 LOGIN
LOGINSUMUNOD NA ARAW, PINUNTAHAN NI BEA ang kaibigan niyang si Baks dahil balak na niyang subukan ang sinasabi nito sa kanya.
"Baks!" sigaw ni Bea kaya nilingon siya ng kanyang kaibigan. "Oh bakit? Ano iyon?" tanong ni Baks nang lapitan siya nito. "Iyong... ano pala doon sa club na sinasabi mo, babayaran nila ako ng malaki kapag magpapagalaw ako sa kanila, ganoon ba?" mahinang tanong ni Bea sa kaibigan. Hinila siya ni Baks sa may gilid ng poste. "Oo, Bea ganoon nga. Syempre ano pa ba ang babayaran nila sa iyo ng malaki? Kun'di ang sarili mong katawan. Iyang virginity mo." Napalunok ng laway si Bea. "P-Paano pala kung mabuntis ako?" "Syempre gagawa ka ng paraan para hindi ka mabuntis ako. Ako kasi injectable ang gamit ko. Hindi ko kasi kaya uminom ng pills araw-araw kasi baka makalimutan ko. Kaya itong injectable ang contraceptives na naisip ko i-take. Three months ito." "Hindi ba sila gumagamit ng condom?" Pumiksi si Baks.."May ilan kasi na gusto ang walang condom kasi mas masarap daw which is totoo naman. Mas masarap nga naman talaga ang walang condom. At saka ma-e-enjoy mo mabembang Basta ba pipili ka rin ng guwapo. Puwede ka namang tumanggi kapag hindi mo bet ang kakana sa iyo." Ngumiwi si Bea sabay kamot sa ulo. "Nakakatakot talaga. Nakakakaba eh." Tinitigan niya si Bea. "Bakit? Nagdadalawang isip ka ba? Isipin mo na lang ang pagyaman mo na lang na magkakapera ka agad at malaki pa. At saka sa panahon ngayon, utakan na lang talaga. Uso na ngayon ang paggamit ng katawan para magkapera. Huwag mo sabihin sa akin na virgin ka pa? Hindi ba't nagkanobyo ka na before?" "Oo, virgin pa ako kasi hindi naman ako nagpagalaw sa ex ko. Kaya nga ako iniwan ng ex ko." "Naku, mas malaki ang bayad sa virgin! Malaki kikitain mo!" Natatawang nailing si Bea. "Alam mo, nagpapasalamat na lang talaga ako dahil pinanganak akong maganda at sexy. Siguro kung pangit ako at hindi pa maganda ang hubog ng katawan, hindi ko magagamit ang katawan ko." "Totoo iyan! Kaya ikaw, gamitin mo 'yang ganda mo at ka-sexy-han mo. Chinita ka pa naman. Madaming maakit sa iyo. Kita mo namang halos lahat ng tambay dito ay naakit sa iyo. Kung makatingin nga sa iyo eh para bang hinuhubaran ka na. Parang mga baliw na aso eh na naglalaway sa iyo sa tabi." Tumawa si Bea. "Pakialam ko sa kanila. Buti sana kung may pera akong makukuha sa kanila. At isa pa, wala na talaga akong ganang magkanobyo simula nang iwan ako ng ex ko dahil lang sa ayoko pa nagpaano. Paano ba naman kasi, ipapasubo niya sa akin ang sandata niya eh nasusuka nga ako dahil maasim." Humagalpak ng tawa si Baks sabay hampas sa braso ni Bea. "Seryoso? Bakit maasim? Hindi ba siya naghuhugas ng barbecue stick niya bago niya ipasubo sa iyo?" "Naghuhugas naman kaso parang hindi maalis ang kaasiman na amoy sa barbecue stick niya. Siguro talagang maasim iyon. Mahirap ng alisin ang amoy tapos mahaba naman kaso payat! Barbecue stick talaga," wika ni Bea sabay tawa ng malakas. Nagtawanan silang dalawa ng malakas. Totoo naman kasi talaga ang sinasabi ni Bea tungkol sa alaga ng ex miya. Mahaba naman talaga iyon kaso nga lang payat ito. Akala mo ginutom na sandata dahil sa kapayatan. "Paano 'yan wala akong mga sexy na damit? Puro mga t-shirt at pants lang ang mayroon ako. Sando ko nga isa lang eh," nakangusong wika ni Bea. Ngumisi si Baks. "Huwag kang mag-alala dahil bibigyan kita. Halika na muna sa bahay. Maghahanap ako ng mga revealing na damit para sa iyo. Iyong tipong tigas ang stick talaga ang mangyayari sa mga lalaking mapapatingin sa iyo sa club." Nagpatianod na lang si Bea sa kanyang kaibigan. Alam niyang wala na itong atrasan. Bahala na kung ano ang