Maaga na akong nagising pero tanghali na ako bumaba para kumain ng umagahan. Sinadya ko iyon para hindi makasabay sila Mama na kumain sa lamesa.Sa aking pagbaba ay hindi ako pinansin o pinasadahan man lang ng tingin ni Mama kaya nagtungo na lang ako sa kusina.Tahimik akong kumakain nang biglang lumitaw sa tabi ko si Tenshi kaya gulat na gulat naman akong tumingin dito.Sinilip ko muna sila Mama at Ate na nasa sala bago siya kausapin dahil baka mas lalong magduda talaga si Mama na may multo sa bahay."Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya nang maalala ang nangyari kahapon.Dahan-dahan siyang tumango bilang tugon. "Pero nakatakas siya mula sa akin kaya magdoble ingat ka na simula ngayon."Ngumiti ako sa kaniya para sabihin na ayos lang ako."Huwag ka na mag-alala pa sa akin," sambit ko rito."Kahit na may iba ng nagbabantay sa iyo, huwag ka pa rin maging panatag... bakit? Kasi hindi ka naman niya talaga kayang protektahan," ika niya.Natigilan ako sa pagsubo dahil sa kaniy
"Huwag ka na magtaka kung gano'n ang trato sa iyo ng mga anak ko. Sadyang nami-miss lang talaga nila ang kapatid nila," mariing wika nito.Kahit na hindi siya nakatingin sa akin ay tila tinusok naman ako ng kaniyang mga salita.Grabe! Ang sakit. Ang sakit-sakit, sobra.Na-estatwa ako sa aking kinatatayuan nang may nagsalita sa likuran ko."Hindi 'yan totoo, Ma," mariing sabi ni Ate at saka pumasok din sa kwarto. Sumunod naman sa kaniya si Seya at Kuya Elias habang ako ay nanatili lang malapit sa pinto."Oo, noong una ay nakita lang namin siya bilang pamalit kay bunso pero iba si Averill, Ma. Hindi siya 'yong tulad ng tao na lagi mong sinasabi noon sa amin no'ng mga bata pa lang kami," mahabang ika niya."Yeah, Tita Vivi is different, so I hope you can now accept her as your daughter," Seya said.Napakagat naman ako ng aking labi dahil sa sinabi ni Seya at saka napabuntong hininga.Yumuko ako at saka hinayaan na tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata."Kahit si Seya ay alam 'yon? I
Napapikit na lang ako dahil sa init at dahil sa pangangawit ng katawan ko dahil sa posisyon ko. Kahit si Kuya ay halata ko na rin na nahihirapan na rin siya.Bakit ang tagal naman kasi dumating ng tulong? Kanina pa umalis si Ate, ah? Halos sampung minutos na ang nakakaraan."Put—" Muntik na akong mapamura nang sipain ako ni Jelle dahilan para makawala siya sa akin. Hindi kasi sinasadyang naluwagan ko ang pagkakaipit ko sa kaniyang mga paa dahil sa pagkakangalay.Mabilis ko siyang hinabol pero natigilan ako sa pagbaba ng hagdan nang makita na hawak-hawak siya ng mga hindi ko kilalang mga lalaki at kasama nila si Ate."Hawakan niyo siya nang mabuti!" sigaw ng isa.Exorcists...? Agad akong napalunok nang makita kung paano sila magpaalis ng kaluluwa sa isang katawan.Oo, alam ko na sila dapat ang tawagin kapag may sinasapian pero sana naman ay hindi pa muna umuwi si Silas...Hindi ko ramdam ang kaluluwa niya sa buong bahay kaya nakakaluwag-luwag pa ako pero sana! Sana... hindi muna siya
"Woah!" Napatingin kaming lahat nang sumigaw ang lider at saka dahan-dahan na pumalakpak na nagpataka sa akin."Ang galing mo naman!" pagpupuri nito sa akin.Nginitian ko na lang siya bilang tugon."Pero wala namang multong guwapo, ah?" tanong sa akin nito.Napahagikgik naman ako dahil doon. "Hindi nga rin ako makapaniwala noong una e', dahil iyon din ang unang beses kong makakita ng multong guwapo," saad ko rito."Yeah, Tita Vivi is telling the truth! Tito Silas is really handsome," proud na saad ni Seya na kinatawa ko rin."Kanina ka pa Tito nang Tito sa lalaki na 'yan. Hindi ko naman 'yan anak," wika ni Mama na nagpatawa sa aming lahat kaya napasimangot na lang si Seya."But Tito Silas said that Tita Vivi is his girlfriend," bulong nito.Nanlaki naman ang mga mata ko at sunod-sunod na umiling upang depensahan ang sarili."Hindi 'yon totoo!" pagtatanggol ko sa sarili."So, are you telling that Tito Silas is lying?" tanong naman ni Seya sa akin.Natigilan naman ako dahil doon at nap
