Share

Chapter 15

"Ganito kasi," pagpapatuloy pa niya, "bago ang araw na dumating ang Lola ko, niyaya ako nila Kaycee at Jelle na sa hagdan na lang daw dumaan. Pumayag naman ako dahil malaki ang tiwala ko sa kanila ngunit pagdating namin sa mismong fifth floor ay agad nila akong tinulak sa hagdan. Muntik pa akong malaglag hanggang sa ground floor, mabuti na lang at nakakapit ako kaya hindi ako namatay pero hindi ko makakalimutan ang mga ngisi nilang dalawa noong araw na iyon."

Agad na nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan, kasama na ang balahibo ko sa batok.

"Sa tingin ko ay iyon ang dahilan kung bakit nila ako nilipat sa ibang department. Natatakot sila na mademanda ang kumpaniya nila," paliwanag nito.

"Kailan nangyari ang paghulog nila sa iyo?" tanong ko sa kaniya.

"Isang linggo matapos ang anibersaryo nila," paliwanag niya.

Nang mag-ring ang bell ay bababa na sana ako nang pigilan niya ako.

"Mag-skip ka muna. Kailangan ko masabi sa iyo ang lahat dahil hindi ako sigurado kung magkakausap pa ba tayo hanggang bukas," paliwanag niya.

Tumingin muna ako sa entrance ng rooftop bago humarap sa kaniya at tumango.

"May nalaman ako..." bulong niya.

"Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya.

"Pareho silang naging girlfriend ng team leader ng AB department," sagot nito.

Nangunot ang aking noo. "Ano namang connect noon?"

Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Hindi ko alam pero kung iintindihin mo nang mabuti ay may koneksyon sila sa isa't isa."

"Multo na rin ba si leader?" kinakabahan kong tanong.

Natawa naman siya sa aking tanong kaya napasimangot naman ako.

"Funny ka rin pala," wika nito at biglang sumeryeso ang mukha.

"Hindi," sagot nito.

Napatango-tango naman ako sa kaniyang sinabi.

"May nabalitaan ako na lagi raw may namamatay matapos ang isang linggo ng anibersaryo ng pagkamatay ng dalawa," kwento pa niya sa akin.

"Natigil lang 'yon nang dumating ako. Dahil siguro riyan sa proteksyon," aniya at tinuro pa ang proteksyon na nasa kamay ko.

Tinaas niya ang kaniyang kamay at pinakita rin ang bracelet niya.

"Pero may naging conclusion ako matapos masagap ang mga balita," saad nito.

"Ano?" tanong ko sa kaniya.

"Sa tingin ko ay naghahanap sila Kaycee at Jelle ng mga susunod pang biktima dahil hindi nila matanggap ang pagkamatay nila. At ang biktima na napipili nila ay 'yong katabi lagi ni team leader," paliwanag niya, "kaya nga sabi ko sa iyo ay parang konektado ito kay leader."

Napahawak na lang ako sa aking baba at saka napatango-tango.

"May punto ka," saad ko, "pero paano kung ginagawa nila 'yon dahil nagseselos lang silang dalawa?"

"Isa rin 'yon sa posibleng maging dahilan," wika niya.

Sandaling nanahimik kaming dalawa at saka pinapakiramdaman ang isa't isa kung magsasalita ba kami.

"Pero—"

"Kapag—"

Natigil kami dahil sa sabay naming pagsasalita.

Tumango siya at tinuro ako. Senyas para ako muna ang unang magsalita.

"Pero paano kung lapitan ako ulit ng dalawa? Anong gagawin ko?" tanong ko sa kaniya.

Napabuntong hininga siya at animo'y hindi rin alam ang gagawin. "Siguro naman ay sapat na ang proteksyon pero kung pinipilit ka na talaga nila na lapitan ay suhestiyon ko na lumipat ka na lang sa ibang kumpaniya."

Siguro ay nag-stay lang siya rito dahil sa taas ng sweldo pero para sa akin, kahit anong taas ng sweldo kung ganito naman ang mangyayari ay mas pipiliin ko na lang maglako ng mga isda.

