PAGAK LANG na napatawa si Amanda. Babalik na naman siya sa dati... pakiramdam niya magbubuhay preso na naman siya at lahat ng gagawin niya ay monitored lahat ni Theo."Sana 'wag mo na ulitin ang ginawa mo dati sa akin, Theo... ang ikulong ako sa loob ng mansyon lang. Gusto kong gumawa ng mga bagay para sa sarili ko. Gusto kong magtrabaho. At sana... hindi mo muna ako mabuntis," sabi ni Amanda.Ngayon, ipinagpapasalamat niya na mabuti na lang ay wala silang nabuo noon ni Theo dahil nagpipills siya. Dahil sa oras na may anak na sila, magiging kumplikado lang ang lahat. Mas kawawa ang bata sa sitwasyon nila at maiipit lang. Tumaas ang kilay ni Theo. "At ikaw naman ngayon ang nagbibigay ng kondisyon, huh?" "May karapatan naman ako, 'di ba?""Of course. As long as sundin mo rin lahat ng terms ko."Tumango si Amanda. "Alam ko. At oo nga pala... ayoko nang maulit ang kagaya noon na kay Secretary Belle pa ako humihingi ng pera. Gusto kong makuha kahit 2% share lang ng kompaniya mo."Alam ni
"OO, TAMA KA! Desperada ako! Pero may magagawa pa ba ako? 'Yung pamilya ko, kailangan nila ng tulong ko. 'Yung kapatid ko nasa kulungan tapos 'yung ama ko, nasa ospital. Mali bang sila ang piliin ko?" Napatigil nang ilang segundo si Amanda. "At ano naman sa 'yo kung puro mali na lang ang desisyon ko sa buhay? Ano sa 'yo kung paulit-ulit na lang ang nagpapakatanga at bumabalik kay Theo?!"Sumabog na talaga si Amanda sa sobrang inis at frustration. Habang si Jaxon ay natulala ng ilang segundo at para bang hindi maapuhap ang dapat na sasabihin."Alam mo, pareho lang naman kayo ni Theo, eh. Ang importante lang sa inyo ay ang ikasasaya niyo. Wala kayong pakialam sa iba basta nakukuha niyo ang gusto niyo!"Iyon lang ang huling sinabi ni Amanda bago iwan si Jaxon doon na natulala lang sa pagsabog niya. Makailang segundo ang lumipas bago nakabawi si Jaxon at bumalik sa loob ng ospital. At nang sumulyap siya sa pwesto nila kanina ay nakita na niya si Theo doon na nakakuyom ang kamao at igting
GABI NA NGA nang makarating sina Theo at Amanda pabalik sa mansion. Pinagbuksan ni Theo si Amanda upang makababa mula sa kotse."Nagugutom ka na ba? We can eat now. Or light dinner lang kung gusto mo. At pwede rin tayong magbukas ng wine," ani Theo, bakas ang tuwa sa tono.Baliktad naman kay Amanda dahil seryoso lamang ito. "Hindi natin kailangang gawin ang lahat ng ito, Theo..." ani Amanda."Ang alin?" pagmamaang-mangan ni Theo at nilapitan si Amanda, sinigurong magkalapit ang kanilang mga katawan. Umiwas lang ng tingin si Amanda. "Ano bang gusto mong gawin ko, Amanda? Gusto mong maging sweet at caring ako sa 'yo? Sabihin mo para hindi ako nangangapa!"Napabuga ng hangin si Amanda. "Wala. Bumalik na ako sa 'yo, Theo. Ano pa ba ang gusto mo?""At ako? Hindi mo ba tatanungin kung ano naman ang gusto ko, huh?"Napatawa lang ng pagak si Amanda, hindi na sinubukan pang sumagot. Kababalik palang niya pero ito sila, nag-aaway na agad. Nang nakapasok tuloy sila sa loob, dumiretso lang si The
