Share

Chapter 16

Halos patakbo naming pinuntahan ang elevator habang magkahawak pa rin ang mga kamay.

Pagkapasok namin sa elevator ay halos mapasigaw ako dahil hindi ko inaasahan na sila Kaycee at Jelle ang bubungad pagtalikod namin.

Dali-daling sinara ng babaeng kasama ko ang elevator at bago pa ito tuluyan na sumara ay sunod-sunod kong narinig ang napakalakas nilang mga sigaw na halos magpabingi sa akin.

Agad din akong napabitaw sa babaeng kasama ko dahil hindi ko na nakayanan ang ingay kaya tinakpan ko ang aking mga tainga.

Nilibot ko ang aking paningin at saka napatingin sa ilaw nang magpatay sindi na naman ito.

Susubukan ko sana hawakan ang babaeng kasama ko kaso nanlaki ang mga mata ko at nagtataka akong nilibot ang buong elevator dahil bigla siyang nawala at ako na lang ang mag-isa rito.

Nang tuluyan nang mamatay ang ilaw sa elevator ay napahawak ako sa railings ngunit hindi ko pinikit ang aking mga mata. Ramdam ko pa rin ang pagbaba ng elevator ngunit nagtataka ako kung bakit hindi pa rin naaabot ang ground floor.

Nang bumukas ang ilaw ay nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin sina Kaycee at Jelle at halos hangin na lang ang pagitan sa amin.

"Hahahahaha," mala-demonyong tawa nilang dalawa.

"Mamamatay ka rin!" sigaw ni Kaycee.

"Walang sinuman ang makakaagaw sa asawa ko!" sigaw naman ni Jelle.

Dahan-dahan akong umupo habang ang mga kamay ay nasa tainga pa rin dahil sa nakakarindi nilang mga sigaw.

Unti-unti na ring tumulo ang aking mga luha at hindi na napigilan ang puso sa sobrang bilis dahil sa kaba.

"Sumama ka na sa amin," wika pa nilang dalawa.

"Silas!" sigaw ko habang tinatakpan pa rin ang dalawang tainga.

Hindi ko alam kung bakit bigla kong binanggit ang pangalan ni Silas. Ang dapat ko na isisigaw ay 'manahimik kayo' pero iyon mismo ang naiusal ng aking labi.

Maya-maya pa ay unti-unti ko nang naramdaman ang pagtahimik ng paligid at kasabay noon ay ang pag-ikot ng aking paningin.

Nagising ako nang may tumapik sa akin.

"Miss," tawag niya.

Napabangon ako at nang makita na isa itong guard ay dali-dali akong tumayo at saka lumabas ng kumpaniya na iyon.

Hindi ko alam pero nang makalabas ako ay roon lang ako nakahinga nang maayos.

One step forward and I looked at the back. At the front door of the building, I saw Kaycee and Jelle standing there while looking at me with their anger eyes.

I looked at the sky and my eyebrows met when I saw someone in the rooftop that is standing and I got goosebumps when it suddenly jump. I immediately looked at the bracelet but I got wonder when I saw nothing there.

When I'm examining the whole building for the last time, I saw someone's shadow in one of the room but I don't know who she or he is.

Tila wala sa sarili akong sumakay sa jeep at umuwi. Muntik ko pa ngang malagpasan ang street namin kung 'di lang sumigaw ang driver kung nasaan na kami.

Gabi na rin at sa tingin ko ay malapit na magmadaling araw pero heto ako, naglalakad na tila wala sa sarili dahil sa nangyari.

Agad akong napatingin sa aking unahan nang maramdaman ang isang presensya.

Maya-maya pa ay unti-unti ko nang naaninag ang kaniyang mukha at nang magtama ang aming mga mata ay nagsimula na namang bumuhos ang aking mga luha.

Dali-dali siyang tumakbo papunta sa akin at saka niyakap ako nang mahigpit. Umiyak ako habang yakap-yakap niya ako. Umiiyak ako sa kaniyang dibdib.

"What happened?" hingal na hingal niyang tanong.

Hingal hindi dahil sa pagtakbo, hingal kun'di dahil sa kaba.

Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at hindi sinagot ang kaniyang tanong.

Agad ko siyang niyakap nang mahigpit at saka tumingin sa kaniyang mga mata habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha.

"I-I'm afraid, Silas," I said and I even uttered because until now, I still can remember their faces.

He hushed and brushed my hair gently and kissed me on my forehead afterwards.

"I'm here now, okay?" he assured me and even hugged me tight.

I didn't know that ghost can be a comfort too until I experienced it on my own.

"They're s-scary," wika ko pa sa kaniya.

He hushed. "It's fine. It's now fine. They won't come near you again, okay?"

Tumango-tango na lang ako at saka sinubukan na ikalma ang sarili ngunit sa tuwing susubukan ko ay roon lang ako mas lalong napapaiyak at napapahikbi.

Siguro ay inabot ng sampung minutos na ganoon ang pwesto naming dalawa, na nakayakap sa isa't isa. Wala ni isa sa amin ang sinubukan na umalis. Wala rin naman nagtangka na pumigil sa amin dahil wala ng mga taong naraan sa street namin gawa ng lahat ay tulog na.

Natigilan lang kami nang kumalma na ako. Pinunasan ko ang aking mga luha at tumalon-talon para hindi mahalata na umiyak ako.

"Hoo!" sigaw ko at saka sinubukan na pakalmahin ang sarili.

Matapos ay ngumiti ako kay Silas. Napataas ang aking kilay nang natawa siya dahil sa akin.

"Pwede na 'yang pekeng ngiti mo," pang-aasar niya.

Napasimangot naman ako dahil sa kaniyang sinabi kaya nasuntok ko siya sa kaniyang braso ngunit mahina lang naman 'yon.

Pagkauwi ko ay lahat ay tulog na kaya napahinga naman ako nang maluwag. Mas pinili ko na lang na hindi na gisingin si Mama dahil alam kong pagod din siya.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay dali-dali akong humiga sa aking kama at saka umiyak ulit.

Hindi ko alam pero tila maraming tubig ang kailangan ilabas ng aking mga mata kaya tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa mapagod ang mga mata ko at hindi na nakayanan pa ang antok.

Silas' POV:

Nang makatulog siya ay dali-dali ko siyang kinumutan at saka hinalikan sa noo.

"Sleep tight, Avery," bulong ko.

Napatingin naman ako sa kaniyang veranda at napabuntong hininga.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan nang sandaling marinig ko ang kaniyang sigaw na tinatawag ako.

Nagdalawang isip ako kung pupuntahan ko ba siya sa kaniyang trabaho ngunit nang makapag-decide ako ay mukhang huli na ako.

Nakita ko na naman siyang umiiyak...

Nakita ko na naman ang mga mata niyang pagod na pagod...

Hindi ko alam ngunit sa tuwing nakikita ko na ganoon ang mga mata niya at gustong-gusto ko siyang yakapin at pagaanin ang loob niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status