Patay na. Nahuli na si Merida.
Aidan’s (Danny) POVI’m glad that everything went according to my plan. Isang biyaya sa’kin malaman na anak ni attorney si Lisa, mas may rason siya ngayon para panalanunin ang kaso.I’m giving her motivation ng sa ganoon, masungkit ni Merida ang hinahanap niya.I can’t wait any longer na nakatali pa rin siya kay Evos Rendova.Hindi bale ng gamitin ko si Lisa, basta ay umayon lang sa’kin ang gusto ko. Kailangan kong bigyan si attorney ng magandang dahilan para talunin si Evos.“Merida, pwede ba akong dumalaw bukas? G-Gusto kong makita muli ang aking anak.” Sabi ni attorney na papauwi na ngayon.Tumango si Merida. “Sige po attorney. Mag-iingat po kayo sa byahe niyo.”Nang makaalis siya, agad sumundal si Merida sa pinto. Alam kong nagulat siya at mukhang hanggang ngayon ay hindi pa siya makapaniwala sa nalaman niya.“Until now, hindi ko pa rin matanggap na anak ni attorney si Lisa. Ang hirap paniwalaan lalo na’t no’ng dumating ako sa mansion, ang akala ko ay kakambal siya ni Luke.”She’s
Namilog ang mata ni Hazie nang makita niya ko. Ilang taon na ba no’ng huli kaming nagharap?“Anong ginagawa mo dito?” aniya na para siyang nakakita ng multo sa katauhan ko.“Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Anong ginagawa mo? Ultimo anak mo ay sasaktan mo?”Napatingin siya kay Lisa at sa’kin ulit. “Wala kang pakialam! Bitawan mo ko!”Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya na hawak-hawak ko pero hindi ko hinayaan. Ibinaon ko pa ang kuko ko sa balat niya.“Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi ka pa rin nagbabago..”“Are you deaf?” nagtaas na siya ng boses. “Bitawan mo ko sabi!”Sinampal niya ako gamit ang isang kamay niya kaya sinampal ko rin siya pabalik. Naramdaman ko namang tumakbo na si Lisa paalis kaya wala ng pipigil sa’kin para patulan ang ina niya.Hindi na ako ang dating Kaori na inapi nila at pinagkaitan ng hustisya.“Sa tingin mo palalagpasin ko ang ginawa mo? You murderer!!!” pinandilatan niya ako ng mata.Natawa ako.. Noon pa man, hindi na ako natatakot sa kaniya, ano
I carried my child for 9 months. Kahit pa sabihing anak yun ng taong bumaboy sa’kin, anak ko pa rin ang batang nasa sinapupunan ko.Minahal ko siya at halos araw-araw kong kinakausap.Biktima ako pero ina ako kaya sino ako para kamuhian ang anak kong dala-dala ko?“Kaori, malapit ka ng manganak.” Ang sabi ng kasamahan ko dito sa loob ng bilangguan.“Oo. Malapit na nga.”“Kinakabahan ka na ba?”“Oo. Ayoko kasing lumaki ang anak ko dito sa loob ng preso. Kaya gusto kong lumabas para mabigyan ko siya ng magandang kinabukasan.”“Pero hindi ba umapila ka na sa korte?”Tumango ako pero alam kong matatagalan pa. Alam kong gagawin lahat ng Rendova para lang mapabagal ang proseso ng kaso.Lumilipas ang ang mga araw at iyon na ang kinakatakutan ko, ang araw ng panganganak ko.“Sige Kaori, iiri mo pa!”Yung takot kong hindi ko siya mailabas ng maayos dahil wala ako sa hospital ay biglang naglaho nang marinig ko ang iyak ng aking anak matapos ko siyang mailabas sa’king sinapupunan.“Kaori, ang ga
Attorney Enami’s POV(Her backstory)Ako si Enami Kaori, isang Hapon ang ama ko at Filipina ang ina ko. Pero hindi ako lumaki sa puder ng aking ama dahil hiwalay sila ni mama.Nagpakasal si mama sa isang kilalang chief sa lugar namin. Kinopkop ako ni tito Pelemo pero hindi ibig sabihin ay minahal.Second year ko na sa kursong nursing. Simple lang sana ang buhay ko hanggang sa lahat nagbago nang makikila ko si Raven Rendova.Isa siyang mayamang engineer na napadpad sa lugar namin dahil kaibigan siya ng anak ng mayor dito.“Kaori, sabay ka muna sa amin.” Sabi ng mga kaklase ko na agad kong inilingan.Masiyadong strikto si tito, pagkatapos ng skwela dapat ay uwi agad.“Pass ako. Salamat na lang..”Nagpunta ako agad sa sakayan ng jeep dahil nakita ko ang sasakyan ni Raven na paparating.“Kaori, tara hatid na kita.” Ang sabi niya.“Salamat pero magji-jeep ako.”Ayoko sa kaniya. Bilang nag-aaral ng nursing, medyo may alam na ako sa kalusugan ng tao. Kahit hindi pa siya sumailalim sa isang d
Merida’s POVPagbalik namin ng club, agad kong hinarap si Vivi para magpasalamat dito.“Vi, salamat ulit sa ginawa mo kanina.”“Ma’am, wala pong anuman. Saka ayoko po maglihim sa inyo kaya kung maaari, gusto kong sabihin lahat-lahat nang mga nangyari sa akin na may kinalaman po sa inyo.”“Pero paano yan, alam ni Evos na kinita mo ko ngayon. Baka mapahamak ka.” Nag-aalala kong sabi.“Sinabi ko po sa kaniya ma’am na makikipagkita ako sayo ngayon. Pumayag naman po siya basta raw ay linisin ko muna ang pad niya bago ako umalis.”Kumunot ang noo ko. Alam ni Evos? Wait. Come to think of it, pumasok sila ni Vadessa sa café kung saan kami nagpunta. Not to mention na malayo ang café sa Rendova mansion.Sobrang coincidence ng pangyayari.Hindi kaya sinusundan niya si Vivi para malaman kung nasaan ako?Possibleng ganoon nga at possible ring nagkataon lang gaya ng sinasabi ni Vadessa kanina na nagdidate lang sila.“May problema po ba ma’am Merida?” tanong ni Vivi nang mapansin niyang tila yata mal
Maaga pa lang ay nakaabang na ako sa labas ng club, hinihintay ang pagdating ni ma’am Merida. Nandito ako para e report sa kaniya ang mga nangyari kahapon.“Vivi!”Nang makita ko siya, ay agad akong lumapit sa kaniya at bigla na lamang niya akong niyakap. Ni hindi man lang siya narurumihan sa’kin. Walang kapantay talaga ang kabaitan ni ma’am.“Pasensya ka na, nahuli ako. Hindi ko kasi maiwan si Lisa kanina.”“Ayos lang ma’am Merida. Kararating ko lang din po kani-kanina lang.”“Masaya akong makita kang muli. Bakit pala gusto mong makipagkita?”“May gusto sana akong ireport sayo ma’am.”Tumango siya. “Tara. Huwag tayo dito. Hanap tayo ng pwesto.”Nagpunta kami ng café malapit lang sa club ng sa ganoon e makapag-usap kami ng maayos.“Pasensya ka na Vivi ah? Wala kasi akong bahay ngayon kaya dito nalang tayo mag-usap.”“Ayos lang ma’am. Hindi po siya problema sa’kin.”“Mabuti at nakaalis ka sa Rendova mansion.” Aniya pero hindi muna ako sumagot dahil niligay pa ng waiter ang kape na inord