NAGKAROON NG masamang panaginip si Theo. Sa panaginip niya ay ikinasal daw sina Amanda at Harold kaya napabangon siya sa bigla sa kama. At doon napansin niyang wala na si Amanda sa tabi niya."Amanda!"Nakarinig si Theo ng kaluskos sa closet kaya kaagad siyang pumasok doon. Nakita niya si Amanda na busy na magprepare ng isusuot niya para sa araw. Pati ang isusuot niyang relo ay siya na ang pumipili. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Theo bigla."Okay ba itong Rolex watch na lang ang isuot mo ngayon?" tanong ni Amanda sa kaniya nang mapansin ang presensya niya.Imbes na sumagot si Theo ay agad siyang lumapit kay Amanda at niyakap ito mula sa likuran at napapikit. Hindi naman nagreklamo si Amanda at hinayaan lang siya. Hindi tuloy mapigilan ni Theo na halikan si Amanda sa leeg pataas sa likod ng tenga nito."Gusto ko 'to..." naibulong ni Theo. "Gustong-gusto kong ikaw ang pumipili ng mga isusuot ko."Hindi naman sumagot si Amanda. Pero napansin niya ang pagkibot ng pagkalalaki ni T
"M-MALA-LATE NA ako, Theo," pambabaliwala ni Amanda sa tanong ni Theo.KMas lalong kumunot ang noo ni Theo, pinipigil ang sariling magalit sa kinikilos ni Amanda. "Bakit hindi mo buksan at tingnan kung sino 'yang nagtext? Baka importante. O baka naman natatakot kang makita ko?" taas kilay na tanong ni Theo.Napabuga ng hangin si Amanda. "Gusto mo bang i-check kung sino ang nagtext sa 'kin? Tingnan mo na. Tingnan mo na rin kung sino ang mga ka-text ko at magiging ka-text ko sa susunod na araw," nawawalan ng pasensyang ani Amanda.Ramdam bigla ni Theo ang tensyon sa pagitan nila. Ayaw naman niyang maging simula na naman ito ng pag-aaway nila ni Amanda lalo pa at kababalik lang nito. Imbes na sagutin, napangisi lang si Theo. "No need. Hindi ba sabi mo mala-late ka na? Sige na..." Pinakawalan na niya agad si Amanda.Parang nakahinga naman nang maluwag bigla si Amanda dahil doon. Mukhang may sasabihin pa si Theo pero hindi na niya pinansin pa at umalis na lang.Nagpahatid si Amanda sa dri
"H-HINDI NAMAN. Nagulat lang ako," sagot agad ni Amanda at umiwas ng tingin kay Theo."Para kasing distracted ka sa ibang bagay. Siguro..." "Siguro ano?" tanong ni Amanda."Nakita ko ang doktor ng papa mo kaninang pumasok sa loob. Nagkita ba kayo?" deretsahang tanong agad ni Theo, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.Napabuntong hininga si Amanda at napailing na lang. "Pinagdududahan mo na naman ba ako, Theo? Hindi mo ako kailangang pag-isipan ng kung anu-anong bagay dahil coincidence lang na nagkita kami kanina ni Dr. Cuevas. Wala kaming koneksyon o ano pa man."Kumalma ang ekspresyon ni Theo at tumango. Hinaplos niya ang pisngi ni Amanda nang dahan-dahan. "May tiwala ako sa 'yo, Amanda. Pwede na ba tayong umuwi at magdinner, hmm?" malambing pa na anyaya nito.Tumango na lang si Amanda. At nagulat siya dahil bigla na lang siyang hinawakan sa bewang ni Theo at mabilis na iginaya sa sasakyan nito. Ang akala ni Amanda ay papakawalan din siya agad ni Theo pero nagulat siya nang niyukumos siya
DUMIRETSO SI Amanda sa direksyon ni Jannah at inilahad ang regalong dala para sa kaniya. "Pasensya ka na, Jannah. Kung alam ko lang na birthday mo ngayon, edi sana mas nakapag-isip pa ako ng mas magandang regalo para sa 'yo. At tsaka kahit medyo late na, gusto pa rin kitang batiin ng happy birthday."Pasimpleng tinapunan ng tingin ni Amanda sa si Theo na medyo natulala pala sa kaniya.Ngumiti si Jannah bago tanggapin ang regalo. "Thank you, Amanda! Hindi naman siguro pang-pipitsugin lang 'tong regalo mo, hindi ba?" Tumawa ito.Umiling si Amanda na may mapaglarong ngisi sa labi. "Hindi naman kasi pera naman ni Theo ang ginastos ko para diyan. Medyo mahal nga, eh..."Natahimik si Jannah maging ang ilang nakarinig sa naging sagot ni Amanda. Napaisip lahat na mukhang totoo ngang nagkabalikan na sina Theo at Amanda. Madami rin kasing may ayaw kay Amanda. Hindi na lang gaanong pinapansin iyon ni Amanda.Naputol ang katahimikan nang may mag-ayang maglaro bigla."Guys, laro na lang tayo! Trut
