naman din siya na nagkakaganito si Therese dahil na rin sa kalagayan ni Amanda at ayaw nitong malagay sa alanganin ang kompaniya nila at reputasyon na niya rin.Napabuntong hininga si Theo, sinubukan na ikalma ang sarili bago tuluyan ng pumasok. Nakita niya si Georgina na para bang nahihiya pang tumingin sa kaniya dahil halatang nanginginig ang kamay nito nang magtama ng bahagya ang kanilang tingin."Georgina, may ibibigay pala ako sa iyo, hija! Sana magustuhan mo itong simpleng regalo ko sa iyo," ani Therese kay Georgina at iniabot ang isang box na halatang galing pa sa isang mamahalin at sikat na brand.Tuwang tuwa naman na inabot iyon ni Georgina. "Oh. Thanks po, tita! Nag abala pa kayo..." nahihiyang saad nito bago buksan ang box. Bumungad sa kaniya ang isang mamahaling bracelet at talaga namang nagustuhan niya iyon kaya
NANG NAIWAN NA lang na mag isa si Theo, napahilot na lang siya ng sentido dahil sa stress kay Jennie. Sumagi rin sa isip niya si Amanda. Mas lalong bumigat ang loob niya dahil doon. Pakiramdam niya, ang habang panahon ng hindi niya nakita si Amanda kahit pa nasa kalagitnaan pa lang naman ng isang buwan.Aminin man ni Theo o sa hindi, namimiss na niya ang presensya niya Amanda."Amanda..." naiusal na lang ni Theo ang pangalan ng asawa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis pa. Hindi na niya kayang kimkimin ang pagpipigil niya. Tumayo siya sa sofa at lumabas ng kaniyang opisina. Natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob na ng kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital kung nasaan si Amanda ngayon."Kahit saglit lang, gusto kitang makita," naibulong na lang ni Theo sa sarili at mas binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang planong magpakita kay Amanda. Gusto niya lang itong makita kahit sa malayo. Pagkakasyahin niya ang sarili sa ganoong sitwasyon pansamantala dahil hindi iyon m
TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka