Taming The Dangerous Beast

Taming The Dangerous Beast

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Oleh:  Faith LovelleOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
87Bab
4.0KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

Dahil sa hirap ng buhay ay walang pagpipilian si Lucille kung hindi kumapit sa patalim. Kailangan niyang ipagamot ang nakababatang kapatid kung kaya’y pikit mata siyang pumayag sa isang kasunduan. She will spend the night and sleep with a rich and powerful man - Mr. Franco Delay Vega. Sa pagtapak niya sa Hotel kung saan sila magkikita ay abot-abot ang kaba niya. She doesn't know that a cunning and dangerous beast is impatiently waiting for her. Will Lucille find her escape or is she bound to a destiny beyond her control?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter One

Eksaktong Alas-diyes ng gabi sa isang Hotel sa Kalakhang Maynila.

"Presidential Suite number 7202, ito na nga 'yon," kabadong saad ni Lucille.

Sandali siyang napatigil sa pag-iisip nang tumunog ang kaniyang telepono. Isang mensahe galing sa kaniyang ama ang kaniyang natanggap.

"Lucille, nangako ang tita mo na basta samahan mo si Mr. Dela Vega ay agad niyang babayaran ang pagpapagamot ng kapatid mo."

Ang maputla niyang mukha ay may blankong ekpresyon. Sa totoo lang ay manhid na siya at parang hindi na alam kung ano pa ba ang dapat na maramdaman.

Mula nang muling mag-asawa ang kanilang ama ay para bang balewala na sila rito. Sa loob ng mahigit sampung taon ay hinayaan nito ang kaniyang bagong asawa na tratuhin silang parang basura at abusuhin.

Kakulangan sa pagkain at damit, paninigaw, pamamahiya, at pananakit ay ilan lamang sa mga bagay na tinitiis nilang magkapatid sa kamay ng malupit na madrasta.

Ngayon nga ay tila umabot na sa sukdulan ang kasamaan nito, dahil sa pagkalugi sa negosyo ay nais siya nitong ibenta sa isang mayaman na parokyano.

Ang siste ay kailangan niyang sumama rito sa magdamag na siya namang agad niyang tinanggihan.

Ngunit hindi pumayag ang kaniyang madrasta, tinigil nito ang pagpapagamot sa kaniyang kapatid na may autism at nangangailangan ng tuloy-tuloy na medikasyon para gipitin siya.

Kaya naman para sa pinakamamahal niyang kapatid ay pikit matang pumayag si Lucille sa gusto nito.

Habang nasa harap ng pinto ay humugot si Lucille ng malalim na hininga, bahagya niyang itinaas ang kaniyang kamay upang kumatok ngunit marahang bumukas ang pinto nang bahagya niya itong maitulak.

Patay ang ilaw sa loob at napakadilim, bagay na nakapagpadagdag sa kabang nararamdaman niya.

"Mr. Dela Vega? Papasok na po ako ah," ani niya ngunit walang natanggap na tugon. 

Sa isang iglap ay natagpuan na lamang niya ang sariling nakasandal sa matigas na dingding at may malalakas at matitipunong braso ang pilit na sumasakal sa kaniya.

Nararamdaman niya ang sakit ng kaniyang likod at ulo ng dahil sa pagkakabatbat kaya halos mapaiyak na siya.

"Anong ginawa mo sa'kin?" ani nang baritono at nakakatakot na tinig.

Nalanghap niya ang mabango at mainit na hininga nito sa kaniyang tainga na mas nagpabilis pa ng tibok ng kaniyang puso.

"H-hindi ko p-po kayo m-maintindihan." nahihirapan mang huminga at magsalita ay pilit na usal nang naguguluhang si Lucille.

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakasakal kay Lucille at unti-unti ay nakahinga siya ng maayos. Tuluyan siyang binitawan ng misteryosong lalaki, pero hindi pa man nakakahuma ay muli siyang hinapit nito sa baywang.

Parang bato sa tigas ang mga braso nito, kaya kahit parang hindi naman ito gumamit ng lakas ay hindi niya pa rin magawang makawala sa pagkakayapos nito.

