"Woah!" Napatingin kaming lahat nang sumigaw ang lider at saka dahan-dahan na pumalakpak na nagpataka sa akin."Ang galing mo naman!" pagpupuri nito sa akin.Nginitian ko na lang siya bilang tugon."Pero wala namang multong guwapo, ah?" tanong sa akin nito.Napahagikgik naman ako dahil doon. "Hindi nga rin ako makapaniwala noong una e', dahil iyon din ang unang beses kong makakita ng multong guwapo," saad ko rito."Yeah, Tita Vivi is telling the truth! Tito Silas is really handsome," proud na saad ni Seya na kinatawa ko rin."Kanina ka pa Tito nang Tito sa lalaki na 'yan. Hindi ko naman 'yan anak," wika ni Mama na nagpatawa sa aming lahat kaya napasimangot na lang si Seya."But Tito Silas said that Tita Vivi is his girlfriend," bulong nito.Nanlaki naman ang mga mata ko at sunod-sunod na umiling upang depensahan ang sarili."Hindi 'yon totoo!" pagtatanggol ko sa sarili."So, are you telling that Tito Silas is lying?" tanong naman ni Seya sa akin.Natigilan naman ako dahil doon at nap
Nanatili lang kaming dalawa ni Silas na tahimik sa kuwarto habang nagmumuni-muni. Ayaw ko rin naman kasi magbukas ng topik kahit na marami akong gustong itanong sa kaniya.Napatingin ako sa aking pinto nang may kumatok dito. "Kain na raw, Averill," ika ni Kuya."Bababa na!" sigaw ko at mabilis na sinuot ang tsinelas at saka tumakbo palabas.Pagbaba ko sa kusina ay tahimik ang lahat. Halatang hindi pa rin nakaka-get over sa nangyari kanina.Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay nagulat ako nang makitang nakaupo si Silas sa tabi ko.Hindi ako nagpahalata sa kanilang lahat pero pinanlakihan ko siya ng mha mata. Alam kong nakita rin iyon ni Seya kaya nagpipigil na siya ng tawa ngayon.Nang mapatikhim si Ate ay nalipat ang atensyon ko sa kaniya."Averill," paninimula niya, "iyong kaninang sinabi ni Mama. May gusto lang ako linawin...""Anong sinabi ko?" singit naman sa usapan ni Mama habang nakakunot ang noo.Napabuntong hininga naman si Kuya at saka tinigil ang pagkain bago tumingin
Nagulat ako nang mabilis na lumipat is Kuya Elias sa tabi ni Seya dahil katabi ko siya kanina."Elias, umayos ka nga," suway sa kaniya ni Mama.Inasar ko naman siya dahil doon. Kahit kailan talaga ay matatakutin siya."Seya, totoo ba sinasabi ni Tita Vivi mo?" tanong ni Kuya nang pabulong pero kahit na pabulong pa 'yon ay rinig ko naman.Seya giggled. "Yes, he's actually staring at you, so it will be better if you come back to where did you seat a while ago."Napaismid na lang ako nang mabilis ulit na lumipat sa tabi ko si Kuya Elias."So, tama nga ang hinala ko? Na siya 'yong nakita kong multo sa kuwarto mo?" pagsingit ni Mama sa usapan namin.Napatitig naman ako sa kaniya at dahan-dahan na tumango."Pero naglalaro lang silang dalawa ni Seya noong araw na 'yon," paliwanag ko pa rito.Nagtaka ako nang ilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang baba na animo'y nag-iisip."Matangkad pala siya, ha..." bulong nito at tumango-tango.Nanlaki naman ang aking mga mata at hindi makapaniwalang
Makalipas ang isang linggo..."Oh? Am-Am, bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya nang makita siya sa sala."Puwede ka ba makausap?" tanong nito sa akin.Tumango naman ako bilang tugon at saka umupo sa tabi niya.Tinaasan ko siya ng kilay nang nakaraan na ang ilang minutos ay hindi pa rin ito nagsasalita.Tumikhim siya. "Puwede ba na sa pribadong lugar tayo mag-usap?"Napaismid naman ako bago tumango.Kung kanina niya pa sinabi 'yon, e 'di sana kanina pa kami nag-uusap. Nasa sala kasi sila Mama kaya hindi talaga kami magkakausap nang maayos dahil halata naman na nakikinig sila."Halika," yaya ko sa kaniya at saka nagtungo sa kuwarto ko.Wala naman kaming guess room kaya ang kuwarto ko lang ang naisip kong lugar na pribado.Pinaupo ko siya sa aking mini sofa at umupo ako sa harap niya."Ano ang gusto mong pag-usapan at nagawa mo pa akong dalawin?" makabuluhang tanong ko sa kaniya.Humagikgik siya. "Pinag-isipan ko kasi 'yong sinabi mo sa akin noong nakaraang linggo..."Tumaas ang aking
