Share

Chapter 6

Author: LichtAyuzawa
last update Last Updated: 2023-11-09 21:43:50

Third person point of view

Abala si Alisson sa pagtipa sa laptop niya ng maramdaman niya ang isang mahinang yabag at kasunod niyon ay may biglang nagsalita.

"Young Master Alisson, nandito na po ang lahat ng mga kailangan ninyong malaman tungkol kay Doctora Leslie," sambit ng butler niya at ibinaba ang isang folder.

Kanina pa siya nakauwi after niyang puntahan ang kaibigan niyang si Sheena, sa condo na niya siya dumiretso imbes na bumalik sa hospital kung saan dapat siya sanang mag-stay pero dahil hindi niya gusto ang ambiance sa hospital ay dumiretso na siya sa condo niya ng walang paalam sa Daddy niya.

"Ilapag mo nalang diyan ako na ang bahala," utos niya ng hindi inaalis ang tingin sa hawak niyang laptop.

Mayroon kasi siyang tinatapos na trabaho kaya naman hindi niya kailangan ng distraction.

Narinig niya ang yabag nito kasunod ng pagbukas at sara nung pinto.

Ilang segundo matapos lumabas ng butler niya ay tumunog ang cellphone niya.

Tinignan niya iyon at kaaad na napaikot ang mga mata niya ng makita na isa iyon sa mga client niya na nangungulit sa kaniya.

"I told you Mr. Gonzales, I am not gonna create a bomb for you. I am a developer not a freaking bomber!" Singhal niya at bago pa ito makasagot ay binabaan na niya ito ng tawag.

Nagbuga siya ng malakas na hininga . "What an asshole!" Gigil na usal niya.

Siya ay isang developer ng apps, systems and bombs kaya naman gustong-gusto siyang makuha ng negosyanteng si Jonathan Gonzales para gumawa ng high quality bomb para rito, pero matagal na niyang itinigil ang paggawa ng mga iyon maging ang pagde-develop ng mga app at systems ay hindi na niya ginagawa ngayon. Isa na lamang siyang simpleng empleyado sa kumpanya ng kaniyang ama. Pero paminsan-minsan ay gumagawa siya ng mga systems para sa company nila kagaya nalang ngayon, bago siya tawagan nung matandang negosyante.

Dahil nawala na siya sa focus ay binaba niya ang laptop sa tabi niya para kuhanin ang folder at ito naman ang pag-aralan.

He open the folder and flipped every pages ng informations. Sa bawat paglipat niya ng pahina ng papel ay patindi ng patindi ang nararamdaman niyang inis.

Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang private investigator na alam niyang inutusan ni Kevin.

Maka-ilang ring lang ay may nagsalita na sa kabilang linya. "Hello?"

"What the hell is this Arvin!?" Singhal niya habang mahigpit na nakahawak sa mga walang kwentang papel na ibinigay ng butler niya.

Arvin Aragon is a private investigator, matagal na nila itong kilala kaya alam na niya na ito ang lalapitan ni Kevin para bayaran at utusan.

"That's her informations," simpleng sagot nito na alam na kaagad ang tinutukoy niya.

"Ito lang iyon? You call this an information? It's just a load of crap and you can even find it in g****e!" Galit na sigaw niya.

Hindi niya gustong magalit pero, hindi ninyo siya masisisi dahil sobrang laki ng binayad dito pero hindi manlang siya nabigyan ng magandang impormasyon.

"Isang Dela Constancia ang gusto mong paimbestigahan, sa tingin mo ba ay ganoon lang kadali makakuha ng information tungkol sa highly classified na tao!?" Ganting singhal nito.

Kumuyom ang kamay niya at nag-igting ang bagang niya, "I'm gonna fvcking hurt you for shouting at me!" Pagbabanta niya at pinatayan na niya ito ng tawag.

Tinignan niya ang cellphone niya at nagbukas ng isang tracking app.

Nagsimula siyang mag-search doon at ilang mga pangalan pa ang tinignan niya galing sa files. Mga pangalan ng mga malalapit dito, magmula sa parents nito hanggang sa mga kapatid.

