Beranda / Romance / [Tagalog] In Her Shoes / Chapter Sixty: Lover's Moon

Share

Chapter Sixty: Lover's Moon

Penulis: Alex Dane Lee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-19 23:13:00

Samantala, galit na pinaglamukos ni Kael ang papel.

“Anong ka-babawan ang pinaggagawa n’yo? Ano bang problema n’yo kay Ellysse? Bakit n’yo siya pinagkakaisahan?” tanong niya sa kanilang mga kaklase, bakas sa boses ang inis.

Walang sumagot sa kanyang mga tanong. Nagkukunwari silang abala sa kani-kaniyang gawain.

May iba pa sanang sasabihin si Kael, ngunit hindi na niya nagawa dahil biglang pumasok ang kanilang propesor sa silid-aralan.

Napatingin siya kay Ellysse, na halatang malungkot.

“Magiging ayos din ang lahat, Ellysse,” bulong niya, ramdam ang sakit na nadarama ng dalaga…

Dumating ang tanghalian.

Kasalukuyang bumibili ng pagkain si Ellysse sa cafeteria ng paaralan. Pinapabili siya ni Kael ng pagkain dahil nasa aklatan pa ito upang isauli ang mga librong hiniram niya dalawang linggo na ang nakalipas.

Tulad ng nakagawian, sabay silang kakain ng tanghalian bago maghanda para sa kanilang mga klase sa hapon.

Habang naglalakad si Ellysse, bitbit ang tray na punong-puno ng pagkain, bigl
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • [Tagalog] In Her Shoes   Chapter Seventy-Six: Neverending Love

    Sa maaliwalas na umaga, ang araw ay unti-unting sumisilip sa ibabaw ng lawa. Ang mga sinag nito ay naglalaro sa kumikinang na tubig, waring sumasayaw sa simoy ng hangin. Sa balkonahe ng kanilang rest house, nakaupo sina Clark at Danielle sa kanilang paboritong duyan. Magkahawak ang kanilang mga kamay, habang pinagmamasdan ang kalikasan sa kanilang paligid. Sa kabila ng mga kulubot sa kanilang mga palad at buhok na halos puti na lahat, nananatiling matibay ang pag-ibig nila—mas malalim pa kaysa sa mga pangakong binitiwan nila sa isa’t isa animnapung taon na ang nakalipas.Ang kanilang tahanan ay napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak—rosas, liryo, at mga sunflower na itinanim mismo ni Danielle noong kabataan niya. Sa hardin, may maliit na puno ng mangga na itinanim nila noong unang taon ng kanilang kasal. Ngayon, ito ay matayog na at hitik sa bunga—parang sagisag ng kanilang lumalaking pamilya at pag-ibig.Sa loob ng bahay, abala ang kanilang mga anak sa paghahanda para sa isang es

  • [Tagalog] In Her Shoes   Chapter Seventy-Five: Forever Love

    Mabilis na lumipas ang maraming taon, ngunit ang pag-ibig nina Clark at Danielle ay nanatiling matibay at buo—higit pa sa kanilang mga pangarap. Sa kanilang rest house sa tabi ng lawa, napapalibutan sila ng kanilang mga anak, apo, at mga mahal sa buhay. Wala nang iba pang makakapagpasaya sa kanila ngayon dahil Basa kanila na ang lahat. Ang hangin ay banayad, at ang kalangitan ay naglalaro sa mga kulay ng dapithapon. Sa gitna ng hardin, may isang malaking mesa na puno ng pagkain, bulaklak, at mga dekorasyon. Ngayon ay ipinagdiriwang nila ang ika-60 anibersaryo ng kanilang kasal—isang ginintuang milestone ng kanilang pagmamahalan. Masayang nagkukuwentuhan ang pamilya, nagbabalik-tanaw sa mga masasayang alaala. Si Ava at Liam, ang kanilang mga anak, ay abala sa pag-aasikaso ng handaan. “Ma, Pa, hindi niyo ba nagustuhan ang sorpresa namin?” tanong ni Ava habang lumapit sa kanila. Napangiti si Danielle, sabay yakap sa kanyang anak. “Sobra! Hindi ko inakalang magkakaroon pa

