Share

Chapter 1

"Hoy Valderama, bakit andito ka?" maangas na tanong ni Mira sa akin. 

I pretended that I didn't hear them, nanatili lamang akong nakayuko at kunwari nagbabasa ng libro pero ang totoo ay nakikinig lang ako ng music sa airpods ko.

Pinili kong tumambay mag-isa ngayon dito sa likod ng building dahil iniiwasan kong mapaaway sa grupo ni Mira. Wala akong kasama dahil nag-halfday lang si Cassandra tsaka di ko alam kung saan naman nagsususuot si Kathiana. Tatlo lang kaming magkakaibigan. I'm choosy with my friends, Kath and Cassy is enough for me.

Ayaw ko din ng maraming kaibigan dahil yong iba pinaplastic lang ako. Nakikipagkaibigan lang ang mga ito sa akin para mapalapit sa mga kuya ko.

Gaya na lang nitong mga kaibigan ni Mira, dati nagfe-feeling close ang mga ito sa akin pero nung hindi ko sila ni-reto kay Kuya Derick bigla na lang nagbago ang mga ugali ng mga 'to.

Lumayo na nga ako para makaiwas sa kanila pero heto sumunod parin ang mga 'to sa akin dito sa likod para awayin ako.Iniiwasan ko ang grupo ni Mira dahil palaging wala sina Mom at Dad dito sa bansa at si Kuya Henrick ang palaging pumupunta kapag tinatawag ang mga magulang namin sa tuwing napapaaway ako.

Mabait naman ako, m*****a nga lang tingnan ang pagmumukha ko. Hindi ko rin alam kung bakit lapitin ako ng gulo. Never akong nanguna, pero hindi din ako umaatras lalo na kapag sinaktan na ako.

Umiiwas ako hindi dahil takot ako sa kanila. I just don't want to ruin my brother's busy schedule. Halos di na nga ito natutulog, dadagdagan ko pa ba ang aalahanin niya?

I know Kuya Hendrick is busy with his work in the company kaya ayaw ko siyang disturbuhin. Kaso minsan hindi ko rin napipigilan ang sarili kong pumatol sa mga nang-aaway sa akin.

Maagang nalipat kay Kuya Hendrick ang pagmamanage sa ibang branch ng negosyo namin kaya halos isubsob na nito ang sarili kaka-trabaho. Si Kuya Derick naman ay busy dahil graduating na ito sa kursong arkitekto.

I'm the youngest at alam kong mahal na mahal ako nina Kuya kahit pasaway ako. Minsan nga napapaaway din si Kuya Derick dahil sa akin. So, as much as possible iniiwasan ko talaga ang gulo. Lalo na't next year magka-college na ako.

Mira's father is a businessman and her mother is an actress. She's a brat dahil sunod lahat nang  gusto niya. Madami ding takot sa kanya, kaya kahit binu-bully niya ang mga ito walang nagsusumbong ni isa. 

But lately, Mira and her friends keep annoying me, habit na ata ng mga ito ang maghanap nang away. Kung sino-sino lang ang pinagti-tripan ng mga ito, wala ng pinipili. Feeling ata nila nasa pelikula sila at last full show na itong last year namin sa high school at ano-anong kalokohan ang naiisip nila.

I just hope na sa ibang school na ito magka-college para hindi na magko-krus ang landas namin. Pasalamat pa nga ito at may kontrol pa ako sa aking sarili.

"See that Mira? She's pretending that she didn't hear you" Dinig kong sulsol ni Jenny kay Mira, pero deadma pa rin ako. Wag lang nila akong galawin at okay lang sa akin ang mga parinig nila.

"Ay naku Girl, hindi siya takot sayo...tingnan mo nga o ang tapang pa ng anyo." dagdag pa nang isa.

"Kung ako yan kanina ko pa yan sinabunutan." pagmamayabang naman ng isa.

"O, talaga sige nga." hamon naman ng isa.

"Stop! Tumahimik kayong lahat. Let me do it!" saway ni Mira sa mga kaibigan niya at sabay sabay na nagtatawanan ang mga ito.

Such a brat!

I tried my best to remain calm. Hindi ko pinansin ang mga pasaring nila sa akin at pilit kong pinipigilan ang aking sariling magalit. I know they're provoking me para patulan ko sila but i'm controlling myself.

Ewan ko ba sa babaeng to ke bait-bait ng pangalan pero ang sama ng pag-uugali. Mirabella  used to be my friend since elementary pero bigla itong nagbago nang tumuntong na kaming 4th year high school. 

Bigla na lang nagbago ang ugali nito at halos araw-araw na niya akong awayin.Ako ang sinisisi niya ng makipaghiwalay sa kanya ang boyfriend niya. Kasalanan ko ba kung yong kasintahan niyang hindi naliligo ay magkakagusto sa akin. Tsaka di ko type ang lalaking yon noh. Feeling gwapo mukha namang kulugo.

Napaka yabang pa akala mo naman kung sinong gwapo. Kung makaasta daig pa ang sikat na celebrity. Kung di lang siguro mayaman ang gagong yon walang papansin dun.

