Share

Chapter 3

"🎵Letting go is just another way to say I'll always love you soooooo...

🎼 We have the right love at the wrong time, maybe we've only just begun, maybe the best is yet to comeeeeeeee

🎶 But somewhere down the road I know the heart of yours will come to seee

🎵That youuuuu belonggggg with meeeee

Maaga palang pakanta-kanta na ako. This is how I start my morning. Everyday ako ganyan, walang palya. Kahit ano lang ang maisipan kung kantahin pero syempre hindi nawawala ang Somewhere down the road. I know that the meaning of the song is kinda sad but I like the melody, tagos sa puso.

After he ended the call last night hindi agad ako nakatulog. Siguro mga 12 or past 12 na ako nakatulog kaya medyo inaantok pa ako.Hindi din mawala-wala sa isip ko ang sinabi ng Kuya ni Sam na susunduin niya ako ngayon. Pero bakit niya naman gagawin 'yon? Ano ba kami?

He's just joking right?

And speaking of Sam, I sent her message last night asking if siya ba ang nagsabi ng address ko sa Kuya niya pero hindi pa ito sumasagot hanggang ngayon.

But knowing Samantha, I know she won't do it without asking for my permission. Kaya nagtataka talaga ako paano nalaman ng Kuya niya ang address ko. Ang bilis niya naman atang nahanap ang apartment ko, kahapon nga lang ako pumayag na magtutor sa kanya.

"Magandang morning, Belle Marie!" bati ko sa aking sarili habang nakaharap sa maliit kong salamin. Inaayos ko ang pagkakatali ng mahaba kong buhok para pagdating sa coffee shop hindi ko na gagawin. Suot ko na din ang uniporme namin. " Yan mag-smile ka, hmm ganda..." sabi ko sabay ngiti. "Wag kang susuko ah, laban lang!"

Umikot pa ako ng isang beses para tingnan ang sarili ko. Hindi halata sa hugis ng katawan ko na dise-otso pa lang ako. Medyo may katangkaran ako kumpara sa mga kaedaran ko at maaga din kumurba ang aking katawan. Ilang beses na ngang may gustong kumuha sa aking maging modelo pero hindi ako pumayag. Wala akong hilig dun, ang gusto ko lang ay makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho.

"Ingatan mo ang sarili mo, Belle Marie." paalala ko pa sa aking sarili. It's right naman diba? Sino pa bang magre-remind sa akin ng ganun?

Kung siguro may makakarinig sa akin baka iisipin nilang may saltik ako. This is how I motivate myself. Kinakausap ko ang aking sarili para palakasin ang loob ko dahil sino pa ba ang gagawa nun para sa akin? Minsan tuloy kahit ako natatawa na lang din sa sarili ko. Hay buhay nga naman. Ang hirap maging mahirap, pero ganun talaga.

Hindi ko naman kasalanan na pinanganak akong mahirap, maswerte pa nga ako dahil kahit papano nakakakain pa rin naman ako ng tatlong beses sa isang araw.

"Enough of your drama, Belle. Start your day right. Aja!" sabi ko sa aking sarili.

Saktong 4:30 ng umaga ay tapos na ako.May thirty minutes pa ako para pumasok sa trabaho. Malapit lang naman ang coffee shop dito sa apartment ko, minsan nilalakad ko nga lang. Pero ngayon magdyi-jeep ako, baka kasi biglang umulan medyo masama ang panahon.

Humampas sa akin ang lamig mula sa hanging pang-umaga pagkalabas ko ng apartment. May iba akong boardmates na gising na din at naghahanda na din para sa kani-kanilang trabaho ngayong araw.

"Good morning ganda, duty ka na?" si Ate Susan ang landlady namin, may bitbit na supot ng pandesal mula sa bakery sa kanto. "Ang ganda mo talaga Belle para kang manika, hindi nakapagtatakang maraming nagkakagusto sayo." Malapad ang ngiti nito sa akin na parang may halong panunukso. Ganito siya palagi sa akin kaya sanay na ako.

"Mas maganda ka pa sa morning, Ate Susan." ganting bati ko sa kanya ng nakangiti. "Mauna na po ako." paalam ko sa kanya saka nilampasan ko na siya pero ilang hakbang pa lang ang nagawa ko ng bigla itong nagsalita.

