KINABUKASAN, SI Theo mismo ang naghatid kay Amanda papuntang airport. Nang nasa trabaho na siya, nagreview siya ng mga ilang documents. Kalaunan ay binalitaan na rin siya ni Secretary Belle."Sir, cancelled po ang meeting niyo with Takahashi Group," ani Secretary Belle.Tumango si Theo sa ibinalita ni Secretary Belle bago napasandal sa upuan. Pormal na pormal ang ekspresyon niya sa mukha. Agaw pansin ang cufflinks na suot niya ngayon. Iyon ang cufflinks na bigay sa kaniya ni Amanda. Mas lalong lumakas ang dating niya dahil do'n.Inilipat ni Theo ang pahina ng dokumento na binabasa niya. "Sa hapon? Anong schedule ko?" tanong niya sa sekretarya.Kaagad umiling si Secretary Belle. "Wala pa naman po as of now," sagot nito."Good. Pacheck ako ng earliest flight papuntang Davao kung gano'n," ani Theo at ibinababa ang fountain pen na ginagamit niyang pagsign sa ilang mga dokumento."P-Po?" Hindi lubos maisip ni Secretary Belle kung bakit biglaan naman yata. Wala siyang maisip na ibang rason.
"PARANG KASING may gusto siya sa iyo. Ang alam ko, wala siyang asawa at mayroon siyang anak. Alam naman niya sigurong may asawa ka na, pero parang sa nakikita ko kanina, umaasa siya sa iyo," wika ni Theo sa seryosong tono.Kumunot ang noo ni Amanda. "Bakit ba lahat na lang binibigyan mo ng ibang meaning? Magkaibigan lang kami!"Umigting ang panga ni Theo. Ang buong akala ni Amanda ay talagang ipaglalaban pa nito ang pinaniwalaan. Pero nagulat siya dahil tumango ito agad at kalaunan ay kumalma na ang ekspresyon sa mukha. "Kung... iyan ang sabi mo, sige. Naniniwala ako sa iyo..." tila ba nanghihinang sabi ni Theo.Hindi makapaniwala si Amanda. Pero kalaunan ay nagpasalamat na lang siya na naging ganoon ang reaksyon ni Theo. Hindi na niya kinailangan pang magpaliwanag pa dahil wala naman siyang masamang ginagawa.Sa hotel ni Amanda sila dumiretso. Nang nakapasok ay napalinga linga si Theo at pinagmasdan ang paligid. Mukhang maayos naman ang lugar. Malaki at hindi na masama. "Shower lan
NATAHIMIK SI Theo matapos ng lahat ng mga sinabi ni Amanda. Gustong gusto niyang patulan ito ngayon pero pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang maayos naman kahit papaano ang gusot nila ngayon.Pilit na prinoseso lahat ni Theo ang mga sinabi ni Amanda. Pakiramdam niya ay nagjojoke lang ito. Hindi siya makapaniwala na gusto siya nitong iwan kasama ang anak nila! Hindi niya makakaya iyon!Hindi naramdaman iyon ni Theo dahil sa tuwing may nangyayari sa kanila ni Amanda, ramdam niya na gusto nito iyon. Parang hindi naman ito napipilitan. At kahit papaano, nagkaroon ng pag asa doon si Theo na makukumpleto na rin sa wakas ang pamilya nila. Magiging buo sila at hindi maghihiwalay.Pero ang marinig ang pagkadisgusto ni Amanda sa mga nangyari sa kanilang dalawa ay para bang punyal na tumarak sa dibdib ni Theo. Hindi siya makapaniwala."Kung gano'n... lahat ng mga maiinit na tagpong pinagsaluhan natin... pagpapanggap lang sa iyo, huh?" mapait na wika ni Theo at napayuko habang nakaigting ang p