Nanatili lang kaming dalawa ni Silas na tahimik sa kuwarto habang nagmumuni-muni. Ayaw ko rin naman kasi magbukas ng topik kahit na marami akong gustong itanong sa kaniya.Napatingin ako sa aking pinto nang may kumatok dito. "Kain na raw, Averill," ika ni Kuya."Bababa na!" sigaw ko at mabilis na sinuot ang tsinelas at saka tumakbo palabas.Pagbaba ko sa kusina ay tahimik ang lahat. Halatang hindi pa rin nakaka-get over sa nangyari kanina.Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay nagulat ako nang makitang nakaupo si Silas sa tabi ko.Hindi ako nagpahalata sa kanilang lahat pero pinanlakihan ko siya ng mha mata. Alam kong nakita rin iyon ni Seya kaya nagpipigil na siya ng tawa ngayon.Nang mapatikhim si Ate ay nalipat ang atensyon ko sa kaniya."Averill," paninimula niya, "iyong kaninang sinabi ni Mama. May gusto lang ako linawin...""Anong sinabi ko?" singit naman sa usapan ni Mama habang nakakunot ang noo.Napabuntong hininga naman si Kuya at saka tinigil ang pagkain bago tumingin
Nagulat ako nang mabilis na lumipat is Kuya Elias sa tabi ni Seya dahil katabi ko siya kanina."Elias, umayos ka nga," suway sa kaniya ni Mama.Inasar ko naman siya dahil doon. Kahit kailan talaga ay matatakutin siya."Seya, totoo ba sinasabi ni Tita Vivi mo?" tanong ni Kuya nang pabulong pero kahit na pabulong pa 'yon ay rinig ko naman.Seya giggled. "Yes, he's actually staring at you, so it will be better if you come back to where did you seat a while ago."Napaismid na lang ako nang mabilis ulit na lumipat sa tabi ko si Kuya Elias."So, tama nga ang hinala ko? Na siya 'yong nakita kong multo sa kuwarto mo?" pagsingit ni Mama sa usapan namin.Napatitig naman ako sa kaniya at dahan-dahan na tumango."Pero naglalaro lang silang dalawa ni Seya noong araw na 'yon," paliwanag ko pa rito.Nagtaka ako nang ilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang baba na animo'y nag-iisip."Matangkad pala siya, ha..." bulong nito at tumango-tango.Nanlaki naman ang aking mga mata at hindi makapaniwalang
Makalipas ang isang linggo..."Oh? Am-Am, bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya nang makita siya sa sala."Puwede ka ba makausap?" tanong nito sa akin.Tumango naman ako bilang tugon at saka umupo sa tabi niya.Tinaasan ko siya ng kilay nang nakaraan na ang ilang minutos ay hindi pa rin ito nagsasalita.Tumikhim siya. "Puwede ba na sa pribadong lugar tayo mag-usap?"Napaismid naman ako bago tumango.Kung kanina niya pa sinabi 'yon, e 'di sana kanina pa kami nag-uusap. Nasa sala kasi sila Mama kaya hindi talaga kami magkakausap nang maayos dahil halata naman na nakikinig sila."Halika," yaya ko sa kaniya at saka nagtungo sa kuwarto ko.Wala naman kaming guess room kaya ang kuwarto ko lang ang naisip kong lugar na pribado.Pinaupo ko siya sa aking mini sofa at umupo ako sa harap niya."Ano ang gusto mong pag-usapan at nagawa mo pa akong dalawin?" makabuluhang tanong ko sa kaniya.Humagikgik siya. "Pinag-isipan ko kasi 'yong sinabi mo sa akin noong nakaraang linggo..."Tumaas ang aking
Nang tuluyan na siyang makalabas ng kuwarto ay isasara ko na sana ang pinto nang matigilan ako at napabuntong hininga.Hindi kasi siya tumawa sa biro ko kaya agad kong hinila ang kamay niya para matigilan siya sa paglalakad.Napataas siya ng kilay. "Aalis na ako gaya ng sabi mo kaya bitawan mo 'ko."Napanguso naman ako dahil sa biglaang panlalamig ng kaniyang tono. Hindi ko alam kung nasaktan ko ba siya sa aking sinabi o sadyang toyoin lang siya..."Nagbibiro lang naman ako... pero kaya kung nasaktan kita, pasensya na," bulong ko sa kaniya at napayuko dahil sa kahihiyan pero hawak ko pa rin ang kaniyang kamay.Ayaw ko naman na hindi humingi ng tawad, 'no. Kakainin ako ng kunsensya ko hanggang sa hindi ako makatulog.Napaangat ako ng tingin sa kaniya nang guluhin niya ang aking buhok at saka ngumiti.Napahagikgik siya. "Huwag ka mag-alala, nagbibiro lang din naman ako. Hindi ako galit sa iyo o nasaktan sa sinabi mo kaya huwag ka mag-overthink."Na-estatwa ako sa aking kinatatayuan nang