Hindi niya makita maski maaninag man lang ang mukha nito, pero ramdam niyang hindi normal ang temperatura ng katawan nito. Masiyado siyang mainit na tila ba nilalagnat.

Bumuka ang bibig niya, ngunit hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin, ramdam rin niya ang mainit niyang hininga.

"Binibigyan kita ng pagkakataon, itulak mo ako at umalis ka na!" Marahas na saad nito. 

"Bakit niya ako pinapaalis? Hindi niya ba ako nagustuhan?" tanong nang nalilitong si Lucille sa sarili.

Hindi puwede, kailangang matuloy ito kahit anong mangyari. Para 'to sa pagpapagamot ng kapatid ko.

Nandito na lang rin ako, paninindigan ko na ito.

"Hindi ako aalis, sa iyo ako ngayong gabi."

Pinulupot ni Lucille ang kaniyang mga braso sa leeg nito saka tumingkayad at binigyan ang lalaki ng isang halik.

Bagaman walang karanasan at hindi marunong ay sinubukan niya parin.

Nagulat ang misteryosong lalaki, napakalambot at init ng labi ni Lucille. Ang halik nito ay agad na tinunaw ang natitirang katinuan ng isip niya.

"Malinis ka ba?" Walang pakundangang tanong ng lalaki.

Napapikit siya sa hiya at bahagyang nanginig ang mga labi.

"Opo, malinis po ako."

"Siguraduhin mong nagsasabi ka ng totoo!"

"Opo, sigurado po ako."

Basta na lamang siyang dinampot nito at ihinagis na parang manika sa malambot na kama.

"Mabuti kung gano'n. Akin ka na pagkatapos ng gabing ito," anas niya saka kinubabawan si Lucille at sinimulang paliguan ng mga maiinit at uhaw na halik.

Napakagat na lamang ng labi si Lucille at saka isinara ng madiin ang mga mata. Mahigpit ang hawak ng magkabilang kamay niya sa sapin ng kama habang tahimik na umaagos ang luha sa mga mata niya.

Tuluyan na siyang nagpaubaya at tila walang katapusan siyang inangkin ng misteryosong lalaki sa buong magdamag.

Nagising si Lucille sa sakit ng pagitan ng kaniyang mga hita.

Nakakulong siya sa matipunong mga bisig ng lalaki at naaamoy niya ang napakabangong amoy nito na may halong amoy ng sigarilyo.

Gusto niya ang napakabangong amoy nito.

Akma siyang babangon ng hapitin nito ang kaniyang baywang.

"Awake?" He asked.

Nang walang makuhang tugon galing sa kaniya ay pumihit ang lalaki at saka pumaibabaw sa kaniya na siyang nagdala ng takot at kaba kay Lucille.

"Good girl! You didn't lie to me, you are mine now," he huskily whispered in Lucille's ears while caressing her cheeks.

Naramdaman niyang nag-iinit ang pisngi niya pero mas pinili niyang huwag nang magsalita.

"Do you want to take a shower with me? Kaya mo bang maglakad? Or should I carry you?"

"Huh?" Kinabakabang tanong ni Lucille.

"Should I repeat myself?"

"N-no, no. I mean mauna ka nang maligo mag-isa," takot at natatarantang sagot niya.

Sa pag-aakalang nahihiya lang si Lucille ay hinayaan lang siya nito.

"I'll go ahead and shower first, wait for me." Saka kinurot ng marahan ang pisngi niya.

"Wait for him? Bakit? Nababaliw na ba siya?" Tanong ni Lucille sa sarili.

Ni ayaw na nga niyang magtagal doon ng kahit isang segundo pa.

Madilim ang buong silid.

Dali-daling bumangon si Lucille para maghanda sa pag-alis.

"Hisss!" Napasinghap siya sa sakit na naramdaman niya kahit dahan-dahan lang ang kaniyang pagkilos.

