Share

13. TWISTED (EXPLICIT CONTENT)

PAGDILAT ay agad niyang hinawakan ang labi. Parang panaginip lang ang nangyari kagabi.

Nagtatalon siya sa tuwa.

Boyfriend na niya si Leo! OMG!

Bago lumabas para magdilig ng mga halaman ay sinigurado niya muna na maganda siya bago lumabas. Naglagay siya ng manipis na lipstick at nagpulbo ng kaunti.

"Ganda mo talaga, Regina." Kausap niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. Matapos magpaganda ay lumabas na siya para magdilig, at syempre para na rin makita ang boyfriend niya.

Habang nagdidilig ay panay ang hawak niya sa labi. Hindi siya mapakali at hindi makapaniwala.

Parang panaginip lang kasi. Hindi niya akalain na magkakatotoo at mangyayari ang pangarap lang niya.

Ngumiti siya ng makita si Leo na nakalalabas lang.

"Good morning." Halatang pinipigilan nito ang ipakita ang ngiti sa kanya na parang nahihiya.

"Good morning din, Leo."

"Dito ka na mag almusal. Nagluto ako para sa 'tin." Nakangiting sabi nito.

Nagmamadali siyang pumunta sa bahay nito. Habang kumakain sila ay panay ang su
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status