Mainit ang hangin sa Isla Guadalupe, pero hindi ito sapat para i-distract si Salvi mula sa matinding inip na nararamdaman niya.
Tatlong araw na siyang nakakulong sa islang ito. Wala siyang phone. Wala siyang internet. At mas lalong wala siyang kakampi. Kung hindi siya naglilinis ng sahig, naghuhugas ng plato, o pinapagalitan for breathing too loudly, umiikot lang ang utak niya sa tanong na: bakit ako nandito? Para siyang nasa isang kulungan na walang kalayaan. Mas naisip niyang sana, ipinatapon na lang siya sa ibang bansa kaysa sa dito sa islang kasama niya ang masungit na lalaki.
Nakahiga siya sa kama, suot ang isang puting tank top at maikling shorts. Nakatingin sa kisame, habang pinapakinggan ang katahimikan sa labas. Kung hindi siya nabibingi sa katahimikan, naiirita siya sa alon ng tubig. Pakiramdam niya, isa talagang parusa ang naparito siya.
Iniisip niya ang masasayang sandali ng kanyang buhay noon sa isla. Until… something caught her attention.
Mula sa bintana ng kwarto, natanaw niya si Hector Salvador, nasa veranda. N*******d ang pang-itaas, suot lang ay maikling shorts habang nagdidilig ng halaman gamit ang hose. Tumutulo pa ang tubig sa dibdib nito habang pinupunasan ng maliit na tuwalya ang leeg.
Napakagat-labi si Salvi. Ganito ba talaga kainit ng Guadalupe? O sadyang mainit lang ang taong nagmamay-ari dito?
Diyos ko… anong klaseng Ninong ‘to?Hindi niya kinayang hindi pagmasdan ang toned muscles nito, ang tahimik pero authoritative na kilos, at kung paano para itong eksena sa isang Calvin Klein ad — pero live. Mainit, literal at figuratively.
And they expect me not to feel anything? she thought. Test of patience talaga ‘tong isla na ‘to. Temptation Island!
Hector turned slightly, revealing a glint of sweat on his back, and for a wild second, Salvi imagined things she shouldn’t.
Stop. Stop that. STOP!“Aware ba siya na halos maghubad na siya sa harapan ko?” aniya na iiling-iling, pilit na ayaw tumingin. Kung ibang guys pa ito, baka pagpiyestahan na niya. Ngunit si Hector Salvador ito, ninong niya, isa sa mga investor ng kanilang Negosyo at ang taas na ng edad nito!
"Pero hindi siya aware na nakatingin ako!" pagtatalo ng sarili niya sa sarili niyang isip.
Pero sa halip na umatras, mas lalo pa siyang lumapit sa pinto ng kwarto, tila sinasaniban ng curiosity at… delikadong excitement.
“May kakaiba talaga sa lalaking ito…” bulong niya habang pinagmamasdan itong gumalaw.
She enjoyed the tempting scenes when she noticed it. The forbidden door. The one at the end of the hallway. Naalala niyang sinabi nito noong unang araw niya rito sa isla. “And one thing, Salvi. You are allowed to use any of the rooms in this house, except that.” Tinuro nito ang isang nakasaradong pintuan na malayo sa mga silid. Nasa dulo ito ng hallaway. “Why?” wala sa sariling tanong niya. “No questions, Salvi. You are not allowed to enter or open that door. It’s always locked, anyway, so there’s no way you can open it!”
Usually locked and always off-limits ito. But now? Bahagyang bukas.
Kung ano ang bawal… yun ang dapat tuklasin, bulong ng demonyito sa isip niya.
Tahimik siyang lumakad papunta sa dulo ng hallway. Dahan-dahang tinulak ang pintuan.
Click.
Pumasok siya sa loob ng study. Mabango — amoy lumang papel at cedarwood. May mga estante ng libro, isang malapad na mesa, at ilang framed photographs na nakaayos sa ibabaw.
"Mahilig din palang magtago ng mga ganitong gamit si Hector... oops! Ninong," aniyang sabay ng mahinang tawa at tinakpan ang sariling bibig na tila ba binibiro niya ang sariling isip.
Agad siyang lumapit. May isang maliit na Polaroid ang agad na tumawag ng pansin niya.
Isang batang babae. Mga limang taong gulang. May mahabang buhok, suot ang pink na dress, hawak ang stuffed toy.
Huminto ang mundo ni Salvi.
Teka lang… ako ba ‘to?
The girl looked like her. The same eyes. Same faint dimple. Same playful smile. Kaso wala siyang maalala na napunta siya rito? The girl looked like five years old. Naalala niya ang iilang pangyayari sa buhay niya noong five siya pero wala siyang maalala na may mga ganito siyang gamit. At ang photo, parang ang luma na.
She flipped the photo. May sulat sa likod.
“For H. – Keep her safe.”
Keep her safe?
Bakit hawak ni Hector ang ganitong photo? Sino ang batang ito? At bakit sobrang kamukha niya?Bago pa niya maitanong sa sarili ang kasunod—
“I didn’t know I invited a thief.”
Her heart stopped. A very familiar and loud voice frightened her.
“You shouldn't be in here.”
Mabagal siyang lumingon. At sa may pintuan, naroon si Hector — nanlilimahid pa ang katawan, mukha pa ring bagong ligo sa araw, nakasuot pa rin ng shorts pero wala pa ring pang-itaas.
At sa presensya nito, mas lalo siyang natuyuan ng laway.
Hindi galit ang mukha nito, pero malamig. Matigas. Mapanganib.
“I—I didn’t mean to snoop,” sabi ni Salvi, tinatago ang larawan sa likod ng katawan niya.
“Then why is that in your hand?” tanong ni Hector, tinuro ang kamay niya.
Hindi siya kumibo.
“Put it down, Salvi.”
Hindi siya gumalaw. Gusto niyang mag-explain dito pero natatakot siya.
Hector took a slow step forward. “I said put it down!” sigaw nito.
Napilitan siyang ibaba ang larawan sa mesa. Pero hindi pa rin siya umatras. Ayaw niyang ipakita na natataranta at natatakot na siya.
“Sino ‘yung bata?” tanong niya, diretso sa mata niya tumingin.
“You don’t need to know that.”
“She looks like me.”
“Coincidence.”
“Don’t lie to me.”
Napuno ng tensyon ang hangin. Lumapit pa si Hector — hanggang magkalapit na ang katawan nila.
“You always do this,” he said low, voice deep and rough. “You cross lines, then test if I’ll break.”
Salvi’s breath hitched. Her heart thudded so loudly, she swore he could hear it.
“And will you?” she whispered.
Hector’s hand moved to her wrist, then slowly to her cheek. His thumb hovered over her lower lip. Their faces — just inches apart now.
“You don’t know what you’re playing with,” he murmured.
“Then teach me,” bulong niya, mata hindi kumukurap.
He stared at her — intense, struggling, tempted.
For a moment, akala niya hahalikan siya nito. Nararamdaman niya ang init at amoy mint na hininga nito. Nakakakiliti na tila ba kung anong may bumubuhay sa pagkatao niya.
But instead, he stepped back.
Firm. Controlled. As if pinipilit niyang hindi magpadala.
“Get out,” he said hoarsely.
She didn’t argue. Hindi rin siya ngumiti. Tahimik siyang tumalikod, iniwan ang larawan sa mesa, at lumabas ng silid—dala ang init sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.
Nanatiling nakatayo si Hector sa loob ng study, titig na titig sa larawan ng batang babae.
“You weren’t supposed to look like her,” bulong niya. “And I wasn’t supposed to feel this.”
Pagkababa nila mula sa jet, agad na sinalubong ng malamig na hangin at liwanag ng hapon ang magkasamang sina Hector at Salvi. Nakahawak pa sa kamay ni Hector si Salvi, pero pagdating sa tapat ng villa, agad niya itong binitiwan.Tumigil ang hakbang ni Salvi."Hector?" mahina niyang tanong.Pero hindi ito lumingon. Sa halip, binilisan nito ang lakad at nagtuloy-tuloy sa loob ng villa. Naiwan si Salvi sa labas, hawak ang laylayan ng kanyang coat, litong-lito.Pagpasok niya sa main hallway, agad siyang sinalubong ng kasikatan—mga eleganteng bisita, kalalakihang nakasuot ng dark tailored suits, mga babaeng tila mga reyna sa kani-kanilang designer gowns. Malambot ang classical music na tumutugtog, pero ramdam ni Salvi ang tensyon sa hangin.Sa gitna ng crowd, nakita niya si Mira—nakangiti, nakasuot ng blood-red dress na hapit sa katawan. Nakatayo ito sa tabi ng isang foreigner na may uban sa buhok at mukhang may posisyon sa gobyerno."Ah, there she is," ani Mira, sabay tingin kay Salvi na
Kinabukasan, tila walang bakas ng tensyon sa hapag-kainan. Pero sa ilalim ng bawat sulyap, ng bawat ngiti, ay nagkukubli ang tensyon na bumabaga. Nakaupo si Salvi sa tapat ni Hector, ngunit ang ngiti niya ay nakatuon kay Aidan—na tila ba sinasadya ang bawat biro, bawat sulyap, bawat bulong."You should come with me tonight," sambit ni Aidan habang hinihigop ang kape. "There's a party on the next island. Masaya 'yun. Just a small group."Bago pa man makasagot si Salvi, nagsalita na si Hector. Malamig. Matigas. "She’s not here to party. She’s here to be punished."Tumahimik ang mesa. Ngunit ngumisi lang si Aidan at tumingin kay Hector. "Uncle, she’s not a prisoner. Besides, one night won’t hurt."Ilang segundo ng katahimikan. Hanggang sa sa wakas, tumango si Hector. "One hour. No more."Ang isla ay hindi niya alam na parte ng estate ni Hector. Maliit ito, may pribadong villa at open deck kung saan nagaganap ang party. May malambot na ilaw, lounge music, at mamahaling alak.Suot ni Salvi
