HINDI NAMAN tanga si Jason para hindi mapagtanto na rejected na siya kaagad kay Amanda. Ang mga pahaging niya sa babae ay parang binasura na nito bigla nang sabihing hindi pa ito nakamove on sa dating asawa. Ni hindi pa man siya nakakapagsimula, alam na niya agad na talo siya."Amanda!"Parehas silang napatingin sa lalaking tumawag kay Amanda. Hindi pamilyar kay Jason ang lalaki pero pagdating kay Amanda ay parang kilala nito.Gwapong gwapo si Gerald sa pormal na suot nito ngayon. Madaming napapatingin pero mukhang wala rin naman itong pakialam. Nagmartsa ito papalapit sa direksyon ni Amanda.Napataas tuloy ang kilay ni Jason. Napagtanto niyang mukhang magkakilala si Amanda at ang lalaki kaya hindi na niya naiwasan pang magtanong. "Siya ba 'yong... dati mong asawa?"Kaagad umiling si Amanda. "Hindi! Kaibigan ko lang siya," mabilis na sagot niya.Tumango naman si Jason. "Okay. Sige, mukhang may importante kayong pag uusapan," sabi niya at binigyan sila ng espasyo para makapag usap. Uma
"NARINIG KO ang nangyari tungkol sa kaso ng kapatid mo..." ani Theo nang hindi sumagot muli sa kabilang linya si Amanda.Hindi naman na nagtakha si Amanda. Of course, sa lawak naman ng koneksyon ni Theo, talagang malalaman at malalaman niya ang nangyari tungkol sa kaso ng kapatid niya. "Naextend ng dalawa o higit na buwan ang trial date ang tungkol sa kaso ni kuya," ani Amanda. "Alam kong alam mo kung gaano kahalaga ito sa akin, Theo."Tumango tango si Theo. "Naiintindihan ko. Kaya kailangan nating pag usapan ng personal ang tungkol diyan. Hihintayin kita dito sa mansion," sagot niya.Hindi na sumagot pa si Amanda. Natapos na ang tawag at nasa labas pa rin si Amanda at napahigpit ang hawak niya sa sariling cellphone. Napabuga siya ng hangin. Magkikita na naman sila ni Theo. At hindi niya itatangging baka... may binabalak si Theo na mangyari sa kanila. Higit sa lahat, baka imbes na kamuhian niya ang maaaring gawin ni Theo, baka kabaliktaran pa ang mangyari.Kaagad na umiling si Amanda
SA PARAAN ng pagtitig ni Theo sa katawan ni Amanda, alam na agad ni Amanda kung ano ang gusto nitong kondisyon at kung ano ang gusto nitong mangyari. Hindi naman siya tanga para hindi agad mapagtanto iyon.Matiim na tumitig si Theo. "Paano kung... ang katawan mo ang gusto kong kapalit? Payag ka ba?" maaligasgas na tinig na tanong nito.Pilit nilunok muli ni Amanda ang bara sa lalamunan. Hindi siya sumagot agad at matapang na tumitig pabalik kay Theo. Hindi niya gustong magpaapekto pero pinangunahan siya ng nginig at pangamba. Pero kahit gano'n, pinilit niya ang sariling kumalma at unti unting ibinaba ang zipper ng kaniyang skirt.Mabagal ang kilos ni Amanda dahil sa panginginig. Pero nakasunod lamang ng tingin si Theo sa mga susunod nitong gagawin. Unti unting ibinaba ni Amanda ang skirt na siyang nagpaexposed sa kaniyang maputi at makinis na hita na siyang mas ikinatiim ng tingin ni Theo.At habang nakikita ni Amanda ang itim na mga mata ni Theo, nagbalik muli sa alaala niya ang gabi