mangyayari mamaya. MATAPOS MAIBIGAY NI BAKS ang mga damit niyang kulang na lang ay lumabas ang kaluluwa, kaagad itong itinago sa ilalim ng damitan ni Bea bago nagtungo sa karinderya ni Aling Bebs. Pagkarating niya pa lang ay nagsimula na akong magtrabaho. Kagaya ng araw-araw niyang ginagawa, kapag wala na masyadong customer ay tutungo na siya sa kusina para hugasan ang tambak na hugasin. "Aling Bebs, puwede po ba ako makabale ng five hundred pesos? May paggagamitan lang po ako," aniya matapos maghugas. "Oo sige walang problema." Kaagad kumuha ng limang daan piso sa wallet niya si aling Bebs at saka ibinigay kay Bea. "Kanino mo o saan mo naman 'yan gagamitin? Baka mamaya ibibigay mo lang 'yan sa Tiyahin mong masama ang ugali. Hindi ka na itinuring na kapamilya. Turing sa iyo ay isang alipin. Napakawalang kuwenta naman ng Tiyahin mong iyan." Mabilis na umiling si Bea. "Hindi ko po ito sa kaniya ibibigay. Talagang may paggagamitan lang ako para sa sarili ko." Pagkauwi ni Bea sa bahay, pagod na pagod niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang makalat sahig. Napatingin din siya sa lababo na tambak ang hugasan. Hindi niya mapigilang mainis dahil sa nakita nadatnan niya. Nakangiting tumingin sa kanya ang Tiya Lolita niya. "Mabuti naman at dumating ka na. Pahinga ka lang saglit tapos maglinis ka na at maghugas," aniya bago tinuon ang paningin sa T.V. Kinuyom ni Bea ang kanyang kamao sa inis. "Pagod na pagod na ako sa trabaho pati ba naman dito ay papagurin niyo pa rin ako?" inis niyang tanong sa tiya niya kaya napatingin ito sa kanya. "Anong sabi mo?" Nanlalaki ang matang tanong ni Lolita kay Bea. "Tiya Lolita naman! Sa araw-araw kong pagtatrabaho, pagod na pagod ako no'n tapos dito ganito pa ang madadatnan ko? Wala naman po kayong ibang ginagawa dito pero bakit kailangang ako pa rin ang kumilos dito sa loob ng bahay? Ako na nga ang nagtatrabaho para magkaroon tayo ng panggastos sa araw-araw pero ganito ang ginagawa niyo sa akin. Napapagod din ako Tiya. Tao rin ako kagaya niyo. Hindi ako robot. Kaya sana naman huwag niyo naman akong gawing alipin. Parang hindi niyo ako pamangkin." Puno ng hinanakit ang kanyang tinig. Nakapamaywang na tumayo si Lolita at saka matalim na tinitigan si Bea. "Aba aba! Nangangatwiran ka na! Bakit? Kaninong bahay ka ba nakatira? Hindi ba't sa bahay ko?!" "Opo naiintindihan ko naman po 'yon pero sana naman kaunting konsiderasyon. Pagod na ako sa trabaho tapos dito ganito pa ang madadatnan ko sa araw-araw?" "Eh 'di lumayas ka na dito kung ayaw mong gawin ang mga bagay na 'to! Lumayas ka na! Wala kang utang na loob! Kinupkop kita dito tapos ganiyan lang isusukli mo sa akin?!" "Bakit po? Hindi ko ba pinagbabayaran ang pagkupkop niyo sa akin? Nagbubuhay senyorita ba ako sa bahay na ito? Hindi naman, 'di ba? Alipin niyo na nga ako dito tapos ako pa ang nagtatrabaho. Wala na ngang natitira sa akin dahil sa inyo ko ibinibigay para wala kayong masabi! Tapos ganiyan pa ang sasabihin niyo sa akin? Na wala akong utang na loob? Lahat naman ginawa ko para masuklian ko ang pagkupkop niyo sa akin! Pagod na pagod na rin ako! Parang gusto ko na ngang sumuko sa buhay!" Hindi na napigilan pang umiyak ni Bea. Sobrang bigat na kasi talaga ng nararamdaman niya at ngayon niya lang ito nailabas. Nakatingin lang sa kanya ang dalawa niyang pinsan habang matalim pa rin ang tingin sa kanya ni Tiya Lolita. "Eh 'di lumayas ka na dito kung napapagod ka na! Lumayas ka na ngayon at huwag ka ng babalik! Hindi ko kailangan ang isang katulad mo na mapagmataas! Ang kapal ng mukha mong sumbatan ako! Wala kang modo! Lumayas ka ngayon din!" malakas na sigaw ni Lolita kay Bea na kulang