Hindi mapakali si Salvi.Habang nakaupo sa mahaba at mamahaling hapag-kainan, panay ang sulyap niya sa dulo ng mesa kung saan naroon si Aidan—kalmado, nakangiti, at parang walang ginawang makapanindig-balahibong biro kani-kanina lang.Ang mga salitang iyon ay umalingawngaw sa utak niya mula pa kaninang iabot siya sa breakfast nook. May ibang ibig sabihin iyon. Hindi lang iyon simpleng biro.At ang mas kinaiinis niya—parang walang pakialam si Hector.Tahimik itong kumakain, marahan ang galaw, pero tila wala sa paligid ang isipan. Ni hindi siya sinulyapan. Ni hindi sumulyap kay Aidan, na ngayon ay parang sinadya pang umupo sa tapat niya para lang magpakita ng presensya.Biglang nagsalita si Aidan habang tinutulungan ang isang staff sa paglalatag ng mga dokumento ng proyekto sa villa. “Uncle, I can help with the planning,” sabay tingin kay Salvi.Parang may subtext ang mga mata niya—parang ang gusto niyang ipahiwatig, "Don’t worry. I’ll be around."Tumigil si Hector sa pagkain at tumingi
Tahimik ang kwarto. Tanging marahang tik-tak ng antique na relo sa dingding at ang mababaw na paghinga ng dalawang katawan ang naririnig.Magkadikit ang kanilang mga katawan sa ilalim ng puting kumot. Mainit pa ang balat nila mula sa init ng sandaling nagdaan, at kahit pa nakapikit si Salvi, ramdam niyang gising pa si Hector. Naroon ang marahang paghaplos ng mga daliri nito sa kanyang braso—paulit-ulit, parang sinasaulo ang bawat pulgada ng balat niya.Nakapatong ang ulo ni Salvi sa dibdib ni Hector. Ramdam niya ang tibok ng puso nito—mabilis pa rin, tila may hinahabol.“Hindi ko alam na ganito ka magalit,” mahina niyang biro, pilit pinapatawa ang sarili kahit tila may buhol sa kanyang lalamunan.Napatawa si Hector, malalim at bahagyang masakit. “Hindi ako galit, Salvi,” bulong nito. “Nainggit ako.”“Nainggit?”“Doon sa tanong mo. Kung hanggang kailan mo ako pagsasawaan.” Tumingin ito sa kisame, hindi agad nagsalita. “Ikaw lang ang taong natanong ako ng ganyan. Na para bang… ako ang na
Nagising si Salvi sa banayad na init ng araw na dumadampi sa kanyang mukha. Ang unang naramdaman niya ay ang bigat ng isang braso na nakapulupot sa kanyang baywang—ang braso ni Hector. Nakaunan siya sa dibdib nito, ramdam ang bawat pagtaas at pagbaba ng hininga ng lalaki. Sandali siyang nanatili roon, nakikinig sa tibok ng puso nito, na parang musika na gusto niyang ulit-ulitin.It was their first time sleeping together, iyong tipong naumagahan na silang pareho habang magkatabi at kapwa hubad.Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha at tiningnan ang lalaking natutulog sa tabi niya. Walang bakas ng tikas o kasungitan na madalas nitong ipinapakita kapag gising. Sa halip, para itong batang walang dinadalang bigat sa mundo.“Ang gwapo mo, kahit tulog ka,” bulong niya sa sarili, halos mahina na parang ayaw niyang magising ito.Napakagat-labi si Salvi nang maalala ang mga nangyari kagabi—ang halik na puno ng init, ang mga yakap na parang gusto siyang gawing pag-aari, at ang mga salitang hindi
Maaga pa nang nakarating sila sa bahay—mga bandang alas kwatro ng hapon, kaya nagpasya si Salvi na maglakad-lakad muna sa dalampasigan. Walang ibang tao roon kundi ang alon, ang malamig na hangin, at ang mga bakas ng yabag niya sa buhangin.Mahigit isang buwan na siyang naninirahan sa isla, at sa hindi inaasahang paraan, parang nasasanay na siya. Sa katahimikan. Sa mga taong naroon. Sa kawalan ng cellphone at internet. Kung dati ay hindi niya ma-imagine ang buhay na walang social media, ngayon ay tila mas tahimik ang mundo. Mas totoo.Tanging sa telebisyon na lang siya nakikibalita sa nangyayari sa labas. At sa tuwing napapanood niya ang ama—seryoso sa mga meeting, mabagsik sa mga panayam—napapangiti siya. Kahit palagi siyang pinapagalitan at kinokontrol, hindi niya maitatanggi… nami-miss niya ito.Habang naglalakad siya pabalik ng villa, may narinig siyang yabag mula sa likod. Paglingon niya, si Hector iyon—nakabihis na ng v-neck collar na puting polo at gray na jogger pants. Simpl