"WALA AKONG gustong marinig sa mga sinasabi mo, Theo!" ani Amanda at pinilit umiwas kay Theo.Mas lalong umigting ang panga ni Theo dahil sa inasal ni Amanda. Isang buntong hininga ang kumawala mula sa kaniya na tila ba nagtitimpi siya bago tumango. "Gustong gusto mo talagang sagarin ang pasensya ko, Amanda," aniya sa ngayon ay mapanganib ng tono."Ano-- hmp!"Marubdob na hinalikan ni Theo si Amanda sa mga labi kaya hindi na nito nasabi pa ang sasabihin. Sa paraan ng halik nito ay tila pinaparusahan niya si Amanda. Nilasahan niya ang labi nito at ipinasok ang dila sa bibig. Agresibo at tila walang balak magpapigil si Theo kahit pa hindi iyon nasusuklian ni Amanda.Pinilit ni Amanda na itulak si Theo pero para bang mistula itong malaking bato na hindi niya maitulak. Wala itong planong pakawalan si Amanda kahit pa nagpupumiglas ito. Nawawalan na si Theo ng kontrol...Nang sa wakas pakawalan na ni Theo ang labi ni Amanda ay lumanghap si Amanda ng hangin. Hingal na hingal siya dahil sa p
KUNG TUTUUSIN, pwede namang magpadevelop na lang ng bago si Theo pero hindi niya ginawa dahil sa sentimental value ng picture. Si Amanda kasi ang mismo nagpagawa no'n kaya gusto niya, siya naman ang mag effort para dito. Pinuntahan ng personal ang isang magaling na magrestore ng photo na si Mark Reyes. Inexamine ni Mark kung anong pwedeng gawin sa wedding photo bago napailing."Bakit?" napatanong na lang si Theo.Bumuntong hininga si Mark. "Mr. Torregoza, mukhang imposible nang marestore pa ito. At tsaka, pwede ka namang magpagawa na lang bago kung gugustuhin mo. Kasi sa totoo lang, hindi naman na worth it kung iparestore mo pa ito eh, pwede namang magpadevelop na lang ng panibago."Umiling si Theo. "Importante 'yan sa 'kin. Hindi pwedeng basta na lang ako magpagawa ng bago. Kaya baka pwedeng bigyan mo pa ng second look, baka sakaling may magawa ka pa diyan. Handa akong magbayad kahit magkano."Iniabot ni Theo ang cheke. Napatigil naman ng bahagya si Mark doon bago tumango."Sige, Mr
SA MGA SUMUNOD na araw, mas ipinokus na lang ni Amanda ang atensyon sa sariling career. Mas pinag igihan niya ang pagsasanay para naman hindi mapahiya si Klarisse Virtucio sa pagpili sa kaniya. Gusto niyang patunayan na kaya niya da kabila ng lahat ng pinagdadaanan niya ngayon lalo na sa marriage niya.At kahit papaano, may progress naman siya dahil hindi niya inaakala na may mga reporters at taga media na kyuruso sa kaniya patungkol sa talento niya sa musika. Kaya may mangilan ngilan na pinaunlakan si Amanda na maiikling interview lang at sa lahat ng iyon, may hindi siya nakakalimutang sabihin."Hi! Bago ako sumagot sa mga katanungan niyo, may isa lang sana akong hiling. Gusto kong magmula ngayon, i-address niyo ako bilang Miss Fabregas at hindi Mrs. Torregoza..."Natatahimik na lang ang mga taga media dahil sa sinabi ni Amanda. Gusto nilang magtanong kung bakit pero hindi na sinasagot pa iyon ni Amanda. Iniiba na lang niya ang usapan.Napanuod iyon ni Theo. Habang nasa opisina siya,
