Share

Chapter 5

"First kiss ko yun." sabi ko sabay tulak sa kanya. Pero bahagya lang itong lumayo sa akin pagkatapos masayang tumawa.

"Yeah I know, Baby." proud pa niyang sabi sa akin. "You're mine now."

"Anong mine?" naguguluhan kong sabi pero ng marealize ko kung anong ibig niyang sabihin bigla akong pinamulhan ng mukha.

"Gotcha, Baby! You're blushing..." Nakangiti niyang sabi sa akin kaya nahihiya akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Kinintalan niya pa ng halik ang gilid ng ulo ko bago ito nagmamadali lumabas ng sasakyan niya para pagbuksan ako ng pintuan ng hindi man lang nagpapaliwang kung bakit niya ako hinalikan.

Naguguluhan akong tumingin sa kanyang pangiti-ngiti sa labas. Bakit ako pumayag? Hindi man lang ako nakatanggi nung sinakop niya ang labi ko. That was my first kiss. I should be giving that to my first boyfriend, but he took it already.

What the hell are you doing Belle? Why did you allow him to do that to you? Kastigo ko sa aking sarili. Pinakiramdaman ko ang tibok ng aking puso, sobrang lakas nito. Why I am feeling like this? Ano to?

"Belle Marie, kalma." Saway ko sa aking sarili. "Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya, hindi mo pa siya kilala."

"Come on, Baby. Let's get inside..." aya niya sa akin pagkatapos niya akong pagbuksan.Lalayo sana ako sa kanya pero maagap niyang nahawakan ang bewang ko at pinaharap ako sa kanya.

"I'll come with you inside. I'll wait till you finish your job." sabi niya na para bang wala ng pwedeng kumontra dito.

Inayos niya pa ang damit ko bago niya kinuha ang bag sa aking kamay at isinukbit ito sa kanyang balikat. Magrereklamo pa sana ako pero marahan niya na akong inalalayan para maglakad. His left hand is holding my waist while the other is holding my bag.

Napapatingin sa aming dalawa or shall I say sa kanya lang pala yung mga babaeng nakakasalubong namin. Ang iba ay halata pang nagpapa-cute sa kanya pero masungit at diritso lang ang tingin ni Simone.

Masungit at suplado but I like it better kesa naman ngumiti din siya at magpa-cute sa mga ito.

Oh shit! What the hell are you thinking again, Belle Marie? Muli kong kastigo sa aking sarili.

"Mamayang 9:00 pa ang out ko, mauna ka na lang." sabi ko ." Wala ka namang gagawin doon sa loob, bawal tumambay doon, baka magalit ang Boss ko."

"Hmm. I'm a customer, baby, I can stay whenever I want."

"Oo nga, pero ano naman ang gagawin mo doon? Mabo-bored ka lang, mamayang hapon pa ang tutorial natin, mamaya na lang tayo magkita ulit."

"No chance, Baby, I'll wait for you." umiling pa ito, ayaw talaga magpatalo. "I'll wait for you till you finish your work. We'll go to school together, we'll eat together and I'll send you back yo your apartment later."

Para akong batang nakasimangot habang nakatingin sa kanyang nagpapaliwanag. Ano yon buong araw kaming magkasama?

"Wala ka bang pasok? Baka lalo kang hindi makaka-graduate niyan kakasunod sa akin. Pwede mo naman akong iwan dito, kaya ko na. Sanay na ako dito. " mahabang litanya ko sa kanya pero paulit-ulit lang itong umiling.

"Please baby, don't argue. I insist." sagot niya at talagang ayaw magpatalo. "I will stay and wait till you finish, okay?" mahinahon niyang sabi saka muling humalik sa gilid ng ulo ko.

Ano ba naman itong Kuya ni Sam ang kulit. Mas makulit pa ata ito kay Sam. Napaka clingy pa na akala mo naman matagal na kaming magkakilala. Kung makahalik-halik sa ulo ko parang may something sa amin, kahit wala naman.

