HINDI PA RIN nagsalita si Theo kaya kinuha ulit na tsana iyon ni Amanda para muling magpatuloy."Tungkol sa share ko sa kompaniya mo na na-acquire ko... ibabalik ko sa iyo 'yon kung tutulungan mo ang kapatid ko sa kaso niya at pagkatapos no'n, maghiwalay na lang tayo ng tuluyan na para bang walang namagitan sa atin. After all, kapag nangyari iyon, matutupad mo rin ang pangarap ni Sofia na maging tunay mong asawa, hindi ba?"Lumamlam ng tingin na ipinukol ni Theo kay Amanda bago ito napabuntong hininga. "Ikaw, Amanda... ano bang pangarap mo?" tanong naman niya pabalik.Kumunot ang noo ni Amanda. Hindi niya inaasahan na tatanungin iyon ni Theo sa kaniya. Hindi tuloy siya kaagad nakasagot.Pero imbes na sagutin iyon ay tumalikod na si Amanda at binuksan ang pintuan. At hindi niya inaasahan ang babaeng nasa labas na nakawheelchair. Si Sofia na para bang kanina pa naghihintay doon. Napatawa tuloy ng pagak si Amanda.Sa pagkakataong ito, mas lalo lamang niya napagtanto na siya ang parang ko
HABANG MAHIGPIt ang hawak ni Theo sa lahat ng ebidensyang ang ina niya ang may pakana ng lahat, bumukas ang pintuan ng kwarto niya.Iniluwa no'n ang ina niya. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito ngayon pero blangko lamang ang tingin na ipinukol niya dito. Maayos ang pustora ni Therese pagkapasok sa kwarto. Kumikinang ang alahas niya sa pulsuhan at kwintas. Halatang yayamanin dahil sa ayos nito.Dumako ang tingin ni Therese sa hawak ni Theo bago niya binalingan ang kasama nitong alalay. "Iwan mo muna kami ng anak ko," aniya dito. Sumunod naman ang babae at agad na umalis ayon na rin sa utos ni Therese.Inilocked agad ni Therese ang pintuan para masiguradong walang magiging disturbo sa usapan nila ni Theo ngayon. Mabigat ang atmosphere ng kwarto pero gayunpaman, si Therese ang naunang basagin ang katahimikan sa pagitan nila matapos lumipas ang ilang segundo."Nabalitaan ko ang nangyari sa 'yo ngayon kaya nagmadali akong nagpunta dito. Nag away daw kayo ni Amanda kaya narito ka ngayo
MAAGANG NAGISING si Theo dahil hindi naman siya nakatulog masyado ng gabing iyon. Namulat siya ng mga mata na yakap pa rin si Amanda sa bisig niya. Isang maliit ang ngiti ang namuo sa labi niya bago muling ibinaon ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ng asawa.Makalipas ang ilang minuto, bumangon na rin si Theo at naisipang maligo para makapag ayos. May importante siyang lalakarin ngayon tungkol sa bidding sa kompaniya niya. Nang natapos na si Theo ay agad siyang nagsuot ng damit at nag ayos. Habang inilalagay ang necktie niya ay sakto namang namulat ng mga mata si Amanda.Nagtama ang mga tingin nila at muli na namang naalala ni Theo ang usapan nila ni Amanda. Ayaw niya sa gusto ni Amanda. Pero sa ngayon, ayaw na muna niyang ibring up ang tungkol doon dahil baka mag away na naman sila kaya nag iwas na lang ng tingin si Theo."Pag isipan mo nang mabuti ang usapan natin kagabi, Theo," ani Amanda bigla na siyang ikinatigil ng bahagya ni Theo.Kasasabi niya lang sa isip na ayaw niyang
