Share

Taboo Temptation
Taboo Temptation
Author: AkoSiIttal

CHAPTER 1

Meeri's POV

Inayos ko mula sa pagkakasuot ang aking sunglasses at yumuko upang itago ang aking mukha. Pasimple pa akong luminga-linga sa paligid at nagsimulang maglakad habang hila-hila ang aking maleta.

"Meeri!"

Agaran akong napangiwi nang marinig ang malakas na boses na iyon at agad na may pumulupot na braso sa aking katawan. Napabuntong-hininga na lamang ako at tinanggal ang sunglasses sabay hinarap ito.

"Rosie," usal ko naman at nginitian ang babae habang sinusuri ang katawan nito.

She's Rochelle Aguilera but I prefer calling her Rosie, she's my very best friend since elementary. Naka-curl ang maikli nitong brown na buhok, may mapupungay na mata, perfect jaw, pinkish lips and cheeks, at matangos na ilong. Maganda rin ang shape ng kaniyang katawan pero sa height naman ay hanggang tainga ko lang siya. Well, matangkad akong babae. Average lang ang height niya, so ako ang may problema.

"Woah, blooming ka ngayon ah. May naliligaw ba?"

Sinamaan ako ng tingin ni Rosie at siniko ang aking tagiliran.

"Anong naliligaw? Nanliligaw kamo," aniya at inipit sa gilid ng kaniyang tainga ang humaharang niyang buhok sa kaniyang mukha na nagpapacute. "Wala naman, nagpaganda lang talaga ako para sa'yo. Syempre, susunduin ko ang bestie ko na galing Japan! Where's my pasalubong?" Iniharap pa nito ang kaniyang palad sa akin habang kumikislap ang kaniyang mga mata.

Hays. Mas excited pa pala siyang makuha ang pasalubong kaysa sa makita ako.

"Mamaya na sa bahay," usal ko at bumuntong-hininga ulit. "Akala ko pa naman matatakasan na kita," mahina kong sambit na narinig niya dahil hinampas nito ang aking braso.

"Hoy, ang sama. At saka, hindi mo ako matatakasan. Sa dinami-rami ng taong nagkalat sa lugar na ito ay agad kitang mapapansin dahil sa asul mong buhok. Daig pa niyan ang langit, maging ang tubig sa dagat. Ano ba 'yan? Ganiyan kang umalis at ganiyan ka ring bumalik. Akala ko pa naman ay binaguhan mo na ng kulay since maganda ang mga hair salon sa Japan," mahaba niyang lintana. Hinawakan pa nito ang aking buhok na kulay asul.

Huminga naman ako ng malalim at humalukipkip sa kaniyang harapan.

"Miss Rochelle, napakaraming problema sa mundo kaya huwag ang buhok ko ang problemahin mo, okay?" tangi kong saad at nagpatuloy na sa paglalakad pero agaran niya akong sinundan.

"Okay. So, pwede kong problemahin ang relasyon niyo ni Kenji tutal 'yun naman ang hot topic sa panahon ngayon."

Huminto ako sa paglalakad dahil sa narinig. Nilingon ko rin si Rosie at malamig siyang tinignan na ikinangiwi nito.

"A-ang sabi ko ay pupunta muna ako sa banyo. Alam mo 'yung kotse ko, tama? 'Yung white van na may pink curtains, basta mahahalata mo agad 'yon. Pumunta ka na roon at hintayin ako," aniya at dali-daling tumakbo paalis, matapos niyang pasamain ang umaga ko.

"Hindi ba siya si Marylane Salazar?"

"Oh, 'yung girlfriend ng sikat na artistang si Kenji Tan?"

"Ex. Balita ko hiwalay na sila."

"Ah talaga?"

Pasimple akong umirap sa hangin habang naririnig na pinag-uusapan ako ng mga tao sa paligid. Madali lang nila akong nakikilala dahil sa kulay ng buhok ko pero hindi ako nag-atubiling magpabago ng kulay ng buhok. Hindi ko pinakulayan ng asul ang aking buhok para sa lalaking iyon kaya hindi ako magbabago. I always love blues!

But, it's really a shame for me that they just known me as a cheater because of those nonsense rumors. No one knows about the truth, except for me myself.

Ibinalik ko na lang mula sa pagkakasuot ang aking sunglasses at nagpatuloy sa paglalakad habang nakataas ang mukha. Hindi pinapansin at hindi alintana ang bulungan nila. I don't need to prove my innocence to them, at least I'm a successful person na walang tinatapakang tao.

