Share

Chapter Seven

Author: Faith Lovelle
last update Last Updated: 2024-10-20 07:22:28

Sa lakas ng kutob ni Lucille ay bumalik siya. 

Sa pinto ng bahay nila ay naroon na si Jenny, lumabas na nakabihis ng magara at naka-make up. 

Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba si Dylan na may dalang pumpon ng mga pulang rosas, saka maginoo niya itong inabot kay Jenny. 

Mga pulang rosa na sumisimbolo ng pag-ibig. 

"Ang ganda," masayang anas ni Jenny nang abutin ang mga bulaklak. Inamoy-amoy niyapa ito saka ngumiti siya at humawak sa bisig ni Dylan.

Pinagbuksan ni Dylan ng pinto si Jenny at marahang inalalayan pasakay sa sasakyan at bago tuluyan ng umalis. 

Nang dumaan ang sasakyan ay muli nang tumalikod si Lucille. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. 

Ibig sabihin ay si Dylan pala ang tinutukoy ni Jenny na importanteng date at ang tinutukoy pala ni Dylan na pakakasalan niya sana ay si Jenny. 

Nagsasabi pala siya ng totoo at nobya niya pala si Jenny. 

Kung may nobyo si Jenny na katulad ni Dylan ay walang kahirap-hirap na maaabot nila ang kanilang mga pangarap at lalo siyang aalipustahin. 

"Bakit gano'n? Palaging umaayon sa pamilya nila ang pagkakataon samantalang kaming magkapatid ay hirap na hirap sa buhay?" tanong ni Lucille sa sarili. 

"Hindi, hindi ako papayag na maging madali lang sa kanila ang lahat."

-------

Napakagarang lamesa na may mga nakasinding mababangong kandila, mga eleganteng kasangkapan tulad ng mga pilak na kutsara at tinidor, lahat ng gamit ay sumisigaw ang yaman at kapangyarihan.

Mayroon pang banda na tumutugtog ng romantiko at malamyos na musika. 

"Everything is doing good now, I already filed for a divorce and I think it will be granted within two days," saad ni Dylan. 

Tumingala si Jenny kay Dylan at hindi na niya napigilan ang sobrang saya na nararamdaman. Sa sobrang saya niya ay humapdi at namula ang kaniyang mga mata na tila ba maiiyak siya. 

"Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya?" Nag-aalalang tanong ni Dylan. 

"Hindi, ang totoo ay sobra-sobrang saya ko," lumuluhang saad ni Jenny. 

"Let's dance and celebrate this moment okay?" anyaya ni Jenny kay Dylan saka inabot ang kamay nito. 

Pinalaking edukado si Dylan simula pagkabata at hindi niya tatanggihan ang babae sa maliit na kahilingan nito. 

"Sure," sagot niya saka inabot ang kamay nito. 

Nagtungo sila sa dancefloor at marahang inilagay ni Dylan ang kaniyang mga kamay sa balikat at bewang ni Jenny.

"Dylan, pagkatapos ba ng divorce ay puwede na tayong magpakasal?" tanong ni Jenny. 

Lihim na napasimangot si Dylan at hindi agad nakasagot. Sa isip niya ay hindi iyon gano'n kadali dahil kailangan pa nilang hintayin na gumaling ang kaniyang lolo. 

Napansin naman ni Jenny ang reaksyon ni Dylan kaya agad itong nagsalita. 

"Hindi naman sa minamadali kita, ang sabi lang kasi ng mama ay mahaba ang preparasyon para sa kasal."

"No, it's okay," sagot ni Dylan. 

Sandaling natahimik si Dylan pero pinili pa ring sakyan ang mood ni Jenny. 

"Sabihin mo kay Tita na huwag siyang mag-alala sa preparasyon, kung may gusto at kailangan siya ay sabihin niyo lang kay Jerome at si Jerome ang bahala." 

Sa isip niya ay walang ibang kailangan gawin si Jenny kung hindi ang maging masaya. 

"Okay," masayang sagot ni Jenny. 

Pinulupot nito ang mga braso sa leeg ni Dylan at saka niya binigyan ng mapang-akit na tingin ang binata. Bahagya pa siyang tumingkayad saka pumikit at unti-unting inilapit ang mukha kay Dylan, malinaw na nag-iimbita ng isang halik. 

Agad naman iyong naintindihan ni Dylan, hinawakan niya ang baba nito at naramdaman niya ang tila pulbura sa kaniyang mga daliri. Dahil ito sa make-up na nilagay ng dalaga sa kaniyang mukha, ang kaniyang labi ay nakukulayan din ng makapal at matingkad na kulay ng lipstick. 

Kaunting yuko lamang ni Dylan ay mahahalikan na niya si Jenny ngunit hindi niya maramdaman na gusto niyang gawin iyon. 