"MA'AM, MAY mga dumating po na mukhang mamahaling shopping bags para sa inyo!" bungad kaagad ng isa sa mga katulong nang makabalik si Amanda sa mansion.Kumunot ang noo ni Amanda. Hindi na siya gaanong nag isip pa kung sino ang nagbigay no'n sa kaniya. Si Theo lang naman ang nagbibigay ng mga mamahaling gamit mula noon. "Baka si Theo na naman ang nagbigay," walang interest na sambit ni Amanda.Hindi na nagkumento pa ang katulong at mukhang natutuwa pa rin sa mga natanggap ni Amanda na mga mamahaling gamit. Pagkaakyat ni Amanda sa kwarto ay bumungad sa kaniya ang iba't ibang paper bags mula sa mga mamahaling brands. Sa loob no'n ay mga dress, jewelries and mga sapatos. Ang dami. Kung ibang babae lang siya ay siguro ay nagtatalon na siya sa tuwa. Pero kapag naiisip niya kung kanino nanggaling ay napapangiwi na lang siya.Hindi na namalayan pa ni Amanda na habang tinitingnan niya ang mga mamahaling gamit ay siya namang dating ni Theo. Yumakap si Theo mula sa likuran. "Nagustuhan mo ba
NANG MAPAUWI si Sofia ay agad namang bumalik si Theo sa kwarto nila Amanda. Nasa hagdan palang siya ay hindi niya tuloy maiwasang mag isip isip. Sa mga nagdaang araw, ang laki na talaga ng pagbabago ni Amanda.Ang layo na niya sa babaeng pinakasalan niya noon. Ibang iba na siya. At para bang... nagkabaliktad bigla ang sitwasyon nila noon. Kung noon, si Amanda ang parang sobrang eager na mapansin niya. Pero ngayon... parang si Theo naman ngayon ang naghahabol sa kaniya. Napangisi na lang siya ng mapakla at napailing.Pagkarating ni Theo sa kwarto ay nataranta siya nang makitang nag iimpake si Amanda ng mga damit niya. Naglalagay ito ng mga damit sa loob ng kanyang suitcase. Agad itong dinaluhan ni Theo na may namimilog na mga mata. Aalis ba ito? Iiwan ba siya ng asawa niya?!"Anong ginagawa mo?!" tanong ni Theo sabay hila sa pulsuhan nito para mapigilan sa ginagawa. "Aalis ka ba?!"Isang malamig lang ang ipinukol sa kaniya ni Amanda na para bang wala lang sa kaniya ang pagkakataranta n
MADILIM NA nang makarating sa kaniyang destinasyon si Theo. Nang nakarating sa hotel ay hindi sinasadyang makita ang parang couple malapit sa entrance ng hotel na nagtatawanan. Halatang masaya sa pinag uusapan nila.Sumeryoso ang tingin niya nang mapagtanto kung sino ang mga iyon. Ang asawa niyang si Amanda at si Harold...Napakuyom siya ng kamao nang mapagtantong sobrang tuwa ni Amanda kasama ni Harold ngayon. Abot sa mga mata nito ang tuwa na kailanman ay hindi niya nakita kapag silang dalawa ang magkasama. Palaging malamig ang tingin na ipinupukol ni Amanda sa kaniya kapag magkaharap na sila.May kung anong sumikip sa dibdib ni Theo bago naisipang magmartsa papunta sa direksyon nila. At nang nahagip ni Amanda ang bulto niyang papalapit sa direksyon nila, lumamig muli ang ekspresyon sa mukha nito. Hindi na lang iyon pinansin ni Theo at mas lumapit pa sa kanila.Nang nakita siya ni Harold ay napatigil din ito aa pagtawa at seryosong napatingin kay Theo."Tingnan mo nga naman ang pagk
MAY NGISI sa labi ni Theo nang magising kinabukasan. Mas lalo lamang lumawak iyon nang nakita si Amanda sa tabi niya. Ang ganda ganda nito at nakakaakit kahit pa tulog at walang kahit anong kolorete sa mukha. Naalala na naman niya ang mainit nilang tagpo kagabi. Gusto niya ulit maulit iyon...Pero mukhang malabo dahil nang magmulat ng mata si Amanda ay masama na agad ang tingin na ipinukol sa kaniya."Kailangan nating pag usapan ang nangyari kahapon," ani Amanda agad. Ni wala man lang good morning o halik sa kaniya!Bahagyang nainis si Theo pero hindi na lang niya isinaboses pa. "Anong dapat nating pag usapan?""Pinasundan mo ako kahapon! Hindi mo dapat ginagawa iyon, Theo. Paano na lang kung magsimula na ang trabaho ko with Klarisse Virtucio? Ano na lang ang sasabihin niya? Nakakahiya! Hindi pwedeng magtuloy tuloy itong ginawa mo kahapon!""Masama bang sundan ko ang asawa ko? Tss." "Hindi tama, okay? Mali 'yang ginagawa mo! At tsaka wala naman akong ginagawang masama, huh?"Napaiwas
