Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pilit na hinostage ni Allan ang isa sa mga police na malapit sa kaniya ngunit hindi inaasahan na magaling pala ito sa karate. Sinikap niyang lumaban para hindi siya mahuli kaya napilitan na ang mga alagad ng batas na paputukan siya. “Bakit sobrang sakit mong mahalin, Tamara? Hindi ba talaga ako karapat-dapat na ibigin?” nanghihina na tanong ni Allan. Nangingilid ang mga luha niya sa mata habang nakatingin siya sa babaeng buong buhay niyang inasam.“I’m sorry, Allan. I can not teach my heart to love you. Kung sana marunong ka lang tumanggap ng pagkatalo, hindi sana aabot sa ganito.” Lumuhod si Tamara sa tabi ni Allan at hinawakan niya ang kamay nito. “Patawarin mo ako.” Huling katagang namutawi sa labi ng lider ng Triangulo. Napapikit si Tamara. Hindi niya gustong makita si Allan sa huling paghihirap nito. Maraming sana sa isip at puso niya pero kahit isa man sa mga iyon ay hindi niya nasabi. Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala noong magkasa
Kasama si General Gomez, dinalaw nina Andrei at Tamara ang libingan ng mga magulang ng huli. May mga dala silang pagkain dahil ilang oras din silang magtatagal doon. Si Polan ay susunod na lang bandang tanghali dahil abala pa ito sa pag-asikaso sa bahay na pinaaayos nilang magpinsan. Unang beses iyon na dinalaw ni Maximo ang libingan ng mga magulang ni Tamara kaya naman hindi niya maiwasan ang maging emosyonal. Abot-langit ang paghingi niya ng tawad sa kapatid na kay tagal niyang inaasam na makasama pero siya rin pala ang naging mitsa ng kamatayan nito. Hinayaan lang ng mag-asawa na ilabas ni General Gomez ang emosyon nito. Nanatili lang silang naka-upo sa upuan sa gilid. Dama ng mag-asawa ang matinding pagsisisi ni General Gomez kaya naman nakaramdam sila ng awa sa lalaking walang ibang ginusto sa buhay kung hindi ay mahanap ang kaniyang kapatid. Isang araw lang namalagi sa San Fernando ang mag-asawa. Si General Gomez ay mas pinili na doon na lang din siya tumira kasama si Polan p
"Honey, I love you! Where are you?" malambing na tawag ni Andrei kay Tamara na noon ay abala sa paglagay ng magazine sa kaniyang baril. Nagngangalit ang kaniyang bagang dahil sa matinding galit ngunit nadudurog ang kaniyang puso habang mahigpit ang hawak niya sa kaniyang mamahalin na baril. Sa ikalawang palapag ng lumang gusali ay nakaabang na si Tamara sa papalapit na yabag. Nanlalabo ang kaniyang mga mata dahil sa mga butil nang luhang nag-uunahan nang pumatak sa kaniyang makinis na pisngi. "I love you, Andrei," bulong niya habang ikinakasa ang baril. Halos hindi na siya makahinga dahil sa sidhi ng damdamin na kaniyang nararamdaman. Ngunit kailangan niyang lumaban para sa dangal at karangalan na kukunin sa kaniya ng taong pinakamamahal niya. Nang marating ni Andrei ang palapag kung saan nagtatago si Tamara ay lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Palapit nang palapit ang mga hakbang n'ya sa babaeng isinisigaw ng kaniyang damdamin. Ang baril na nasa mga kamay niya ay pa
"Tamara!" Napalingon ang nakaupong dalaga sa tumawag sa kaniya. Kumaway siya sa babaeng kinakatakutan ng kaniyang boss. "Ang ingay mo, Kryzell," nakangiting wika ni Tamara sa excited niyang kaibigan. Dedma naman ang babae sa sinabi niya at sa halip ay excited itong naupo sa katapat niyang upuan. "Tamara, may gwapo akong nakita nang pumunta ako sa CR! Hindi ko siya kilala pero familiar ang mukha niya sa akin," nakangiting sabi ni Kryzell. Asawa siya ni Kaizer, ang pinuno ng Devil's Angel Mafia Organization. Nasa isang high class restaurant sila at kumakain na naman si buntis ng pinaglilihian niyang pipino. Pangatlong pagbubuntis niya na iyon pero hanggang ngayon, nawawala pa rin ang kaluluwa ni Kaizer sa tuwing nagagalit siya. "Boy na naman?" tinatamad na tanong ng dalaga sa tinaguriang hidden angel ng grupo nila . "Oo, lalaki. Tara! Ipapakilala kita!" excited na sabi ni Kryzell. Hinila niya ang kaibigan sa kamay at mabilis silang lumakad pabalik sa CR na pinanggalingan ni Kryze