"AKO NA ANG bahala sa kanya," ani Gerald matapos nitong buhatin ang nagpupumiglas pang si Loreign. Pero ano nga ba ang laban nito, eh lasing na lasing na. Wala na itong nagawa pa.Tumango si Amanda bilang pagsagot. "Ingatan mo siya," paalala pa niya. "Gusto mong sumabay sa amin? Ihatid na rin kita pauwi."Kaagad umiling si Amanda. Ayaw naman niyang makadisturbo sa kanilang dalawa. Nakakahiya naman. "Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko pero salamat sa alok.""Okay. Alis na kami," paalam ng lalaki."Sige. Ingat kayo."Tumango ang lalaki bago tuluyang tumalikod at naglakad papalayo na karga si Loreign. Napabuntong hininga na lang si Amanda nang nakitang nagsisisigaw pa rin si Loreign. Mukhang kailangan talaga ng dalawang iyon ang mag usap at sana maayos na rin nila kung ano man ang hindi nila pagkakaunawaan.Nang naiwan nang mag isa si Amanda ay naisipan niya munang magstay doon. Uminom siya ng alak na order sa kaniya kanina ni Loreig hanggang sa maging tipsy na rin siya. Wala
MADILIM ANG tingin na ipinukol ni Theo kay Amanda matapos mabasa ang nasa cellphone nito."Nameet mo sa bar kanina, huh? Sino 'to?" tanong niya kay Amanda. Ngumisi si Amanda. "Oo, nameet ko siya sa bar kanina. Cute nga siya, eh kahit halatang mas bata sa akin ng ilang taon. Pero, ano naman ngayon 'yan sa 'yo, Theo? Ano, hindi ako pwedeng makipag flirt samantalang kayo ni Sofia, pwede?"Umigting ang panga ni Theo at hindi nakasagot agad. Iniisip palang kasi niyang may ibang lalaki si Amanda ay nagliliyab na siya sa sobrang galit!"Actually, masaya nga ako na may nameet akong bagong kaibigan. Kung hindi mo kayang makita akong masaya, i-divorce mo na lang ako, Theo!" dagdag pa ni Amanda.Mas lalong nainis si Theo sa sinabi ni Amanda. Nanggigigil siya kaya pinarusahan niya ito ng agresibong halik na para bang wala na itong pakialam kung maubusan ng hininga si Amanda. Sinubukang magpumiglas ni Amanda pero pwersahan lamang pinagsalikop ni Theo ang mga kamay nila. Ipininid ng lalaki ang kam
HINDI PA RIN nagsalita si Theo kaya kinuha ulit na tsana iyon ni Amanda para muling magpatuloy."Tungkol sa share ko sa kompaniya mo na na-acquire ko... ibabalik ko sa iyo 'yon kung tutulungan mo ang kapatid ko sa kaso niya at pagkatapos no'n, maghiwalay na lang tayo ng tuluyan na para bang walang namagitan sa atin. After all, kapag nangyari iyon, matutupad mo rin ang pangarap ni Sofia na maging tunay mong asawa, hindi ba?"Lumamlam ng tingin na ipinukol ni Theo kay Amanda bago ito napabuntong hininga. "Ikaw, Amanda... ano bang pangarap mo?" tanong naman niya pabalik.Kumunot ang noo ni Amanda. Hindi niya inaasahan na tatanungin iyon ni Theo sa kaniya. Hindi tuloy siya kaagad nakasagot.Pero imbes na sagutin iyon ay tumalikod na si Amanda at binuksan ang pintuan. At hindi niya inaasahan ang babaeng nasa labas na nakawheelchair. Si Sofia na para bang kanina pa naghihintay doon. Napatawa tuloy ng pagak si Amanda.Sa pagkakataong ito, mas lalo lamang niya napagtanto na siya ang parang ko
HABANG MAHIGPIt ang hawak ni Theo sa lahat ng ebidensyang ang ina niya ang may pakana ng lahat, bumukas ang pintuan ng kwarto niya.Iniluwa no'n ang ina niya. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito ngayon pero blangko lamang ang tingin na ipinukol niya dito. Maayos ang pustora ni Therese pagkapasok sa kwarto. Kumikinang ang alahas niya sa pulsuhan at kwintas. Halatang yayamanin dahil sa ayos nito.Dumako ang tingin ni Therese sa hawak ni Theo bago niya binalingan ang kasama nitong alalay. "Iwan mo muna kami ng anak ko," aniya dito. Sumunod naman ang babae at agad na umalis ayon na rin sa utos ni Therese.Inilocked agad ni Therese ang pintuan para masiguradong walang magiging disturbo sa usapan nila ni Theo ngayon. Mabigat ang atmosphere ng kwarto pero gayunpaman, si Therese ang naunang basagin ang katahimikan sa pagitan nila matapos lumipas ang ilang segundo."Nabalitaan ko ang nangyari sa 'yo ngayon kaya nagmadali akong nagpunta dito. Nag away daw kayo ni Amanda kaya narito ka ngayo
