공유

CHAPTER 38: The Transfer Agreement

작가: YULIANNE
last update 최신 업데이트: 2024-06-20 08:57:50

PAGAK LANG na napatawa si Amanda. Babalik na naman siya sa dati... pakiramdam niya magbubuhay preso na naman siya at lahat ng gagawin niya ay monitored lahat ni Theo.

"Sana 'wag mo na ulitin ang ginawa mo dati sa akin, Theo... ang ikulong ako sa loob ng mansyon lang. Gusto kong gumawa ng mga bagay para sa sarili ko. Gusto kong magtrabaho. At sana... hindi mo muna ako mabuntis," sabi ni Amanda.

Ngayon, ipinagpapasalamat niya na mabuti na lang ay wala silang nabuo noon ni Theo dahil nagpipills siya. Dahil sa oras na may anak na sila, magiging kumplikado lang ang lahat. Mas kawawa ang bata sa sitwasyon nila at maiipit lang.

Tumaas ang kilay ni Theo. "At ikaw naman ngayon ang nagbibigay ng kondisyon, huh?"

"May karapatan naman ako, 'di ba?"

"Of course. As long as sundin mo rin lahat ng terms ko."

Tumango si Amanda. "Alam ko. At oo nga pala... ayoko nang maulit ang kagaya noon na kay Secretary Belle pa ako humihingi ng pera. Gusto kong makuha kahit 2% share lang ng kompaniya mo."

Alam ni
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 297: The Brother Is Back

    BUSY SI AMANDA sa pagrereview ng mga ilang dokumento tungkol sa restaurant niya. About iyon sa sales at hindi niya maiwasang matuwa. Malaki kasi ang kita nila at kahit hindi siya magpunta doon, maayos magtrabaho ang mga empleyado niya. Hindi bumababa ang sales nila.Habang busy sa pagtingin ng dokumento si Amanda, saka naman dumating si Theo. Napansin nito ang pinagkabusyhan ni Amanda at hindi mapigilang magsalita tungkol doon. Pasimple pa nitong hinawakan sa balikat ang babae na parang nakaakbay na ito."Gusto mo ng tulong para diyan? Pwede kong iutos sa finance sa kompaniya ko. Para hindi ka na gaanong mahirapan pa," pag offer pa ni Theo ng tulong.Agad na umiling si Amanda. "Hindi naman na kailangan. Hindi nila trabaho ito. At alam ko ring busy sila," aniya. "Ayaw kong makasagabal sa iba. Gusto kong imaintain ang pagiging professional ko," dagdag pa niya.Natawa si Theo. Expected naman na niya iyon pero umasa pa rin siya kahit papaano na mabago ang isip ni Amanda. Gusto lang din n

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 296: The Stuff Toy

    ANG HULING PAGKAKATANDA ni Amanda kay Luigi ay isa itong mabuti at madaling lapitan na tao. Natatandaan pa niya noon na nakakasalamuha niya ito kapag may mga event. Hindi pa lugmok ang pamilya nila noon at kaya pang makipagsabayan sa mga taga alta. Hindi pwedeng hindi mo mapansin ang isang Luigi Torregoza. Sa tikas at gwapo ba naman ito.Ngayon ay nakita na niya naman ito. At gusto siya nitong makausap. Nag aalangan si Amanda kasi alam naman niya kung gaano kadisgusto dito si Theo. Pero naisip niya na siguro ay ayos lang din naman. Kaya naman tumango siya sa sinabi ni Luigi at mabilis na lumabas na kotse. "Ano po ang pag uusapan natin?" magalang na tanong ni Amanda.Bumuntong hininga si Luigi bago tuluyang sumagot. "Gusto ko lang malaman kung kumusta na ang... anak at apo ko..."Natigilan si Amanda doon. Hindi niya mapigilang maguluhan. Kasi syempre, iniwan niya si Theo noong bata pa ito tapos ngayon ay kakamustahin niya? Na para bang walang nangyari. Pero hindi magawang magalit ni

