Share

Chapter 51

Makalipas ang isang linggo...

"Oh? Am-Am, bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya nang makita siya sa sala.

"Puwede ka ba makausap?" tanong nito sa akin.

Tumango naman ako bilang tugon at saka umupo sa tabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay nang nakaraan na ang ilang minutos ay hindi pa rin ito nagsasalita.

Tumikhim siya. "Puwede ba na sa pribadong lugar tayo mag-usap?"

Napaismid naman ako bago tumango.

Kung kanina niya pa sinabi 'yon, e 'di sana kanina pa kami nag-uusap. Nasa sala kasi sila Mama kaya hindi talaga kami magkakausap nang maayos dahil halata naman na nakikinig sila.

"Halika," yaya ko sa kaniya at saka nagtungo sa kuwarto ko.

Wala naman kaming guess room kaya ang kuwarto ko lang ang naisip kong lugar na pribado.

Pinaupo ko siya sa aking mini sofa at umupo ako sa harap niya.

"Ano ang gusto mong pag-usapan at nagawa mo pa akong dalawin?" makabuluhang tanong ko sa kaniya.

Humagikgik siya. "Pinag-isipan ko kasi 'yong sinabi mo sa akin noong nakaraang linggo..."

Tumaas ang aking
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status