Share

Chapter 19

"Alam mo, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa iyo," wika ni Mama sa akin.

"Ma, maniwala ka naman sa akin, oh," pagpupumilit ko pa at kaunti na lang ay iiyak na talaga.

Pinipigilan ko lang na pumatak ang aking mga luha dahil nasa harap kami ng hapag kainan.

"Paano ako maniniwala sa iyo, Mae?!" sigaw nito, "ang multo, hindi ka na no'n mahahawakan pa, kaya pa'no mo nasabi na totoo 'yang sinasabi mo? Nasobrahan ka lang talaga sa panood ng mga kung anu-anong horror movies."

Bago pa ako magsimulang magsalita ay nagulat ako nang biglang nagsalita si Seya.

"You're not sure of that, Lola," wika niya at saka tumingin sa akin at sa tabi ko.

Napatingin naman ako kay Silas dahil doon. Pagtingin ko ay nagtama na naman ang paningin namin kaya mas lalo kong iniiwasan na maiyak.

Kanina pa pala siya nandito. Nakalimutan ko na siya dahil sa tensyon naming dalawa ni Mama.

Nakakahiya naman kasi... lahat ng problema ko sa buhay ay alam na alam niya at nakikita niya pa ang mga kadramahan ko sa buhay.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status