DALAWANG ARAW ang lumipas at natapos na ang oras ni Theo kasama ang anak niya."D-Daddy! Ayaw kong umalis ka!" tawag ni Baby Alex sa ama na halos ayaw ng humiwalay. Ayaw man ni Theo na ihatid ang mag ina niya pabalik at gusto na lang makasama ang mga ito, hindi naman pwede lalo pa at ayaw naman talaga ni Amanda. Ayaw niyang ipilit ang gusto niya dahil baka mas lalong mainis lang ang babae.Nakayakap lang si Baby Alex kay Theo. Parang binibiyak ang puso ni Theo dahil kaunting kalabit na lang ay iiyak na ang anak niya. Pero niyakap lang din niya ito pabalik at hinaplos haplos ang likod nito upang pakalmahin ito.Ang tanging nagawa lang ni Amanda ay ang umiwas ng tingin sa mag ama. Hindi niya maitatanggi na kahit naman sandali palang nagkakilala si Baby Alex at Theo, talaga namang matibay na ang bond ng mga ito. Walang maipipintas si Amanda sa pagiging ama ni Theo dahil talaga namang ibinibigay nito ang lahat na atensyon sa anak.At ngayon na nakikita niya ang anak nilang halos hindi mai
BUMALIK DIN naman agad si Theo sa mag ina niya. Inosenteng nakatingin sa kaniya si Baby Alex na nagising na kanina pa dahil sa ingay ni Therese. Kinagabihan ay bumuhos ang ulan sa labas. Hindi tuloy makaalis sina Amanda. Wala siyang choice kundi magstay sa isang bubong kasama si Theo. Si Baby Alex naman ay tuwang tuwa dahil mas makakasama pa nila ng matagal ang ama nito."Dito na muna kayo. Ang lakas ng ulan sa labas. Marami namang kwarto," paalala pa ni Theo.Tumango si Amanda. "Magtatabi kami ng anak ko tapos ikaw ay pwedeng matulog na lang kung saan ka natutulog ngayon," sabi niya.Pinagbigyan na lang ni Theo si Amanda kahit na labag sa loob niya. Syempre, gusto niyang makatabi sana ang mag ina niya pero ayaw naman ni Amanda. Hinayaan niyang matulog ang dalawa sa isa sa mga kwarto habang siya ay mag isa sa usual room na tinutulugan nito.ALAS SINGKO nang magising si Amanda. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Nasa dating bahay na niya siya ulit. Hindi niya inaakala na makakabal
LUMABAS na sila sa kotse. Si Theo na ang bumuhat kay Baby Alex na kyuryusong nakatingin kay Amanda."Daddy, bakit po nagcacry si mommy?" inosenteng tanong ni Baby Alex."Kasi... bad si Daddy, anak. May nagawa akong kasalanan sa mommy mo kaya sad siya," sagot ni Theo sa anak at malungkot na lang na ngumiti.Naguluhan lang ang bata lalo. Gusto pa nitong magtanong pero hindi na ginawa dahil alam niyang pang 'adult' nga lang ang rason kung bakit emosyonal ang kaniyang mommy. Kumalma rin naman kalaunan si Amanda dahil naalala niyang nakatingin ang anak niya. Inaya na rin sila ni Theo na pumasok na sa loob ng bahay. Agad silang sinalubong ng pamilyar na kasambahay na naging malapit na rin kay Amanda."M-Ma'am Amanda!" bulalas ng kasambahay, bakas na bakas ang gulat sa ekspresyon nito.Ngumiti si Amanda. "Amanda na lang po. Hindi niyo naman na ako amo, eh," aniya.Bahagyang lumungkot ang ekspresyon ng kasambahay. Pero wala namang magagawa si Amanda dahil iyon naman talaga ang totoo. Napatin
NAESTATWA SI GERALD sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Paanong nangyari iyon? Isa iyong malaking imposible! Pinagloloko lang siya nitong si Gianna!"Totoo ang sinabi ko, Gerald. Buntis ako! Buntis ako sa anak mo! Ang dinadala ko ngayon ay dugo't laman mo rin! Hinding hindi mo mababago ang katotohanang iyon kahit bali baliktarin mo pa ang mundo!" dagdag pa ni Gianna.Isang mapang uyam na tawa ang pinakawalan ni Gerald. Nanindig ang balahibo ni Gianna doon. Mapanganib ang tawang iyon na nagmula sa lalaki na nagpabilis ng tibok ng puso ni Gianna. Halos hindi siya nakatingin ng deretso kay Gerald."Sa tingin mo maloloko mo ako, huh?" ani Gerald at napangisi pa.Kahit na natatakot, pinatapang pa rin ni Gianna ang ekspresyon niya. Hindi niya bibigyan si Gerald ng satisfaction na makita siyang natatakot!"Totoo ang sinasabi ko!" Sabi pa ni Gianna kay Gerald."Ano ngayon? Edi ipanganak mo ang batang nasa sinapupunan mo at 'wag mong asahan na magbabago pa rin ang tingin ko sa iyo," sagot ni
TATLONG TAON NA ANG lumipas at tuluyan ng pinutol ni Loreign ang kung ano man ang meron siya noon kay Gerald. Ayaw na niyang makibalita sa nangyayari sa lalaki dahil wala na rin naman siyang pakialam.At ngayong nandito na sa harapan niya si Gerald, parang ang hirap paniwalaan. Parang produkto lang ito ng imahinasyon ni Loreign.Gano'n pa rin naman ang ere ni Gerald, malalaman mo agad na galing ito sa mayamang angkan. Nakakaintimidate pa rin ito pero siyempre, hindi na si Loreign ang babae na madaling maapektuhan pagdating kay Gerald. Marami na ring nagbago sa kaniya sa mga nagdaang panahon.Bumaba ang paningin ni Gerald muli sa box kung nasaan ang kwintas na bigay ni Gio kay Loreign. Alam niyang galing iyon kay Gio dahil nabalitaan niyang nakuha nga nito ang pinakamataas na bid sa party na pinuntahan nito. Hindi siya makapaniwala na magugustuhan ni Gerald si Loreign. Ang huling balita rin naman niya kasi ay si Amanda ang gusto nito. Pero ganito bigla.Bakas ang tuwa sa mga mata ni Lo
HINATID PAPAUWI NI Theo si Amanda. Tahimik lang sila sa biyahe. Walang nagtangkang basagin ang katahimikang iyon hanggang sa nakarating na sila sa harapan ng apartment ni Amanda."Una na ako," paalam ni Amanda kay Theo, hindi man lang tinatapunan ng tingin ang lalaki.Tumango si Theo biglang sagot. "Oo nga pala... 'yung tungkol sa usapan natin...""Anong usapan?" takhang tanong ni Amanda."'Yung tungkol sa anak natin. Susunduin ko siya samakalawa," sagot ni Theo.Agad namang kumalma ang ekspresyon ni Amanda. "Oh. Okay. Walang problema sa 'kin," pormal na wika niya kay Theo. "Bababa na ako," paalam pa niya at akmang bababa na talaga pero mabilis siyang pinigilan ni Theo sa pamamagitan ng paghuli sa kaniyang pulsuhan."Kinamumuhian mo pa rin ba ako, Amanda?" tanong ni Theo na siyang ikinatigil ni Amanda.Hindi niya inaasahan na itatanong pa talaga ni Theo ang ganoong klaseng tanong sa oras na ito. Tiningnan niya ito sa malamig na paraan bago sumagot. "Alam mo na kung anong sagot diyan,