Home / Romance / Tame Me: Sweet Defiance / His Rank, Her Rebellion

Share

His Rank, Her Rebellion

Author: Fleurdelis
last update Last Updated: 2026-01-02 01:19:38

“Aurelian.” Wikani Lucien ng makita ang matandan na pumasok saka tumayo. Nakatingin lang ang lahat sa dalawang papalapit sa kanila. Habang si Chlorothea naman ay nakatingin lang sa Binatang kasama ng matanda.

“Lucien, pasenysa na huli kami. May dinaanan pa kasi itong anak ko.” Wika ng matandang si Lucien saka inilahad ang kamay sa kaibigan.

“Walang problema iyon.” Wika pa ni Lucien. “Siya lang ba ang kasama mo? Diba may dalawa ka pang anak?” tanong pa nito.

“Nasa ibang bansa ang dalawa dahil sa kanilang trabaho. Sa susunod makakasama na sila.” Sagot ni Aurelian. “Siya nga pala. Ito ang bunso ko, General Lysander Ashcroft.” Pakilala nito sa Binatang nakauniporme.

“General?” Sabay na wika ni Nerissa at Noelle. Hindi lang silang dalawa ang nagulat maging si Draven at ang iba pang naroon. Halata sa mukha nila na hindi makapaniwala sa nalaman.

Lahat sila ang nasa isip na general ay isang middle age na lalaki na pwedeng maging kasing gulang ni Draven. Pero sa nakikita nila mukhang wala pang trenta ang lalaking naka uniporme.

“Nice to meet you Mr. Thessara.” Wika ng binata at inilahad ang kamay sa matanda. Nakatingin naman sa mukha ni Lysander si Lucien saka tinanggap ang pakikipagkamay ng binata. Halata sa mukha ng matandang lalaki na nagulat ito dahil sa Nakita.

“Marami akong mga narinig na magagandang bagay tungkol sa isang Military General. They said you are a master tactician and a strategist. Sa dami ng achievement mo, hindi ko akalaing napakabata mo pa pala.” Wika ni Lucien bago bumaling kay Aurelian.

“Hindi mo naman sinabing-----”

“He is an overachiever.” Nakangiting wika ni Aurelian. Natawa lang si Lucien sa sinabi ng kaibigan.

“Mabuti pa kumain muna tayo. Mabuting pag-usapan natin ang tungkol sa Pamilya natin habang kumakain.” Wika ni Lucien. Saka giniya ang dalawa sa mesa. Sumunod naman ang mga ito sa matanda.

Bago sumunod si Lysander kay Lucien at Aurelian napatingin siya sa dalagang nakatayo sa tabi ni Draven. Nakilala agad niya ang dalaga. Ito ang dalagang nakilala niya sa labas ng hotel.

Bago siya pumayag na gusto ng ama niya na magpakasal sa isa sa mga apo ng dati nitong kaibigan gumawa muna siya ng research tungkol sa pamilya ni Lucien Thessara. At ang dalagang Nakita niya sa labas ng hotel ay wala sa mga files niya. May anak o apo ba si Lucien Thessara na hindi niya alam? Pero bakit wala siyang nakitang kahit ano tungkol dito? Iyon ang tanong sa utak ni Lysander.

“Alam na ba ng mga anak niyo ang tungkol sa pangako natin?” Tanong ni Aurelian sa kaibigan habang isini-serve ang dessert ng mga waiters.

“Nakwento na sa amin ni Papa.” Wika ni Celestine. “To be Honest. Bago ka dumating iyon ang pinag-uusapan namin.”

“I am sure. Pinag-uuspan niyo kung sino ang ipapakasal sa kanya. The way you reacted earlier when you saw Lysander. Masasabi kong hindi siya ang ini-imagine niyong Pangatlong anak ko.” Natatawang wika ni Aurelian.

“Hindi lang kami makapaniwala.” Wika ni Lucien.

