Share

Chapter 45 : Ang Katotohanan

Maaga na akong nagising pero tanghali na ako bumaba para kumain ng umagahan. Sinadya ko iyon para hindi makasabay sila Mama na kumain sa lamesa.

Sa aking pagbaba ay hindi ako pinansin o pinasadahan man lang ng tingin ni Mama kaya nagtungo na lang ako sa kusina.

Tahimik akong kumakain nang biglang lumitaw sa tabi ko si Tenshi kaya gulat na gulat naman akong tumingin dito.

Sinilip ko muna sila Mama at Ate na nasa sala bago siya kausapin dahil baka mas lalong magduda talaga si Mama na may multo sa bahay.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya nang maalala ang nangyari kahapon.

Dahan-dahan siyang tumango bilang tugon. "Pero nakatakas siya mula sa akin kaya magdoble ingat ka na simula ngayon."

Ngumiti ako sa kaniya para sabihin na ayos lang ako.

"Huwag ka na mag-alala pa sa akin," sambit ko rito.

"Kahit na may iba ng nagbabantay sa iyo, huwag ka pa rin maging panatag... bakit? Kasi hindi ka naman niya talaga kayang protektahan," ika niya.

Natigilan ako sa pagsubo dahil sa kaniy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status