Naaalala niya pa noong gabing 'yon,  hindi ganito ang pakiramdam niya noong magkasama sila. 

Noong gabing iyon ay wala siyang suot na make-up ngunit alam ng binata na makinis ang kaniyang mukha. Wala rin siyang suot na umaalingasaw na pabango. 

Biglang tumigil ang tugtog at binawi ni Dylan ang kaniyang mga kamay. 

"Tapos na ang tugtog, tara at kumain na tayo. Lalamig ang pagkain," anyaya ni Dylan kay Jenny. 

Minulat ni Jenny ang kaniyang mga mata at ang tanging nakita na lamang niya ay ang matipunong likod ng binata na naglalakad pabalik sa kanilang lamesa. 

Napasimangot na lang siya at nakagat ang labi sa inis. 

"Ugh! Buwiset na tugtog! Saka titigil kung kailan malapit na niya akong halikan! Panira talaga!" 

---

Ilang araw ang nakalipas, Miyerkules ng umaga. 

Hindi umuwi si Lucille sa dorm na kaniyang tinutuluyan at nakitulog na lang sa kaniyang kabigan na si Wendy. 

Maagang bumangon si Wendy at gumayak habang si Lucille ay bagama't gising na ay mistula pang naglalakbay ang diwa. 

"Bakit tulala ka pa riyan? Akala ko ay may importante kang lakad kaya ka nakipagpalit ng schedule?" Tanong ng dalaga sa kaibigang si Lucille. 

"Sige na mauna ka na, maya-maya pa akong konti," sagot ni Lucille. 

"Okay, straight 24 hours duty ako ngayon. Mauna na ko ha?"

"Sige ingat ka!" 

Pag alis ng kaniyang kaibigan ay muling nahiga si Lucille. Wala siyang balak umalis ngayong araw. 

Alas-diyes empunto nang tumunog ang kaniyang telepono. 

Sa labas ng pintuan ng kapitolyo ay nakatayo si Dylan hawak ang kaniyang telepono na ginagamit niyang pang tawag kay Lucille. Dala niya rin ang isang envelope na naglalaman ng kanilang divorce agreement at ng compensation na makukuha ni Lucille sa kanilang paghihiwalay. 

Kahit ayaw niya kay Lucille ay hindi pa ring mapagkakailang minsan ay iniligtas ng ina nito ang kaniyang pinakamamahal na lolo. Isa pa ay barya lang naman sa kaniya ang halaga ng compensation na ibibigay niya rito. 

Nang kumonekta ang tawag ay malamig ang boses na kinausap niya ito.

"Nasaan ka na? Nandito ka na ba o naipit ka sa traffic?"

'"Dylan," kinakabahan at nakokonsensyang saad ni Lucille.

Ayaw man niyang ituloy ang sasabihin ay kailangan niya itong gawin.

"I'm sorry, pero wala akong balak na makipaghiwalay ngayon at sa mga darating pang panahon."

"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ni Dylan.

Akala niya ay naghahallucinate na siya sa sobrang pagod at puyat kaya kung anu-anong mga hindi katanggap-tanggap na bahay ang naririnig niya.

"Ang sabi ko, wala akong planong makipaghiwalay."

Inulit niya ang sinabi ng klaro at malinaw. 

Agad na dumilim ang mukha ni Dylan. 

"Lucille, anong pinagsasabi mo? Nagkasundo na tayo tungkol sa bagay na 'to hindi ba? Ginagago mo ba 'ko?" Galit na saad ni Dylan. 

"Ang lakas ng loob mo! Pumunta ka rito ngayon at kailangang matuloy ang divorce na 'to! Kapag hindi ka dumating ay sisiguraduhin kong magsisisi ka!"

Handa na si Lucille sa matatangap na galit ni Dylan noong ginawa niya ang desisyon na ito. 

Sa isip nga niya ay mukhang malabo ang mata ni Dyla, nagustuhan ba naman nito ang kapatid niyang si Jenny na maganda sa pang labas pero walang kasing pangit at sama sa loob. 

Pero sino ba siya para magbigay ng komento tungkol sa nagugustuhan ng isang tao? Wala siyang karapatan. 

Alam niyang ang sama ng tingin nito sa kaniya dahil siya na nga itong binigyan nito ng malaking tulong at pabor, ay siya pa itong pumipigil na makasama nito ang babaeng gusto nito.

"Patawad," hingi ni Lucille ng paumanhin sa kaniyang naging desisyon. 

"Hindi ko kailangan ng paghingi mo ng tawad. Pumunta ka rito ngayon na, dahil kapag pinahanap kita, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!' 

