Share

Chapter 2

“Hi handsome, kanina ka pa?” malawak ang ngiting bati ko ng makalapit ako kay Knoxx. “I’m sorry Wolfert, late ako.” Umayos ito ng tayo at seryoso lang na tumingin sa akin. Hindi ito sumagot pero kinuha niya sa akin ang mga bags na dala ko at pinasok sa loob ng jeep niya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya ito. Tatlo kasi yung bags na dala ko, dalawa para sa mga binebenta ko at isa para sa mga gamit ko sa school. Tahimik pa rin ito, hindi man lang ako binati, mukhang galit nga ata.

Sino ba kasi ang hindi magagalit kung mahigit isang oras mong pinaghintay, Carla Ysabelle?

“Get inside.” Saad niya as mababang boses. Nagpapaawa akong ngumuso sa kanya pero deadma lang ito sa akin. Badtrip nga ata.

Pinagbukas niya ako ng pintuan at inalalayang sumakay. Nang masigurong nakaupo na ako ng maayos saka pa ito umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan niya.

Tahimik nitong pinaandar ang sasakyan niya ng hindi man lang ako kinikibo. Hindi naman ito ganito kasungit dati, ngayon dumodoble na na yung pagiging masungit niya. Gusto ko tuloy maiyak.

Pagod na nga ako sa pagbebenta at kaka-sales talk kanina tapos heto inaaway niya pa ako. Oo inaamin ko kasalanan kong pinaghintay ko siya pero wala kasi akong maloadan sa loob ng campus kanina. Naubos na kasi yung laman ng pangload ko na sim.

“Sabi ko naman kasi sayong, wag mo nalang akong sunduin. Alam mo naman na hindi ko hawak ang oras ko diba? Marami akong dinadaanang suki ng mga paninda ko. Kung saan-saang department ako nakakarating para sa mga orders sa akin. Hindi ko naman sinadyang paghinatayin ka. Hinintay ko pa kasi yung suki kong magbabayad sa akin ngayon.”

Mahabang paliwanag ko sa kanya pero nanatili itong tahimik. Sinulyapan ko siya, diritso ang tingin nito sa kalsada at kahit ang side profile niya lang ang nakikita ko, alam kung nakasampok ang mga kilay nito ngayon. Sa higpit pa lang ng pagkakahawak niya ng manibela alam kong inis ito.

“Hindi ko nasagot ang mga tawag mo dahil naka-silent pala ang phone ko. Hindi ko pala naibalik kanina pagkatapos ng klase namin nagmamadali kasi akong e-deliver ang mga orders nila. Isa pa, alam mo naman na yung professor namin sa chemistry, nagagalit kapag may cellphone na tumutunog sa klase niya diba?”

Still wala pa rin akong natatanggap na sagot mula sa kanya. Konti nalang talaga at maiiyak na ako. Oo sanay na akong nagsusungit ito pero kahit papano kinikibo niya naman ako. Last time nga mas matagal siyang naghintay sa akin pero hindi naman siya ganito.

“Sorry na bati na tayo?” kinalabit ko siya pero hindi niya ako nilingon. Nilapit ko ang ulo ko sa kanya at humilig ako sa balikat niya, naglalambing. Wala akong naramdamang pagpo-protesta sa kanya pero narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.

“Wag ka nang magalit sa akin, Tart. Sorry na pleas—”

“Who’s that boy, Ysabelle?” Putol niya sa akin. Hininto niya ang jeep niya sa tabi ng kalsada at humarap sa akin.

Naguguluhan din akong lumayo at tumingin sa kanya.

Sinong boy ang tinutukoy niya? Wala naman akong kausap na— oh, shit! Si Marlon ba?

“What’s with the thing next week?” 

Shit! Si Marlon nga. Pero bakit siya galit?

Hindi ako nakasagot agad dahil pagtingin ko sa kanya, kunot noo at masungit itong sumulyap sa akin. Nakaigting pa ang mga panga na para bang may pinaghuhugutan talaga yung galit niya.

Wala naman kaming ginawang iba ni Baklang Marlon, maliban sa binigay ko lang yung orders niya at ang sekretong pagnanasa ni Bakla sa kanya.

“You’re not going anywhere with that boy, Carla Ysabelle. I’m telling you.”

Huh? May sinabi ba akong aalis kami ni bakla? Wala naman diba?

“You promised me that you will let me eat your tahong again on the weekend.”

“Okay.” Simple kong sagot sa kanya na may malawak na ngiti. Gusto lang naman palang tumikim ulit ng tahong ko nagsusungit pa.

Pero imbes na matuwa ito sa sagot mukhang lalo pang nainis. Kung hindi ko bestfriend ang Knoxx Wolfert na ‘to iisipin kong nagseselos ito kay Baklang Marlon.

“Bati na tayo?” malambing kong sabi pero umiling ito.  “Smile ka na please?” Hinawakan ko ang pisngi niya at pinaharap siya sa akin. Pinatag ko ang nakakunot niyang noo at nagpapa-cute akong tumingin sa kanya.

Ang gwapo talaga nitong best friend ko. Bakit kaya hanggang ngayon wala pa itong girlfriend?