HULI NA ANG lahat para kay Theo. Hiniling niya sa isip na sana hindi pa iyon nalalaman ni Amanda pero huli na. Alam na ni Amanda!At hindi maiwasang mainis ni Amanda sa katotohanang nagpunta sa pamamahay ng parents niya si Sofia. Ang bahay na naging saksi ng pag iibigan ng parents niya noon. Ni hindi man lang nirespeto ni Sofia! At ang ikinaiinis niya ay ang malaman na si Theo pala ang nakabili sa mansion nila! Wala siyang kaalam alam! Pakiramdam niya ay pinaikot ikot lang siya ni Theo!At mukhang binili nito ang mansion nila para kay Sofia na naman. Siya na lagi ang rason! Mas lalo lamang nainis si Amanda sa mga pumapasok sa isipan niya ngayon.Nang natapos siyang magperform sa stage, kaagad kinausap ni Theo si Amanda. Para bang kinakabahan si Theo tungkol sa mga litratong napost online ni Sofia. Ayaw sanang kausapin ni Amanda si Theo pero mabilis nitong nahuli ang braso nito na siyang nagpatigil sa kaniyang lumayo."Wait lang, Amanda! Mag usap muna tayo!"Pahaklit na kinuha ni Amand
NANG NAIWAN NA lang na mag isa si Theo, napahilot na lang siya ng sentido dahil sa stress kay Jennie. Sumagi rin sa isip niya si Amanda. Mas lalong bumigat ang loob niya dahil doon. Pakiramdam niya, ang habang panahon ng hindi niya nakita si Amanda kahit pa nasa kalagitnaan pa lang naman ng isang buwan.Aminin man ni Theo o sa hindi, namimiss na niya ang presensya niya Amanda."Amanda..." naiusal na lang ni Theo ang pangalan ng asawa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis pa. Hindi na niya kayang kimkimin ang pagpipigil niya. Tumayo siya sa sofa at lumabas ng kaniyang opisina. Natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob na ng kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital kung nasaan si Amanda ngayon."Kahit saglit lang, gusto kitang makita," naibulong na lang ni Theo sa sarili at mas binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang planong magpakita kay Amanda. Gusto niya lang itong makita kahit sa malayo. Pagkakasyahin niya ang sarili sa ganoong sitwasyon pansamantala dahil hindi iyon m
TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa
ANG LAHAT AY PUTI.Sobrang maliwanag para kay Amanda ang lahat. Pakiramdam niya ay mabubulag na ang mga mata niya sa sobrang liwanag ng paligid. Tinakpan niya iyon gamit ang kamay ngunit lumulusot pa rin. Naiiyak na lang si Amanda sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit naestatwa siya sa pwesto nang makarinig siya ng pamilyar na boses..."Kumusta ka na, anak?"Namilog ang mga mata ni Amanda sa narinig. Mas lalo lang siyang naluha. May naramdaman siyang sakit sa dibdib ngunit mas nanaig ang saya."P-Pa?" tawag ni Amanda. "Ikaw ba iyan?" tanong pa niya. Hindi alam ni Amanda kung tama ba ang narinig niya o pawang kathang isip lang. Pero parang totoo! Narinig niya ang boses ng ama!"Ayos ka lang ba? Ang Mama at ang apo ko? Kumusta na?" tanong pa ng boses na hindi maaninag ni Amanda.Napahikbi si Amanda sa sobrnag frustration. Wala siyang makita dahil sobrang liwanag."Pa! Please, magpakita ka!" sigaw ni Amanda at pilit lumingon at tinanggal ang harang sa mga mata. Ang kaso wala talaga