Share

Chapter 6

Pagkatapos niyang umalis pumasok na din ako. Hindi ko na hinintay na may itatanong pa si Sir Greg sa akin. Late na din ako at medyo madami ng customers sa loob.

First 3 hours of my duty is fine. Maayos ko pang nagagawa ang trabaho ko pero nung tumuntong ang alas otso bigla akong nakadama ulit ng tensyon. Sinong hindi?

Paring hari si Simone kasama ang tatlong lalaki na pumasok sa coffee shop kaya hindi magkandamayaw ang mga babaeng customer sa pagpapansin sa mga ito. Naging maingay ang paligid kaya pati si Sir Greg na tahimik na nakaupo sa dulo habang may ginagawa sa laptop niya ay napatayo din at napatingin sa kung sino man ang dumating.

Naka-business suit ang mga ito, maliban kay Simone na naka t-shirt lang at mukhang may meeting na gaganapin dito sa loob. Gaya ni Simone seryoso din ang mga mukha ng mga 'to. Ang dalawang lalaki ay mahaba ang buhok at naka man-bun habang ang isa naman ay may crew-cut ngunit may ahit ang kilay.

They looked so serious in their business suit which made them looked more handsome kaya hindi maiwasang maraming babaeng napapatingin sa kanila.

Umupo ang tatlo sa kabilang dulo ng shop at si Simone ang lumapit sa akin sa counter.

"My friends are here, baby." excited nitong sabi kahit hindi naman ako nagtatanong. Tumango lang ako at bahagyan ngumiti sa kanya. "I'll introduce you to my friends later, okay?"

Nakita kong naglakad palapit sa amin si Sir Greg kaya agad kong tinanong kung ano order nila. Napansin siguro ni Simone na bahagya akong nataranta kaya nilingon niya ang tiningnan ko kanina. Pagkakita niya kay Sir Greag na papalapit sa akin, napansin ko ang pag-igting ng panga niya. Dumilim ang kulay ng mga mata niya at halos mag-isang linya din ang kilay niya.

"What's your order Sir?" ulit ko sa tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ata nagustuhan ang pagtawag ko sa kanya ng Sir.

"Joe, Baby..." anas niya.

"My boss is here I have to address you properly." mahinang paliwanag ko.

"Any problem here, Belle?" tanong ni Sir Greg at pumwesto pa ito sa likuran ko. Lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Simone ng makita niyang ilang dangkal lang ang distansya ni Sir sa akin. Pati ako ay nailang din sa sobrang lapit niya. Ito din ang unang pagkakataon na naging ganito kalapit si Sir Greg sa akin.

Sir Greg is a nice boss. He treats all his employees fairly. Halos magkaedad lang ata sila ni Simone kaya medyo malapit ito sa amin. Halos mga trabahante sa coffee shop niya mga studyante din kagaya ko. Ang sabi ni Sir Greg sa amin, gusto niya daw makatulong sa mga studyanteng gaya ko na nagsisikap sa buhay.

"What's your order, Mr. Dela Vega?" napasulyap ako kay Sir Greg dahil pumwesto ito sa kabilang counter para tanungin ang order ni Simone pero hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Isa pa sa napansin ko ang pagtawag niya sa apeyedo ni Simone. Does it mean he knew him?

Sabagay, galing din naman sa mayamang angkan si Sir Greg kaya siguro kilala niya ito.

"Wha--"

"2 americano and 2 short black coffee, Baby." he said without glancing at Sir Greg who's standing at the other counter waiting for his order. Pagkatapos, matamis pa itong ngumiti sa akin sabay abot ng gold card niya.

His name was written in the card. SIMONE JOSE A. DELA VEGA

Pagkatapos kong ma-swipe ang card niya for payment agad ko din itong binalik sa kanya. Tinanggap niya ito pero nanatiling nakatayo sa harapan ko na parang kaming dalawa lang ang tao sa loob ng coffee shop. Para itong mga kaklase ko noong high school kung makatitig sa akin, nagniningning ang mga mata at walang pakialam kong may nakatingin man sa kanya. Napahaba tuloy ang pila dahil sa hindi ito umalis,pero wala naman akong narinig na nagreklamo.

Nagbubulong-bulungan at hagikhikan pa ang mga babaeng nakasaunod sa pila niya. Kinikilig at nagpapapansin, pero walang pakialam si Simone sa kanila.

"Bumalik ka na sa table mo, ihahatid lang namin ang order mo doon." mahina kong sabi dahil wala ata siyang balak na umalis sa harapan ko. Dinig ko na rin ang mahihinang mura ni Sir Greg at ang pagdadabog nito sa kabilang counter.