Kapag nagka-girlfriend ba siya maiitsapwera na ako? Ay! Parang ang sakit naman nun. Ini-imagine ko palang na may iba siyang babaeng kasama parang nasasaktan na ako.

Ewan ko ba pero nasanay na kasi ako na simula palang kami lang dalawa eh.

Pero what if sa akin naman may manligaw, ano kayang mararamdaman ni Knoxx? Papayag kaya siya?

Masubukan nga.

“Ang gwapo ni Marlon noh? Engineering student yun, one of the bests sa klase nila. Matalino at higit sa lahat mabait.” Seryoso kong sabi pero totoo yun, matalino si Bakla.

Diritso akong tumingin sa mga mata niya, tinitingnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya pero hindi ito nagsalita. Napansin ko lang ang pag-igting ng mga panga niya at ang pagtalim ng tingin niya sa akin. Pero syempre dapat hindi ako apektado.

“Alam mo swimming varsity si Marlon.” Yes, swimmer si bakla. Yun daw kasi ang ang gusto ng Daddy niya at syempre bet niya rin. Syempre, busog ang mga mat ani bakla sa katawan ng mga kasamahan niyang varsities. “Magaling sumisid yun, naging champion pa nung last competition niya.”

“I’m a varsity too, Ysabelle.” he said coldly, his eyes never left mine at ewan ko parang may kakaiba akong naramdaman sa loob ng dibdib ko. Parang bigla tulog gusto kong magsisi kung bakit ko pa naisipang subukin siya.

I know he is a swimmer, isa ako sa mga tumitili at nagchi-cheer sa kanya sa tuwing may competition siya. Pero hindi ko lang alam kung anong pinaglalaban niya ngayon.

By the way Knoxx is three years older than me. Tapos na ito sa pag-aaral niya at siya na ngayon ang nagmamanage ng hacienda at iba pang mga negosyo nila. May sakit kasi sa puso ang kakambal niya, kaya hindi ito masyadong ini-stress ni Knoxx. He loves his twin so much.

“I can swim better, I can dive better and I can stay in the water longer.” Ay hindi pa pala ito tapos. May pinaglalaban pa.

Pagtingin ko sa kanya nahuli kong nakatingin ito sa harapan ko. Like doon sa parting yun, ah basta alam niyo na yun. Nakita ko pa ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya pagkatapos niyang sabihin yun.

“Mas magaling pa akong sumisid kesa sa kanya.”

Hindi naman sa dirty minded ako pero bakit iba yung pagka-process ng utak ko sa sisid na sinabi niya? Hindi naman yun ang ibig kong sabihin nung sinabi kung magaling sumisid si bakla. Hala! Bakit ganito na ako mag-isip? Ready naba ako sa mga mature roles? Char!

“And mind you. I’m more handsome than him. He looks like grasshopper!”

“What?!” nanlalaki ang mga mata kong tanong sa kanya.

Ano daw? Si Marlon parang grasshopper?

“You don’t know what’s grasshopper, Carla Ysabelle?” Umangat ang isang sulok ng labi nito para sa isang nakakalokong ngiti. Grasshopper lang hindi ko alam? Sigurado ba siya?

“He’s like a tipaklong. He is not even handsome. Ni hindi siya umabot sa kalingkingan ko.” Mayabang nitong sabi sa akin.

Pero syempre hindi ko naman mapapayagang maliitin niya si Bakla. In fairness, gwapo rin naman si Marlon. Maputi at chinito ito, Korean ang aura. Madaming babae din ang nagkakagusto sa kanya.

Opposite sila ng aura ni Knoxx na parang pang Mexican telenobela naman ang dating. Yung morenong haciendero na palaging nakasakay sa kabayo. Batak ang muscles sa katawan at palaging walang pang-itaas na damit dahil nagyayabang sa maganda at puno ng tatoo niyang katawan.

“Hindi kaya mukhang tipaklong si Marlon. Nagseselos ka lang eh.”

I don’t know what comes to my brain at yun ang lumabas sa bibig ko. Bigla akong nakadama ng hiya sa sarili. Umayos ako ng upo at babawiin ko na sana ang sinabi ko pero bago ko pa magawa yun. Mabilis niyang napigilang ang magkabilang balikat ko at pinaharap ako sa kanya.

His beautiful pair of midnight black eyes stares at me intently. His calloused and rough hands, felt so warm against my shoulders.

I noticed his playful yet serious stairs as he looked at every part of my face. But damn he looks more handsome with that. His furrowed brows, pointed nose, thin firmed lips and well-defined jaw looks perfect on him.

Shit! Ang pogi talaga ng bestfriend ko mga siszt.

Pero, hala! Bakit ganito yung nararamdaman ko?

Diba ang usapan matalik lang na magkaibigan?

Oh no! I’m doomed. Am I falling for my bestfriend?

“W-Wolfert, wag mo nga akong titigan ng ganyan. Iisipin ko na talagang n-nagseselos ka kay Marlon.” Nautal pa ako.

His one brow shut and a playful grin was shown on his face.

“Hmp! Selos ka lang—"

“I do, Ysabelle. I’m damn fucking jealous.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status