Nakakahiya tuloy sa mga nakakakita sa amin. Baka isipin pa na merong namamagitan sa amin. Pero imposible naman yun, mukha lang kaming magkapatid. Isa pa gurang na itong Kuya ni Sam kaya siguro ganito na ito umasta. Para din siguro akong si Samantha sa paningin niya.

"Sige payag ako, basta wag mo akong tawaging baby ah."

"Why not?" protesta niya.

"Basta."

"But you are my baby." sagot niya sa akin. Para pa itong batang inagawan ng laruan kung makaasta kaya hindi ko napigilang matawa sa kanya." I want to call you baby, Belle." malambing niyang sabi sa akin. "Please let me..."

"Wag nga kasi ,baka kung ano pang isipin ng mga kasamahan ko. Tsaka baka may makarinig sa mga chiks mo, ikaw din ebi-break ka ng mga yun."

"The hell I care about your colleagues, baby. And to tell you, I don't have girlfriend. I don't do relationships baby, just so you know."

Natigilan ako sa sinabi niya at bigla pakiramdam ko nakadama ako ng lungkot sa di ko alam na dahilan.

Marahan akong tumango, kaya pala sinabi ni Sam na madaming chicks ang Kuya niya dahil wala pala itong sineseryoso. Okay. I'll take note of that.

"What happened?" tanong niya ng mapansin niyang tumahimik ako pero agad akong umiling. I can't be affected with what he said. Obvious naman na playboy tong Kuya niya at binalaan na ako ni Samantha.

Belle Marie, walang kayo. Wag assuming! Sigaw ng utak ko.

"Wag mo akong sisisihin pag na-bored ka ah? 4 hours ang duty ko Joe, that means apat na oras kang maghihintay." pinakita ko pa ang apat na daliri ko sa kanya.

"What did you just call me, Baby?" naaliw ang mga mata niyang nakatingin sa akin, nakita ko pa ang pinipigilan niyang ngiti kaya napanguso ako.

"J-joe..."mahina kong sagot, nahihiya. "Ayaw mo ba?"

"Fuck! No! I mean...I like it." mabilis niyang sagot at tumawa pa ng mahina. "Fuck! I think you bewitched me, Baby." akusa niya sa akin. Bahagya pa akong napahinto sa paglalakad dahil tumingin ako sa mukha niya.

"Anong sabi mo?" kunot noo kong tanong sa kanya pero naaliw pa itong ngumiti sa akin. Pakiramdam ko natutuwa siya kapag naiinis niya ako at sumisimangot o di kaya nakanguso ako sa kanya.

"I said you bewitched me. I am now under your spell and there's no way I can get out of it." diritso nitong sabi sa akin. "..but don't worry, Baby, I'm your willing victim. You can cast your spell to me anytime, anywhere."

Mahina kong tinampal ang dibdib niya pero tumawa lang ito sa akin at hinapit ako palapit sa kanya para halikan ang gilid ng ulo ko. Siraulo to gagawin pa akong mangkukulam.

"Anong akala mo sa akin? Mangkukulam? Excuse lang po Mr. Dela Vega sa ganda kong to, hindi ko na kailangan pang mangkulam noh?" mayabang kong sabi sa kanya. Akala ko kokontrahin niya ako pero tumango-tango pa ito bilang pagsang-ayon.

"Yeah, baby, right. You're so beautiful and I'm enchanted by your beauty." muli niya akong hinapit at hinalikan sa ulo. Kulang na lang ay yakapin niya ako, kaya yong mga babaeng nakakasalubong namin nakita ko pang napapapirap sa akin.

Bakit?Sino ba tong kasama ko? Sikat ba ito? Andami naman atang nagpapansin sa kanya. Tsaka bakit sila nang-iirap sa akin hindi naman ako yong nangyayakap at nanghahalik sa ulo?

"Oh the Boss is waiting huh?" narinig kong bulong niya kaya napatingin ako sa labas ng pintuan ng coffee shop. To my surprise, andun nga si Sir Greg, nakatayo at nakatingin sa amin. Sabagay kapag early shift ako palagi ko naman itong naabutan sa labas, nang tinanong ko minsan ang sabi niya nagpapahangin lang daw siya.

"Nagpapahangin lang si Sir." mahina kong komenta pero pagak lang itong natawa.