"Pasensya ka na Dylan, huwag kang mag-alala. I assure you that you will not see me today, at least today."

Matapos sabihin ang mga katagang iyon ay tuluyan nang pinatay ni Lucille ang telepono  at naiwan sa kabilang linya ang labis na nagngingitngit na si Dylan. 

Sa ganoong paraan ay hindi siya basta-basta mahahanap ni Dylan. 

Hindi siya kilala nito at hindi siya pumasok sa school o pumunta sa ospital kaya mahihirapan itong makita siya. Ito rin ang dahilan kung bakit kay Wendy niya muna naisipang makituloy noong nagdaang gabi. 

Inutusan ni Dylan si Jerome na hanapin si Lucille ngunit sinabi ni Jerome na mahihirapan siyang i-track ito dahil nakapatay na ang telepono.

"Gumawa ka ng paraan para mahanap siya." 

"Napakalaki ng Maynila Kuya at hindi sapat ang mga impormasyon na hawak natin tungkol sa kaniya para mahanap siya. Para tayong naghahanap ng karayom sa gitna ng dagat." ani Jerome. 

Natawa ng mapakla si Dylan. Lumaki siyang lahat ng bagay na gusto niya ay nakukuha niya sa isang pitik lang ng kaniyang mga daliri. Hindi siya papayag na paikutin at paglaruan lang siya ni Lucille sa mga palad niya. 

"Matalino ka Lucille, pero may araw ka rin sa'kin!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
kng d sinaktan Ng madrsta un Kapatid nya nya .. tuluy sna un unallnment ninyu.. gumaganti lng cya dahil Ikaw pla un kakasal Ng step sister nya.. Kya magdusa Kyu..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Taming The Dangerous Beast    86

    Maaga pa lang ng umaga, kakadating pa lang ni Dylan sa opisina nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula kay Jane."Dylan..." mahinahong sabi ni Jane, tila may pag-aalangan sa boses."Bakit?" sagot ni Dylan habang iniipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat niya."Ahm... my mom wants to invite you for dinner tonight. Pwede ka ba?"Agad na kinabahan si Jane, natatakot na baka tanggihan siya ni Dylan. Kaya naman mabilis niyang idinugtong, "Birthday niya kasi tonight... she will be very happy if you come. Please, Dylan? Okay lang ba?"Natahimik si Dylan saglit. Pinisil niya ang tulay ng ilong niya, halatang pagod. Pero sa huli, sumagot ito."Okay, pupunta ako."Kinagabihan. Hindi mapakali si Jane habang naghahanda ng hapunan."Ma, okay na ba talaga?" tanong niya habang inaayos ang hapag-kainan.Napatingin si Shawnren sa anak at tumaas ang kilay, "Relax, Jane. Kung hindi ka makakahinga nang maayos, paano ka magiging isang mabuting Mrs. Saavedra sa future, ha?" may bahid ng biro

  • Taming The Dangerous Beast    85

    Habang magkasabay na naglalakad sina Lucille at Dylan, napansin nilang naglalaro ng chess si Rodrigo kasama ang matandang lalaki. Si Dylan ang sinadyang tawagan ni Rodrigo para umuwi ng maaga.Masayang ibinalita ni Lucille ang tungkol sa nakatakdang operasyon ni Rodrigo."Grandpa, ayos na po lahat. Nakausap ko na si Dr. De Mesa, kayo na lang po ang pipili ng araw para sa surgery ninyo."Ngunit sa halip na sumang-ayon, ngumiti lamang si Rodrigo at umiling."Wag muna. Hindi pa ito ang tamang panahon."Nagkatinginan sina Lucille at Dylan, litong-lito sa sinabi ng matanda.Maya-maya, may kumatok sa pinto at pumasok si Liam, bitbit ang isang tambak ng mga magazine, picture albums, at kung anu-ano pa."Sir."Lumapit si Liam, inilapag ang mga bitbit sa lamesa, saka lumingon kina Dylan at Lucille."Tingnan n'yo ito nang mabuti."Nagtinginan silang dalawa. Para saan ito?Ngumiti si Rodrigo at ipinaliwanag."Mga wedding dress styles 'yan at mga venue para sa kasal. Piliin n'yo kung alin ang mag

