Share

Chapter 2

Kinabukasan, maaga palang nakahanda na ako. Pero hindi kagaya kahapon na excited akong pumasok. Maaga lang talaga akong nagising dahil halos wala naman akong maayos na tulog kakaisip paano ako magso-sorry kay Knight dahil sa kalokohang ginawa ko sa kanya kahapon.

Hindi naman totoong bukas yung zipper niya. Nagjo-joke lang naman ako pero mukhang hindi niya nagustuhan. Nung pinuntahan ko siya pagkatapos ng klase ko kahapon hindi niya lang ako pinansin kundi pinagalitan niya pa ako.

Pagkatapos nun iniwan niya na ako dun. Oo, dati nagsusungit siya sa akin pero kahapon lang ata siya nasagad. Hindi ko naman kasi alam na may nakarinig pala nung sinabihan ko siyang bukas ang zipper niya at nagreport pa talaga. Nalaman kong pinatawag siya sa office pero ang pinagtataka ko ay bakit siya lang ang pinatawag gayong ako naman ang gumawa ng kalokohan. 

"What happened to our princess? Bakit malungkot ang baby na yan? Masama ba pakiramdam mo? Do you want me to bring you to the hospital?" sunod-sunod na tanong ni Mom sa akin. 

Kinapa ni Mom ang noo pati leeg ko pero hindi naman ito mainit. Wala naman kasi akong sakit sadya lang na namomroblema ako sa ibang bagay.

"May umaway ba sa prinsesa ni Kuya?Sabihin mo sa akin baby at nang makilala nila sinong inaaway nila. " Parang may humaplos sa puso ko ng pati si Kuya Sandro ay inabot din ang noo ko. "May gusto ka bang ipabili kay Kuya mamaya pag-uwi? C'mon tell me." Umiling ako sa kanya saka ngumiti.

"Thank Kuya, love you." I said sweetly.

"What's wrong, Samantha? May nang-away ba sayo sa school? Sumbong mo sa akin at akong bahalang rumesbak para sa yo." Si Kuya Joe naman na alam kong handa rin akong ipagtanggol. Pero ang tanongano ang gagawin niya 'pag nalaman niya kung sinong dinadayo ko sa agri-department?

"Wag ka ng makisali Simone Jose, yung pag-aaral mo ang asikasuhin mo." Saway ni Dad sa kanya. Nakita ko ang pagsimangot ni Kuya pero nang makitang nakatingin ako ay agad din namang ngumiti.

"Dad naman eh!"

"Wag mo na dagdagan problema mo, Simone Jose, let Samantha handle her own."

"But they are making the princess sad, Dad. Di naman pwede yun." I smiled at Kuya Joe. 

I am really lucky to have my family. I am so loved.

"I'm fine Dad, Mom, Kuyas. Wala ding nang-aaway sa akin, wala lang akong masyadong tulog kagabi."

"Oh yeah, how about that baby. What time did you sleep last night? Natapos mo ba ang niluluto mo kagabi?"

Sabay na napatingin ang mga Kuya ko sa akin. They have this confused look thrown at me. Hindi sila sanay na late akong natutulog . I am always sleeping early kasi inaalagaan ko ang skin ko bilang isang modelo. 

But last night I slept late because I had to bake macaroons as my peace offering for him. Sinabi kasi sa akin ni uncle g****e na the best way to a mans heart is through his stomach. So, nagbabakasali ako na baka mas madali kong mapaamo si Knight kapag may dala akong pagkain para sa kanya.

Nagkandapaso pa ako kagabi at ilang beses ko pang inulit ang recipe na nakita ko sa youtube para ma-perfect ang macaroons.  I just hope na tanggapin niya ito.

"Past twelve, Mom." I lied. 

Past twelve na akong natapos magluto but I have to clean the baking pans and the kitchen first. Nakakahiya sa mga kasambahay kung basta ko nalang iiwan na madumi ang kusina.  At pagdating sa room ko tinapos ko pa ang mga assignments ko at nag-aral pa ako para sa quiz namin ngayon. 

"Have you tasted my macaroons, Mom, Dad, Kuyas?" I asked. They all nodded at me with smiles. Tinuro pa ni Kuya Sandro ang macaroons na nasa pinggan niya. " Does it taste good? Pasado ba?"

"Of course, gawa ng prinsesa namin yan." That's Kuya Sandro. Pinakita niya  sa akin ang pagsubo niya ng macaroons na gawa ko. " Ang sarap, pasadong-pasado. Nagpabalot nga ako kay Manang para dalhin ko sa office." My heart melted because he looks happy while saying that. Though I am not sure if the macaroons really taste good,  pero sabi ni Kuya masarap naman daw so siguro masarap talaga siya. 

I look at them happy and proud. It's my first time to bake macaroons at masaya akong nagustuhan nila. Yun ay kung totoong nagustuhan nila. 

Dati kung gusto kong kumain ng macaroons bibili lang naman ako. But now, I find it interesting. Masaya pala magbake lalo na kapag satisfied ka sa naging outcome nito. I think starting today, I will often do this. I will try more recipes then ipamimigay ko doon mga bata sa orphanage. That sounds good right?

Like the usual, maaga na naman akong pumasok. Kahit walang maayos na tulog sinigurado ko parang looking fresh and beautiful ako. Syempre, I have to look presentable lalo na at hihingi ako ng tawad kay Knight sa mga kalokohan ko kahapon.

...Ikaw ang kumpas pag naliligaw

Ikaw ang kulay sa langit na bughaw

Sa bawat bagyo na dumadayo

Ikaw ang kanlungan na kailangan ko

I was playing my favorite song while waiting for him in the parking. Gaya ng dati doon ako nagpark sa spot ko na palaging katabi ng sasakyan niya.

He's always early but why until now he's not yet here? 

Tiningnan ko ang relong pambisig, I've been waiting here for more than thirty minutes already. I only have fifteen minutes left for my first subject. Medyo malayo pa ang room ko dito sa department nila. Kailangan kong magmadali dahil may quiz kami ngayon sa first subject. 

...Kahit hindi mo alam

Ilang beses mo akong niligtas

Ikaw ang hantungan at aking wakas...

Natigil ako sa pagkanta ng makita ko ang sasakyan niyang papasok sa parking lot.

"Yes! He's here." I cheered merrily. Nabuhayan ako ng loob. Mabilis kong inayos ko ang aking sarili. Parang mapunit pa ang labi ko sa lawak ng aking pagkakangingiti,  but my smile faded when he parked his car not on the same spot next to mine. Instead, he parked it at the far corner of the parking lot.

 "He is still mad." sabi ko sa aking sarili. Bigla parang lumungkot ang puso ko. But no! Kaya ko 'to. Kasalanan ko naman kung bakit siya nagagalit sa akin. 

Nakita ko siyang bumababa sa sasakyan niya. He's wearing a white dress shirt paired with black pants and black shoes. He looks formal today dahil may klase siya ngayon bilang instructor. Parehas kami ng oras sa first subject kaya hindi ako pwedeng magtagal. Maibigay ko lang itong peace offering ko aalis na ako agad at baka malate ako sa quiz namin. 

Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at umikot sa kabilang side para kunin ang macaroons na pang peace offering ko sa kanya. 

Mabilis ang bawat hakbang niya. Halatang umiiwas sa akin. Alam kong nakita niya na ako. Mabilis kong sinarado ang sasakyan at sumunod ako sa kanya. 

"Knight!" Tawag ko pero nilagpasan niya lang ako. Parang wala itong narinig, ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. 

Lakad takbo ang ginawa ko para makaagapay ako sa kanya. Pero malalaki ang biyas niya ay napag-iiwanan niya ako. Bitbit ko ang paper bag na may lamang macaroons na sinadya ko pang gandahan ang pagkakabalot para sa kanya at sa kabilang balikat ko ay ang aking bag. 

"Hey! Wharton wait for me please." tawag ko sa kanya, nilambingan ko pa ang boses ko pero nagpatuloy lang ito sa paglakad. " Knight, saglit lang may ibibigay lang ako sayo." Muling tawag ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung may ibang studyanteng nakatingin sa aking sinusubuakang makaagapay sa kanya. . 

Hindi niya pa rin ako pinapansin hanggang sa makahabol na ako sa kanya. "I brought something for you. Peace offering ko." I said in a small voice. Sinilip ko pa ang mukha niya pero diretso lang itong tumingin sa unahan. 

" Magugustuhan mo to, ginawa ko kagabi. late na akong nakatulog dahil pinerfect ko pa ang recipe. Hey, tumingin ka naman sa akin oh, kahit saglit lang. Promise hindi ako magtatagal, aalis din ako agad kasi may klase pa ako. " hinihingal na ako sa pakikisabay sa kanya but still there's no response from him, kaya wala akong choice kundi ang hawakan ang kamay niya. "Knight, please?" Saka pa ito tumigil at masungit na tiningnan ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Para naman akong napasong binitawan yun. "I just want to say sor--"

"What is it this time Miss?"

"Corrine, my name is Corrine." mahina kong sabi pero lalong nagsalubong ang kilay niya.  Bigla parang umurong ang dila ko sa uri ng tinging binigay niya sa akin. He's still clearly mad at me. Nakakunot ang noo niya at mariing nakapinid ang mga labi. 

"F-for you" Halos walang lumabas na boses mula sa akin. Inabot ko ang paper bag na may lamang macaroons pero tiningnan niya lang ito.

"I don't have time for your whims, Miss. I have a class to attend to. If you need anything tell it now because I'm in a hurry."

 " I know I went overboard yesterday and I want to apologize for that. I'm not supposed to joke that to you. It's a bad joke and I admit my mistake. Hindi na mauulit." lalo kong inangat ang paper bag sa harapan niya pero tiningnan niya lang ito. 

"I personally bake this for you as my...p- peace offering. I hope you'll accept it. " I said in a small voice. I even smiled at him but still he remained looking at me with no emotion on his face. 

"Tanggapin mo na please? Late na akong nakatulog kagabi dahil gusto ko ma-perfect to para sayo. " pangungusensya ko sana sa kanya pero mukhang di niya nagustuhan. 

"I didn't ask you to give me anything , Miss. Don't blame me if you slept late."

"Joke lang, hindi naman kita sinisisi." mabilis kong bawi pero mukhang wala talaga siya sa mood. Lalo lang naging masungit ang mukha niya. "Joke lang talag--"

"That's the problem with you Miss, lahat dinadaan mo sa biro. Well, just to let you know, hindi lahat ng bagay dito sa mundo nakukuha mo sa biro. It's not the first time you did that to me, pinapalampas lang kita pero hindi ka parin nadala. How many times do you have to embarrass me before you stop pestering me huh?" 

I didn't answer. Binaba ko ang paper bag na hawak ko at nahihiyang tumingin sa kanya. 

"Pasensya ka na, hindi ko sinasadya. Hindi ko na uulitin. Alam kong galit ka pero sana tanggapin mo ito. Macaroons especially made for you. " Iaangat ko sana ulit ang paper bag pero bago ko pa yun magawa galit siyang tumingin sa kamay ko na may hawak nun. 

"I don't need anything from you, don't you get it? I'm not eating that fuck---" he stopped and controlled his breath. 

My heart ache, hindi lang naman ito basta macaroons lang dahil sinadya ko talaga tong gawin para sa kanya. I felt the pang in my chest but I have to show him that I'm not affected. 

"Last na 'to. " mahina kong sabi. Gusto ko ng maiyak kasi nararamdaman ko nang nagtitinginan na ang mga studyante sa amin. "Please accept it, makabawi lang ako sayo."

" I dont need that. I just want you to give me my peace. Stop bothering me." mahina pero may diin niyang sabi. 

"I-I'm sorry" I said almost in whisper. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil unti-unti ng nanlalabo ang tingin ko dahil sa namumuong luha.  "I am so sorry for being stubborn. I thought it's fine with you. Minsan kasi tumatawa ka naman sa akin kaya akala ko ayos lang na kinukulit kita. Hindi ko naman alam na hindi ka na pala natutuwa. Sorry talaga."

"Your sorry won't change the fact that I was reprimanded yesterday. Hindi lang ito tungkol sa akin dahil kapag di ka titigil baka pati ikaw---" he paused. " How many times you do you have to say that to me?  Do you really sincerely mean that you are sorry? Ilang beses mo pa ba akong ipahiya bago ka titigil? I have a reputation here, Miss." He paused and look at me intently. Sa mga oras na to feeling ko ang liit-liit ko. Bakit ba kasi pinagsisikan ko ang sarili ko sa kanya?

Sinubukan kong ngumiti pero nagsimula ng manginig ang aking mga labi. Mabilis akong yumuko ng maramdaman ko ang mainit na likido na nag-uunahan sa aking pisngi. Ilang beses akong kumurap para pigilan ito pero hindi ko na ito maawat. Nakita ko ang malalaking butil ng luha ko na nahulog sa semento. 

"For goodness sake wipe your tears. I'm a teacher in this university Miss. I'm trying my best to be a good example to my students, but because of you napapahiya ako sa mga studyante ko. Ngayon umiiyak ka? Anong gusto mong isipin ng mga estudyante ko ha? Ilang beses ko ba kailangan sabihin sa yong tigilan mo ang pagpunta dito? Tigilan mo ang pangungulit sa akin.  Bakit ba di ka nakakaintindi?"

"I'm sorry." mahina kong sabi. Wala akong maisip na ibang salita kundi sorry dahil alam kong yun lang ang nararapat.

"I hope this will be the last. Don't be such a brat. Be responsible. You're old enough to know what's wrong and right. Kung sa inyo sanay kang nakukuha lahat ng gusto mo, ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyong hindi dito." 

Tumango ako sa kanya ,  mabilis kong pinalis ang mga luhang nag-uunahan sa aking pisngi. Muli kong inangat ang paper bag sa harapan niya saka maliit akong ngumiti. 

"Could you at least accept it? Para sayo talaga 't--"

"I don't need that Miss." he said cutting me. I felt the lump on my throat but I have to fight it. My heart ache hearing those words from him, but he is right. I am such a brat na walang ibang ginawa kundi ang guluhin siya. 

"Grow up and be responsible. We're not playing here. I have works to do. I have a lot of stuffs in my head. Stop wasting my time." Then he turned his back to me.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Thank Ms A for new book.Take care and God Bless
goodnovel comment avatar
LadyAva16
Thank you Ma’am Leni for the gem
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status