NATAPOS SILA parehas na hinihingal. Nasa ibabaw pa rin ni Amanda si Theo habang nakabaon ang mukha sa kaniyang leeg pero makaraan ng ilang segundo, inalis nito ang mukha doon. Hindi na napigilan pa ni Amanda na haplusin ang mukha ni Theo nang nagtama ang paningin nila. Parang gustong-gusto naman iyon ni Theo dahil tila kumalma ang paghinga nito.Maya-maya pa ay napatingin si Theo sa bandang pulsuhan ni Amanda kung saan bakas pa rin ang ilang peklat nito matapos ng pagsugat nito sa sarili noong nasa hotel sila. "Masakit pa rin ba?" Tila nag-aalalang tanong ni Theo bago hinalikan si Amanda banda doon.Hindi sumagot si Amanda. Ang mga sugat niya sa pulsuhan ay ang simbolo ng karahasan ni Theo noong nasa hotel sila. Hindi niya makakalimutan iyon. Pakiramdam niya sobrang cheap niya bilang babae.Kaya imbes na sumagot, hinila ni Amanda ang likod ng ulo ni Theo at niyukumos ito ng halik kung saan niya ibinuhos lahat ng frustration niya. Wala naman itong naging reklamo pero napansin ni Amand
NANG NAIWAN NA lang na mag isa si Theo, napahilot na lang siya ng sentido dahil sa stress kay Jennie. Sumagi rin sa isip niya si Amanda. Mas lalong bumigat ang loob niya dahil doon. Pakiramdam niya, ang habang panahon ng hindi niya nakita si Amanda kahit pa nasa kalagitnaan pa lang naman ng isang buwan.Aminin man ni Theo o sa hindi, namimiss na niya ang presensya niya Amanda."Amanda..." naiusal na lang ni Theo ang pangalan ng asawa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis pa. Hindi na niya kayang kimkimin ang pagpipigil niya. Tumayo siya sa sofa at lumabas ng kaniyang opisina. Natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob na ng kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital kung nasaan si Amanda ngayon."Kahit saglit lang, gusto kitang makita," naibulong na lang ni Theo sa sarili at mas binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang planong magpakita kay Amanda. Gusto niya lang itong makita kahit sa malayo. Pagkakasyahin niya ang sarili sa ganoong sitwasyon pansamantala dahil hindi iyon m
TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa
ANG LAHAT AY PUTI.Sobrang maliwanag para kay Amanda ang lahat. Pakiramdam niya ay mabubulag na ang mga mata niya sa sobrang liwanag ng paligid. Tinakpan niya iyon gamit ang kamay ngunit lumulusot pa rin. Naiiyak na lang si Amanda sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit naestatwa siya sa pwesto nang makarinig siya ng pamilyar na boses..."Kumusta ka na, anak?"Namilog ang mga mata ni Amanda sa narinig. Mas lalo lang siyang naluha. May naramdaman siyang sakit sa dibdib ngunit mas nanaig ang saya."P-Pa?" tawag ni Amanda. "Ikaw ba iyan?" tanong pa niya. Hindi alam ni Amanda kung tama ba ang narinig niya o pawang kathang isip lang. Pero parang totoo! Narinig niya ang boses ng ama!"Ayos ka lang ba? Ang Mama at ang apo ko? Kumusta na?" tanong pa ng boses na hindi maaninag ni Amanda.Napahikbi si Amanda sa sobrnag frustration. Wala siyang makita dahil sobrang liwanag."Pa! Please, magpakita ka!" sigaw ni Amanda at pilit lumingon at tinanggal ang harang sa mga mata. Ang kaso wala talaga