Ayaw niya pa sana pero pinanlakihan ko na siya ng mata dahil nakakakuha na naman kami ng atensyon.

Nang pabalik na ito sa mesa niya sinundan ko siya ng tingin at nakita kong nakatingin pala ang mga kaibigan niya sa akin. Nahihiya man tipid akong ngumiti sa kanila dahil nakangiti ang mga ito , kumaway pa nga yong isa na akala mo naman close kami.

"Belle, come with me, I have something for you to do." tawag ni Sir Greg sa atensyon ko. Tinawag niya pa ang isa kong kasama para pumalit sa akin sa pwesto ko.

Naninibago man sumunod pa rin ako sa kanya. Dinala niya ako sa mesang inookopa niya kanina at pinaupo sa tabi niya.

"Please help me in this." aniya sabay turo sa screen ng laptop niya. Records yun para sa inventory ng stocks ng coffee shop. "Come closer." bahagya niya pang hinila ang upuan ko para lalo akong mapalapit sa kanya at nilagay niya pa ang kamay niya sa likod na aking upuan kaya nagmumukha itong nakaakbay sa akin.

Nakatalikod ako kina Simone pero ganunpaman dama ko na parang nakatingin ito sa amin. Ramdam ko ang intesidad ng mga titig niya kahit na hindi ko ito lingunin. Even though I'm not looking at him he made sure that I can still feel his presence kaya hindi ko napigilan ang sariling lingunin siya.

Tama nga ang hinala ko, matalim itong nakatitig sa kamay ni Sir Greg na nakapatong sa upuan ko. Ang mga kasama niya naman ay tinatawanan siya at ng akmang tatayo ito, agad siyang napigilan nung dalawang naka man-bun.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at binalik ko sa screen. Mabuti at simple lang pinapagawa ni Sir Greg sa akin kaya madali ko itong naintindihan. Akala ko aalis na ito sa tabi ko pagkatapos niyang ipaliwanag kong ano ang gagawin ko pero nanatili ito.

I felt awkward dahil sobrang lapit niya sa akin pero hindi ko rin naman naramdaman na dumampi o humawak siya sa akin. It's just that we're sitting so close at each other at hindi ako sanay. Parang hindi ako komportable.

Hindi komportable? sigaw ng utak ko. Bakit kay Simone ngayon mo lang naman siya nakita at nakilala pero nagpahawak at nagpahalik ka na? Ano yon mas komportable ka sa kanya?

Oo nga ano? Hindi rin naman ako sanay kay Simone pero mas malapit pa nga ito sa akin. Naka advance hawak at halik na nga sakin. Hindi lang yan ninakaw niya na nga ang first kiss ko kanina pero hinayaan ko lang naman siya.

Exactly 9:00 o'clock ng may maramdaman akong tumayo sa gilid ng mesa namin...si Simone. Hindi ito nagsalita at tanging pinadama niya lang ang presensya niya. Nang tumingin ako sa kanya, malambing lang itong ngumiti sa akin pero wala din namang sinabi.

Mabuti at tapos ko na ang pinapagawa sa akin ni Sir Greg kaya pwede na akong umalis. Tumayo ako at agad namang hinapit ni Simone ang bewang ko palapit sa kanya. Tumayo din si Sir Greg at muli silang nagsukatan ng tingin ni Simone. Nakita ko ang pagsulyap ni Sir Greg sa kamay niyang nasa bewang ko at sa hindi ko alam na dahilan, nakita kong biglang kumunot ang noo ni Sir Greg at umigting ang mga panga niya habang nakatingin dito.

"Mauna na po ako Sir, may pasok pa po ako." Magalang kung paalam. Matagal bago ito tumango sa akin.

Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Simone sa bewang ko kaya napalingon ako sa kanya. "You'll be late, baby, let's go." tumango ako sa kanya at sinabihan siyang mauna na sa saakyan dahil kukunin ko pa ang bag ko sa locker room at magpapalit pa ako ng damit pero hindi ito pumayag.

"I'll wait for you here." sabi niya at sinadyang lakasan ang boses. Tumango na lang ako para wala ng problema. Iniwan ko siya saglit at nagmamadali akong kinuha ang bag ko sa locker room at para makapgpalit na rin ng damit.

Pagkalabas ko, talagang nakaabang ito sa akin. Bigla akong na-conscious dahil lantaran niyang pinsadahan ang pinalit kong damit.

I'm wearing v-neck white ruffled blouse na hanggang siko ang manggas na pinaresan ko ng maong na skirt an inch above the knee plus white sneakers. Mumurahin lang ang mga damit ko pero inaalagaan ko ito. Ang ibang damit ko nga ay galing ukay-ukay pa nilalabhan ko lang maayos.