na lang ay pumutok ang litid niya sa kaniyang leeg. Matapos sabihin 'yon ni Lolita ay kaagad na inilagay ni Bea ang mga gamit niya sa malaking bag. Patuloy pa rin ang pag-iyak niya habang pinaghahakot ko ang mga gamit niya. Nang masiguro niyang nakuha niya na ang lahat ng gamit niya, kaagad siyang lumabas ng bahay na iyon. Mabilis siyang naglakad patungo sa kanto. Nang makarating siya doon, sumandal si Bea sa poste at tinawagan ang kaibigang si Baks. "Baks... nasaan ka?" "Anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?" Gulat na tanong niya sa kabilang linya. Pinahid ni Bea ang luha sa pisngi. "Nandito ako sa kanto malapit sa amin. Dala ko lahat ng gamit ko. Umalis na ako, Baks sa bahay. Hindi ko na talaga kaya. Pagod na pagod ako sa trabaho tapos ang aabutan ko ay napakakalat na bahay at tambak na hugasin. Hindi ko na kaya ang ganoon na lang pala ang madadatnan ko sa tuwing uuwi ako." "Sige sige pupuntahan kita diyan. Maghintay ka lang," kaagad ibinaba ni Baks ang tawag matapos niyang sabihin 'yon. Ilang sandali pa ay dumating na si Baks sakay ang isang traysikel. Tinulungan niya si Bea na buhatin ang dala nitong gamit at pagkatapos ay sumakay na sila sa traysikel. Nagtataka man si Bea kung saan sila pupunta pero hindi na siya nagtanong pa. Ibinaba sila ng traysikel sa labasan at saka sumakay naman sila sa jeep. Walang umiimik sa kanila hanggang sa makarating sila sa isang apartment. "Kaninong apartment ito?" takang tanong niya kay Baks. "Sa akin. Kalilipat ko lang noong isang araw. Malapit kasi ito sa club na sinasabi ko sa iyo. Bale nagpapadala na lang ako sa pamilya ko. Mabuti na lang at ngayon ka naglayas dahil nakalipat na ako. Ayos ka lang ba?" "Ayos lang. Parang ang gaan nga ng pakiramdam ko dahil wala na ako sa bahay na 'yon," mabilis na sagot ni Bea. "Malamang. Sila lang naman ang nagbibigay ng bigat sa dibdib mo. Sila lang naman ang nagpapahirap sa iyo." Tipid na ngumiti si Bea. "Kaya nga eh. Bahala na sila diyan. Sarili ko na muna ang uunahin ko. Ang tagal ko rin namang nagpaalipin sa kanila kaya siguro sapat na 'yon para masuklian ko ang ginawa niyang pagkupkop sa akin." Umupo si Baks sa harapan niya at saka siya nito tinitigan. "Aalis ako ngayon dahil may customer ako sa club. Sasama ka ba?" Napalunok si Bea sabay kurap. "Ngayon na ba?" "Oo. Kaya nga nakabihis na ako at make up. Ano? Sasama ka ba? Kung sasama ka, mag-ayos ka na. Magbihis ka na muna at ako na ang bahalang mag-ayos sa iyo." Bumuntong hininga muna si Bea bago tumayo. Kinalkal niya sa dala niyang gamit ang ibinigay sa kanya ni Baks na damit. Nagtungo kaagad siya sa banyo at isinuot ito. Pagkalabas ni Bea ng banyo, napangisi si Baks at pumalakpak. "Perfect! Ang ganda ng hubog ng katawan mo! Mas sexy ka pa sa akin! Talagang mahuhumaling sa iyo ang mga lalaki doon. Bagay na bagay sa iyo, Bea! Ang laki ng hinaharap mo!" Natawa na lang si Bea. "Naasiwa ako. Ang presko masyado ng damit na ito." "Masasanay ka rin. Panigurado tigas stick talaga ng mga lalaki doon kapag nakita ka!" tumatawang sabi ni Baks. Matapos siyang ayusan ay dali-dali na silang lumabas ng apartment at sumakay ng jeep. Habang nasa byahe ay patuloy pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ni Bea hanggang sa makarating sila sa club. Napakurap siya dahil sa patay-sindi na ilaw at ingay doon sa loob. Marami ngang lalaki doon at mga kababaihan na halos lumabas na ang kaluluwa dahil sa mga suot nito. "Pakibigyan nga siya ng isang drinks. Juice lang 'yan," sabi ni Baks sa bartender. "Baka mamaya painumin ako dito, tulog talaga ako," bulong ni Bea sa kaibigan.. "Hindi 'yan dahil puwede ka namang tumanggi. Oh siya dito ka na muna at mamingwit ka na rin ng malaking barbecue stick dito. Pupuntahan ko lang ang customer ko." Kinindatan muna siya ni Baks bago iwan. Nilibot ni Bea ang paningin sa paligid. Maingay at maraming naghihiyawan. Napangiwi pa nga siya nang makitang may naghahalikan sa harapan niya. Maraming nagsasayawan at naglalampungan sa harapan niya. LALAKI: "Vodka, please," wika ng lalaki sabay upo sa tabi niya. Napatingin siya sa katawan ng lalaki. Ang pipintog ng kaniyang braso at malapad ang likuran nito. Kahit naka-side view lang ay masasabi niyang napakaguwapo ng lalaki dahil matangos ang kaniyang ilong, makapal ang kaniyang kilay, mahabang pilikmata, manipis at mapulang labi at mahaba ang kaniyang buhok. "Enjoying the view?" Halos mabuwal si Bea sa kinauupuan niya nang bigla humarap sa kaniya ang lalaki. Hindi siya nakapagsalita. "Can I fúck you, miss? I will make sure na magugustuhan mo ang gagawin mong ito at hinding-hindi makalilimutan," nakangising wika ng guwapong binata. Hindi iyon nagustuhan ni Bea dahil hindi siya talaga sanay na nababastos kaya bigla niyang sinuntok sa mukha ang binata. Nahulog ito sa kanyang kinauupuan. "Hayop ka! Manyak! Babangasan ko iyang pagmumukha mo!" galit niyang sabi bago iniwan ang binata.
Lumipas ang anim na buwan mula nang ikasal sina Brandon at Bea. Ang mansyon ng pamilya ay mas masigla kaysa dati — puno ng halakhak, amoy ng bagong lutong pagkain, at mas maraming bulaklak sa hardin dahil mahilig si Bea magtanim mula nang lumipat siya roon bilang asawa ni Brandon. Isang araw ng Sabado, maagang nagising si Bea. Nakasuot siya ng simpleng dress habang abala sa paghahanda ng agahan. Hindi na siya sanay na mag-isa sa kusina dahil kadalasan ay katulong siya ni Brandon sa pagluluto, pero ngayong araw ay gusto niyang sorpresahin ito. Pumasok si Brandon, suot pa ang pajama, at ngumiti. “Good morning, asawa ko.” Napangiti si Bea at inabot ang tasa ng kape sa kanya. “Good morning din sa iyo, asawa ko. Nakahanda na ang almusal. Umupo ka na.” Umupo si Brandon at tinikman ang niluto ng asawa. “Hmm… alam mo, mas masarap yata ‘to kaysa sa luto ni Lola Laurel.” “Ay, nako, huwag mo ngang sabihin ‘yan kay Lola,” natatawang sagot ni Bea. Biglang pumasok si Lola Laurel na may d
Mabilis ang paglipas ng mga linggo mula nang mag-propose si Brandon kay Bea. Sa bawat araw, mas lalong tumitibay ang relasyon nila at mas nadarama ni Bea na tama ang naging desisyon niya. Ngayon, dumating na ang pinakahihintay nilang araw — ang kasal. Maagang gumising si Bea, hindi dahil sa alarm clock, kundi sa kaba at saya na magkahalong gumugulo sa dibdib niya. Sa salamin, nakita niya ang sarili sa puting gown na napili nila ni Brandon. Simple pero elegante, may mga lace sa balikat at bahagyang palda na dumadaloy hanggang sahig. Ang mommy ni Brandon at si lola Laurel ang nag-ayos sa kanya, halatang emosyonal habang inaayos ang belo. “Ang ganda-ganda mo, iha,” sabi ng mommy ni Brandon, pinipigil ang luha. “Parang kahapon lang, caregiver ka lang dito sa bahay… ngayon, ikaw na ang magiging asawa ng anak ko.” “Salamat po, mommy,” mahina pero masayang sagot ni Bea. “Kung tutuusin, hindi ko rin po akalain na darating ‘to.” Si Lola Laurel naman ay hinaplos ang pisngi niya. “Ma