"MA'AM, LUMALAMIG na po ang gatas niyo. Gusto niyo po bang palitan ko?"Napukaw ang atensyon ni Amanda sa biglang nagsalitang kasambahay. Napabalik tuloy sa kasalukuyan si Amanda. Masyado siyang nahulog sa pag iisip kanina.Agad niyang tinanguan ang kasambahay. "Sige po. Maraming salamat," aniya dito. "Walang anuman po." Umalis na ang kasambahay kalaunan. Habang naghihintay si Amanda ay sakto namang lumapit ang isa ulit sa mga kasambahay. Takhang binalingan niya ito."Ma'am Amanda, pasensya na po sa disturbo. May naghahanap po sa inyo sa labas," sabi ng kasambahay na siyang naging rason ng pagkakakunot ng noo ni Amanda."Sino daw?" balik tanong niya."Si Ms. Ynah Olarte po," sagot nito.Bahagyang natigilan si Amanda. Kani kanina lang ay tumatakbo sa isipan niya ang bagong babae na nalilink kay Theo. Tapos ngayon malalaman niya na nandito ito ngayon at hinahanap siya? Talaga naman...Napabuntong hininga si Amanda at tumango. "Ako ng bahala," aniya sa kasambahay."Sige po, Ma'am."Ila
MALALIM NA ANG gabi nang makauwi si Theo sa mansion nilang pamilya. Umuulan ng mga panahon na iyon kaya sinalubong siya ng isa sa mga katiwala sa bahay para payungan siya.Pagod siya ulit ng araw na iyon. Naghalo halo na dahil bukod sa trabaho, hindi na rin gumaganda ang sitwasyon ng lola niya. Hindi siya makapagconcentrate sa kaisipan na baka... ayaw isipin ni Theo ang mga negatibong bagay na pilit umuukilkil sa utak niya.At isa pa, nabobother din si Theo dahil tinatawag siya sa ibang pangalan ng lola niya. Tinatawag siya sa pangalan ng ama niyang matagal ng hindi nagpapakita. Napakuyom si Theo dahil do'n. Hindi niya maiwasang magalit dahil sa kabila ng pang iiwan sa kanila ng ama niya, ito pa rin ang hinahanap ng lola niya, kahit dala pa iyon ng katandaan niya o sa dinaramdam.Pagkapasok sa loob ay agad na hinanap ng paningin niya si Amanda. Sinalubong din siya ng isa sa mga kasambahay."Good evening po, Ser. Si Ma'am Amanda po ba ang hanap niyo?" tanong nito."Oo. Nasaan siya?""N
INALO NI THEO ang lola. Hinawakan nito ang kamay at pinakalma dahil sa paulit ulit na pagbanggit nito sa ama niyang nang iwan sa kaniya. Hindi naman maiwasan ni Amanda ang mapaluha habang pinagmamasdan silang dalawa. Naupo na lang siya sa kabilang gilid ng matanda at hinawakan din ang isang kamay nito nang kumalma na rin ito."Pwede ko bang hawakan ang apo ko?" tanong ng matanda sabay tingin sa umbok sa tiyan ni Amanda.Mabilis na tumango si Amanda na may maliit na ngiti sa labi. "Oo naman po."Ngumiti rin ang matanda at hinaplos ang tiyan ni Amanda. Mas lalong kumalma ito at hindi na rin mahigpit ang hawak nito sa kamay nito kanina."Babae po ang magiging apo ninyo," pagkukwento ni Amanda."Gano'n ba? Naku, paniguradong magiging cute siya!" natatawang saad ng matanda at medyo napahalakhak pa. "Anong ipapangalan niyo sa kaniya? May naisip na ba kayo?""Uhh... gusto sana namin siyang pangalanan ng Alex. Naisipan namin iyon noon ni Theo nang hindi pa namin alam ang gender para pwede ka
NAGING TULIRO si Theo sa mga sumunod na araw. Pakiramdam niya ay nakalutang siya at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hindi niya matanggap na wala na ang Lola niya. Kailanman ay hindi ito pumasok sa isipan niya. Pero... kahit anong pikit niya sa mga mata, nakikita niya ang tila ba natutulog lang na lola niya sa isipan... pero wala ng buhay.Bumagsak ang timbang niya sa nagdaang araw. Inasikaso niya ang ilang mga papeles ng lola niya at ang lamay nito. Kinailangan niyang pakiharapan ang mga bisitang pumupunta. Pagod na pagod ang katawan ni Theo pero kailangan niya iyon para makatulog siya agad. Ang kaso nga lang, hindi na siya nakakain ng maayos dahil masyado na niyang pinagkabusyhan lahat. Dumagsa ulit ang mga bisita, kabilang na doon si Harold na hindi rin inexpect ni Theo. Pero dahil sa dami ng mga iniisip, hindi na niya gaanong pinagtuonan ng pansin iyon. Saka na lang niya naalala nang kinausap siya ng ina niya."Bakit mo hinayaang bumisita ang bastardong iyon dito? Theo nama