MAS LALONG nanginig si Amanda. Goodness. Ano nga ulit itong pinasok niya? Knowing Theo... siguradong hindi ito tatanggi sa mga ganitong bagay! Ang lakas ng loob niyang mag alok pero ito siya... parang babaliktad na ang sikmura niya sa kaba!"Mag overnight ka na lang dito at 'wag nang umalis. Ang lungkot nitong bahay kapag wala ka..." halos pabulong na anas pa ni Theo.Lumalim ang gitla sa noo ni Amanda. Ano daw? Overnight? Hindi pwede!"Alam mong hindi ko papaunlakan iyan," malamig na sagot ni Amanda. Itong kondisyon na ito... maling mali na dahil divorced na sila tapos magoovernight pa siya?"Sige na, Amanda..."Umiling si Amanda. "Mali ito. Naappreciate ko lahat ng tulong mo sa akin at sa pamilya ko pero tapos na kung anong meron tayo. Tapos na ang marriage natin. At baka... nakakalimutan mo na rin kung bakit natapos ang lahat ng iyon...""Amanda, hindi mo naman kailangang ibring up lahat ng nangyari noon," sagot ni Theo na medyo frustrated na rin."Hindi pwedeng hindi ibring up dah
HINDI AGAD nakasagot si Amanda. Pero naglalaro na sa isip niya ang gustong mangyari ni Theo kapalit ng tulong niya. Gusto nitong magkabalikan sila at buoin muli ang meron sila noon. Sa totoo lang ay ayaw niya. Pero kasi... may bata nang involve dito. Kapag pumayag siya sa gusto ni Theo, sigurado siyang safe ang bata at pati si Loreign. Sa lawak ng koneksyon at kapangyarihan ni Theo, alam ni Amanda na walang magiging imposible para rito.Hindi naman maiwasan ni Theo ang mas mapatitig nang matagal kay Amanda. Napabuntong hininga siya nang mapagtantong mukhang ayaw nito sa gusto niya. "Kung ayaw mo naman ay wala namang problema sa akin. Pwede namang... palayuin mo si Loreign dito. Pwede siyang magpunta sa ibang lugar kagaya ng isla na hindi siya makikilala. Hindi pwedeng magstay pa siya dito," nasabi na lang ni Theo.Hindi pa rin umimik si Amanda. Narealize na lang ni Theo na baka gulong gulo pa ito. Kalaunan ay nang mapansin na tila ba nahimasmasan na ito bumaba si Theo sa kotse at pin
HINDI NA NAKATIIS pa si Amanda. Talagang sumama siya kay Loreign para ihatid ito at masigurong ayos lang siya. "Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala, Amanda. Pakiramdam ko, hindi ito totoo," hindi maiwasang sabihin ni Loreign. Bakas na bakas sa tono nito ang kaba. "At... feeling ko rin may mali. Ilang araw na pero parang walang nangyayari. Hindi ko maiwasang mag overthink na baka... baka may plinaplano sila sa akin at sa anak--""Shh. 'Wag mo ngang isipin iyan! Maingat tayo sa naging hakbang natin. Kaya walang mangyayari, okay?" ani Amanda sa kaibigan."O-Okay," sagot ni Loreign pero halatang hindi pa rin kumbinsido at mukhang kinakabahan. Naiintindihan naman ito ni Amanda. Talagang hindi na nito maiwasan pang mag isip ng kung anu ano dahil hindi na lang ang ang sarili nito ang kailangan na isaalang alang.Nang sa wakas ay oras na para magkahiwalay na talaga sila nang tuluyan, hindi na nila mapigilan pa ang mapaluha. Nagyakapan sila sa isa't isa."Magiging maayos din ang lahat, oka
TIGALGAL si Amanda matapos ibalita ng dontor ang sitwasyon ni Loreign. Hindi niya maapuhap ang tamang salita. Ang kaibigan niya... comatose. Tapos ang bata sa sinapupunan niya... wala na.Ang sakit! At kapag magising na si Loreign, hindi na siya magiging kagaya pa ng dati. Ano ba itong pagsubok na dumating sa buhay nilang mag ina? Ang saklap ng kinahinatnat nila pareho."Pwede mo na siyang dalawin mamaya sa ICU. Ililipat na siya doon," dagdag pa ng doktor nang hindi na nagsalita pa si Amanda."S-Salamat po, dok," ani Amanda nang makabawi at bahagya pang nautal dahil sa bikig sa lalamunan niya.Nang sa wakas ay iniwanan na siya ng doktor, bumalong masaganang luha mula sa mga mata niya. Ang sakit sa dibdib lahat ng mga nangyari. Si Loreign... ang dami niyang plano para sa kanila ng anak niya. Ang tanging gusto lang nito ay tahimik na buhay para sa anak. Plinano na niya lahat. Mamumuhay sila ng magiging anak niya ng matiwasay at payapa at magtatayo ng simpleng flower shop para may mapagk
