Share

Kabanata 64

Author: MeteorComets
last update Huling Na-update: 2025-06-28 09:37:26
“Congratulations, Merida.” Ang sabi ni attorney sa’kin pagkalabas namin ng court room. Nagkagulo kanina at hindi na ako magtataka kung lahat ng nangyari ngayon ay makalabas sa publiko.

“Aren’t you happy?” tanong niya sa’kin. Siguro dahil nakita niya ang mukha kong nalulungkot.

“Attorney, hindi ko alam.” Mahinang sabi ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na infertile si Evos.

“At dahil diyan, naging okay ang kinalabasan ng trial. Dapat nga ay matuwa ka.”

Pero naaawa ako sa kaniya. Hindi ko aakalain na ito ang dahilan bakit iniiwasan niya ako noon.

Ang dami kong what ifs. Nakita ko siya kanina kung paano siya nalugmok. Gustong gusto ko siyang lapitan pero pinigilan ako ni attorney.

“Nagbago ba ang isipan mo?” kunot noong tanong ni attorney sa’kin.

“Huh?”

“Namumutla ka. Talagang nag-aalala ka sa kaniya. Kung nalaman mo ba no’ng una ang kondisyon niya, hindi mo ba siya hihiwalayan?”

Napayuko ako kasi hindi ko alam.

Siguro kung nalaman ko ang kalagayan niya noong una pa lang
MeteorComets

Good morning everyone!

| 22
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
my bgo nanaman cguro my samthing cla
goodnovel comment avatar
Sungit❤️Mo
hmmm..parang my something
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 114

    “Sir, ako na po bahala kay ma’am.” Ang sabi ni Lovely, ang personal caretaker ni tita Fe. Dumating siya kanina at pinakilala sa akin ni Aidan.Ngayon ko lang napagtanto na yung love na katawagan niya noong nagpapanggap siyang bodyguard ay Lovely pala ang pangalan.“Okay love, thank you so much for your help.” Tumingin sa akin si Lovely at gaya ni Aidan ay napasalamat din ako sa kanya. Gusto ko sanang sabihin kay Aidan na sa amin na lang yung mama niya at ako na lang ang mag-alaga pero alam kong impossible dahil kailangan ko ring magtrabaho. Kaya plano ko na lang na dalaw-dalawin si tita para na rin mapamilyaran niya ako at baka ay kahit papaano maging close kami.Nauna na ring umalis kanina si Lucio at kami ni Aidan ay nagbabalak ng umuwi dahil gabi na rin at kailangan pa niyang pumasok sa trabaho bukas dahil may meeting pa siyang kailangan na puntahan.Napaka-busy niya tapos kailangan pa niyang alagaan ang mama niya.Nang bumaling siya sa akin, agad niyang kinuha ang kamay ko at

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 113

    Bago pa nakabalik si Aidan, hindi na kami nag-uusap ni Lucio. Hindi na rin ako nagpumilit pang magtanong dahil baka nga ay sumakit pa ang ulo ko gaya nang nangyari kanina.Hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi niyang may selective amnesia ako kasi walang rason para magkaroon ako ng ganoon.“Hey, you okay?”Napatingin ako kay Aidan nang bigla niyang hapitin ang beywang ko. Tumango ako at ngumiti. Kung totoo mang nagkita na kami noon, then bakit ko siya nakalimutan?Hindi ba sabi ni Lucio ay posible ang selective amnesia kung nakakatrauma ang karanasang sinapit ko? Kung ganoon ba, ang pagkikita namin ni Aidan ay isang trauma sa’kin?Impossible naman yatang mangyari yun.“You looked pale. Inaway ka ba ni Lucio?”Nabalik ako sa reyalidad nang sabihin niya yun kaya tuloy, ay wala sa sariling bumaling ako kay Lucio at naabutan siyang pinapanood pala kami.“Hindi. Bakit niya naman ako aawayin?” natatawa kong tanong.Sumimangot si Aidan at tinignan ang best friend niya.“Dahil masama ang uga

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 112

    Merida’s POVKinabukasan, sinama ako ni Aidan sa hospital. For the first time, nakita ko ang mama niya. Kamukha siya ng mama niya at sobrang ganda ni tita Fe.Glorife Swarez Roquez ang buong pangalan ni tita.“She’s like an angel,” mahinang sabi ko.Tumango siya. “She was the best mom no’ng hindi pa kami iniwan ng ama ko.”Kagabi, Aidan told me his story. Na iniwan daw sila ng papa niya at pinagpalit sa ibang babae dahilan kung bakit nalulong ang mama niya sa bisyo at nasiraan ng bait.“Dan.”Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Lucio na pumasok.“Brute! Salamat sa pagbabantay kay mama.” Lumapit si Aidan sa kaniya at niyakap siya.“It’s nothing. Kagagaling lang din pala dito ni Aris at saka Monique.” Sabi ni Lucio sabay sulyap sa’kin.“Oh okay.. Where are they? Nakauwi na?”“Yeah. May trabaho pa daw na gagawin si Monique and same with Aris.”Tinignan ko ng mabuti ang reaction ni Aidan. Kung banggitin niya si ma’am Monique ay parang wala lang talaga sa kaniya. Kaya kung ano man yung

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 111

    Monique’s POV“Salamat,” sabi ko nang bigyan ako ni Beth ng isang baso ng juice. Matapos naming magkasagutan ni Merida kanina, agad akong nagtungo sa bahay ni Beth Floreza, ang kaibigan ko na dating nagtatrabaho rin sa hotel ni sir Aidan.Si Beth ang napangasawa ng kabigan ni sir na si Lucio Floreza.“Naku ma’am Monique, ayos lang yun.” Sabi ni Beth at ngumiti. “Matagal na rin nang huli tayong magkita. Kamusta naman ang trabaho?”“Naku Beth, maraming nagbago mula no’ng magresign ka.”Mas naging busy ako, lalo na nang mawala si sir Aidan dahil sa pagsunod niya kay Merida. Ako ang lahat na gumagawa ng trabaho niya.“Mas naging mahirap bang e handle si sir Aidan ngayon? Balita ko kay Lucio ay may bago daw siyang pinagkakaabalahan. Isang divorced woman daw. Totoo ba yun ma’am?”Tumango ako. “Totoo yung sinabi ni sir Lucio, Beth. In fact, fiancée na niya ang babaeng yun.” Sabi ko at uminom ng juice.“Hindi ako makapaniwala. Akala ko pa naman ay kayo ni sir Aidan ang magkakatuluyan.”Agad ak

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 110

    “Anong sinasabi mo ma’am Monique?”Namilog ang mata niya.“Anong sinasabi mong pinahamak ko si Aidan? Kailan ko pa ginawa yun?Para siyang nataranta ng ilang saglit. “Totoo naman hindi ba? Mula ng dumating ka sa buhay niya, palagi nalang siyang nadadawit sa mga Rendova. Dapat nga ang gawin mo ngayon ay tulungan siyang bawasan ang mga alalahanin niya, pero anong ginagawa mo? Dinadagdagan mo pa ang isipin niya. Naglihim ka sa kaniya tungkol doon kay Eric. At kung napahamak ka, problema na naman niya.”Kahit kay Eric e alam niya? Masiyado ba talagang magaan ang loob ni Aidan sa kaniya para kahit ang ganitong bagay e pinaalam pa sa kaniya?Tumayo siya at hinarap ako.“Intindihin mo rin sana si sir Aidan. Isipin mo rin sana ang kaligtasan niya at hindi lang puro ang sarili mo.” Umalis siya matapos niyang sabihin yun.Nakagat ko ang labi ko at tumulo ang luha sa mga mata ko. Gusto ko siyang hayaan pero hindi ko kayang ignorahin ang mga binitawan niyang salita.Why would she go that far?May

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 109

    Hindi ko alam bakit ganyan ang reaction ni Aidan matapos kong sabihin sa kaniya na home-schooled ako. Para bang hindi siya makapaniwala.“Why? Nagkita na ba tayo dati?” tanong ko.Tumingin siya sa mga mata ko at ako naman ay naghihintay ng sunod na sasabihin niya pero bago pa man niya maibuka ang labi niya, biglang may dumating.Sabay kaming napatingin sa pinto.“Buksan ko lang,” sabi ko at ako na ang kusang nagbukas. Tumambad sa harapan ko si ma’am Monique.“Sorry, nakalimutan ko cellphone ko sa kwarto, ma’am. Pwede ko bang kunin?”“Sige po ma’am Monique.” Sabi ko sa kaniya at gumilid para makadaan siya. Pinanood ko siya at nakita kong dumiretso siya kay Aidan at nag-usap sila sandali.Kumunot ang noo ko lalo na nang lumapit pa bahagya si ma’am Monique kay Aidan na para bang binubulong niya ang sasabihin niya. Bakit? Ayaw ba niyang marinig ko?I don’t like it. Gusto ko ring malaman kung ano yung pinag-uusapan nila.“A-Anong meron?” ngumiti ako para hindi nila makita na medyo hindi ko

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status