Share

Chapter 50

Nagulat ako nang mabilis na lumipat is Kuya Elias sa tabi ni Seya dahil katabi ko siya kanina.

"Elias, umayos ka nga," suway sa kaniya ni Mama.

Inasar ko naman siya dahil doon. Kahit kailan talaga ay matatakutin siya.

"Seya, totoo ba sinasabi ni Tita Vivi mo?" tanong ni Kuya nang pabulong pero kahit na pabulong pa 'yon ay rinig ko naman.

Seya giggled. "Yes, he's actually staring at you, so it will be better if you come back to where did you seat a while ago."

Napaismid na lang ako nang mabilis ulit na lumipat sa tabi ko si Kuya Elias.

"So, tama nga ang hinala ko? Na siya 'yong nakita kong multo sa kuwarto mo?" pagsingit ni Mama sa usapan namin.

Napatitig naman ako sa kaniya at dahan-dahan na tumango.

"Pero naglalaro lang silang dalawa ni Seya noong araw na 'yon," paliwanag ko pa rito.

Nagtaka ako nang ilagay niya ang kaniyang kamay sa kaniyang baba na animo'y nag-iisip.

"Matangkad pala siya, ha..." bulong nito at tumango-tango.

Nanlaki naman ang aking mga mata at hindi makapaniwalang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status