Share

CHAPTER 234: The Condition

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2025-04-27 09:38:19

HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon.

Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang.

Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala.

"Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.

Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir."

"Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo.

"Masusunod po."

Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.

Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Angelita Briones
baliwag c Theo,,pero d Niya alm Yun.........
goodnovel comment avatar
Angelita Briones
wow ha Theo,,Nung ipinapagamot mo c Sophia,,Hindi sikreto NASA special ward p..samantang c Amanda gusto mo ilihim?parang mas ikinakahiya mo c Amanda kumpara Kay Sophia ah...kuhang kuha mo Ang gigil q Theo
goodnovel comment avatar
Angel M Marquez
Kawawa nmm siya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 309: The Reason

    "PERO SIGURO kapag ayos na talaga ang lagay ng anak ko. Ayaw ko namang magtake risk dahil baka makasama lang sa kaniya," dagdag pa ni Amanda.Napabuntong hininga na lang si Sylvia. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari. Nagkaroon pa man din siya ng pag asa na nagkakaayos sina Theo at Amanda. Pero mukhang hanggang sa imahinasyon na lang niya iyon. Pero ayos na rin ito. Mukhang naliwanagan na si Amanda sa desisyon niya.Lumalim pa ang gabi. Pinagmasdan ni Amanda ang anak habang payapa itong natutulog. Panaka naka niyang hinahaplos ng pisngi nito at bahagyang napapangiti na lang. Habang ginagawa iyon, may narealized siya.Hindi lang nakapokus sa anak niya ang atensyon niya sa nagdaang buwan. Napagtanto niyang mas nag aksaya siya ng panahon kakahintay sa pagpaparamdam ni Theo sa kaniya. Na... wala rin lang saysay. Isang mapaklang ngiti ang namuo sa labi ni Amanda. Siguro ito na ang senyales na... umalis na talaga sila. Lalo na siya... wala na siyang lugar sa buhay pa ni Theo.Nap

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 308: The Thoughts

    "TATLONG TAON kang nawala, Amanda. Nalungkot ako at... hindi ko maiwasang maghanap ng comfort ng iba," dagdag pa ni Theo na tila kutsilyong paulit ulit na tumarak sa puso ni Amanda.Hindi niya mapigilang matawa ng mapakla. So, sa kaniya naman ngayon ang issue? Bakit ibinabalik na naman iyon ni Theo sa kaniya eh, ang ipinipunto lang naman niya ay ang kawalan ng paramdam nito lalo na sa anak nila?Bago pa man makabuo ng salita si Amanda, nagpatuloy pa si Theo sa pagsasalita."Alam naman naging pareho na kaya lang tayo nagkalapit ulit sa isa't isa ay dahil sa anak natin. Ngayong okay na siya at successful ang surgery, panahon na para putulin kung anong namamagitan sa atin. Napagtanto kong wala talaga tayong chance na mabuo ulit kahit anong kagustuhan ko..." litanya pa ni Theo.Hindi na kinaya pa ni Amanda. Tuluyan na niyang naibaba ang cellphone at pinatay na nga ang tawag. Nanginginig man ay hindi niya hinayaang mahalata iyon ng anak niya. Hindi niya hinayaang makita nito na nasaktan si

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 307: The Call

    "THEO! SALAMAT sa Diyos at gising ka na nga!" bulalas ni Therese nang makita ang unti unting nagmulat ng mga mata ni Theo.Nakamulat na siya. Pero hindi niya maigalaw ang katawan niya. Mabilis na chineck ni Harold ang lagay nito at maayos naman na kahit papaano. Ang problema, walang kasiguraduhan kung makakabalik pa siya agad sa dating estado ng katawan niya."M-Mom..." halos pabulong ng wika ni Theo nang nakita ang ina niyang humahagulgol nang yumakap sa kaniya. Gustuhin man niyang yumakap pabalik, hindi naman niya magawa dahil hindi niya maigalaw ang katawan niya. Para bang isinemento iyon sa kamang kinahihigaan niya ngayon."Bakit mo ito ginawa?! Anak naman!" umiiyak na sabi ni Therese. Napayakap siya lalo kay Theo na para bang hihiwalay ito sa kaniya ano mang oras."G-Ginusto ko 'to, Mom. Para naman ito sa anak ko... k-kaya walang kaso sa 'kin. 'W-Wag niyo na lang sabihin kay Amanda. W-Wala na kami pero baka makaramdam siya ng guilt kapag nalaman niyang g-ginawa ko nga 'to..." nah