“Siguro narinig niyo ang tungkol sa Youngest Military General. That’s him. I would say I am proud of my Youngest Son. Swerte ang kahit sinong mapapangasawa niya. At sa nakikita ko naman, magiging swerte din siya sa kung sino mang apo mo ang mapapangasawa niya.” Wika ni Aurelian saka napatingin kay Nerissa, Noelle at Eira bago bumaling kay Chlorothea. Nagtagal ang tingin niya sa dalaga mukhang pati ito ay nabigla din sa dalagang hindi pamilyar sa kanya.

“This is my youngest Granddaugther.” Wika ni Lucien nang mapansin na nakatingin si Aurelian sa dalaga. Hindi pa alam ng kaibigan niya ang tungkol sa dalaga dahil wala namang naisapublikong balita tungkol kay Chlorothea at sa unang asawa ni Draven.

“Marahil nagtataka ka rin. Masyadong mahabang kwento. Sa susunod ko na iku-kwento sa iyo.” Wika ni Lucien.

“Sige. Maraming panahon naman para pag-usapan natin ang tungkol diyan.” Sang-ayon na wika nito. “So, sino sa mga apo mo ang balak mong ipakasal sa anak ko?” tanong ni Aurelian.

Marriage. The hell with this. Wika ng isip ni Chlorothea saka napahawak sa suot na kwentas. Ang suot ng kwentas niya ang wedding ring ng mama niya. Bago mamatay ang mama niya iyon ang ipinamana sa kanya. Isinumpa niya sa kwentas na iyon na kahit kailangan hindi siya magpapakasal at magiging gaya ng mama niya. Nakita niya kung papaano nasira ang buhay ng mama niya dahil sa kasal. Kasal na dapat sana naging salvacion ng mama niya.

At ngayon naman dahil sa pangako ng dalawang matanda. At siya ang pinili ng pamilya niya na gawing pain para sa kasal na iyon. Napakuyom ng kamao ang dalaga. Matapos ang matagal na panahon. Pinabalik lang siya para saktan ulit, para ipakita sa kanya na hindi siya isang taong mahalaga sa pamilyang iyon. Ang pagkakaron ng asawa at kasal ay isang unit lang sa Sistema ng Lipunan. Gaya ng nangyari sa mama niya. She was not useful in that unit. The so-called Thessara’s Head did not recognize her. Anong magagawa ng isang papel laban sa isang Lucien Thessara.

Napatingin ang lahat sa dalaga ng biglang tumayo si Chlorothea sa kinauupuan niya. Habang nakatingin sa Binatang Heneral.

“Chlorothea. What are you doing? Bumalik ka sa pagkakaupo mo.” wika ni Draven na halos pabulong sa anak.

Pero hindi nakinig si Chlorothea sa papa niya bagkus ay naglakad lang ito patungo sa kinaroroonan ng binata. Lahat ng mata nakatingin sa kanya at naghihintay sa susunod na gagawin ng dalaga maging ang dalawang matanda ay nakatingin din sa dalaga.

Huminto si Chlorothea sa Tapat ni Lysander. Napatingala naman ang binata sa dalagang nakahinto sa tapat niya. Nang una niyang makita ang dalaga sa eroplano. Para siyang isang inosenteng dalaga. Fragile and needs protection. Kanina naman sa labas ng hotel, she seems like a tigress na handang makipagsagupaan. Naguguluhan siya sa kung ano ba Talaga ang tunay na pagkatao nito, ngunit isa lang ang alam niya, She is mysterious ang unpredictable.

“General.” Wika ni Chlorothea habang nakatayo sa harap ng binata habang nakahawak sa kwentas niya. I hate to do this. Pero ito lang ang alam kung paraan para makagante sa mga nandito. I despise the idea of marriage. I hate it to a point na gustong masuka sa ideya nilang ito. Total hindi naman nila ako itinuturing na parte nang pamilya nila. Damn this is getting on my last nerve. Inis na wika ng dalaga sa isip niya.

Marahas na tinanggal ng dalaga sa leeg niya ang suot na kwentas. Saka inilahad sa Binatang heneral. Nabigla pa si Draven ng makita ang dalawang singsing na nagsisilbing pendant ng kwentas ng dalaga. Hindi siya pwedeng magkamali iyon ang wedding ring nila ni Selene, ang mama ni Chlorothea. Iyon ang tanging bagay na dal ani Selene ng umalis ito. matapos ang Labing limang taon ngayon lang ulit niya nasilayan ang kwentas na iyon at hindi niya akalaing sa ganoong pagkakataon pa.