  • [Tagalog] In Her Shoes   Chapter Seventy-Four: Golden Years Together

    Isang maaliwalas na hapon sa hardin ng kanilang rest house, nakatayo sa tabi ng isang lawa.Ang paligid ay puno ng makukulay na bulaklak—rosas, sunflower, at lavender na paborito ni Danielle.May nakahilerang mga mesa na may puting tablecloth at mga eleganteng bulaklak bilang centerpiece.Ang mga panauhin ay pawang malalapit nilang kaibigan at pamilya.Ang himig ng isang live acoustic band ay marahang pumupuno sa hangin.Sa isang mesa sa ilalim ng malaking puno, nakaupo sina Clark at Danielle.Kapwa silang may uban na sa buhok, ngunit napanatili pa rin ang sigla sa kanilang mga mata.Suot ni Clark ang isang navy blue suit na may puting boutonniere sa dibdib, habang si Danielle ay nakasuot ng eleganteng kulay cream na gown na may mga bulaklak na burda.Sa kabila ng paglipas ng panahon, nandun pa rin ang lambing at init ng pagmamahal sa kanilang mga mata habang nagtititigan.“Fifty years, huh?” bulong ni Clark, hawak ang kamay ni Danielle.“Oo… hindi ko nga namalayan, parang kahapon lan

  • [Tagalog] In Her Shoes   Chapter Seventy-Three: New Beginnings

    Pagkatapos ng masayang pagdiriwang ng kanilang kasal, nagpaalam na ang mga bisita sa bagong mag-asawa.Nagpaulan ng petals at confetti ang kanilang mga kaibigan at pamilya habang lumalakad sina Clark at Danielle papunta sa nakahandang sasakyan.Hawak-kamay sila, kapwa nakangiti, habang ang mga kaibigan nila ay nag-cheer at nagpalakpakan.“Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ng lahat.“We love you, Mr. and Mrs. Ramirez!” dagdag pa ng isa sa mga kaibigan ni Clark.Pagkasakay nila sa kotse, humilig si Danielle sa balikat ni Clark, ramdam ang pagod ngunit puno ng ligaya ang puso.“Hindi ako makapaniwala na mag-asawa na tayo,” bulong niya, nakangiti sa kanyang asawa.“Simula pa lang ‘to, Mrs. Ramirez,” sagot ni Clark habang hinahalikan siya sa noo.“Handa ka na ba sa forever natin?” dagdag niya.“Matagal na akong handa,” sagot ni Danielle, sabay tingin sa mga mata ni Clark.Pagdating sa airport, lumipad sila patungong Maldives para sa kanilang honeymoon.Pagdating sa resort, naglakad sila sa

  • [Tagalog] In Her Shoes   Chapter Seventy-Two: The Virgin Road

    Isang maaliwalas na hapon sa isang pribadong hardin.Ang araw ay malumanay na sumisilip sa mga ulap, at ang banayad na simoy ng hangin ay nagdadala ng halimuyak ng mga bulaklak.Sa gitna ng hardin, isang eleganteng altar ang itinayo—pinalamutian ng mga puting rosas, lavender, at baby’s breath.Sa magkabilang gilid ay nakapuwesto ang mga upuan, punung-puno ng kanilang mga mahal sa buhay.Ang puting carpet ay nakalatag sa gitna, tila nagsilbing daan patungo sa bagong kabanata ng kanilang pag-ibig.Nakatayo si Clark sa harap ng altar, nakasuot ng isang itim na three-piece suit na perpektong nakalapat sa kanyang matipunong pangangatawan.Ang kanyang buhok ay bahagyang nagulo ng hangin, ngunit mas lalong nagbigay ng kagwapuhan sa kanyang hitsura.Halata ang kaba sa kanyang mga mata, ngunit higit ang pananabik.Sa kanyang mga palad, nakasapo ang kanyang mga daliri sa isa’t isa, pilit na pinipigilan ang panginginig sa sobrang emosyon.Nang tumugtog ang soft instrumental music, nagsimula nang

  • [Tagalog] In Her Shoes   Chapter Seventy-One: The Proposal

    Isang maaraw na hapon sa unibersidad.Punong-puno ng mga tao ang paligid—mga magulang, kapatid, kaibigan, at mga mahal sa buhay na nagtipon-tipon upang saksihan ang pagtatapos ng mga estudyanteng minsan ay nangarap lamang makatawid sa kolehiyo.Sa gitna ng masayang kaguluhan, naroon sina Danielle, Clark, at ang kanilang mga kaibigan—handa nang harapin ang bagong yugto ng kanilang mga buhay.Habang isa-isang tinatawag ang mga pangalan, tumayo sa gilid ng entablado sina Danielle at Clark, magkahawak-kamay.Suot ang itim na toga at sumbrero, hindi nila maiwasang ngumiti sa isa’t isa."Hindi ko akalaing aabot tayo rito," bulong ni Danielle, pilit na pinipigilan ang pagpatak ng luha."Sinabi ko sa'yo, Danielle. Walang bibitaw," sagot ni Clark, masuyong pinisil ang kanyang kamay.Nang marinig ni Danielle ang kanyang pangalan, mabilis na tumibok ang kanyang puso.Habang naglalakad sa entablado, naalala niya ang lahat ng pinagdaanan nila—ang mga pangamba, ang mga gabi ng takot at pagod, at sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status