Malapit na siyang mawalan ng pag-asa ng mapangisi siya dahil tila isang milagro ang nangyari. Biglang nag-notification ang tracker na ginagamit niya.

Kanina kasi ay sinearch niya ang address nito doon pero sobrang tagal mag-loading kaya naman iniwan niya muna pansamantala at ngayon nga ay mayroon na itong resulta.

Dali-dali niyang binuksan at notification at muntik na siyang mapatalonng makita na nasa iisang condo unit lang sila nakatira.

"The Avenue huh? Discreet," sambit niya habang binabasa ang pangalan ng condo.

Habang nakatingin siya sa screen ng phone niya ay isang kalokohan ang naisip niya. Kaagad siyang tumayo at kinuha ang susi ng bahay niya bago lumabas para puntahan ito.

_______

Abala sa pagkain ng hapunan si Leslie kasama ang anak at si Nana Lucing ng biglang tumunog ang door bell.

Nagtatakang napatingin siya sa matandang kasambahay dahil wala siyang inaasahang bisita dahil wala naman nakakaalam kung saang condo siya nakatira.

Tumayo si Nana Lucing para sana pagbuksan ang kung sinoman iyon ng senyasan niya ito na maupong muli.

"Ako na po, idala niyo nalang po sa kwarto si Allyson at doon na po kayo mag-stay," sambit niya. Hindi na niya ito hinintay na sumagot pa tumayo nalang siya para pumunta sa front door at pagbuksan ng pinto ang nagdo-doorbell.

Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya sa nabungaran niya.

Kinakabahang napatingin siya sa kusina kung nandoon pa ang anak niya at kaagad siyang napahinga ng maluwag ng makita ang mga ito na naglalakad na paakyat sa second floor.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Tanong nito sa naa-amused na tono.

Pinukol niya ito ng masamang tingin, "anong ginagawa mo dito?"

"Come on Doc Leslie, I personally visited you, a coffee will be nice."

Naramdaman niya ang pagkulo ng dugo niya dahil sa kaasangan nito.

"Hindi ko sinabi na bisitahin mo ako, kaya bakit ipaghahanda kita ng kape?" Pagpapamukha niya dito pero ngumisi lang ito isang bagay na kinaiinis niya.

She hates his attitude and everything. He is oozing with arrogance.

"Aw ang attitude mo naman doc Leslie," nang-aasar na sambit nito.

"Fvck you! Get loss!" Sigaw niya at malakas na pinagsaraduhan ito ng pinto.

Pagkasara na pagkasara niya ng pinto ay sinuntok-suntok niya ang sofa malapit sa kaniya. Gusto niyang magwala at ipagtatapon ang lahat ng mga gamit dahil sa nararamdamang galit at inis.

Unti-unting tumalim ang tingin niya sa mamahaling lamesa nila at sa mga gamit na nandoon. Bago pa niya mapigilan ang sarili niya at nakita nalang niya ang sarili niya na nagwawala.

"AHHHH!!" SIgaw niya habang hinahawi ang mga nakalagay sa ibabaw ng babasaging lamesa ng tuluyan niyang hindi ma-control ang galit niya.

____

Malakas na napahalakhak si Alisson ng makarinig ng malakas na sigaw kasabay ng mga nabasag na gamit mula sa loob ng condo unit ni Leslie.

"Nagsisimula pa lang ako Doc Leslie, maaagaw din kita sa lalaking iyon at mamahalin mo rin ako," aniiya sa isip niya bago tuluyang lisanin ang condo nito at bumalik sa sarili niyang kwarto.

Nakapaskil ang isang malaking ngisi sa kaniya habang naglalakad siya pabalik sa unit niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang katindi ang epekto nito sa kaniya.

Pero ang ngisi niya ay napalitan ng pagkunot ng noo ng makaramdam siya ng mahinang pagsakit sa kaniyang ulo.

Hinawakan niya ang sentido niya at bahagya iyong hinimas sa pagbabaka sakali na mawala ang sakit pero habang tumatagal ay pakiramdam niya mas lalong lumalala ang sakit na nararamdaman niya, kaya naman pansamantala siyang tumigil at naupo sa isang bench habang tutop ang ulo.