"Having a breath of fresh air huh?...while waiting for my baby?" he said with a sly smile on his lips. "You wish...not anymore!"

Muntanga 'to nang-aaway kahit hindi niya naman kilala ang amo ko. Ang bait kaya ni Sir Greg para isipan niya ng masama. Ano naman kong hinihintay niya ako? Wala naman akong nakikitang masama doon.

Isa pa kung maka-asta naman to para namang ano niya ako, ngayon ko nga lang siya nakilala.

Ngayon nga lang Belle Marie, pero nagpapahawak at nagpapahalik ka na sa kanya. Sigaw ng utak ko sa akin. Oo nga noh? Oh shit! Ang rupok mo Belle Marie. Tiyak mapapagalitan ako ni tatay kapag nalaman niya 'to.

Pasimple sana akong didistansya sa kanya pero hindi ko paman nagagawa, naramdaman ko ang paghapit ng kamay ni Simone sa aking bewang kaya napadikit ako sa kanya.

"Don't stay away from me , Baby." mahinang sabi niya sa akin. " I'm ready to fight any time..." ewan ko pero naramdaman ko ang pagbabanta sa boses niya.

May pagka basgulero din pala tong Kuya ni Sam. Anong fight? Wala namang nang-aaway sa kanya.

"Good morning Sir, Greg." bati ko sa kanya.

Matagal bago ito sumagot, dumako pa muna ang tingin niya sa kamay ni Simone na nasa bewang ko. Pasimple ko sana itong alisin pero lalo niya lang akong hinapit palapit sa kanya. Napansin kong bahagyang napaangat ang kilay ni Sir Greg bago ito nakipagsukatan ng tingin kay Simone.

Pakiramdam ko napapagitna ako sa dalawang lalaking may galit sa isa't-isa. Dama ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Pero maya-maya si Sir Greg din ang unang nag-iwas ng tingin at bumaling sa akin.

"Good morning, Belle." nakangiting bati niya. "I didn't know that you bring your brother here." bahagya niya pang tinapunan ng tingin si Simone pagkatapos niya sabihin ang salitang 'brother'.

"I'm not her brother." mariing sagot ni Simone sa kanya pero tinaasan lang siya ng kilay ni Sir Greg na para bang sinasabi wala siyang pakialam. "I'm her--"

"Oh I thought you are." putol ni Sir Greg sa kanya, kaya naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ng kamay niya sa bewang ko.

The tension between them is high again. Ako ang kinakabahan para sa kanila.

Ano ba ang problema? Kapatid ko man o hindi, wala naman sigurong problema dun. Hindi ko din maintindihan si Sir Greg sa asta niya. Ito ang unang beses na nagpakita siya ng ganito sa akin. He's the cool and nice boss type kaya nakakapanibago na maaga pa lang nagsusungit na siya.

"Uhm, Sir, papasok na po ako. Pasensya po kung na-late ako ngayon. Ibawas niyo nalang po sa sahod ko." sabi ko sa kanya bago ko hinarap si Simone. "Joe, umuwi ka na lang muna. Maya na lang tayo magkikita after work."

Kita ko ang pagpo-protesta sa mga mata niya kaya agad kong hinawakan ang magkabilang balikat niya. Diritso akong tumingin sa mga mata niya hindi siya makatanggi sa akin.

"Please..."mahinang kong pakiusap.

Isang malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago niya ako hinalikan sa noo.

"I'll wait for you in my car." sabi niya at sinulyapan pa si Sir Greg na hindi rin nagpatinag sa kinatatayuan niya. Tumango ako para makaalis na siya dahil nakakahiya, nakakaagaw na kami ng atensyon dahil nasa entrance kami ng coffee shop.

"Sige na..."

" I'll be watching you, Baby." sabi niya at muling humalik sa noo ko bago umalis.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Raymond Hardin
paganda na ng paganda ang kwento
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Ano ka Simone Jose si Flash dumada moves ka.Thank you Ms A sa update.Take care and God Bless
goodnovel comment avatar
Jhoy Vargas Abilla
haha ikaw na dela vega sa bilis salamat sa update Ms A ,more pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status