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 295: The Knock

    "G-GIO..." NAUUTAL na banggit ni Loreign sa pangalan ng lalaki. Nilunok niya ang tila bikig sa lalamunan at mas pinagmasdan ang mukha ni Gio.Ito ang lalaking nariyan lagi para sa kaniya. Tinanggap siya ng buo at handa siyang pakasalan. Hindi dapat siya nag iisip ng iba. Kay Gio, dapat payapa siya. Walang mangyayaring masama."Ayos ka lang ba? Medyo namumula ang mga mata mo..." ani Gio at umigting ang panga.Bahagyang nag iwas ng tingin si Loreign. "A-Ah. Ikaw kasi, eh! Tears of joy iyan. Hindi ko lang mapigilang maiyak kasi ikakasal na rin tayo soon..." sagot niya sa lalaki.Hindi pa rin talaga makapaniwala si Loreign na naging sila ni Gio. Sobrang perfect ba naman kasi nito para sa kaniya. At ito lang ang lalaking nagustuhan niya na willing siyang alayan ng kasal... na hindi nagawa ni Gerald noon. Sobrang laki ng pagkakaiba nila. Kung si Gio ay handang ibigay sa kaniya lahat ng gusto niya, si Gerald ay hirap at maraming kailangang ikonsidera.Kaya natutuwa talaga si Loreign na nagka

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 294: The Coincidence

    "SASAMA DAPAT si Gio ngayon pero nabusy, eh. Kaya hindi nakasama," ani Loreign habang kausap si Amanda. Nasa coffee shop na sila ngayon kung saan sila nagdecide na magkita. "Pero kumusta ka na? Kayo ni Theo... 'yung tungkol sa pagbubuntis mo?" tanong pa nito.Napainom nang wala sa oras si Amanda sa inorder. Ang totoo niyan ay masama pa rin talaga ang loob niya dahil sa negative na result. Pero wala naman na siyang magagawa doon. Wala namang mangyayari kung mas pagtuonan pa rin niya ng pansin iyon."Ayon... negative. Binilinan ako ng doktor na 'wag masyadong mastress kasi baka iyon ang isa sa rason kung bakit hindi ako nabubuntis," sagot niya sa kaibigan.Bumakas ang awa sa mga mata ni Loreign. "Sorry, Amanda..." sambit nito dahil alam naman niyang masakit iyon sa parte ni Amanda lalo pa at nag eexpect talaga ito. Hindi na niya napigilan ang sariling abutin ang kamay ni Amanda para mahawakan iyon.Bahagyang natawa si Amanda dahil do'n. "Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan. At

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 293: The Kindness

    "ANG MAIAADVICE KO na lang sa inyo, lalo na kay Ma'am ay dapat umiwas po tayo sa stress para mas madaling magbuntis. At syempre, dapat kumain din ng mga masusustansyang gulay. At ang huli ay..." Umakto na para bang nag iisip ang doktor."Ano ang panghuli, doc?" takhang tanong ni Theo."Isang mahirap na sitwasyon ang pagbubuntis. Sana pagbigyan kayo ng Panginoon, hindi dahil obligado kayo, kundi dahil mahal niyo ang isa't isa. Iyon ang panghuli," nakangiting eksplanasyon ng doctor at kalaunan ay kinailangan na nitong umalis para maasikaso ang iba pang pasyente.Nang sila na na lang dalawa ni Theo, napayuko na lang si Amanda dahil sa pamumula ng kaniyang pisngi. Nahiya siya bigla at hindi magawang mating an si Theo sa mga mata. Bakit ba kasi kinailangan pa ng doktor na banggitin ang huling sinabi nito? Napailing na lang siya sa utak.Hindi na sila nagtagal pa masyado doon. Bumaba na sila agad at nagtungo sa naghihintay na kotse ni Theo. Nang nakapasok sila sa loob ay hindi muna pinaanda

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 292: The Negative Result

    PAGKARATING SA KOMPANIYA, nawalan na talaga ng tuluyan ng mood si Theo. Parang magkakasakit siya bigla dahil sa naging usapan nila ni Luigi."Ser? Hindi pa po ba kayo bababa?" tanong ng driver ni Theo.Bumuntong hininga si Theo. "Saglit lang..." mahinang sambit niya na ikinatango naman ng driver.Dapat pumasok na siya agad sa building, eh. Kasi alam niyang maraming trabaho ang naghihintay sa kaniya. Hindi pwedeng maihalo ang personal niyang buhay sa trabaho lalo pa at maraming mga empleyado ang umaasa sa kaniya. Apektado ang lahat sa oras na magkamali siya.Pero sa mga oras na iyon, parang gusto na lang bigla ni Theo ang magpahinga. Wala sa sariling kinuha niya ang phone sa bulsa at idinial ang numero ni Amanda. Nawala na sa isip niya na baka tulog pa si Amanda sa mga oras na ito dahil nga maaga pa naman. "Theo?" ani Amanda pagsagot palang ng tawag ni Theo.Hindi nakasagot si Theo at agad na umukit ang ngiti sa kaniyang labi. Sa hindi malamang dahilan, kumalma na siya agad pagkarinig

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status