Ang nakakapagtaka lang, ano naman ang gustong gawin ni Chlorothea sa kwentas na iyon at kung bakit nito inilalahad sa Heneral?

“What’s----” putol na wika ng binata. Lalo pa silang nabigla nang biglang lumuhod sa harap ng binata ang dalaga. Napaawang ang labi ng lahat dahil sa Nakita nilang ginawa ng dalaga.

“How Shameless.” Narinig ni Chlorothea na sinabi ni Yvette.

Shameless? I can do crazier things than this. Sagot naman ng isip ng dalaga. Watch me. Dagdag pa ng utak niya.

“General, Will you marry me?” tanong ng dalaga na lalong ikinagulat ng lahat. Sa gulat ng lahat halos bumagsak ang panga nila. Lahat nabitiwan sa mesa ang hawak na kobyertos.

Maging ang Binatang Heneral ay nabigla din sa narinig na sinabi ng dalaga

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Tame Me: Sweet Defiance   Terms of Engagement

    Ang reception hall ng Empire Mall ay nilamon ng liwanag at katahimikan, hindi iyong katahimikang mapayapa, kundi iyong pinipili. Crystal chandeliers, mahahabang mesa, at mga taong sanay ngumiti kahit may iniisip na kalkulasyon.Sa sandaling pumasok sina Lysander at Chlorothea, sabay ang palakpakan.Hindi masigla. Hindi rin pilit na masaya. Isa iyong palakpak ng mga taong marunong kumilala ng power shift.Naramdaman agad ni Lysander ang pagbabago sa hangin. Mga opisyal ng gobyerno. Mga board members ng Ashcroft Group at Thessara Corporation. Ilang mataas na opisyal ng militar. Lahat ay may sariling interes sa kasal na ito.Isang strategic union. Yung akala nilang pagpapakasal dahil sa pangako ng dalawang magkaibigan biglang naging isang kasalan na nahaluan nang politika. Hindi na naman siya nagtataka. Dalawang malaking pamilya syempre gagamitin ang selebrasyon na iyon para mapalawak ang network ng mga nandoon. Bukod sa mga business Tycoon na

  • Tame Me: Sweet Defiance   An Oath Without Faith

    Tahimik ang convention hall nang bumukas ang malalaking pinto.Sabay na humakbang sina Lysander at Chlorothea patungo sa altar. Hindi magkadikit ang kanilang mga balikat, ngunit hindi rin magkalayo isang distansyang sinadya, kontrolado.Ramdam ni Lysander ang mga matang nakatutok sa kanila. Mga dignitaryo. Mga kaibigan ng pamilya. Mga taong sanay sa kasunduan at alyansa.Pero sa bawat hakbang, mas malinaw ang isang bagay: hindi ito operasyon.At iyon ang unang pagkakataong nalito siya.Huminto sila sa harap ng altar. Ang officiant ay nagsalita mga salitang pamilyar sa kasal ngunit hindi iyon ang naririnig ni Lysander. Ang naririnig niya ay ang tibok ng sariling dibdib. Steady. Pero mas mabigat kaysa dati.“Do you, Lysander Ashcroft-----”Tumayo siya nang tuwid. Automatic. Parang nasa formation.“----Take Chlorothea Thessara as your lawfully wedded wife?”Isang segundo ang lumipas.Isang seg

  • Tame Me: Sweet Defiance   What Marriage Couldn’t Save

    “Are you sure ayaw mong ihatid kita sa altar?” tanong ni Draven habang nakatayo sa gilid ng dressing room.Araw iyon ng kasal ni Chlorothea at Lysander. Sa malaking convention hall ng Empire Mall, pag-aari ng mga Ashcroft,idaos ang seremonya. Isang linggo pa lamang mula nang ipahayag ng dalawang matanda ang kasunduan, ngunit agad na itinulak ang kasal. Parang may hinahabol. Parang may kinatatakutan, lalo na’t lantad ang pagtutol ng dalaga mula pa sa simula.Hindi agad sumagot si Chlorothea. Nakatayo siya sa harap ng salamin, tuwid ang likod, hindi nanginginig ang kamay.“You don’t need to,” wika niya, malamig ang tinig. “It’s not like I’m marrying this man because I like him.”Hindi siya tumingin sa ama.“Your family wanted this. I’m just a pawn.”Sa wakas, humarap siya kay Draven.“And don’t act like you’re a father to me.” Parang ma