GABI NA pero hindi magawang iwan ni Amanda si Loreign. Pinagmamasdan niya lang ito kahit na tulog na tulog pa rin ang kaibigan niya. Bumisita rin kinagabihan si Sylvia. Nalaman nito ang nangyari at may dala pang soup para sana kay Loreign pero nadismaya siya at nalungkot dahil hindi naman niya alam na walang malay ang kaibigan ni Amanda. Anak na rin naman ang turing ni Sylvia kay Loreign kaya hindi niya ring maiwasang maglabas ng hinanakit."Ang sasama ng mga may gawa nito kay Loreign! Bakit kailangang humantong sa ganito?" humihikbing tanong ni Sylvia habang dumadaloy ang luha sa pisngi.Tahimik lang din napaluha si Amanda dahil sa naging reaksyon ni Sylvia. Kalaunan ay parehas na silang kumalma. Hinarap ni Sylvia si Amanda."Wala ka pang pahinga, Amanda," puna ni Sylvia kay Amanda. "Hindi ka man lang nakapagpalit ng damit at ligo man lang. Ikaw na ang nagbantay sa kaniya pagkatakbo dito sa ospital. Pwede namang ako na muna dito. Sasabihan na lang kita agad kung may balita na kay Lo
TUMAWA SI ESMEDALDA upang pagtakpan ang kaba sa dibdib. Hindi niya maiwasang matakot dahil sa seryosong ekspresyon ni Theo ngayon sa harapan nila. Pero syempre, hindi niya ipapakitang kabado siya."A-Ano bang pinagsasabi mo diyan, Theo? Wala kaming alam diyan," ani Esmeralda bago nag iwas pa ng tingin."'Wag niyo akong gawing tanga! Bakit niyo ginawa lahat ng iyon sa akin?!" asik pa ni Theo na halatang nagpipigil ng magwala sa galit.Napalunok na lang si Esmeralda. "T-Theo, mali naman yatang nadadamay pa dito si Sofia. Wala na siya. Kahit kaunting respeto lang sa kaniya, pwede bang ibigay na lang natin iyon para sa ikatatahimik ng lahat? At wala talaga kaming alam sa sinabi mong paratang mong iyan..." litanya pa nito.Natawa na lang ng sarkastiko at napailing pa. Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Esmeralda ngayon."Talaga lang, huh? Respeto? Matapos lahat ng ginawa niya at pati na rin kayo? Sa tingin niyo deserve niya ni katiting na respeto ngayon? Hinayaa
HUMAHANGOS NA NAGISING si Theo. Ang panaginip niyang iyon ay tila totoo. Ramdam niya ang tagaktak ng pawis sa kaniyang noo pababa sa gilid ng pisngi. Sumikip din ang dibdib niya nang matandaan ang mukha ni Amanda na umiiyak sa panaginip niyang iyon.Napahilot na lang sa sentido si Theo dahil doon. Hindi na siya mapakali pa. Hindi na niya kayang ipagpabukas pa kaya kinuha niya ang flash drive na bigay sa kaniya ni Jennie at dumiretso sa study. Naupo siya sa swivel chair at binuksan ang kaniyang laptop. Isinalpak niya doon ang flash drive at binuksan ang files doon.Nakita niya agad ang folder doon ng raw version ng recording ni Sofia. Sa hindi malamang dahilan, kinakabahan na binuksan iyon ni Theo at umalingawngaw ang tugtog. Ganoon pa rin naman pero... walang maramdaman na kakaiba si Theo. Ibang iba sa naramdaman niya nang mga panahon na comatose siya."Parang may mali..." bulong pa ni Theo at inulit pa ang tugtog. Pakiramdam niya ay kulang sa emosyon ang tugtog. Hindi no'n nahaplos a