Makalipas ang dalawang buwan mula nang maging opisyal silang magkasintahan, iba na ang buhay sa mansyon ng pamilya ni Brandon. Wala na ang tensyon at sungit na dati’y tila naninirahan sa bawat sulok ng bahay. Sa halip, punô ng halakhak, kuwentuhan, at mga maliliit na sandaling pinapahalagahan ng lahat. Ngayon, girlfriend na siya ni Brandon. At gaya ng dati, hindi pa rin ito mapakali kapag hindi niya kasama. Tuwing umaga, dinadalhan siya ng kape kahit siya na mismo ang gumagawa noon para sa sarili. Sa hapon, magkasama silang naglilibot sa bayan o kaya’y nagbabasa ng libro sa veranda. Sa gabi, madalas silang mag-uusap nang mahaba tungkol sa mga pangarap nila. Pero sa kabila ng lahat ng saya, wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na may matagal nang pinaplano si Brandon. Niyaya ni Brandon si Bea na magpunta sa isang resort sa tabing-dagat. Hindi na ito nakapagtataka para kay Bea dahil mahilig silang maglakad-lakad at mag-relax, pero napansin niyang masyadong tahimik si Brandon sa biy
Makalipas ang tatlong linggo mula noong gabing umamin si Brandon kay Bea, at ang nangyari sa kanila, malaki na ang ipinagbago ng lahat. Hindi na siya nakasandal sa tungkod, hindi na rin nagpapanggap na mahina. Sa halip, araw-araw ay maaga siyang bumabangon para mag-ehersisyo. At higit sa lahat, nawala na ang dating sungit at kayabangan na nakasanayan ng lahat sa bahay. Ngayon, nakangiti siyang pumasok sa kusina kung saan abala si Bea sa paghahanda ng almusal. “Good morning, Bea,” masayang bati ni Brandon. Napalingon si Bea, at kahit sanay na siya sa bagong bersyon nito, hindi pa rin siya makapaniwalang nagbago talaga si Brandon. “Good morning din, Brandon. Ayos na ba yung exercise mo?” “Yup. At tingnan mo…” Pinakita niya ang mabilis at maayos na paglakad papalapit sa mesa. “No limp, no pain.” Napangiti si Bea. “Wow, bongga! Proud ako sa iyo.” Kumislap ang mga mata ni Brandon sa papuri. “Hindi ko magagawa ‘to kung hindi dahil sa iyo. Kung hindi mo ako tinulungan, baka h
Tahimik ang buong bahay nang gabing iyon. Maliban sa marahang hampas ng hangin sa mga kurtina at tunog ng orasan sa dingding, walang ibang maririnig. Nasa kwarto si Bea, nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko habang pinipisil-pisil ang laylayan ng kanyang blusa. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang eksena kaninang umaga—ang pagkakatayo ni Brandon, at ang lahat ng kasinungalingan na ginawa nito para lang manatili siya sa tabi nito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa kabaliwan ng lalaki, o magagalit pa rin dahil sa pambabalewala nito sa tiwala niya. May kumatok. Tatlong mahihinang katok na sinundan ng isang maikling katahimikan. “Bea…” boses ni Brandon, mababa at may halong pag-aalinlangan. Hindi siya sumagot. Ngunit makalipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto. Nakatayo si Brandon sa may bungad, hawak-hawak ang tungkod na halatang hindi naman niya gaanong kailangan. “Pwede ba… mag-usap tayo?” mahina niyang sabi. Tumingin lang si Bea, hindi gumagalaw. “Ano pa bang kai
BRANDON LUMIPAS PA ANG ILANG LINGGO, hindi na maitatanggi pa ni Brandon na may nararamdaman na siya para kay Bea. At labis siyang naiinis sa kanyang sarili dahil nahulog siya sa isang caregiver. Ngunit wala na siyang magagawa pa. Talagang lumalim na ang nararamdaman niya para kay Bea. Kung tutuusin, kayang-kaya na niyang maglakad ulit pero nagpapanggap pa rin siyang hindi makalakad. Ginawa niya iyon para alagaan pa rin siya ni Bea at asikasuhin. "Saan ka na naman galing, ha? Kinausap mo na naman ba ang pinsan ko?" galit niyang tanong kay Bea. Mabilis na umiling si Bea. "Hindi po, boss. Tinulungan ko lang na magtapon ng basura si manang. Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakabalik." Tumingin si Brandon sa ibang direksyon dahil napapatitig na naman siya sa ganda ni Bea. "Nagugutom na ako. Pakainin mo na ako," maawtoridad niyang sabi kay Bea. "Sige po, boss. Sandali lang," sabi ni Bea bago nagmamadaling nagtungo sa kusina. Pagbalik ni Bea, dala na niya ang tray na may