  • Tame Me: Sweet Defiance   The Price of Belonging

    “Nice to meet you po,” magalang na wika ni Chlorothea kasabay ng isang maingat na ngiti.Ngunit walang tugon. Hindi man lang gumalaw ang mga labi ng dalawang lalaki sa halip, tinitigan lamang siya nang diretso, malamig at mapanuri. Para bang sinusukat ang kanyang presensya, hinuhusgahan kung karapat-dapat ba siyang naroon.Unti-unting gumuhit ang pagkailang sa dibdib ng dalaga.Magkapatid nga sila, bulong ng isip niya. Parehong hindi marunong ngumiti.Pinilit pa rin niyang panatilihin ang ngiti, kahit ramdam niyang unti-unti itong naninigas.“Come,” wika ng matanda, saka siya marahang inakay papasok ng mansyon.Hindi na kumibo si Chlorothea. Sa halip, napatingin siya kay Lysander, na nanatiling tahimik at walang bakas ng emosyon sa mukha. Samantala, inutusan ni Aurelian ang mga maid servant na kunin ang mga gamit ng dalaga at dalhin sa silid ni Lysander isang utos na muling nagpabigat sa dibdib niya.Habang naglalakad pa

  • Tame Me: Sweet Defiance   Cold Hands, Warmer Intentions

    Matapos ang ilang minutong paghihintay sa labas ng bangko, dumating ang assistant ni Lolo Lucien sakay ng isang itim na sedan. Mahinang huminto ang sasakyan sa harap nila. Mabilis na bumaba ang lalaki at binuksan ang pinto sa likod isang kilos na sanay na sanay, walang sinasayang na oras.Hindi nagsalita si Chlorothea. Tahimik siyang sumakay, diretso ang likod, walang emosyon sa mukha.Napansin agad iyon ni Lysander.Kanina lamang, may lambot pa sa kilos ng dalaga may init kahit nakikipagtalo. But the moment the assistant arrived, parang may switch na pinindot. The softness vanished. Napalitan ng malamig, kontroladong ekspresyon.Isang maskara.Tahimik na umupo si Lysander sa passenger seat. Nang makasakay na silang lahat, agad na binuhay ng assistant ang makina at umalis ang sasakyan.Walang nagsalita.Sa loob ng kotse, tanging ingay ng makina at ng kalsada ang maririnig. Mula sa rearview mirror, sinulyapan ni Lysander ang dalaga. Nakahilig ang ulo nito sa headrest, nakapikit ang mga

  • Tame Me: Sweet Defiance   Controlled Impact

    “General, secure na ang perimeter. Pwede na tayong bumalik sa HQ,” mariing ulat ng binatang nakasuot ng tactical gear habang mabilis na pumapasok sa loob ng bangko.Lumapit siya kay Lysander at agad na nag-saludo. Sa gilid ng kanyang paningin, napansin niya ang presensya ni Chlorothea. Napatingin ang dalaga sa kanya at sa isang iglap, nagtagpo ang kanilang mga mata.Bahagyang tumigas ang kanyang tindig. Halata ang saglit na pagkabigla, agad ding napalitan ng disiplina. Hindi niya inaasahang makikita ang Heneral na nakikipag-usap sa isang sibilyan sa gitna ng operasyon.Sa kanyang isipan, malinaw ang isang bagay: hindi ito karaniwang sitwasyon at may dahilan kung bakit naroon ang dalaga.“Captain, ikaw na ang bahala sa natitirang operasyon. May aasikasuhin lang ako,” mariing wika ni Lysander bago bumaling kay Chlorothea.Sinundan ng tingin ng binatang Kapitan ang dalagang tinutukan ng atensyon ng Heneral. Isang segundo lamang iyon sapat upang mapansin, ngunit hindi sapat upang magtanon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status