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 306: The Mother's Plea

    ISANG LINGGO NA ang lumaan. Umaayos naman na kahit papaano ang lagay ni Baby Alex at nalipat na rin ito sa private room. Natutuwa si Amanda sa nagiging progress ng anak. Mas naging hands on siya sa pag aalaga dito at halos hindi na niya ito lubayan para makapagpahinga man lang. Wala namang kaso iyon sa kaniya. Para sa anak niya, gagawin niya ang lahat."Mommy, nanaginip po ako..." sabi bigla ni Baby Alex kaya napabaling siya dito."Anong napanaginipan mo, baby?" tanong ni Amanda sabay haplos sa ulo nito ng marahan."Si Daddy po. Nasaan po siya?" tanong nito na siyang ikinatigil ni Amanda. Sinikap niyang ngumiti sa anak. "Uhh... nasa isang importanteng business trip lang ang Daddy mo, baby. 'Wag kang mag alala. Babalik din siya, hmm?" Sabi niya dito.Tumango naman si Baby Alex. Kalaunan ay unti unti na rin itong inantok at nakatulog na nga nang tuluyan.Hindi maiwasang maawa ni Amanda sa anak. Hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam si Theo sa kanila. Hindi na niya alam kung anong na

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 305: The Disappointment

    "HINDI KO MATATANGGAP iyan. Wala akong hinihingi na kahit ano sa 'yo," sagot ni Luigi kay Theo.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw pa nito. Marami siyang magagawa sa perang makukuha nito. Kung tutuosin ay pwedeng hindi na rin ito magtrabaho para hindi na ito mahirapan. Pero mas gusto nitong hindi tanggapin iyon.Napabuntong hininga na lang si Theo at kalaunan ay napatango. Isang maliit na ngiti ang namuo sa kaniyang labi."Okay. Wala naman akong magagawa kung iyan ang desisyon mo. Basta magmula ngayon, wala na tayong utang na loob sa isa't isa," aniya kay Luigi.Iyon ang huling sinabi ni Theo bago tuluyan nang umalis. Mabigat ang loob niya habang papalayo sa mismong apartment ng kaniyang ama.Natauhan din naman kalaunan si Luigi. Iyon na ang huli... ayaw niya! Babawi pa siya sa anak niya! Kailangan niyang makasama pa ito ng mas matagal. At kung papayagan lang siya, sana maibalik pa niya ang oras nang sa gano'n ay mas makasama pa niya si Theo. Sana mas

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 304: The Black Card

    "IKAKASAL NA SI Gio at Loreign next year. By that time, fully recovered na ang anak natin. Syempre, kasama siya sa wedding. Sa tingin mo, anong magandang regalo sa bagong mag asawa?" tanong ni Amanda kay Theo matapos ng pagniniig nila.Parang normal lang silang mag asawa. Si Amanda ay nakasandig ang ulo sa malapad na dibdib ni Theo habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok nito roon.Hindi alam ni Amanda pero mabigat ang loob niya sa hindi malamang dahilan. Kabado siya pero hindi niya alam kung bakit. Lalo pa nang nakita niya na tila may malalim na iniisip si Theo. Kumunot ang kaniyang noo."Theo?" tawag niya sa pansin nito.Doon naman tila nagbalik sa reyalidad si Theo. "Hmm?" tanong nito at napagtanto ni Amanda na hindi pala ito nakikinig.Bumuntong hininga siya. "Tinatanong ko kung ano ang magandang iregalo kina Gio at Loreign sa kasal nila," mahinahong wika niya. "At tsaka... alam ko rin na medyo close rin naman kayo ni Gio dahil ang alam ko, may connection kayo sa business. K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status