"May nobyo ka na ganda?" nakangiting tanong niya sa akin kaya napakunot ang noo ko. Kelan pa kaya naging marites tong si Ate Susan?Ke aga-aga, nang-iintriga. Sa halip na sumagot, ngumiti lang ako sa kanya.

"May pogi kasing naghihintay sa labas. Nilapitan ko kanina kasi panay ang tingin niya sa bintana ng silid mo."

Ewan ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala namang ibang nagsabing susunduin ako ngayong umaga kundi ang Kuya ni Sam, does it mean?

"Ayan na siya." Kinikilig nitong sabi. " Ang gwapo naman niyang nobyo mo ganda, naku kung wala lang akong Lito, kanina pa ako nagpa-cute dyan."

Hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi, pakiramdaman ko bigla akong pinawisan ng hindi ko alam. My goodness! Bakit andito ang Kuya ni Sam?

Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Anong--

"Hi Baby, good morning!"

Ang baritonong boses niya ang nagpalingon sa akin. Nakita ko pa ang pagsinghap ni Ate Susan at ang pagkaway niya sa... lalaki.

L-lalaking siya yun sa...Natigil ako ng marealize ko na siya yong lalaki sa metro kahapon. Siya nga!

Ibig sabihin siya din ang tinutukoy ni Sam na Kuya niyang tumawag dahil hindi alam paano sumakay ng tren? What a small world? Nakita ko na pala ang Kuya niya bago pa man ako pumayag na maging tutor niya.

Pero bakit andun siya sa metro kahapon? Ay tama, kinuha pala ng daddy nila ang sasakyan niya sabi ni Sam.

"Good morning, pogi." bati ni Ate Susan sa kanya. "Baby mo pala ito si Belle? Sana sinabi mo para pinapasok na kita kanina. Susan nga pala."

Tumango lang ito kay Ate Susan, di man lang ngumiti, bago binaling ang tingin sa akin.

Pasimple kong tiningnan ang mukha niya. Makapal ang kilay niya na para bang palaging lang nakasimangot. His eyes are the same color with Sam, hazel brown but his has a slight tint of green, very intense and fiery na para bang nag-iiba ang kulay habang nakatitig siya sa akin. There's no trace of smile on his lips. Siguro suplado talaga ito at hindi palangiti. Napilitan lang pumunta dito dahil naparusahan ng daddy nila. Bigla tuloy akong nakadama ng takot.

He's wearing white shirt that perfectly fit his body and hugged the muscles in his forearms. Bahagya itong gumalaw kaya napansin ko din ang nagngangalit na ugat sa mga braso niya. Hindi niya pa man ako nahahawakan pero parang natatakot na ako sa laki ng braso niya. Siguro sa gym ito tumtambay at pagpapaganda lang ng katawan ang alam. Pansin ko din kasi ang lapad ng kanyang dibdib.

"Done admiring, baby?" he asked with a slight smirk on his lips, doon pa ako natauhan. Pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking mukha sa labis na kahihiyan.

Gosh! Nakakahiya. Napansin niya palang nakatingin ako sa kanya. Pati si Ate Susan narinig ko pa ang mahinang pagtawa. Kung pwede lang na tumakbo ako pabalik sa silid ko ay ginawa ko na. Maputi ako kaya alam kong halatang pinamumulahan ako ng mukha ngayon. Maliwanag pa naman ang ilaw dito sa gate.

Siguro napansin niyang nahihiya ako kaya bahagya itong lumapit sa akin at hinawakan ang siko ko.

"Are you ready?" malambing niyang sabi sa akin na para bang matagal na kaming close. Hindi ako nakasagot at nakatingin lang sa kanya. Bahagya itong ngumiti sa akin na tila ba sinasabing wag akong matakot sa kanya. "You'll be late, we have to go."

Tumango ako at hinayaan siyang alalayan ako hanggang makarating kami sa sasakyan niya. Binuksan niya angpassengers seat at inalalayan akong maupo bago ito nagmamadaling tumakbo para pumunta sa driver's seat. Nakita ko pang ngumiti ito bago buksan ang pintuan sa side niya.