Tsaka di ko maintindihan kung anong pinaglalaban ni Mira doon eh ang bantot nang lalaking yon. He looks so untidy. Nakita ko pa yong kuko niya ang dumi-dumi. 

Eww! I can't imagine myself holding hands with that guy. Apaka dugyot tingnan. Tsaka akala  niya siguro ikinagwapo niya ang kanyang braces. Yuck! Feeling ko nga di siya nagto-toothbrush ewww. Naduduwal ako sa type ni Mirabella. 

He will not even pass kahit 'crush' category. Kung choosy ako sa kaibigan mas choosy ako sa magiging boyfriend ko noh. Tsaka wala sa bokabularyo ko ang magkaroon ng boyfriend lalo na kung kasing dugyot ng ex ni Mirabella.

Kung yon lang din naman ang magiging boyfriend wag na lang uy! Hindi ako mamamatay sa hiya sa pagka-feelingero niya, baka mamatay ako sa baho ng hininga niya. Yuck so yuck talaga!

Kung anong ikina- arte ni Mirabella yon naman ang kinadugyot ng lalaking type niya. Ke bata-bata pa yun talaga ang inaatupag nila. Ewan ko lang kung naging kapatid niya mga kuya ko.

"Hoy!" sabay sundot nito sa akin. " Ano bingi ka ba?!"

I'm shocked at first. I didn't expect her to touch me. Dati puro lang ito parinig. This is the first she lay her finger on me. Biglang uminit ang ulo ko pero pinapakalama ko pa rin ang aking sarili.

I counted 1 to 10 to calm myself. I want to giver her a chance. Iisipin ko nalang na simpleng tapik lang ang ginawa niya, pero hindi ko paman natapos ang pagbibilang ko ay muli niya kong tinapik, this time malakas na ito. Hindi na nga ata yon tapik, feeling ko tinulak na niya ako.

I glared at her pero di na ata tinatablan ang babaeng 'to. I looked around to see kung ilan sila. Kumpleto ang tropa niya, andito silang lima. Kaya ko silang labanan pero alam kong pagkakaisahan nila ako.

"Uyy palaban si Ate gurl...go sissy!" Sulsol ulit ni Jenny kay Mira.

Medyo malayo pa naman 'tong lugar na pinwestuhan ko ngayon, pero bahala na. Umayos ako ng tayo para may laban ako sakaling magkakagulo kami.

"Ano lalaban ka?" mapanghamong tanong niya sa akin sabay hablot sa airpods ko. Nasabit pa yong buhok ko sa kamay niya pagkahila niya sa airpods kaya sumakit ang anit ko.

Hinagis niya ito kay Jenny at nagtatawanan silang magkakaibigan. Tuwang-tuwa ang mga itong pinagpapasa-pasahan ang airpods ko. 

"Give it back to me." sabi ko sa mababa ngunit mariing boses. 

"O,Talaga? Paano kung ayaw ko?" Mira countered. She's really testing my patience. Konti na lang bibigay na ako at mapapatulan ko na siya.

Binalingan niya ang mga kaibigan niyang pinaglalaruan ang airpods ko. Inihagis pa nila ito sa ere at kunyaring hindi sasaluhin. That airpods is my Mom's gift kaya ingat na ingat akong hindi ito masira. But seeing them throwing it in the air makes me want to punch them one by one hanggang sa matauhan ang mga ito.

"Girls...give it to her daw..." natatawang utos niya sa mga kaibigan niya at nagsipagtawanan lang ang mga ito.

"I'm warning you, Mirabella. Tell your friends to give me back my airpods."

I'm just staring at her blankly ngunit hindi ko inaasahan nang malakas niya akong tinulak. Nawalan ako ng balanse at bumagsak ang puwit ko sa damuhan. She so quick and I didn't expected that. 

Tumawa ito ng malakas nang bumagsak ako sa damuhan. "Such a loser! Konting tulak lang tumba agad. Weakling!" nag-aapiran pa sila ng mga kaibigan niya. "C'mon girls, kayo naman."

Sa sobrang lakas ng pagkakatulak niya naramdaman ko ang sakit sa aking pang-upo. I want to cry but I will not give the satisfaction to see my crying like a loser. I closed my eyes to regain my strength. I can't allow them to hurt me just like that. Hindi ako makakapayag na hindi ako makaganti sa kanila. 

Their laughing so hard and making fun of me at alam ko kinukuhanan pa nila ako ng video para ipagyabang sa iba ang kagaguhan nila.

"C'mon Veronica, look at the camera..."si Jenny.

"Itapat mo sa ang camera sa mukha niya.' utos ni Mira sa kanila " see that? Your lovely Veronica Chrystelle Valderama is a pathetic b*tch. Ano ba yan sobrang weak!?"

"Iiyak na yan..Iiyak na yan." They chanted in chorus.

Kinuyom ko ang aking kamao at sa isang iglap lang ay hinatak ko ang buhok ni Mira. Siya ang lider ng grupo kaya siya nag pinuntirya ko. 

