"SASAMA DAPAT si Gio ngayon pero nabusy, eh. Kaya hindi nakasama," ani Loreign habang kausap si Amanda. Nasa coffee shop na sila ngayon kung saan sila nagdecide na magkita. "Pero kumusta ka na? Kayo ni Theo... 'yung tungkol sa pagbubuntis mo?" tanong pa nito.Napainom nang wala sa oras si Amanda sa inorder. Ang totoo niyan ay masama pa rin talaga ang loob niya dahil sa negative na result. Pero wala naman na siyang magagawa doon. Wala namang mangyayari kung mas pagtuonan pa rin niya ng pansin iyon."Ayon... negative. Binilinan ako ng doktor na 'wag masyadong mastress kasi baka iyon ang isa sa rason kung bakit hindi ako nabubuntis," sagot niya sa kaibigan.Bumakas ang awa sa mga mata ni Loreign. "Sorry, Amanda..." sambit nito dahil alam naman niyang masakit iyon sa parte ni Amanda lalo pa at nag eexpect talaga ito. Hindi na niya napigilan ang sariling abutin ang kamay ni Amanda para mahawakan iyon.Bahagyang natawa si Amanda dahil do'n. "Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan. At
"ANG MAIAADVICE KO na lang sa inyo, lalo na kay Ma'am ay dapat umiwas po tayo sa stress para mas madaling magbuntis. At syempre, dapat kumain din ng mga masusustansyang gulay. At ang huli ay..." Umakto na para bang nag iisip ang doktor."Ano ang panghuli, doc?" takhang tanong ni Theo."Isang mahirap na sitwasyon ang pagbubuntis. Sana pagbigyan kayo ng Panginoon, hindi dahil obligado kayo, kundi dahil mahal niyo ang isa't isa. Iyon ang panghuli," nakangiting eksplanasyon ng doctor at kalaunan ay kinailangan na nitong umalis para maasikaso ang iba pang pasyente.Nang sila na na lang dalawa ni Theo, napayuko na lang si Amanda dahil sa pamumula ng kaniyang pisngi. Nahiya siya bigla at hindi magawang mating an si Theo sa mga mata. Bakit ba kasi kinailangan pa ng doktor na banggitin ang huling sinabi nito? Napailing na lang siya sa utak.Hindi na sila nagtagal pa masyado doon. Bumaba na sila agad at nagtungo sa naghihintay na kotse ni Theo. Nang nakapasok sila sa loob ay hindi muna pinaanda
PAGKARATING SA KOMPANIYA, nawalan na talaga ng tuluyan ng mood si Theo. Parang magkakasakit siya bigla dahil sa naging usapan nila ni Luigi."Ser? Hindi pa po ba kayo bababa?" tanong ng driver ni Theo.Bumuntong hininga si Theo. "Saglit lang..." mahinang sambit niya na ikinatango naman ng driver.Dapat pumasok na siya agad sa building, eh. Kasi alam niyang maraming trabaho ang naghihintay sa kaniya. Hindi pwedeng maihalo ang personal niyang buhay sa trabaho lalo pa at maraming mga empleyado ang umaasa sa kaniya. Apektado ang lahat sa oras na magkamali siya.Pero sa mga oras na iyon, parang gusto na lang bigla ni Theo ang magpahinga. Wala sa sariling kinuha niya ang phone sa bulsa at idinial ang numero ni Amanda. Nawala na sa isip niya na baka tulog pa si Amanda sa mga oras na ito dahil nga maaga pa naman. "Theo?" ani Amanda pagsagot palang ng tawag ni Theo.Hindi nakasagot si Theo at agad na umukit ang ngiti sa kaniyang labi. Sa hindi malamang dahilan, kumalma na siya agad pagkarinig
HINDI AGAD NAKATULOG si Amanda. Nakatitig lang siya sa kisame na para bang iyon na ang pinaka interesanteng bagay na nakita niya sa buong bahay.Ang akala niya ay nakatulog na si Theo sa tabi niya pero nagkamali siya. Naramdaman na lang ni Amanda ang paghawak nito sa kamay niya ng mahigpit na para bang natatakot itong umalis siya.Kumunot ang noo ni Amanda at akmang aagawin na ang kamay niya mula kay Theo pero ayaw naman siyang pakawalan nito. Hindi na niya maiwasan pang bumaling dito."Ano ba, Theo?" "Anong tumatakbo sa isipan mo ngayon?" tanong ni Theo at hindi pinansin ang asik ni Amanda sa kaniya.Bumuntong hininga si Amanda at umiling na lang. "Wala naman. Matulog ka na, matutulog na rin ako..." sabi niya kay Theo.Akmang tatalikod na si Amanda sa pwesto ni Theo pero hindi siya pinayagan nito. Sa halip, mas hinila ni Theo si Amanda papalapit sa kaniyang malapad na dibdib. Ipinahinga nito doon ang mukha ni Amanda at yumakap din siya dito ng mahigpit.Magaan ang bawat haplos ni T
"LUIGI..." HALOS manginig na ang boses ni Therese habang nakatitig sa lalaking minsan niyang pinag alayan ng kaniyang pagmamahal.Gulat pa rin talaga siya dahil nagpakita na ito. Matagal na niyang natanggap na wala na ang asawa niya at sumama sa ibang babae. Mas pinili nito ang iba kaysa sa kanila. Talagang inanakan pa nito ang babaeng kinalantari nito.Napakuyom na lang ang kamao ni Therese. Matigas ang ekspresyon niya habang nakatitig sa lalaki na akala mo ay walang nangyari sa nagdaang taon at ang kapal ng mukhang humarap sa kaniya ngayon."Bakit ka pa bumalik?" tanong ni Therese habang masama na ang tingin sa lalaki.Humakbang papalapit si Luigi pero napaatras lang muli si Therese. Para saan pa? Hinding hindi na siya papayag na malapitan siya ng lalaki! Para sa kaniya, matagal ng patay ang asawa niya..."MOMMY, GUSTO KO pa pong magplay!" maktol ni Baby Alex nang nakarating na sila sa bahay. Naawa naman bigla si Amanda kasi kinailangan talagang maputol ang paglalaro nito kanina d
"MAY NAPANSIN AKO diyan kay Theo kanina..." salubong ni Sylvia kay Amanda kinaumagahan.Patay malisya namang bumaling si Amanda sa babae, kahit na may alam na siya kung bakit. Alam naman niyang nawalan ng mood si Theo dahil sa naging pag uusap nila kinaumagahan. Hindi naman niya masisisi ang lalaki sa inaakto nito pero alam naman niyang valid ang rason niya kung bakit nasabi niya ang mga iyon."Ano iyon, Ma?" tanong ni Amanda at nag iwas ng tingin."Medyo ilag siya pati sa anak niya. May alam ka ba kung bakit?" tanong pa ni Sylvia."Wala, Ma," sagot naman ni Amanda. "Uhh... oo nga po pala, ipapasyal ko ang anak ko mamaya diyan lang sa malapit na park. Para naman makalanghap siya ng sariwang hangin.""Naku, mabuti pa iyan! Pero pwede bang sumama ako?"Ngumiti si Amanda. "Oo naman, Ma."Umakyat na muna saglit si Amanda para magpalit at ihanda si Baby Alex na tuwang tuwa nang nalaman niya ang plano ni Amanda. Naglakad lang sila papunta sa park kalaunan. Excited na excited si Baby Alex pe