Para saan ang ngiting yon? Kunwari lang pala yung pagiging seryoso niya kanina, pero kung ako tatanungin, mas okay na yun kesa naman kung kani-kanino lang siya ngumiti.

Pasimple kong tiningnan ang loob ng sasakyan. Maganda at malinis. Pula at itim ang kulay ng upuan at kabuuhan ng sasakyan. Hindi ako pamilyar sa mga klase ng sasakyan pero alam ko na mamahalin ang sasakyang gamit niya. Sports car ito na kulay pula, sa manibela nakita ko ang logo at may nakasulat na Lamborghini. Mabango, malamig at malinis ang loob, halatang alaga ng may-ari.

Ikakabit ko na sana ang seat belt ko ng may napansin akong maliit na plastic na aking naupuan. Kinuha ko ito para tingnan pero hindi ko pa man tuluyang nakita kong ano ito ay agad niyang sinakop ang palad kong may hawak nito.

"Fuck!" mahina niyang mura ngunit nakita niyang nakakunot ang noo ko kaya agad itong ngumiti. "I'm sorry, Baby" sabi niya na parang natural lang ang pagtawag niya sa akin ng baby.

Pasimple niyang kinuha sa palad ko ang maliit na plastic, kaya nagtataka akong tumingin sa kanya. Ano yun? Maliit lang ito, parang candy kaso flat, hindi pa nakabukas at may nakasulat na Durex sa labas.

"Ano yan?" kuryuso kong tanong sa kanya pagkatapos niyang ilagaay ito sa bulsa ng pantalon niya. Bakit ayaw niyang ipakita sa akin? Kung candy yon hindi naman ako manghihingi, hindi ako mahilig sa candy maliban lang kung snowbear ito.

"Ahm...it's nothing." sagot niya sa akin pero hindi makadiritso ng tingin.

"Hmp! Damot!" sabi ko saka umirap sa kanya. Umayos ako ng upo saka diritsong tumingin sa labas. Akala niya naman manghihingi ako.

"What do you mean, baby?" aniya saka maingat na hinawakan ang baba ko paharap sa kanya. Sobrang lapit na mukha niya sa akin na konting galaw ko lang ay baka magpang-abot ang mga labi namin.

"Anong pinagdadamot ko sayo?" muling tanong niya pero hindi ako nakasagot.

Naramdaman ko pa ang hangin mula sa kanyang mabangong hininga, na-concious tuloy ako, pero hindi naman ako bad breath dahil nagtooth brush at nag mouthwash pa ako kanina pagkatapos kung kumain.

Inikutan ko siya ng mata dahil kunwari pa. Alam ko naman na alam niya kung anong tinutukoy ko, nagtatanong pa. Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin dahil pakiramdam ko hindi na ako makakahinga sa sobrang lapit ng mukha niya pero ayaw nitong lumayo.

"S-sobrang lapit niyo po sa akin, K-kuya." sabi ko sa maliit na boses, nauutal pa. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya, siguro hindi niya nagustuhan ang pagtawag ko sa kanya ng kuya.

Muli ko siyang tinulak palayo sa akin pero hinawakan niya lang ang dalawang kamay ko. Napakagat ako sa aking labi ng maramdaman kong parang nakuryente ako sa pagdampi ng palad niya sa balat ko.

Bigla ding lumakas ang tibok ng aking puso na pakiramdam ko lalabas ito sa aking dibdib. Gusto ko siyang lumayo sa akin pero lalo lang itong lumapit ng nilagay niya sa likod na uluhan ko ang kamay niya at mariing tumitig sa akin habang hawak ang dalawang kamay ko sa kanyang dibdib.

Napalunok ako ng maramdaman ko ang init nang palad niya at ang init na sumisingaw sa pagitan naming dalawa.

I don't know if I am feeling it right but I can also feel the fast beating of his heart na kagaya din ng kung gaano kalakas ang pagtambol ng aking puso.

"Stop biting your lips, Baby." tila nahihirapan niyang sabi habang nakatingin sa labi ko. Our faces are just inches apart at konting galaw lang talaga mahahalikan niya ako. Agad kong tinikom ang aking bibig maramdaman ko ang mainit ang mabango niyang hininga na tumatama sa aking mukha.