MAAGANG NAGISING si Theo dahil hindi naman siya nakatulog masyado ng gabing iyon. Namulat siya ng mga mata na yakap pa rin si Amanda sa bisig niya. Isang maliit ang ngiti ang namuo sa labi niya bago muling ibinaon ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ng asawa.Makalipas ang ilang minuto, bumangon na rin si Theo at naisipang maligo para makapag ayos. May importante siyang lalakarin ngayon tungkol sa bidding sa kompaniya niya. Nang natapos na si Theo ay agad siyang nagsuot ng damit at nag ayos. Habang inilalagay ang necktie niya ay sakto namang namulat ng mga mata si Amanda.Nagtama ang mga tingin nila at muli na namang naalala ni Theo ang usapan nila ni Amanda. Ayaw niya sa gusto ni Amanda. Pero sa ngayon, ayaw na muna niyang ibring up ang tungkol doon dahil baka mag away na naman sila kaya nag iwas na lang ng tingin si Theo."Pag isipan mo nang mabuti ang usapan natin kagabi, Theo," ani Amanda bigla na siyang ikinatigil ng bahagya ni Theo.Kasasabi niya lang sa isip na ayaw niyang
NAPAILING NA LANG si Theo sa sobrnag disappointment. Alam naman niyang may mga ganito ng pahaging ang ina niya pero hindi pa rin niya maiwasang mainis lalo. Aware naman din siya na nagkakaganito si Therese dahil na rin sa kalagayan ni Amanda at ayaw nitong malagay sa alanganin ang kompaniya nila at reputasyon na niya rin.Napabuntong hininga si Theo, sinubukan na ikalma ang sarili bago tuluyan ng pumasok. Nakita niya si Georgina na para bang nahihiya pang tumingin sa kaniya dahil halatang nanginginig ang kamay nito nang magtama ng bahagya ang kanilang tingin."Georgina, may ibibigay pala ako sa iyo, hija! Sana magustuhan mo itong simpleng regalo ko sa iyo," ani Therese kay Georgina at iniabot ang isang box na halatang galing pa sa isang mamahalin at sikat na brand.Tuwang tuwa naman na inabot iyon ni Georgina. "Oh. Thanks po, tita! Nag abala pa kayo..." nahihiyang saad nito bago buksan ang box. Bumungad sa kaniya ang isang mamahaling bracelet at talaga namang nagustuhan niya iyon kaya
NANG NAIWAN NA lang na mag isa si Theo, napahilot na lang siya ng sentido dahil sa stress kay Jennie. Sumagi rin sa isip niya si Amanda. Mas lalong bumigat ang loob niya dahil doon. Pakiramdam niya, ang habang panahon ng hindi niya nakita si Amanda kahit pa nasa kalagitnaan pa lang naman ng isang buwan.Aminin man ni Theo o sa hindi, namimiss na niya ang presensya niya Amanda."Amanda..." naiusal na lang ni Theo ang pangalan ng asawa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis pa. Hindi na niya kayang kimkimin ang pagpipigil niya. Tumayo siya sa sofa at lumabas ng kaniyang opisina. Natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob na ng kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital kung nasaan si Amanda ngayon."Kahit saglit lang, gusto kitang makita," naibulong na lang ni Theo sa sarili at mas binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang planong magpakita kay Amanda. Gusto niya lang itong makita kahit sa malayo. Pagkakasyahin niya ang sarili sa ganoong sitwasyon pansamantala dahil hindi iyon m
TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa