Magmula noong hapong nahuli siya ni Hector sa loob ng study, nagbago ang lahat.Si Salvi, na dati’y palaban, maingay, at may sariling mundo—ay biglang nanahimik. Hindi na siya nagpipilit makipagbanggaan kay Hector. Hindi na siya umuungol habang nagwawalis o nagrereklamo habang naghuhugas ng pinggan.Tahimik lang. Civil. Pero malamig.At si Hector?Tahimik din. Pero hindi na siya kasing tapang sa pagtitig. Minsan, nahuhuli siya ni Salvi na nakatingin habang akala'y abala siya sa paghuhugas ng gulay o pag-aayos ng mesa.Pero si Salvi, piniling hindi pansinin. Ignore is the new revenge.“Good morning, Miss Salvi,” bati ni Elian, isang staff sa isla. Bente uno lang ito, moreno, lean, may good-boy smile at malalalim na dimples. Isang buwan pa lang nagtatrabaho sa villa pero halatang crush na nito si Salvi. Nakilala na niya ito ng naglilinis din siya ng garden. Ngayon, parang very close friends na sila at masaya siya dahil may nakakausap siyang matino rito sa isla.Salvi smiled sweetly. “Hi
Last Updated : 2025-07-08 Read more