"Let's go, baby. You still have class." aya niya sa akin sabay kuha sa bag kong dala na nilagyan ko ng uniporme namin.

Hindi na ako nag-nagprotesta kahit nakita ko pa yong ibang babaeng napalingon sa gawi namin. Inalalayan niya ako palabas ng coffee shop. Gaya kaninang umaga ang isang kamay niya ay nasa bewang ko. Pagkalabas namin, nadaanan ko si Sir Greg na nakatayo doon.

Diritso ang tingin niya sa aming dalawa, pansin ko parang masungit si Sir Greg ngayon.

"Mauna na kami Sir." magalang kong sabi, tumango lang ito sa akin bago tinapunan ng matalim na tingin si Simone.

Akala ko doon pa rin sa binabaan ko kanina ang sasakyan niya pero nagulat ako ng biglang tumunog yong sasakyan na nasa harapan namin. Nasa tapat na pala ito ng shop naka-park, nilipat niya na.

Pinagbuksan niya ako ng pinto bago ito lumipat sa kabilang side para magmaneho. Tinulungan niya akong ikabit ang seatbelt pagkatapos ay para itong batang ngingiti-ngiti sa akin. Tuwang-tuwa sa hindi ko malamang dahilan.

"What happened?" tanong ko ng umandar na kami paalis. "Why are you smiling?"

Narinig ko ang mahinang halakhak niya bago ito sumagot sa akin.

"I'm just happy, Baby." he exclaimed happily, para itong bata na may bagong laruan kaya pati ako ay napangiti din sa kanya. Ganito pala maging happy ang isang Simone Dela Vega parang bata. Nakatuwa naman tingnan.

Talagang pinaninidigan nito ang pagtawag ng baby sakin. Inabot niya ang kamay ko na nasa aking hita at dinala ito sa kanyang labi. Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki pero bakit sa kanya parang ayos lang sa akin? Ako ata ang ginayuma ng Kuya ni Sam at hindi ko siya magawang tanggihan.

'I'm so happy that I get to know you." aniya saka sumulyap sa akin. "Where have you been all my life? Sana nakilala kita noon pa, siguro ngayon maayos na ang buhay ko. But anyway you're here, I know now what to do with my life." tipid akong ngumiti sa kanya dahil bigla itong naging seryoso.

"Thank you, Belle, you may think that I'm too fast but I'm really happy that I met you."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya tumango na lang ako. Tumahimik din naman ito saka patuloy na nagmaneho. Panaka-naka nitong kinikintalan ng halik ang likod ng kamay ko habang nasa byahe. Kahit naninibago ako sa sobrang closeness namin, hinayaan ko pa rin siya sa gusto niya. Wala naman din kasi akong maramdaman na pagkailang sa kanya. It's like I've known him for a long time. Parang kahit ngayon pa lang kami nagkakila sanay na yong katawan ko sa kanya. I can feel the instant connection between us.

I don't know where it leads us but I don't want to think about it. Ngayon lang din naman siguro to dahil nanibago pa siya sa akin. Siya na rin naman ang nagsabing hindi siya nakikipag relasyon , siguro trip niya lang 'to. Pero paano naman ako? Trip ko lang din ba 'to?

"Are you tired?" tanong niya ng makita niyang humikab ako. "Do you want me to massage you?"

Agad akong umiling, nakakahiya naman sa kanya kung magpapamasahe pa ako. Tsaka anong klaseng massage ang gagawin niya sa akin? Hindi naman siguro ito marunong, baka mabugbog pa ang katawan ko.

"You still have less than an hour before your next class, right? You can sleep her for a while, gigisingin nalang kita mamaya." dama ko ang pag-aalala sa boses niya. Maingat niya pang inipit sa tenga ko ang aking buhok.

Inaantok talaga ako dahil ilang oras lang ang tulog ko kagabi pero hindi naman ako pwedeng matulog dito sa sasakyan niya, nahihiya ako. Baka isipin niya pang nagpapa-baby ako sa kanya. Isa pa may quiz kami ngayon kailangan kong magreview kahit nag-aral na ako kagabi.

"May quiz kami ni Sam."

Speaking of Samantha, maaga itong nag-good morning sa akin kanina. Sinabi nitong hihintayin niya ako sa tagpuan namin.

"Magkikita kami sa cafeteria, baka naghihintay na si Sam doon, kailangan ko ng pumasok." dagdag ko.

He's just looking at me while I'm talking. Para ba itong amuse na nakatingin sa akin pero nako-conscious ako sa mga titig niya lalo na kapag tumitingin siya sa mga mata at labi ko.