"Kapag lumapit ulit sila sa iyo, ibang mukha na ang makikita mo," seryosong wika pa niya.

"Huh?" naguguluhan kong tanong dito.

"Dahil sa proteksyon na 'yan, ay diyan mo na makikita ang totoong itsura nila o kahit sino pang multo na nagpapanggap bilang tao," paliwanag nito sa akin.

Tumango-tango naman ako at tila mas nadagdagan pa ang kaba. Ang puso ko ay tila hinahabol ng sandamakmak na kabayo sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Hangga't maaari rin ay huwag kang sasakay sa elevator ng mag-isa lalo na't ikaw pala ang napili nilang target," paliwanag pa nito.

Napalunok ako ng sarili kong laway matapos niya iyon sabihin.

"It's like surviving on my own. There's 25% chance to survive," I said to her.

Hinawakan niya ako sa aking balikat at saka diretso akong tinignan sa aking mga mata.

"Kaya mo 'yan! Makaka-survive ka," wika niya, "pero dahil alam na ng mga employee na ikaw ang next target, sigurado akong lalayuan ka nila."

"Paano 'yan?" kinakabahan kong tanong, "paano kaya kung sa hagdan na lang ako dumaan?"

"Nababaliw ka na ba?!" sigaw niya sa akin, "mas malaki ang tiyansa na mamatay ka roon dahil sa kanila. Dahil sa kanila ay namatay ako kaya gawin mo naman ang lahat para mabuhay ka!"

Natigilan ako at saka napatingin sa aking mga kamay.

Tama... tama siya ng sinabi.

"Sasamahan kita sa pagkuha mo ng gamit sa AB department office. Basta 'pag lumapit sila sa iyo ay 'wag mo silang pansinin o 'wag mo lalapitan. Naiintindihan mo ba?" seryosong wika niya.

Tumango-tango naman ako bilang tugon.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa elevator. Pagpasok namin ay doble-dobleng kaba ang naramdaman ko at nadagdagan pa iyon nang magpatay-sindi ang ilaw.

Halos hindi ko bitawan ang kamay ng babaeng kasama ko dahil sa takot. Tila bumalik ulit ang takot ko noong unang beses kong makakita ng multo...

Pagbukas ng elevator ay wala ng nakikitang empleyado na kahit isa sa hallway dahil oras na ng trabaho.

Mabilis akong pumasok sa office namin at pagpasok ko ay roon sumalubong sa akin si Kaycee at Jelle.

Natigilan ako nang makita ang too nilang itsura. Mas lalo tuloy akong napatago sa likod ng kasama ko.

Puro duguan ang kanilang mga mukha at warak na warak na. Ang mga kamay nila na bali-bali na. Ang tiyan nilang nakabukas at konti na lang ay lumaylay na sa lupa ang kanilang mga bituka. Ang mga mata nila na lumuwa na rin at ang mga pisngi nila na sobrang payat na.

Napatakip ako ng aking bibig na dahilan para mawala ang ngiti nila sa kanilang labi.

Muntik na akong masuka dahil sa aking nakikita.

Hindi sila nagmumukhang multo! Mas nagmumukha silang bangkay na naagnas na.

Seryoso silang napatingin sa akin.

"Saan ka nagpunta, Averill? Bakit late ka na?" ngiting tanong sa akin ni Jelle.

Siguro kung wala ang bracelet na ito ay magugustuhan ko pa ang mga ngiti niya, ngunit mas lalo lang akong kinilabutan dahil sa mga ngiti niya.

Dahil sa kaniyang pagngiti ay lumabas ang kaniyang ngipin na halos hindi na nakakabit sa kaniyang mga gilagid at halata mong malapot ang kaniyang mga laway at tumulo pa ito mismo sa sahig.

Sasagot na sana ako nang higpitan ng babae ang kamay ko at dali-dali niyang kinuha ang bag ko at saka binigay sa akin.

"Aalis na ako," mabilis kong sagot at saka dire-diretsong naglakad palabas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status