Share

Chapter 46 : Mga Katanungan

"Huwag ka na magtaka kung gano'n ang trato sa iyo ng mga anak ko. Sadyang nami-miss lang talaga nila ang kapatid nila," mariing wika nito.

Kahit na hindi siya nakatingin sa akin ay tila tinusok naman ako ng kaniyang mga salita.

Grabe! Ang sakit. Ang sakit-sakit, sobra.

Na-estatwa ako sa aking kinatatayuan nang may nagsalita sa likuran ko.

"Hindi 'yan totoo, Ma," mariing sabi ni Ate at saka pumasok din sa kwarto. Sumunod naman sa kaniya si Seya at Kuya Elias habang ako ay nanatili lang malapit sa pinto.

"Oo, noong una ay nakita lang namin siya bilang pamalit kay bunso pero iba si Averill, Ma. Hindi siya 'yong tulad ng tao na lagi mong sinasabi noon sa amin no'ng mga bata pa lang kami," mahabang ika niya.

"Yeah, Tita Vivi is different, so I hope you can now accept her as your daughter," Seya said.

Napakagat naman ako ng aking labi dahil sa sinabi ni Seya at saka napabuntong hininga.

Yumuko ako at saka hinayaan na tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata.

"Kahit si Seya ay alam 'yon? I
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status