Nang tuluyan na siyang makalabas ng kuwarto ay isasara ko na sana ang pinto nang matigilan ako at napabuntong hininga.Hindi kasi siya tumawa sa biro ko kaya agad kong hinila ang kamay niya para matigilan siya sa paglalakad.Napataas siya ng kilay. "Aalis na ako gaya ng sabi mo kaya bitawan mo 'ko."Napanguso naman ako dahil sa biglaang panlalamig ng kaniyang tono. Hindi ko alam kung nasaktan ko ba siya sa aking sinabi o sadyang toyoin lang siya..."Nagbibiro lang naman ako... pero kaya kung nasaktan kita, pasensya na," bulong ko sa kaniya at napayuko dahil sa kahihiyan pero hawak ko pa rin ang kaniyang kamay.Ayaw ko naman na hindi humingi ng tawad, 'no. Kakainin ako ng kunsensya ko hanggang sa hindi ako makatulog.Napaangat ako ng tingin sa kaniya nang guluhin niya ang aking buhok at saka ngumiti.Napahagikgik siya. "Huwag ka mag-alala, nagbibiro lang din naman ako. Hindi ako galit sa iyo o nasaktan sa sinabi mo kaya huwag ka mag-overthink."Na-estatwa ako sa aking kinatatayuan nang
"Baka maunahan ka pa ng multo na kainin 'yang pagkain mo," natatawang biro sa akin ni Kuya."Hindi nakain ang mga multo," sagot ko naman sa kaniya at saka nagsimula ng kumain.Natigilan naman siya at napatikom ng bibig."May problema ba?" tanong sa akin ni Ate.Hinarap ko naman siya at sunod-sunod na napailing-iling bago pekeng tumawa."Wala, 'no," sagot ko.Hindi ko napansin na kanina pa pala sila kumakain habang ako ay nakatulala lang at iniisip pa rin kung bakit gano'n ang trato sa akin ni Silas.Masyado rin akong nagpadalos-dalos sa aking sinabi kaya gusto kong humingi ng tawad sa kaniya dahil baka nasaktan ko siya dahil sa aking mga sinabi.Matapos kumain ay mabilis lang akong naghugas at dali-dali na umakyat sa taas."Nagmamadali, ah? May lakad?" nagtatakang biro ni Kuya na may halong pang-aasar kaya tinarayan ko na naman siya na lalong nagpatawa sa kaniya.Pagpasok ko sa kuwarto ay agad kong tinignan ang sofa ngunit nagtaka ako matapos makita na walang Silas na nakaupo roon."S
Napahinto ako at saka binuksan ito matapos makita ang isang message mula kay Am-Am. Nangunot ang aking kilay sa pagtataka dahil linagyan pa talaga niya ng nickname ang isa't isa. From Am-Am: Good evening, Averill. Sorry for the inconveniences but I already message some of my friends and two of them is the one who reply fast. The other one said there's no body anymore in their morgue and the other one said that there is. So if you don't mind, can we go there tomorrow? Matapos mabasa ang mga messages niya ay hindi ko maiwasan na mapangiti. Ang ganda ng typings niya tapos English pa! Pak na pak! Dali-dali akong nag-reply sa kaniya baka kasi sabihin na wala akong kwentang kausap, 'no. “Sure! Sure! What time ba? Don't worry, you're not a disturbance. I owe you a lot. A big thanks to you!” Matapos ko 'yon i-send ay hindi ko maiwasan na ma-cringe at hindi ko alam ang dahilan. "Conyo ko," bulong ko matapos mabasa ulit ang ni-send ko. Balak ko sanang i-unsend pero huli na dahil mabi
Matapos kumain ay agad akong naghanda. Hindi na ako nagdala ng malaking bag at tanging sling bag na lang dahil gaya nga ng sabi ni Am-Am, makakauwi rin naman kami agad-agad."Come in," wika ko nang may kumatok sa aking kuwarto."Hoy! May bisita ka sa baba," saad ni Kuya at saka binato sa akin ang tsinelas niya."Aray!" sigaw ko at sinamaan siya ng paningin. Mabilis naman itong nakatakbo agad kaya hindi ko rin naihagis palabas ang kaniyang tsinelas.Tinignan ko muna ulit sa salamin ang aking itsura at kasuotan bago ngumiti at bumaba.Pagbaba ko ay bumungad sa akin si Am-Am na may malawak ang mga ngiti. Napaismid na lang ako dahil dito."Aalis na kami, Ma," pagpapaalam ko kay Mama."Kain ka kaya muna?" yaya ni Mama kay Am-Am.Agad naman umiling si Am-Am at saka hinimas-himas ang kaniyang tiyan."Busog na po ako, Tita," saad nito.Napataas naman ang aking kilay matapos marinig ang kaniyang tawag kay Mama."Oh, sige. Mag-ingat kayo," ika ni Mama."Opo," sabay na sabi namin ni Am-Am at sak