"No, sir. Tamara Nicole Austria is a victim. She's not a culprit," malakas na sabi ni Andrei sabay tayo sa upuan niya. Nasa isang meeting siya sa camp ng mga sundalo at pilit niyang ipinaglalaban ang buhay ni Tamara. Balak na kasing tapusin ng mga alagad ng batas ang buhay ng dalaga. "Lt. Montillano, Tamara Austria is very dangerous," diin ng kasamahan niya. "Yes, she is. Ngunit sino ba ang nagtulak sa kaniya para malagay siya sa sitwasyon na iyon? Tayo, 'di ba?" "Kung hindi natin siya papatayin, baka tayo ang patayin niya kapag bumalik na ang alaala n'ya," naibulalas ng isang general. "Now, I get it. Takot kayong maisahan ni Miss Austria kaya nagkakandarapa kayong patayin siya. Sobra naman yatang kaduwagan iyan!" insulto ni Andrei sa mga kasamahan niya. Natahimik ang lahat ng nasa meeting. Sa harapan nila ay nakalatag ang picture ni Tamara noong teenager pa lang siya at ngayong dalaga na siya. Sa edad na twenty-seven ay wala pa rin naaalala ang dalaga kung bakit siya ipina
Malakas ang tahip ng dibdib ni Tamara habang nakasakay siya sa isang sasakyan kasama ang sa tingin niya ay baliw na lieutenant. Galit ito sa kaniya dahil sinabi niyang ibenenta niya ang singsing na ibinigay nito sa kaniya para may magamit siya sa bakasyon niyang iyon. Gustuhin man niyang sumigaw ay hindi niya magawa dahil nabubusalan siya nito ng panyo at nakaposas din ang kaniyang mga kamay."Kapag nakawala ako rito, babasagin ko ang itlog nito at gagawin kong tortang talong ang alaga niya," mga naglalarong salita sa isip ni Tamara. "Para na rin akong si Kryzell. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganoon na lang ang trato niya kay boss. Ang dami talagang mga lalaking walang magawa sa buhay kun'di pag-initan ang mga babae.""Ano ang tinitingin-tingin mo riyan?" tanong ni Andrei sa kaniya. "Siguro naiisip mong masarap akong húmalïk. Tama ako, 'di ba?"Iniiwas ni Tamara ang tingin niya sa kaniyang katabi. He is cold and very dominiting ang personality subalit hindi man lang na-i-inti
Bago pa may makahalata sa kaaway ay lihim na siyang tumalilis. Nagkagulo na rin ang mga tao sa mansion dahil sa labis na sakit ng ulo na nararamdaman ni Tamara. Someone called the doctor while Andrei grabbed his visitor and brought her back to the room. Pulang-pula ang mukha ni Tamara dahil sa hirap na nararamdaman niya at ganoon din si Andrei na first time nakaranas ng takot sa buong buhay niya. “Are you alright? Ano ba ang nangyayari sa iyo?” tanong ni Andrei habang unti-unting hinahaplos ang buhok ni Tamara. Hinahawi rin niya ang mga hibla noon na tumatabing sa mukha ng dalaga. “Huwag ka ngang mang-tsansing.” Kahit masama ang pakiramdam ay nagawa pa rin ni Tamara na hawakan ng mahigpit ang braso ni Andrei. “Pipilipitin ko ito.” Napatigil si Andrei dahil sa ginawa ni Tamara. At dahil nakahiga ang huli at siya ay nakaupo sa gilid ng kama kaya ang malikot niyang utak ay gumana. 'Sing bilis ng kidlat na hïnalikan niya sa labi ang nabiglang dalaga. Parang isang mabangis na leon n
Hindi agad nakasagot si Tamara nang tanungin siya ni David kung ano ang gusto niyang mangyari sa kasal niya. Hindi kasi siya handa para roon. Natapos ang pagkain na tanging ‘hindi pa po namin ni Andrei napag-uusapan iyan’ ang nasabi ng dalaga. She tried to talk to Andrei after ng naganap sa hapag-kainan subalit sobrang abala masyado ang binata. Madalas ay umaalis ito at naiiwan siya sa mansion ng mga Montillano.Isang araw, lumapit sa kaniya si Melvin. Iiwas pa sana ang dalaga pero huli na. Lihim na naghanda si Tamara kung paano siya lalaban kung sakaling may gawin na hindi maganda ang lalaki. “Nandito ka pa rin pala. Ano ang binabalak mo?” Walang pag-aalinlangan na tanong ng lalaki. Hinarap siya ni Tamara na para bang walang dating sa kaniya ang narinig niya. Although she suspected already na may alam ang kaharap niya sa kung ano ang background niya. “Sabihin mo ang gusto mong sabihin at makikinig ako,” saad ng dalaga sa matatag na tinig. “Kilala kita, Tamara. Lahat ng tungkol sa