I was about to exit the place when I noticed a familiar man standing not so far in the entrance. He's more than six feet tall, I can see those big muscles hiding from his white long sleeve polo with a blue tie, his black hair was brushed up perfectly, and a sweet smile was plastered on his lips.

Agad akong lumapit sa kaniya hanggang sa magkaharap na kami. My heart starts beating fast, his looks never disappoint me, his handsome face are really breathing without a lie.

"Welcome home, Meeri," bati nito sa malalim na boses kaya halos magwala na lahat ng laman loob ko pero nanatiling normal ang ekspresyon ng aking mukha. "Let me carry your things." Kinuha nito mula sa aking kamay ang bagahe ko na hindi ko na inangalan.

"Nga po pala, Uncle Ilay..."

Yeah. This handsome man in from of me is my Uncle. He's my mother's step-brother. That is why, even though he's so attractive, I just hide this adoration I feel towards him.

No, not that I love him or something. I'm just attracted to him. Well, he's also kind and caring so how can I stop myself feeling this way?

"...kasama ko po si Rosie. So I think sa kotse niya na lang ako sasabay? Oh, don't worry, didiretso po kami agad sa bahay since kukunin niya pa 'yung pasalubong niya," pagpapatuloy ko.

Tumango-tango naman ito at bumuntong-hininga. "Kaya naman pala ang bigat ng gamit mo," komento niya at hindi ko na napigilang mapangiti. His Tagalog accent is really... acckkk! He's pure Spanish that's why I'm so obssess with his accent and voice.

"By the way, where's Rochelle?"

"Oh, pumunta lang po siya sa banyo para--"

Bigla na lamang may bumunggo sa aking likuran dahilan upang mawalan ng balanse ang aking katawan at nasubsob. Nanlaki na lamang ang aking mata nang tumambad sa aking mukha ang matigas na dibdib at nanunuot sa aking ilong ang panlalaki nitong pabango. Katawan 'to ni Uncle Ilay! Agad ko naman siyang itinulak palayo.

Humingi ng tawad ang babaeng nakabangga sa aking katawan dahil hindi niya raw napansin, kaya naman pinalagpas ko na lang. Pinanood ko silang maglakad paalis pero kahit na nakalabas na sila ay hindi ko pa rin inaalis ang aking paningin sa dinaanan nila. Ayokong tignan si Uncle Ilay o harapin man lang siya dahil aware akong namumula ang aking mukha.

"Are you okay?" untag nito na tinanguan ko lang. "Why are you still looking there? Are you pissed or something?"

"No," tipid kong sagot.

Hindi naman ito nakaimik pero naramdaman ko ang malaking palad sa magkabila kong pisngi. Pinilit nitong iharap ang aking mukha sa kaniyang direksyon hanggang sa nagtama ang aming nga mata. Saglit lang kaming nagkatinginan hanggang sa bigla na lang siyang natawa ng mahina kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"What's with that face?" natatawa niyang sambit na ikinairap ko at tinabig ang kaniyang kamay.

"I-I'm shy," pag-aamin ko at huminga ng malalim. "Look, sorry for touching your boobie like that--"

Mas lalo lang lumakas ang pagtawa nito kaya naman mas lalo lang nag-init ang buo kong mukha. I just made it worse.

Tatakbuhan ko na sana siya nang mabilis nitong nahablot ang aking kamay at hinila palapit sa kaniya. Gamit naman ang isa pa nitong kamay ay idinampi niya iyon sa aking pisngi.

"No sea timido, Meeri."

F*ck! Those Spanish words!

"I'm back!"

Agad kong iniwas ang aking mukha at tinignan si Rosie na naglalakad palapit sa amin. Tinignan naman nito ang lalaking kaharap ko at agad na nagningning ang kaniyang mga mata, well, fan siya ng uncle ko.

"Hello there, uncle hottie," bati ni Rosie kaya agaran ko itong siniko para sitahin siya.

"I guess we should head home. Meeri is tired," pag-iiba ng usapan ni Uncle Ilay kaya tinignan ako ni Rosie at tinaasan ng kilay.

"Sa bahay ka na rin kumain para makapagkwentuhan tayo at nang maibigay ko na ang pasalubong mo," paliwanag ko na agad niya namang tinanguan at hinila na ako palabas ng airport. Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga.

Now that I'm back, I guess I'll have a trouble dealing with my uncle again.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status