ISANG LINGGO lang naman ang inabot ng business trip ni Theo sa abroad. Bumalik din siya agad. Ang kaso nga lang sa pagbabalik niya, walang nagbago sa pagitan nila ni Amanda. Naging malamig pa rin sila sa isa't isa.Nafrufrustrate na si Theo sa totoo lang. Pero mukhang wala pa rin talagang plano si Amanda na bawiin lahat ng mga desisyon nito. Sa sitwasyon nilang iyon, hindi maiwasan ni Loreign ang mas maguilty lalo. Inopen up niya iyon nang magkita sila ni Amanda sa isang coffee shop."Ayos pa ba kayo ni Theo?" tanong ni Loreign sa malungkot na tono.Umangat ang magkabilang gilid ng labi ni Amanda at tumango. "Oo naman. Bakit mo naman naitanong iyan?" balik tanong nito.Hindi nakasagot agad si Loreign. Dahil hindi naman siya tanga para hindi mahalata na peke ang ngiting namuo sa labi ni Amanda, eh. Hindi umabot ang ngiting iyon sa kaniyang mga mata. Bakas ang tila ba kapaguran sa ekspresyon nito."Hindi mo naman kailangang magpanggap sa harapan ko, eh. Kasalanan ko 'to! Okay ka na, eh
TUMAWA SI ESMEDALDA upang pagtakpan ang kaba sa dibdib. Hindi niya maiwasang matakot dahil sa seryosong ekspresyon ni Theo ngayon sa harapan nila. Pero syempre, hindi niya ipapakitang kabado siya."A-Ano bang pinagsasabi mo diyan, Theo? Wala kaming alam diyan," ani Esmeralda bago nag iwas pa ng tingin."'Wag niyo akong gawing tanga! Bakit niyo ginawa lahat ng iyon sa akin?!" asik pa ni Theo na halatang nagpipigil ng magwala sa galit.Napalunok na lang si Esmeralda. "T-Theo, mali naman yatang nadadamay pa dito si Sofia. Wala na siya. Kahit kaunting respeto lang sa kaniya, pwede bang ibigay na lang natin iyon para sa ikatatahimik ng lahat? At wala talaga kaming alam sa sinabi mong paratang mong iyan..." litanya pa nito.Natawa na lang ng sarkastiko at napailing pa. Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Esmeralda ngayon."Talaga lang, huh? Respeto? Matapos lahat ng ginawa niya at pati na rin kayo? Sa tingin niyo deserve niya ni katiting na respeto ngayon? Hinayaa
HUMAHANGOS NA NAGISING si Theo. Ang panaginip niyang iyon ay tila totoo. Ramdam niya ang tagaktak ng pawis sa kaniyang noo pababa sa gilid ng pisngi. Sumikip din ang dibdib niya nang matandaan ang mukha ni Amanda na umiiyak sa panaginip niyang iyon.Napahilot na lang sa sentido si Theo dahil doon. Hindi na siya mapakali pa. Hindi na niya kayang ipagpabukas pa kaya kinuha niya ang flash drive na bigay sa kaniya ni Jennie at dumiretso sa study. Naupo siya sa swivel chair at binuksan ang kaniyang laptop. Isinalpak niya doon ang flash drive at binuksan ang files doon.Nakita niya agad ang folder doon ng raw version ng recording ni Sofia. Sa hindi malamang dahilan, kinakabahan na binuksan iyon ni Theo at umalingawngaw ang tugtog. Ganoon pa rin naman pero... walang maramdaman na kakaiba si Theo. Ibang iba sa naramdaman niya nang mga panahon na comatose siya."Parang may mali..." bulong pa ni Theo at inulit pa ang tugtog. Pakiramdam niya ay kulang sa emosyon ang tugtog. Hindi no'n nahaplos a