HINDI PINANSIN NI Theo ang ina. Napaisip din tuloy siya bigla.Maaaring hindi pa naproproseso ang divorce nila ni Amanda pero hindi pa rin magawang palitan ni Theo agad ang babae. Kasi sa loob loob niya, sa tingin niya ay kaya pa niyang isalba ang relasyon nilang mag asawa kapag magaling na si Amanda. Baka pwede pa...Pero tumagal ang tingin niya sa anak. Paano naman ito? Inaamin niyang may mga pagkukulang din siya bilang ama. At hindi niya masabi sa sarili kung kakayanin ba niyang maging magulang sa anak kahit mag isa lang siya. Hindi talaga maitatanggi na kailangan ni Baby Alex ng isang ina.At ayaw mang tanggapin ni Theo sa sarili, nakikita niyang may kakayahan talaga si Georgina na maging ina sa anak niya. At sa loob loob niya, parang kinokonsidera na niya ito...Napailing na lang siya. Hindi na niya namalayan pa ang paglayo ng ina niya. Lumipas pa ang oras at si Theo naman ang nag alaga sa anak dahil umalis na rin sina Georgina at Therese. Umiyak bigla si Baby Alex nang may gward
NAPAILING NA LANG si Theo sa sobrnag disappointment. Alam naman niyang may mga ganito ng pahaging ang ina niya pero hindi pa rin niya maiwasang mainis lalo. Aware naman din siya na nagkakaganito si Therese dahil na rin sa kalagayan ni Amanda at ayaw nitong malagay sa alanganin ang kompaniya nila at reputasyon na niya rin.Napabuntong hininga si Theo, sinubukan na ikalma ang sarili bago tuluyan ng pumasok. Nakita niya si Georgina na para bang nahihiya pang tumingin sa kaniya dahil halatang nanginginig ang kamay nito nang magtama ng bahagya ang kanilang tingin."Georgina, may ibibigay pala ako sa iyo, hija! Sana magustuhan mo itong simpleng regalo ko sa iyo," ani Therese kay Georgina at iniabot ang isang box na halatang galing pa sa isang mamahalin at sikat na brand.Tuwang tuwa naman na inabot iyon ni Georgina. "Oh. Thanks po, tita! Nag abala pa kayo..." nahihiyang saad nito bago buksan ang box. Bumungad sa kaniya ang isang mamahaling bracelet at talaga namang nagustuhan niya iyon kaya
NANG NAIWAN NA lang na mag isa si Theo, napahilot na lang siya ng sentido dahil sa stress kay Jennie. Sumagi rin sa isip niya si Amanda. Mas lalong bumigat ang loob niya dahil doon. Pakiramdam niya, ang habang panahon ng hindi niya nakita si Amanda kahit pa nasa kalagitnaan pa lang naman ng isang buwan.Aminin man ni Theo o sa hindi, namimiss na niya ang presensya niya Amanda."Amanda..." naiusal na lang ni Theo ang pangalan ng asawa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis pa. Hindi na niya kayang kimkimin ang pagpipigil niya. Tumayo siya sa sofa at lumabas ng kaniyang opisina. Natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob na ng kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital kung nasaan si Amanda ngayon."Kahit saglit lang, gusto kitang makita," naibulong na lang ni Theo sa sarili at mas binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang planong magpakita kay Amanda. Gusto niya lang itong makita kahit sa malayo. Pagkakasyahin niya ang sarili sa ganoong sitwasyon pansamantala dahil hindi iyon m
TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka