Share

Chapter 3

“Chosero ‘to! Wag ka nga, Knoxx Wolfert. Selos your face ka dyan. We’re bestfriends, walang ibang pwedeng pumalit sa pwesto mo sa buhay ko at wala ding pwedeng pumalit sa pwesto ko dyan sayo. Promise natin yan sa isa’t-isa.”

Lumayo ako sa kanya at umayos ng upo pero nanatili itong nakatingin sa akin. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, nararamdaman ko ang intensidad ng mga titig niya sa akin.

Para akong napapaso. Nag-init ang pisngi ko, pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking mukha. Mabuti nalang at hindi ako ganun kaputi kundi sigurado mahahalata ni Knoxx na nagba-blush ako.

It’s so akward. I don’t know how to react.

“Ysa—"

“Lam mo ikaw, kung ano-ano ang lumalabas dyan sa bibig mo.” Mabilis kong putol sa kanya. “Gutom lang yan, tara na sa bahay at nang malutuan kita ng paborito mo.”

Hindi ko alam pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Para akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang nagwawala ito sa loob ng aking dibdib at parang may kung anong humalukay sa tiyan ko.

This is the first time he admitted to me that he was jealous. Tuloy hindi ko alam kung ano ang dapat na magiging reaksyon ko.

Muli akong sumulyap sa kanya, may kakaiba akong emosyong nakita sa mga mata niya pero ayokong pangalanan. Ayokong umasa.

Hindi pwede at alam kong impossible.

“A’ryt! Let’s go.” Sagot niya sa akin sabay abot ng seatbelt ko at inayos ito sa aking katawan.

Para akong nanigas, sobrang lapit niya sa akin. Amoy ko ang panlalaking pabango niya na humalo sa natural na amoy ng kanyang katawan.

Sanay naman ako na ganito kami kalapit ni Knoxx pero bakit ngayon bigla nalang ganito yung nararamdaman ko? Anong nangyayari sa akin?

Akala ko aalis na kami pero may dinukot ito sa bulsa niya. Pagkatapos inangat niya ang kamay sa mukha ko naramdaman ko nalang ang pagdampi ng panyo niya dito. Hindi ako gumalaw, hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa. Seryoso ang mukha nitong pinapahiran ang pawis sa noo ko. Marahan niya pang hinawi ang bangs ko. Pagkatapos muli niyang tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa akin.

“Turn around.” Mahinahong utos niya at agad naman akong tumalikod sa kanya. Naramdaman ko ang pag-angat niya sa blouse ko kasunod nun ay ang marahang pagpunas niya ng pawis sa likod ko.

“You’re so hard headed, Ysabelle. I told you, wag kang magpatuyo ng pawis sa likod.” Nilingon ako at ngumuso sa kanya pero masungit lang itong tumingin sa akin.

May hika ako. Maliit palang kami, alaga na ako ni Knoxx. Palagi itong may dalang extra panyo at bimpo para sa pawis ko o di kaya palagi itong may dalang extra t-shirt na pinampapalit niya sa damit ko kapag basa ako ng pawis. Kapag wala naman siya, palagi itong may bilin sa akin o di kaya tumatawag para paalalahanan ako.

Hanggang sa lumaki na kaming dalawa, nakasanayan ko nang ganito siya mag-alaga sa akin. Kung ibang tao ang makakakita, iisipin talagang may relasyon kaming dalawa. Knoxx is so sweet and caring to me. Not only me but also to his twin. Hindi ko lang alam kung ganito din ba siya ka sweet at maalaga sa ibang tao maliban sa amin ng kakambal niya.

 Normal lang naman ‘to dahil mag-bestfriend kami diba?

“What are you thinking, Ysabelle?” Tanong niya pagkatapos ilagay ang bimpo sa likod. Nanatili pa rin akong nakatalikod sa kanya dahil tinatalian niya pa ang buhok ko.

Unbelievable right? Sinong mag-aakala na ang isang masungit na Sarmiento ay marunong sa ganitong mga bagay?

Pero sorry nalang mga siszt, may nanalo na!

Ako ang dahilan bakit siya natuto. Inaral niya daw, kasi ang dungis ko daw tingnan pag hindi nakatali ang buhok ko. Pawisin talaga kasi ako, kasi sobrang hyper ko. Palagi akong madaming energy kaya palagi akong mukhang madungis. Pero mga siszt dugyot man sa inyong paningin, kay Knoxx maganda parin! Char!

Bahala na ganun ang rason niya, basta ang mahalaga nag-effort siya para sa akin, diba? Can you imagine? Lalaking Malaki ang katawan, nangangalit ang mga muscles, maraming tattoo pero ang galing magtirintas ng buhok? Mga siszt that’s my bestfriend.

“Tart, maganda ba ako? Nagagandahan ka ba sa akin?” Nagpapacute kong tanong sa kanya, kumurap-kurap pa ako at sinuklay ko pa ang bangs ko para magpacute sa kanya.

Hindi siya sumagot pero nakita ko ang pinipigilang ngiti sa kanyang mga labi.

“Tart naman e!” mahina ko siyang hinampas saka pinagkrus ko ang dalawang kamay sa aking dibdib at nakabusangot ang mukhang tumingin sa kanya.

Umangat ang isang sulok ng labi niya saka mahinang natawa dahilan para lalo akong sumimangot. Ang dali lang naman ng tanong ko. Oo at hindi lang naman ang sagot doon.

Pero syempre alam ko na oo ang sagot, gusto ko lang marinig mula sa bibig niya.

And by the way, Tart ang tawag ko sa kanya dahil sabi niya yun daw ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Tinanong ko siya anong meaning ng tart sabi niya candy daw yun at yun ang gusto niya para sweet daw.

Dati ‘Kuya’ ang gusto kong itawag pero ayaw niyang pumayag. Hindi niya ako kinikibo kapag kino-kuya ko siya. Nitong huli ko lang nalaman ang tart pala ay pinaikling sweetheart. Gusto ko mang baguhin hindi ko na magawa dahil nasanay na yung dila kong tumawag sa kanya ng ‘Tart’

Siya naman, mula noon Ysabelle na ang tawag niya sa akin o di kaya baby. Yung sa baby, hindi na ako nagtanong dahil para sa akin, parang baby sister naman talaga yung turing niya. Tsaka bestfriends kami, walang ibang pwedeng ibig ipagkahulugan doon.

“Let’s go.” Aniya at pinaandar na ang sasakyan niya.

Nagmamaktol akong umupo saka nakabusangot na tumingin sa harapan. Kumikibot-kibot pa ang labi ko dahil kahit hindi ako nakatingin dama ko ang nang-aasar niyang ngiti para sa akin.

Ganunpaman hinihintay ko pa rin ang sagot niya pero malayo-layo na ang tinakbo ng sasakyan niya wala hindi pa rin itong sagot. Talagang nang-iinis.

Pag ako talaga nainis Knoxx Wolfert, hindi ka makakain ng tahong ni Carla for life.

“Ysa?” tawag niya sa akin pero hindi ako lumingon sa kanya. Sa halip tumalikod pa ako at nakaharap na ngayon sa may bintana.

For some unknown reason bigla akong nabadtrip. Agh! Ang babaw ko ba?

“Come on, Ysabelle. Face here.” Inabot niya ang kamay ko. “Don’t be stubborn baby, magkaka-stiff neck ka nyan.”

“Stiff neck!” Nagmamaldita pa akong tumingin sumulyap sa kanya. Sinubukan kong ilayo ang kamay ko sa kanya pero mahigpit niya na itong hinawakan.

“Don’t be mad. I’m just teasing you.”

“Teasing! Hindi ka nakakatuwa. You’re not my favorite person na.” Narinig ko ang mahina niyang tawa at naramdaman ko ang marahang pagpisil niya sa kamay ko.

“Wag ka ngang, makahawak-hawak sa akin. Akala ko ba bestfriends tayo? Dapat ikaw yung unang pumupuri sa akin eh. Simple lang naman yung tanong ko ah, hindi mo pa talaga masagot kahit plastikan man lan—”

“You are the prettiest, Baby. There’s no need for validation from anyone, remember that.” He said cutting me.

 I can feel the sincerity in his voice when he said that. Ako naman ngayon ang natahimik.

“You are and you will always be the prettiest for me, Carla Ysabelle.”

Ang galing talagang mamili ng salita ng lalaking ito. Alam na alam talaga nito kung paano ako patatahimikin.

“C’mon, don’t ruin your day. Relax your mind and be calm. Mamaya niyan aatakehin ka na naman ng hika mo.” Saglit niyang biniatawan ang kamay ko para haplusin ang ulo ko.

Hmp!

“Arte mo, ginalit mo pa kasi ako sasagot ka rin naman pala.” m*****a kong sabi pero umayos na ako ng upo.

Arte ko ba mga siszt? Well, ganyan talaga ako sa kanya, pabebe.

Narinig ko ang mahina niyang tawa, nakasimangot akong bumaling sa kanya pero nawala ang inis ko ng mabilis niyang dinala sa labi niya ang kamay ko sa kinintalan ng halik.

“You’re so cute when you get mad, Ysa. That’s why.”

“That’s why ka dyan! Alam ko naman na ako ang pinaka maganda dito sa balat ng earth eh. Sinusubukan lang kita. Akin na nga kamay ko.” Sinubukan ko ulit kunin ang kamay ko pero tinatawanan lang ako ni Knoxx at hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

“Such a baby, Ysa.” He glanced at me, smiling. “A very pretty and adorable baby.”

“Such a baby! Tsee! Pangit mo ka-bonding.” Sabi ko nalang pero deep inside muli ko na namang naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko.

“Recline your seat, Baby.”

Pinaayos niya na ako ng upo at nagpatuloy na ito sa pagmamaneho. May pinatugtog itong music, yung paborito naming dalawa. Say you’ll never go by Neocolours.

How can I make it through the day without you?

You have been so much a part of me (and if you'll go)

I'll never know what to do.

Sinasabayan ko ang kanta at pati si Knoxx ay nakiki-hum din sa akin. Pero bigla naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib. Singing the lyrics of the song somehow made me ask. Paano nga ba ako kung wala si Knoxx? He’s always been a part of me. What if, things will change one day? Could I really make it?

I cannot live out on my own

Or just forget the love you've always shown

And accept the fate of my condition

Please don't ever go, for I cannot live my life alone

Ewan ko pero bigla akong nalungkot ng tumingin ako sa kanya.Hindi ko alam kung hanggang kailan nandyan siya sa tabi ko. Paano nalang kung isang araw may ibang babaeng dumating sa buhay niya? Babaeng mas karapat dapat sa kanya, yung katulad nila ng estado sa buhay. Saan ako lulugar?

 Knoxx is someone every woman in this province dreamed of. He has everything, wealth, power and influence. Plus, their family is well-known not only in the Philippines but also outside the country. Women are willing to do everything just to get his attention. Only that Knoxx is snob.

But if the time come that I have to stay away from him, will he still be able to say, don’t go? Will he let me stay? Or will he let me go?

“What’s wrong, Ysabelle? Why are you quiet?”

Hindi ko namalayan na malalim na pala ang iniisip ko. Sasagot sana ako sa kanya pero hindi ko na nagawa dahil tumunog ang cellphone na nasa loob ng bulsa ng pantalon niya.

“Please take my phone, Baby. Baka si Knight ang tumatawag.” Bahagya niyang inangat ang parteng andun ang cellphone niya kaya napatingin ako doon. Pero lumagpas konti ang mga mata ko at sa iba ito nadako. Doon sa parteng…alam mo yun?

I’m a nursing student, hindi na bago sa akin yun pero nakakagulat pa rin pala kapag sa kanya.

Para kasing e-extra yung umbok nung sa kanya. I mean, kalmado pa yun ha? Paano nalang kung nagwawala ito?

“Baby, my phone.”

Oh shit! Kumurap-kurap ako.

Biglang uminit ang pisngi ko. Nahuli niya ba akong nakatingin sa harapan niya? Hindi naman diba?

Nagmamadali akong kinuha ang phone na nasa bulsa niya. Hindi na ako makatingin sa mga mata niya dahil bigla akong tinubuan ng hiya. Kahit naman mag-bestfriend kami, ayoko pa ring isipin niyang pinagnanasahan ko siya noh.

Like hello?

Hindi pa ako ready sa mature roles. Char! Baka makurot pa ako ni Nanay sa singit pag nalaman niyang hinaharot ko si Knoxx.

“Who’s calling?”

I was expecting na si Knight dahil yun ang sinabi niya pero ibang pangalan ang nakita ko sa screen niya.

Someone named, Miracle.

Miracle?! Sinong Miracle ‘to? And for some unknown reason, the moment I saw that name on his cellphone screen I feel anxious.

I know I don’t have the right to feel that but I can’t help it. Pangalan pa lang mukhang mabait na. Hindi lang mabait mukhang maganda pa.

“Miracle daw.” Matabang kong sabi sabay abot ng phone niya sa kanya pero sinulyapan niya lang ito. Pagkatapos tumingin sa akin na tila ba hinihintay kung ano ang magiging reaksyon ko.

“Kakausapin mo ba?” I am trying my best not to sound bitter but it kinda sounded like that. Napansin ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya  bago ito umiling kaya tinaasan ko siya ng kilay.

“Sagutin mo na at baka mawala ang himala.”

Hindi ako bitter, okay? Wag kayo judgmental!

“Kunin mo!” Dinutdot ko ang cellphone sa dibdib niya.

“May Himala ka pala eh!” Hindi pa rin ito nagsasalita, patuloy lang sa pagmamaneho ng may pinipigilang ngiti.

Anong nakakatawa? Walang nakakatawa sa sinabi ko. Meron ba? Sabihin niyo nga sa akin?

“Miracle!” Pabalang kong bigkas. “Sa dami ng pangalan yun pa talaga. O sha, sige ikaw na si Miracle. Patron saint ng himala. Walang himala! Maniwala ka dyan!”

“The fuck, Baby?” Bulalas niya na may kasamang tawa. Pagtingin ko sa phone tumigil na ang tunog nito.

“What’s funny, Knoxx Wolfert Sarmiento? Are you making of me? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Sige nga, sabihin mo sa akin.” M*****a kong sabi sa kanya. Ang kaninang ngiti niya ay biglang naging ngiwi at nagpapa-awa itong tumingin sa akin.

“Baby—”

“Shh! Shut your mouth!” Inikutan ko siya ng mata.

“I*****k mo yang Milagro sa dibdib mo! Wag mo akong mabeybie-beybie!” Padabog kong nilagay sa hita niya ang cellphone niya.

Hindi ko napansin na sa sobrang inis ko imbes na doon ko ilalagay sa hita niya, lumampas ang kamay ko sa malaking umbok niya at yun ang natamaan ko.

“Ouch! Baaaaaby!”

Medyo napalakas ang pagkalagay ko ng phone niya dahil sa inis ko pero pinanindigan ko ito. I’m being unreasonable but I don’t care. Inis ako sa kung sinumang Miracle na yun. I’m sure babae yun.  Ayaw niyang sagutin dahil nandito ako pero sigurado akong kapag nakauwi na siya sa bahay nila nilalandi niya yung Miracle nay un.

“Baby, I’m hurt po.”