HINDI PINANSIN NI Theo ang ina. Napaisip din tuloy siya bigla.Maaaring hindi pa naproproseso ang divorce nila ni Amanda pero hindi pa rin magawang palitan ni Theo agad ang babae. Kasi sa loob loob niya, sa tingin niya ay kaya pa niyang isalba ang relasyon nilang mag asawa kapag magaling na si Amanda. Baka pwede pa...Pero tumagal ang tingin niya sa anak. Paano naman ito? Inaamin niyang may mga pagkukulang din siya bilang ama. At hindi niya masabi sa sarili kung kakayanin ba niyang maging magulang sa anak kahit mag isa lang siya. Hindi talaga maitatanggi na kailangan ni Baby Alex ng isang ina.At ayaw mang tanggapin ni Theo sa sarili, nakikita niyang may kakayahan talaga si Georgina na maging ina sa anak niya. At sa loob loob niya, parang kinokonsidera na niya ito...Napailing na lang siya. Hindi na niya namalayan pa ang paglayo ng ina niya. Lumipas pa ang oras at si Theo naman ang nag alaga sa anak dahil umalis na rin sina Georgina at Therese. Umiyak bigla si Baby Alex nang may gward
NAPAILING NA LANG si Theo sa sobrnag disappointment. Alam naman niyang may mga ganito ng pahaging ang ina niya pero hindi pa rin niya maiwasang mainis lalo. Aware naman din siya na nagkakaganito si Therese dahil na rin sa kalagayan ni Amanda at ayaw nitong malagay sa alanganin ang kompaniya nila at reputasyon na niya rin.Napabuntong hininga si Theo, sinubukan na ikalma ang sarili bago tuluyan ng pumasok. Nakita niya si Georgina na para bang nahihiya pang tumingin sa kaniya dahil halatang nanginginig ang kamay nito nang magtama ng bahagya ang kanilang tingin."Georgina, may ibibigay pala ako sa iyo, hija! Sana magustuhan mo itong simpleng regalo ko sa iyo," ani Therese kay Georgina at iniabot ang isang box na halatang galing pa sa isang mamahalin at sikat na brand.Tuwang tuwa naman na inabot iyon ni Georgina. "Oh. Thanks po, tita! Nag abala pa kayo..." nahihiyang saad nito bago buksan ang box. Bumungad sa kaniya ang isang mamahaling bracelet at talaga namang nagustuhan niya iyon kaya
NANG NAIWAN NA lang na mag isa si Theo, napahilot na lang siya ng sentido dahil sa stress kay Jennie. Sumagi rin sa isip niya si Amanda. Mas lalong bumigat ang loob niya dahil doon. Pakiramdam niya, ang habang panahon ng hindi niya nakita si Amanda kahit pa nasa kalagitnaan pa lang naman ng isang buwan.Aminin man ni Theo o sa hindi, namimiss na niya ang presensya niya Amanda."Amanda..." naiusal na lang ni Theo ang pangalan ng asawa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis pa. Hindi na niya kayang kimkimin ang pagpipigil niya. Tumayo siya sa sofa at lumabas ng kaniyang opisina. Natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob na ng kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital kung nasaan si Amanda ngayon."Kahit saglit lang, gusto kitang makita," naibulong na lang ni Theo sa sarili at mas binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang planong magpakita kay Amanda. Gusto niya lang itong makita kahit sa malayo. Pagkakasyahin niya ang sarili sa ganoong sitwasyon pansamantala dahil hindi iyon m
TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka