Good morning guys, hindi kasali si Aidan na apakatuso!
[the wedding venue]Kasama ko ngayon ang isang napakagandang babae na pinakilala sa akin ni Aris pagdating namin dito sa venue. Nasa isang private room kami at inaayusan niya ako. Naiilang ako sa kanya dahil alam ko sa mukha niyang medyo naiirita siya. Dahil rush nga itong kasal namin ay hindi ko maisusuot yung wedding dress na pinagawa ni Aidan for me.Pero si Aris, mayroon siyang sinuggest sakin. Nagulantang talaga ako kanina ng makita na may kasama siyang babae na isang fashion designer at may dala-dalang wedding dress.“Ahm… ano… ako na lang ang magsusuot nito,” sabi ko dahil nahihiya ako sa kanya at baka ay labag sa loob niyang ayusan ako.Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay nakita ko kung paano siya huminga ng malalim.“Pasensya ka na, mukhang nautusan ka pa yata nila para ayusan ako,” dagdag ko.“Hindi. Nagkakamali ka. I mean, okay lang naman sa akin na ayusan ka. Hindi ako galit sayo. Ganito lang talaga yung mukha ko kasi sino ba namang matutuwa e yang Escalante na yan a
“Hindi ko aakalain na may nangyaring ganyan sa inyo no’ng baliw mong fiancé.” Sabi ni Eric at hinahatid niya ko pabalik sa condo.Kanina nang matanggap ko ang mensahe kay ate Belle na may result na ang DNA test, nataranta na ako at agad naghanap ng taxi at napansin niya yata ang expression kong yun kaya sabi niya, ihahatid nalang niya ako sa pupuntahan ko.Wala naman siyang ibang ginawa saking iba at buti nalang din at tumino na siya. Takot lang niyang masapak ulit ni Aidan.“Paano kung naging positive ang result, na half-sibling kayo ng baliw na yun? So anong mangyayari?”Sinamaan ko siya ng tingin. “Pwede bang tumahimik ka? At hindi baliw si Aidan.”“Yeah... yeah…” Aniya na labas sa ilong.“Deserve mo kung sakali mang nasuntok ka niya.” Sabi ko dahil naiinis na ako.“Napakainitin naman ng ulo mo. Hinahatid ka na nga.”Inirapan ko lang siya at nang makarating na kami malapit sa condo, bigla niyang hininto ang kotse. Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.“What are you doin
“I’m sorry Ms. Merida,” iyon ang sabi ng doctor sa akin habang ako naman ay panay ang iyak na kahit anong pigil ay ayaw matigil.Nanginginig na rin ang kamay ko habang nakatingin sa resulta ng DNA test result.Niyakap ako ni ate Belle at si Eric na siyang nagmaneho sa akin ay titig na titig sa akin habang nanlalaki ang mata. Para akong nabunutan ng tinik sa resulta.0.1% which means, Aidan and I are not blood-related..“Ate Belle…” Hinahagod ni ate ang likuran ko. “Akala ko naman magtatalon ka sa tuwa.”Paano ako hindi iiyak? Ilang araw rin kasi akong hindi makatulog dahil sa pagbabalik ng ala-ala ko. Akala ko talaga ay magkapatid kami sa ama.“I don’t understand,” sabi ng doctor. “Masaya ka na hindi kayo magkadugo ng kapatid mo?”Natawa si ate. “Yes dahil fiancé niya yan.”Nanlaki ang mata ng doctor at napaawang naman ang bibig ni Eric.“What? Nakipagrelasyon ka sa kapatid mo—I mean sa taong to kahit na may posibilidad na magkapatid kayo?” hindi makapaniwalang tanong niya.“Ang hirap
I stopped working for awhile and the wedding is still on the process kaya inaasikaso namin yun dalawa ni Aidan. Naghaharap pa rin kami ni Monique matapos ng sagutan namin pero hindi kami nag-uusap.“Ate, are you excited?” napatingin ako kay Lisa nang magsalita siya. Kasama ko siya at si Luke pati na si attorney. Namimili kami ng souvenirs habang si Aidan naman ay kausap ang magkakasal sa amin. Kasama daw niya si Aris ngayon.“Yeah.” Sabi ko kahit na kabadong-kabado ako.I decided to continue this wedding kahit na sa ala-ala ko ay magkapatid kami dahil kung hindi, magtataka si Aidan kung anong problema.Ilang araw nalang kasi ay ikakasal na kaming dalawa.Sabi ng doctor, lalabas naman ang resulta bago ang kasal namin. Kaya kung magkapatid, tatakasan ko siya ng walang kahit na anong paalam dahil takot akong magtrigger na naman yun sa memorya niya pero kung mapatunayan kong hindi kami magkapatid kami, sisipot ako sa kasal.Malaking parte sa dibdib ko na naniniwala na hindi talaga kami mag
“SIR AIDAN!” Nagmamadali si ma’am Monique na lumapit sa amin at nagulat ako nang bigla niya akong itulak.Ilang minuto rin akong hindi nakagalaw at hindi makapaniwalang pinalitan niya ako sa pwesto ko kay Aidan. Agad niyang inalalayan si Aidan at siya mismo ang humalili dito papunta ng sala.Nag-aalala siya pero kung umasta siya ay parang siya ang asawa.Kumuyom ang kamao ko. Nang makita ko siyang kumuha ng isang roletang tissue, agad akong lumapit at hinablot ko yun sa kaniya.“Ma’am!” Tinaasan niya ako ng boses.“Tumabi ka!” Sabi ko sa kaniya at pinandilatan siya ng mata.Sinabi ko na to noon, ayokong magkaroon ng bagong Vadessa sa buhay ko.“Papairalin mo pa ba yang selos mo? Can’t you see anong nangyari kay sir Aidan?”“Tumabi ka, Monique. Ako pa rin ang fiancée niya at hindi ikaw.” Sabi ko sa kaniya. Kanina pa siya. Alam kong maaasahan siya pero sobra na.Nang hindi siya kumilos, binangga ko ang balikat niya at lumapit kay Aidan. Ako ang kusang tumulong sa kaniya para punasan ang
Sinamahan muna ako ni ate Belle sa kaibigan niyang doctor bago ako umuwi ng condo. Sa taxi pa lang, panay na tawag sa akin ni Aidan. Hindi ko siya sinasagot.At hindi na ako nagtaka nang makita ko siya sa labas ng building na naghihintay sa akin. Nakakunot ang noo niya at nakakrus ang kamay sa dibdib.Napatitig ako sa mukha niya at bumuntong hininga. Saang banda kami magkapatid ng lalaking to? Hindi naman kami magkamukha. Sobrang gwapo niya. Kahit man lang sana sa mata o di kaya ay kilay same kami ng sa ganoon, may maganda naman sa akin.Mas maganda kasi yung kaniya e.“Saan ka galing?” tanong niya. Salubong pa ang kilay. Kahit galit siya, gwapo pa rin.Naiiyak na naman ako.“Sa dati naming bahay.” Mahinang sabi ko at nagpipigil lang ng sarili na huwag tumakbo sa kaniya at yakapin siya o di kaya ay haIikan hanggang sa magsawa ako.Papa kung nasaan ka man ngayon, sorry…“Bakit? Anong ginawa mo doon?”“May hinanap lang ako sa mga kagamitan ni papa.”Tumango siya at lumapit pa sa akin sak