"Anong oras ang klase? Pwede ko bang mahingi ang schedule mo?"

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya pagkatapos kong sabihin yon kaya agad kong binawi.

"I mean, gusto kong makita kung anong oras kita pwedeng ma-assist sa minor mo. Pero kung ayaw mo naman ayo--"

"No, baby, it's fine." putol niya sa akin. "Here..." Pinakita niya ang schedule sa phone niya. "I'll forward it to you para malaman mo ang sched ko."

"Okay." pagsang-ayon ko.

"How about your schedule, hindi mo din ba ibibigay sa akin?" tanong niya pero may pilyong ngiti sa labi kaya napairap ako.

Kunwari pa ang kumag na to, baka nga may kopya na to pati ang shift ko sa trabaho e. Pero di naman sila friends ni Sir Greg kaya duda ako sa parteng yun.

"C'mon, baby, give me your sched also." pamimilit niya pero umiling lang ako.

"Di na kailangan, hindi rin naman tayo araw-araw magkikita. Magkikita lang tayo kapag may kailangan tayong gawin para sa minor subjects mo." sabi ko at nagsimula ng ayusin ang sarili.

"Of course not! I'll be seeing you daily. There's no way you can run away from me." parang bata nitong sabi pero hindi ko pinansin. As if naman totoo yung sinasabi niya, baka nga ngayong binobola niya lang ako e.

Nag-vibrate ang phone ko, nagtext na si Sam sa akin. Hindi na ako nagreply dahil lalabas naman ako pero bigla itong tumawag.

"Who's that?" masungit nitong sabi ng makita niya 'MY BABE' ang lumabas sa screen. Si Sam ang naglagay ng name niya sa phone ko dahil ganun din daw ang nilagay niya sa phone niya.

"Wala." tipid kong sagot saka pinigilan ang sariling matawa sa ang-aalburuto niyang mukha. Sinadya ko pang itago ang screen ko sa kanya na lalong nagpakunot sa noo nito.

'To naman kung makaasta akala mo naman kung meron kami. Bahala ka dyan.

"I'm asking you, Belle Marie, who is that?" he asked in a sreious tone pero hindi ko pinansin.

Parang bigla gusto ko siyang inisin. Gusto kong makita kung paano maiinis ang isang Simone Dela Vega.

"Sige na, mauna na ako ah. Magkikita pa kami ni...babe."sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya pero kita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga titig niya sa akin.

Bubuksan ko na sana ang sasakyan pero bigla niya itong ni-lock kaya napalingon ako sa kanya. Seryoso ang mukha nito at kulang na lang ay basagin niya ang cellphone na nasa kamay ko. Marahas pa ang kanyang paghinga na pati ako ay nakadama ng takot sa kanya.

"What's wrong?" mahinahon kong tanong pero nakatitig lang siya sa cellphone ko. Marahan kong inabot ang kamay niyang nakakuyom at hinaplos ito gamit ang hintuturo ko para pakalmahin siya.

My gosh! Nakakatakot palang biruin ang isang Simone Dela Vega.

"I'm sorry , I'm just joking. Si Sam ang tumatawag." pag-amin ko ng makita kong hindi humuhupa ang galit niya.

Doon pa nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan saka mahigpit na yumakap sa akin. Sobrang higpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang takot itong may umagaw sa akin mula sa kanya. Dama ko ang lakas ng tibok ng kanyang dibdib. Gusto ko man siyang itulak pero wala akong lakas na gawin yon kaya hinayaan ko nalang.

Maya-maya ay kumalma ito at bahagyang lumayo sa akin. Sinakop niya ang mukha ko at masuyong tumingin sa aking mga mata. His hazel brown eyes is staring at me gently that sends shiver down my spine. Pakiramdam ko nananyo ang mga balahibo ko sa katawan sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

He leaned closer and rested his forehead into mine. The tip of our nose is touching each other and I can feel his minty breath fanning my face. I closed my eyes in anticipation when he gave me a chaste kiss in my lips.

Hanggang sa lumipat ang isang kamay niya sa batok ko at muli niyang dinampian ng halik ang gilid ng aking labi. His kisses are light but the intensity its giving me is burning me inside. Pakiramdam ko biglang nag-init ang aking katawan sa simpleng halik niya sa akin.

"Please don't tell me this kind of joke, Baby. I'm so fucking jealous." he whispered and then claimed my lips again fully this time.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
haiysst ... napaka selosong Simone kun maka Mine kala mo oorder sa online gたて
goodnovel comment avatar
Sapongen Mercy
next please ......
goodnovel comment avatar
Jhoy Vargas Abilla
selosong simone haha salamat Ms A sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status