Habang nakayuko at pinapakalma ang nagwawalang sarili ay nakarinig siya ng mahinang yabag, kasunod niyon ay isang malambing na boses na nagtatanong kung okay lang ba siya, "are you okay?"

Nag-angat siya ng tingin at tinanguan ito bago muling bumalik sa pagdukdok.

"Are you sure? Pwede kitang dalhin sa hospital," nag-aalalang tanong nito na may kasamang suhestiyon.

Umiling siya at sinenyasan nalang ito na iwan na siya, "I can take care of myself, I'm fine. Thank you though," iyon ang sinabi niya at kasunod noon ay katahimikan na hanggang sa narinig niya ang mahinang yabag.

Ilang beses muna siyang huminga ng mamalim at nung masiguro na okay na siya ay tumayo na siya at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming The Billionaire Surgeon   Special Chapter 2

    Third person point of viewFive months later..."Alisson!!!" Sigaw ni Leslie ang pumuno sa buong delivery room. "Fvck! Fvck! My wife," malulutong na napamura si Alisson habang kinakabahan na nagpapabalik-balik siya ng lakad sa harapan ng delivery room. Kasalukuyang nasa loob ng delivery room si Leslie dahil manganganak na ito sa bunso nila. Hindi niya alam ang gagawin, kanina pa niya tinawagan ang parents nila pero ang sabi ng mga ito ay nasa cavite pa dahil sa isang business trip. Na-stuck daw ang mga ito sa traffic."Calm down bro," pagpapakalma ni Arisson sa kaniya.Napatingin siya dito at sa asawa nito na kalmado lang na nakaupo sa isang mahabang metal na upuan."Paano ninyo nagagawang maging kalmado? Nasa bingit ng kapahamakan ang asawa ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa mga ito.Pinagtaasan siya ng kilay ni Joana Mei bago inirapan, "napagdaanan na ni Leslie iyan sa una ninyong anak kaya pwede ba kumalma ka dahil baka sipain kita palabas!" Singhal nito sa kaniya.Nanghihin

  • Taming The Billionaire Surgeon   Special Chapter 1

    Third person point of view"Mommy, you are so beautiful po."Nakatayo si Leslie sa harapan ng nakasaradong pinto bg simbahan kung saan mangyayari ang kasal niya ngayong araw.Puno ng kasiyahan ang puso niya habang katabi niya ang anak niya pero ramdam niya na parang may kulang. Isa sa mga naging tradisyon ng filipino na kasama ang magulang sa paglalakad sa altar pero ngayon ay iba dahil anak niya ang kasama niya."You are crying Mommy," komento ng anak niya.Pinalis niya ang luha niya at nakangiting tinignan niya ang anak niya, "huwag mong intindihin si Mommy anak miss lang niya yung mga Lolo's and Lola's mo," sagot niya dito.Malawak na ngumiti ang anak niya sa kaniya, "let's go na po Mommy!" Excited na sambit nito at inakay siya.Napapantastikuhan na tinitigan niya ito pero kalaunan ay ngumiti nalang siya at nagpatangay sa ginagawa nitong pag-akay sa kaniya.Nagsimula silang maglakad papunta sa nakasaradong pinto ng simbahan."Mommy wait lang po," anito na pinatigil siya sa paglala

  • Taming The Billionaire Surgeon   Epilogue

    Third person point of viewOne year later..."Alliyah, pakikuha nga anak yung iluluto ni Mommy doon sa ref!"Isang taon na ang nakakalipas simula nung talikuran nila ang marangyang buhay. Kasabay ng pagtalikod nila sa buhay na kinalakihan ay tinalikuran din nila ang mga tao na naging parte niyon.Hindi niya masasabi na naging madali ang buhay nilang mag-anak dahil sa totoo lang ay sobrang hirap. Ilang beses niyang tinangka na magsabi sa mga magulang niya pero hindi niya magawa dahil hindi pa niya kayang harapin ang mga ito.Sobrang sakit nung mga nangyari, marami ang nagbuwis ng buhay at hindi niya matanggap na isa siya sa mga dahilan kung bakit nagawa ng mga malapit sa kaniya ang manakit ng iba.Pero may kasabihan nga na time heal all wounds at masasabi niya na sa loob ng isang taon ay natanggap na niya ang lahat at handa na siyang igawad sa mga nagkasala ang kapatawaran."How are you my lovely fiance?" Bulong nito habang nakaakbay sa kaniya at ginagawaran siya ng magagaang halik sa