Pabebe! I don’t care. Inis ako.

“Ysa, please?”

Tumalikod ako sa kanya. Naiinis akong tumingin sa labas ng bintana. Dinig ko ang d***g niya. Hindi ko alam kung masakit ba talaga o nag-iinarte lang ito. Hmp!

“Beybie?”

Hmp! Bahala ka sa buhay mo! Manigas ka dyan. May miracle ka pala ha?!

“You hit the big man, Ysa. What I will do now? It’s hurting.”

“Malayo yan sa bituka.” Padabog kong sabi.

“But I’m hurt baby.”

“So anong gusto mong gawin ko dyan sa patintin mo?!”

“Baby, your mouth.”

“Oh bakit? Ano ba tawag dyan? Patotoy, patintin, ot*n—”

“Baby—”

“Wag ka nga! Doon ka sa himala mo!”

“No! Why would I? You’re soon to be my nurse. You should be the one treaing me. I’m sure you’ve studied about this already.”

“Paano ko gagamutin yan? Hahawakan ko ganun? Tingnan ko kung saan natamaan? Pagkatapos?” I was just telling that to myself but I didn’t expect that it slips to my mouth. Oh shit! Did I just say it out loud?

“Yes, you have to, Ysabelle. After all it’s your fault.”

Anong my fault? Hindi ko kasalanan matamaan yung matigas at matambok niyang hinaharap. Kasalanan niya dahil tinawanan niya ako at kasalanan ng cellphone niya. Hindi ako.

“Baby, c’mon.” Kinalabit niya ako. Mag-iinarte pa sana ako at magpapaamo kahit kasalanan ko naman pero muling tumunog ang lintek na cellphone niya.

Dali-dali akong humarap sa kanya sabay kuha sa cellphone na nasa gitna ng hita niya at nilapit ito sa mukha ko. Yung sobrang lapit na halos maduling na ako.

The same name of the caller flashed on the screen, si Himala.

“Who is she Knoxx Wolfert? Why don’t you answer her?”

Hindi siya sumagot pero parang tuwang-tuwa pa ito sa naging reaksyon ko. Dahilan naman para lalo akong mainis sa kanya.

Shit! Bakit ba ako naiinis? Ano bang pinaglalaban ko?

Para akong nahimasmasan. Agad kong kinalma ang sarili. Nilagay ko sa dashboard ang cellphone niya saka ako umupo ng maayos at diretsong tumingin sa harapan.

I shouldn’t be acting like this. Whoever that Miracle is, labas na ako doon.

Maya-maya narinig ko ang malakas niyang buntong hininga. Marahan niyang inabot ang kamay ko, naramdaman ko ang mahinang pagpisil niya dito na tila ba pinapakalma ako.

Hindi ako nagsalita o ni lumingon sa kanya. Nanatiling diretso ang tingin ko sa harapan. Pinapakalma ko din ang aking sarili.

Hinayaan niya muna ako. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho na hawak ang kamay ko. Kapagkway narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero hindi parin ako lumingon. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko, bigla akong nahiya sa inasal ko but at the same time naiinis ako. Hindi ko alam kung sa sarili ko ba, kay Knoxx o sa kung sinuman ang Miracle na yun.

“Ysabelle, look at me please.” Tawag niya sa akin. Nasa tapat na kami ng bahay pero hindi pa kami bumababa.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Matagal bago ako lumingon. Ngunit sa paglingon ko sa kanya ang nangungusap at kakaibang lamlam ng mga mata niya ang sumalubong sa akin.

I was about to open my mouth to ask who is she to him but before I could do that. He already pulled me closer to him, closing our distance with a kiss.

I froze.

It was not just a simple kiss on the cheek. Knoxx kissed me on my lips. He took my first kiss. The kiss he knew I reserved for my soon to be boyfriend.

“That’s for my boyfr—"

“Now, you’re mine, Ysabelle. I already marked you.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status