Share

CHAPTER 258: The Nosebleed

Author: YULIANNE
last update Huling Na-update: 2025-05-26 11:42:13

HALOS MAG IISANG ORAS bago nila narating ang apartment na tinutuluyan ni Theo. Umuulan pa rin sa labas, at kasabay ng pagpatak ng tubig ay ang pagbuhos ng ilang alaala sa utak ni Theo. Pero hindi na niya gaanong binigyan pansin iyon at binalingan si Amanda.

"Salamat sa paghahatid sa 'kin. Uhh... baba na ako," pormal na wika ni Amanda.

Napabuntong hininga si Theo. Sa puntong ito, parang ayaw na niyang pakawalan bigla si Amanda. Dahil kapag hinayaan niyang umalis ito ngayon, pakiramdam niya sinayang niya ang chance na makasama ito ng matagal.

Kaya naman habang kinakalas ni Amanda ang kaniyang seatbelt at akmang bababa na, mabilis nahuli ni Theo ang pulsuhan nito. May pagtatakhang bumaling si Amanda kay Theo.

"Ano na naman ba ito, Theo? Bitawan mo nga ako!" ani Amanda at iritadong binalingan ang lalaki.

Pero hindi man lang natinag si Theo. Lumamlam ang ekspresyon nito habang hindi pinapakalawan ang pagkakahawak sa pulsuhan ni Amanda. Napalunok na lang siya nang mas natitigan si Amanda ng
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Visitor
Kylan ba an wakas nito
goodnovel comment avatar
Jenerose L. Sabondo
sana matapos na itong kwento NATO Kasi nakakabagot basahin na dahil paisa Isa Ang sinusulat ng author..
goodnovel comment avatar
Rysie Miranda
sana naman magkaron na ng happy ending anh story na ito. deserve nila maging happy na
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 306: The Mother's Plea

    ISANG LINGGO NA ang lumaan. Umaayos naman na kahit papaano ang lagay ni Baby Alex at nalipat na rin ito sa private room. Natutuwa si Amanda sa nagiging progress ng anak. Mas naging hands on siya sa pag aalaga dito at halos hindi na niya ito lubayan para makapagpahinga man lang. Wala namang kaso iyon sa kaniya. Para sa anak niya, gagawin niya ang lahat."Mommy, nanaginip po ako..." sabi bigla ni Baby Alex kaya napabaling siya dito."Anong napanaginipan mo, baby?" tanong ni Amanda sabay haplos sa ulo nito ng marahan."Si Daddy po. Nasaan po siya?" tanong nito na siyang ikinatigil ni Amanda. Sinikap niyang ngumiti sa anak. "Uhh... nasa isang importanteng business trip lang ang Daddy mo, baby. 'Wag kang mag alala. Babalik din siya, hmm?" Sabi niya dito.Tumango naman si Baby Alex. Kalaunan ay unti unti na rin itong inantok at nakatulog na nga nang tuluyan.Hindi maiwasang maawa ni Amanda sa anak. Hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam si Theo sa kanila. Hindi na niya alam kung anong na

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 305: The Disappointment

    "HINDI KO MATATANGGAP iyan. Wala akong hinihingi na kahit ano sa 'yo," sagot ni Luigi kay Theo.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw pa nito. Marami siyang magagawa sa perang makukuha nito. Kung tutuosin ay pwedeng hindi na rin ito magtrabaho para hindi na ito mahirapan. Pero mas gusto nitong hindi tanggapin iyon.Napabuntong hininga na lang si Theo at kalaunan ay napatango. Isang maliit na ngiti ang namuo sa kaniyang labi."Okay. Wala naman akong magagawa kung iyan ang desisyon mo. Basta magmula ngayon, wala na tayong utang na loob sa isa't isa," aniya kay Luigi.Iyon ang huling sinabi ni Theo bago tuluyan nang umalis. Mabigat ang loob niya habang papalayo sa mismong apartment ng kaniyang ama.Natauhan din naman kalaunan si Luigi. Iyon na ang huli... ayaw niya! Babawi pa siya sa anak niya! Kailangan niyang makasama pa ito ng mas matagal. At kung papayagan lang siya, sana maibalik pa niya ang oras nang sa gano'n ay mas makasama pa niya si Theo. Sana mas