  • Taming The Billionaire Surgeon   Chapter 95

    Third person point of viewBANG!"Aahh!" Sigaw ni Aragon kasabay ng pagluhod nito sa semento dahil sa tama ng bala nito sa binti."Stop running, because you have nowhere to run," ani West habang pinapanood si Aragon na nagpupumilit makatayo ng tuwid.Dahan-dahang naglakad si Aragon pagkatapos makuha ang balanse na kailangan nito, pero hindi pa ito tuluyang nakakahakbang ay muli itong bumagsak kasabay ng muling pag-alingawngaw ng putok ng baril."Give up already, kasi hindi ka na magtatagal." Napahiga si Aragon sa marumi at magaspang na sementadong kalsada. Nakangiti itong tumingin sa kaniya, "kill me now!" Pang-uudyok nito sa kaniya.Humigpit ang hawak niya sa baril at magkakasunod siyang napailing, "I can't," sagot niya dito.Tumalim ang mga mata nito, "kill me!!" Mas malakas ng sigaw nito na wala na ang pag-uudyok. Nakikita niya ang pagod sa mga mata nito, kung sa ibang pagkakataon lang ito ay baka hindi na nito kailangan na sabihan siyang patayin ito dahil bago pa bumuka ang bibi

  • Taming The Billionaire Surgeon   Chapter 94 

    Third person point of viewBANG!"Aaahh..." Sigaw ng mga tao na nasa loob ng hospital room ni Leslie kabilang ang mga nurses na nagra-rounds para tignan siya pagkatapos marinig ang alingawngaw ng putok ng baril.BLAG!"UGH!" Dinig nila ang malakas na kalabog ng pagbagsak kasabay ng pagdaing. Dahan-dahan niyang ibinaling ang mga mata niya sa pinanggalingan ng tunog at nahintakutan siya nung makita niya ang isa sa mga nurse na hawak ang tagiliran na punong-puno ng dugo."Mommy!!!" Pagpalahaw ng anak niya na nakatingin sa nurse na nakahiga sa sahig habang naghahabol ng hininga."Sh*t!" Mura ni Alisson at mabilis na niyakap ang anak nila bago itinago sa likuran nila."Bakit niyo ba ginagawa ang bagay na ito!?" Sigaw ni Leslie sa dalawang kabataan na nasa harapan nila at tinututukan sila ng baril.Tahimik lang silang nagkakasiyahan ng pamilya niya ng bigla nalang bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto at pumasok ang dalawang lalaking ito at nagsimulang pagbabarilin ang mga kasangkapan sa k

  • Taming The Billionaire Surgeon   Chapter 93

    Third person point of view"Papatayin kitang hayop ka!" Sigaw ni Dominador at mabilis na sinugod ang bagong dating na bisita.Kaagad na pinigilan ni West at Walter si Dominador sa pagsugod nito."Ano ang kailangan mo dito Aragon Costales?" Matalim na tanong ni Prim sa nakangising bisita.Mas lumawak ang ngisi ni Aragon, "chill guys! Masyado kayong mainit," Natutuwang sambit nito habang nagtataas ng kamay bilang pagsuko.Sa halip na matuwa ay nakaramdam ng inis ang mga miyembro ng black organization."Hindi ka pupunta dito para lang sa wala Aragon kaya huwag mo ng aksayahin pa ang mga oras namin at sabihin mo na kung ano ang pakay mo dito?" Inip na tanong ni Nero.Sa lahat ng miyembro ng Black Organization si Nero ang isa sa mga mainipin at literal na mainitin ang ulo at laging napapasama sa gulo.Nagkibit muna ng balikat si Aragon at dahan-dahan na naglakad palapit sa pang-isahang sofa at prenteng naupo doon.Pinanood nila ang bawat galaw nito habang pinapanatili ang pagiging alisto l

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status