  • Taming The Dangerous Beast    84

    Sa isang bihirang araw na pahinga, abala pa rin si Lucille.Natapos na niya ang mga translation na tinanggap niya noon, at ngayong araw ay makikipagkita siya sa editor-in-chief.Kasabay nito, nagdesisyon na rin siyang mag-resign sa trabahong iyon.Ngayong alam na niya ang intensyon ni Kevin, kailangan niyang putulin na ang anumang pag-asa nito, kaya hindi na niya matatanggap ang kabutihang ipinapakita nito.Bukod pa rito, kailangan na niyang maghanda para sa exam at sabay na rin niyang kukunin ang trabaho ni Yang Huaiqing, kaya wala na siyang oras para sa iba pang bagay.Nanghinayang ang editor-in-chief.Pumunta si Lucille kay Michaela, na ganoon din ang naramdaman.Pero iba ang naging pokus nito."Wala na talagang pag-asa si Kevin?"Nabanggit na sa kanya ni Eaen ang tungkol dito. Alam ni Michaela na hindi naging madali ang buhay ni Kevin nitong mga nakaraang taon.Pumikit sandali si Lucille at malinaw ang kanyang isipan."Hindi ako matatanggap ng pamilya ni Kevin. Ang sakit na iyon,

  • Taming The Dangerous Beast    83

    Nararamdaman niya na kailangan na niyang umalis sa Liwan ngayon. Ayaw niyang manatili sa iisang silid kasama si Lucille kahit isang segundo pa.Pero gabi na, malakas pa rin ang ulan sa labas, at bukas ng umaga, kailangan niyang kumain ng almusal kasama ang kanyang lolo.Naiinis na kinuha ni Dylan ang sigarilyo, sinindihan ito, humithit ng dalawang beses, at pumasok sa guest room.Buti na lang at laging malinis ang mga ekstrang kwarto sa bahay ng mga Saavedra, kung hindi, hindi niya alam kung saan siya matutulog ngayong gabi.Nakahiga siya sa sofa, at doon niya naramdaman ang lamig sa kanyang katawan.Dahil lahat kay Lucille, pero siya, wala man lang pakialam.—Kinabukasan ng umaga, napansin ni Liam na magkaibang kwarto ang tinulugan ng mag-asawa, kaya agad niya itong sinabi kay Rodrigo.Tumango si Rodrigo. “Hayaan mo sila, bata pa naman. Kung hindi sila mag-aaway ngayon, kailan pa? Kapag matanda na?”Napatawa si Liam. “Sa tingin ko nga po, gusto ni Sir Denver si Lucille. Hindi siya m

  • Taming The Dangerous Beast    82

    "Anong gagawin mo?" Napatitig si Lucille, hindi maintindihan ang inaasta ni Dylan habang hawak pa rin ang ice pack sa pisngi niya.Ang gwapong mukha ni Dylan ay malamig at seryoso, at ang bawat salitang lumabas sa bibig niya ay puno ng bigat."Huwag kang tumanggap ng pera mula sa iba! Hindi ba't binigyan na kita ng card? Wala ka bang magamit na pera?""Ha?"Nanlaki ang mata ni Lucille, hindi inaasahan na magagalit ito ng ganoon lang.Napapaso na rin ang pasensya niya.Itinulak niya si Dylan gamit ang libreng kamay niya. "Lumabas ka! Ayoko kang makita! Matutulog na ako!"Pero nanatili lang si Dylan sa kinatatayuan niya, hindi man lang natinag."Ikaw..." Napatigil si Lucille, sabay taas ng tingin sa kanya. Nang titigan siya ni Dylan, may kung anong ekspresyon sa mga mata nito—parang may nakita itong ibang emosyon sa kanya.Saka lang napansin ni Dylan ang ice pack sa pisngi ni Lucille.Bigla niyang naalala ang nangyari kanina—nasampal siya ni Shawnren!Hinawakan niya ang pulso ni Lucille

  • Taming The Dangerous Beast    81

    Nagulat si LucilleNakita niyang inilabas ni Albert ang kanyang pitaka. Sa edad niyang iyon, nakasanayan pa rin niyang magdala ng pera.Agad niyang kinuha ang isang bungkos ng salapi at iniabot ito kay Lucille."Kulang ba ang pera mo? Narito si Daddy, kunin mo muna ito. Kung hindi pa sapat, bibigyan pa kita."Hindi gumalaw si Lucille.Ano 'to?Matapos siyang balewalain ng kanyang ama mula noong walong taong gulang siya, ngayon bigla na lang itong nag-aalala sa kanya?Nang hindi niya kinuha ang pera, wala nang nagawa si Albert kundi hawakan ang kamay niya at pilit ipinasok ang pera rito."Sige na, tanggapin mo na."Kumunot ang noo ni Lucille at mabilis na hinila ang kanyang kamay palayo.Malamig at matigas ang kanyang ekspresyon. Ano man ang dahilan ng pagiging kakaiba ng kanyang ama ngayon, hindi niya matatanggap ang ipinapakitang malasakit nito."Kunin mo na!""Ayoko!" sagot niya bago tumalikod at lumakad palayo."Lucille, huwag kang umalis!"Pero hinawakan siya ni Albert.Dahil ayaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status