"P-please K-Kuya..." nauutal kong sabi. Pakiramdam ko pinagpawisan ako sa sobrang lapit naming dalawa. Lalo lang nag-iinit ang aking katawan na hindi ko alam ang dahilan.

"Please what, Baby?" paos nitong sabi at halos wala ng lumabas na boses sa bibig niya. Pati ako hindi nalilito rin kung para saan ba ang hinihiling ko.

Naramdaman ko ang marahang paggalaw ng hinlalaki niya sa likod ng kamay ko na lalo lang nagpapabilis ng tibok ng aking puso, ngunit may naramdaman din akong kapayapaan sa aking dibdib.

Marahan akong napapapikit ng maramdaman ko ang magdampi ng labi niya sa noo ko. Matagal niyang pinirmi ang labi niya doon hanggang siya na rin ang nagkusang humiwalay sa akin.

Inayos niya ang pagkakabit ng seatbelt ko at malambing na ngumiti sa akin bago nagsimulang magmaneho.

"Let's do it, some other time. You'll be late." sabi niya sabay abot sa kamay kong nasa aking hita.

Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. Ibig sabihin may kasunod pa? My Gosh! Paano ko ito iiwasan? Tama nga ang sinabi sa akin ni Sam tungkol sa Kuya niya. Dapat kong rendahan ang puso ko at baka mahulog ako kay Kuya, sa huli ako ang kawawa.

Tahimik lang siya habang nagmamaneho pero panay naman ang pagkintal niya ng halik sa likod ng kamay kong hawak niya. Sinubukan kong kunin ang kamay ko sa kanya pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak dito.

Pinakiramdaman ko ang tibok ng aking puso. Sobrang lakas at natatakot akong baka marinig niya ang tibok nito.

Ito ang unang beses na may lalaking nakalapit sa akin ng ganito at hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko. Normal lang ba ito? Bakit parang hindi normal ang blis ng tibok ng puso ko ngayon?

"K-uya sa Infini--"

"I know, Baby." putol niya sa akin ng sabihin ko kung saan ako nagtatrabaho. Napanguso ako habang nakatingin sa kanya sabay kunot ng noo ko.

"Paano mo nalaman? Hindi ko naman sinabi sayo?" nagtatakang tanong ko sa kanya ngunit mahina lang itong tumawa sa akin.

"I told you, Baby, I have my ways." sagot niya at pilyo pa itong kumindat kaya napairap ako. Pa-fall. Typical playboy, mga klase ng lalaking madalas kong nababasa sa mga novels.

Bigla tuloy akong nakadama ng inis sa kanya lalo pa at ayaw niyang bitawan ang kamay ko at panyay pa ang paghalik dito. Feeling close, hindi naman kami close.

"Ganito ka ba sa lahat ng tutor mo?" akusa ko, nakataas pa ang isang kilay ko sa kanya. Sumulyap ito sa akin kaya nakita ko ang pag-aliw sa mga mata niya. "Tama nga ang sinabi ng kapatid mo..." dagdag ko sabay irap sa kanya.

"Woah! You're judging me already, Baby. " protesta niya.

Pero umirap lang ako sa kanya. Magde-deny pa talaga kahit huli na. Siguro kung sa iba to malamang naghalikan na ang mga ito kanina. Kaya siguro lumayo ito sa akin dahil hindi niya ako bet. Hmp! Muli akong napairap.

"Hey what's wrong?" nakangiti niyang tanong sa akin. "Bakit nang-iirap ang baby ko?" malambing niya pang sabi. Ugh! Kainis.

Hindi ako sumagot, ngunit nanatiling nakasimangot. Pero bakit nga ba ako nakasimangot?

"Don't believe my sister, not all she said about me was true." aniya at muling hinalikan ang likod ng kamay ko, matagal.

"It is..." I whispered but I think she heard it 'coz I heard him heaved a deep sigh.

"I'll change your perspective about me." desidido niyang sabi.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Simone Jose and Belle Marie story na.Thank you Ms A another Brute story .Take care and God Bless.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status