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 304: The Black Card

    "IKAKASAL NA SI Gio at Loreign next year. By that time, fully recovered na ang anak natin. Syempre, kasama siya sa wedding. Sa tingin mo, anong magandang regalo sa bagong mag asawa?" tanong ni Amanda kay Theo matapos ng pagniniig nila.Parang normal lang silang mag asawa. Si Amanda ay nakasandig ang ulo sa malapad na dibdib ni Theo habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok nito roon.Hindi alam ni Amanda pero mabigat ang loob niya sa hindi malamang dahilan. Kabado siya pero hindi niya alam kung bakit. Lalo pa nang nakita niya na tila may malalim na iniisip si Theo. Kumunot ang kaniyang noo."Theo?" tawag niya sa pansin nito.Doon naman tila nagbalik sa reyalidad si Theo. "Hmm?" tanong nito at napagtanto ni Amanda na hindi pala ito nakikinig.Bumuntong hininga siya. "Tinatanong ko kung ano ang magandang iregalo kina Gio at Loreign sa kasal nila," mahinahong wika niya. "At tsaka... alam ko rin na medyo close rin naman kayo ni Gio dahil ang alam ko, may connection kayo sa business. K

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 303: The Last Time

    "BAKIT BA HINDI mo man lang naisip ang sarili mo?" frustrated na wika ni Harold kay Theo dahil sa desisyon nito. Napailing na lang siya at halatang halata ang disappointment sa ekspresyon nito.Isang matamlay na ngiti ang namuo sa labi ni Theo. "Iniisip ko lang ang kapakanan ng mag ina ko. Sila ang dapat na inuuna ko bukod sa ibang bagay. Wala na akong pakialam sa iba... sa kapangyarihan o sa sarili ko... basta ang mahalaga, okay sila," sabi pa niya.Umigting lang ang panga ni Harold. Alam niyang buo na ang desisyon ni Theo. Kaya wala na siyang magagawa pa kundi ang sundin ang gusto nito. Sa mga oras na iyon, may napagtanto si Harold. Totoo ang nararamdaman ni Theo kay Amanda. Totoo ang pagmamahal nito para sa babae. At alam niyang kahit siya na may nararamdaman kay Amanda ay hindi kayang tapatan iyon."Sige. Ako ang magpeperform ng surgery. Pero ipangako mo sa akin na kailangang magpakatatag ka. Hindi pwedeng hindi maging successful ito," seryosong wika ni Harold kay Theo.Tumango l

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 302: The Donor

    "TINULUNGAN KAMI ng ama mo. Bata palang ako, sakitin na ako. Namatay na ang tunay kong ama noong ipinanganak ako kaya hirap ang Mama ko noon. Pero dahil sa pagtulong ng ama mo sa amin, nag iba ang tingin ng mommy mo sa kaniya. Akala niya... kabit ng tatay mo ang Mama ko."Hindi alam ni Theo kung paano iproproseso lahat ng iyon sa utak niya. Parang ang hirap paniwalaan! Iba ang namulat sa utak niyang katotohanan. Tapos ngayon ito... maririnig niya ang bersyon ng katotohanan ni Harold... ang taong kinamumuhian niya dahil para sa kaniya, inagaw nito ang atensyon na dapat ay nasa kaniya sa ama nito.Napailing na lang si Theo. "Hindi... Hindi ko alam kung paano tatanggapin lahat ng iyan ngayon..." para bang nanghihinang wika na lang niya.Tumango lang si Harold. Naiintindihan naman niya kasi alam niyang hindi basta basta lahat ng iyon. Ang hindi nila alam pareho ay may taong nakikinig sa usapan nila pareho. Walang iba kundi si Therese.Tila natuklaw ng ahas si Therese sa mga nalaman tungko

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 301: The Talk With The So-called Brother

    UMIGTING LANG ANG panga ni Theo nang makita ang lungkot sa mga mata ni Therese. Gustuhin man niyang yakapin ito, hindi niya ginawa upang mas marealized ng ina niya ang mga kamaliang ginawa. Nanatili lang siya sa pwesto nito."A-Alam ko namang mali lahat ng iyon pero... ganito na lang ba talaga tayo? I-Iiwan mo na rin ako kagaya ng ama mo? Hahayaan mo na lang akong mag isa? Ganito na lang ba talaga ako hanggang sa pagtanda ko?" Sabi pa ng ina nito. Iniisip palang ni Therese ang lahat, parang pinanghihinaan na siya.Kahit ilang ulit niyang sinasabi sa sarili na kakayanin niya, alam niyang hindi gano'n kadali iyon. Kahit nakaya niya ng ilang taon, hindi ibig sabihin no'n ay makakaya pa niya sa mga susunod pa. Dahil sobrang hirap mag isa. Malungkot... at ang dilim ng mundo kapag mag isa lang siya.Nag iwas ng tingin si Theo. Hindi na niya nakayanan pa ang pagtitig sa mga mata ni Therese. "Kung nalulungkot ka, pwede ka namang maghanap ng ibang kasama mo dito," wika pa niya. "Aalis na ako..

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status