She screamed and tried to remove my hands from her hair but I tightened my grip. Buong lakas ko siyang sinabunutan. Wala na akong pakialam kung ipatawag kami ng principal. I'm just defending myself. Alam kong maiintindihan ako nila Kuya kung sasabihin kung pinagtatanggol ko lang ang sarili ko.

Hindi agad nakagalaw ang mga kaibigan niya dahil siguro hindi nila inaasahan na lalaban ako. 

"Help..." She screamed pero natakot ang mga itong lumapit sa amin. Pilit niyang kinakalas ang kamay ko sa buhok niya pero hindi niya ito magawa. Mahapdi na rin ang mga braso ko dahil sa kalamot ni Mira pero di ko pa rin tinatanggal ang kamay ko.

"Jenny help me!" sigaw niya sa kaibigan niya at tila natauhan ang mga ito. "Don't be a coward, b*tch! Help me!"

Hinila ni Jenny ang buhok ko ng sobrang lakas at pakiramdam ko matatangal ito sa anit ko. Ang dalawa pa niyang kaibigan ay hinawakan ako sa magkabilang braso. Nagpupumiglas ako pero wala akong magawa dahil tatlo silang pumipigil sa akin. 

Nabitawan ko ang buhok ni Mira at agad itong bumawi sa akin. Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi na halos ika-bingi ko na.  Hindi pa ito nakuntento, sinabunutan niya pa ako at kulang na lang ingudngod niya ang mukha ko sa damuhan.

Gusto kung umiyak pero walang luhang lumabas sa mga mata ko. Gusto kong gumanti kay Mira, galit na galit ako sa kanya pero hindi ko magawa dahil pinagkakaisahan nila ako. Wala akong laban sa kanilang lima.

Nagngingit ang kalooban ko. How dare them hurt me? Wala silang karapatan pagbuhatan ako ng kamay. I tried to reach her hand pero sa tuwing inaangat ko ang kamay ko may pumipigil din dito.

Nanakit na ang buong katawan ko at halos humalik na ako sa lupa sa tindi ng pagkasubunot nila sa akin.

I want to cry  for help pero walang lumalabas na boses mula sa akin. Pakiramdam ko nanghihina ang katawan ko sa sobrang lakas  nilang lima. 

How could I escape them. Kahit sa nanghihina kung katawan pumipigpas pa rin ako sa kanila. Halos mabalian na ako sa sobrang pagpipigil nila sa akin.

"Ano lalaban ka pa ha?! Yan ang nararapat sayo! Mang-aagaw ka! Akala mo hindi ko malalaman ha!?"

Madami pang sinisigaw si Mira sa akin pero hindi ko na naiintidihan ang mga ito. Ang gusto ko lang ngayon ay makatakas sa kanila. Wala akong laban, hindi ko sila kayang lima.

"Let her go!" a baritone voice stopped them. Isa-isa nila akong binitawan at nag-uunahan ang mga itong tumakbo.

"Tara! Tara! Iwan niyo na yan!"

"Patay tayo Mira may nakakita sa atin."

"Gaga wag kang magdrama dyan. Tara na!"

Nanginginig ang buong katawan ko at tila nauubusan na ako nang lakas. Sinubukan kong tumayo pero nanghihina ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako. 

I tried to reach for my scalp dahil pakiramdam ko namamanhid ito. Pati mga kamay ko ay nanginginig din at halos di ko na maiangat.

"Are you okay Miss?" I don't know if he's concern or not pero feeling ko napipilitan lang itong tanungin ako.

Hindi ko magawang iangat ang ulo ko dahil pakiramdam ko umiikot ang paligid. Nanlalabo na rin ang paningin ko at namimigat na ang aking mga talukap.

I can't even utter a word to answer him. Sa palagay niya ba okay ako sa kalagayan kong ito?

"This is the problem with you, ladies. Hahanap-hanap kayo ng gulo tapos di niyo naman pala kayang lusutan." Mahinang saad nito pero dinig na dinig ko.

Gusto kong ipangtanggol ang aking sarili pero para saan pa? He already judged me. Kita niya naman ako ang dehado pero bakit parang kasalanan ko pa?

"Aren't you gonna answer me?" Iritadong tanong nito ng hindi ako sumagot sa kanya." Do you want me to bring you to the hospital? 

Umiling ako sa kanya ngunit nanatili akong nakayuko.

" Bahala ka na nga, kung ayaw mong tulungan e di wag." Naiinis nitong saad sa akin at naramdaman kong naglakad na ito palayo.

When I lift my head to see his face, nakatalikod na ito . Hindi ko na nakita ang pagmumukha niya pero alam kong hindi namin siya kaedad. He's not wearing the same uniform as ours.

I tried to stand up pero hindi ko na kinaya at bigla na lang umikot ang paningin ko. The next  thing I heard is man's panicking voice. 

"F*ck! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo?"

Hindi ko na kayang idilat ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko na lang na umaangat na ako sa ere. 

"You're so heavy you know." iritadong saad nito. Yun na ang huling narinig ko mula sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status