Wala na siyang oras para indahin ang sakit kaya sa tulong ng ilaw na nanggagaling sa banyo ay nagmamadali niyang pinulot ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig. Mabilis siyang nagbihis habang tinitiis ang sakit ng katawan saka tuluyang umalis habang hindi pa lumalabas ng banyo ang lalaki.

Saktong paglabas niya ng hotel ay tumunog ang kaniyang telepono.

"Ginawa ko na ang pinagagawa mo, ituloy mo ang pagpapagamot kay Jun-Jun."

"Pinagloloko mo ba akong babae ka?" Galit na sagot ng kaniyang Tiya Martha.

"Saang lupalop ka ba nagtago magdamag ha? Si Jenny ang sumama kay Mr. De Vega! Sabi mo ikaw ang sasama pero hindi ka dumating. At talagang may kapal ka pa ng mukha na mag-demand sa akin ng pampagamot ng kapatid mong abnormal?"

"Paanong? Iniwan ko si Mr. De Vega na naliligo. Sinusubukan mo ba kong gulangan?" Naiinis na tanong niya.

"P*****a! Umuwi ka rito! Galit na Galit si Mr. De Vega, kailangan mong bayaran ang utang niyo ro'n!"

Matapos nitong magsisigaw ay binaba na nito ang telepono.

Gulat na gulat si Lucille sa nangyaring komprontasyon nila ng kaniyang madrasta. Mukhang seryoso ito sa sinasabi at hindi ito ang tipo nang nagbibiro.

"Kung hindi si Mr. De Vega ang lalaki kagabi eh sino siya? Anong nangyayari?"

---

Sa kabilang banda ay pumasok sa Hotel room ang binatang si Jerome at hinawi ang mga kurtina.

Pumasok ang liwanag sa madilim na kuwarto kasabay ang pagtigil ng agos ng gripo sa banyo.

Lumabas si Dylan na nakatapis lang ng tuwalya habang pinupunasan ang buhok ng maliit na tuwalya.

Matangkad si Dylan na akala mo ay basketbolista, maganda at matipuno ang pangangatawan, kaya madalas siyang napagkakamalang modelo o artista. Bukod do'n ay talagang agaw ang pansin ang kaniyang kaguwapuhan na talaga namang maraming nagkakandarapa.

"Nasa'n 'yong babae?" Tanong niya kay Jerome.

"Wala naman akong nakitang kahit sino no'ng pumasok ako," takhang sagot nito.

Napataas ang labi ni Dylan at napatingin sa bintana.

"Hmm, tinakasan ako? Sabi ko hintayin ako eh, pasaway!"

Napangiti si Dylan ng nakakaloko. Simula kasi nang magbinata siya ay kung kani-kanino na siya sinubukang ipareha pero lahat ay hindi umubra.

Not until today, someone drugged him and it succeeded.

Was it really the drug? Or the girl is just special?

"Jerome, alamin mo ang nangyari kagabi at hanapin mo ang babaeng iyon para sa'kin."

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
87 Bab
Chapter One
Eksaktong Alas-diyes ng gabi sa isang Hotel sa Kalakhang Maynila."Presidential Suite number 7202, ito na nga 'yon," kabadong saad ni Lucille.Sandali siyang napatigil sa pag-iisip nang tumunog ang kaniyang telepono. Isang mensahe galing sa kaniyang ama ang kaniyang natanggap."Lucille, nangako ang tita mo na basta samahan mo si Mr. Dela Vega ay agad niyang babayaran ang pagpapagamot ng kapatid mo."Ang maputla niyang mukha ay may blankong ekpresyon. Sa totoo lang ay manhid na siya at parang hindi na alam kung ano pa ba ang dapat na maramdaman.Mula nang muling mag-asawa ang kanilang ama ay para bang balewala na sila rito. Sa loob ng mahigit sampung taon ay hinayaan nito ang kaniyang bagong asawa na tratuhin silang parang basura at abusuhin.Kakulangan sa pagkain at damit, paninigaw, pamamahiya, at pananakit ay ilan lamang sa mga bagay na tinitiis nilang magkapatid sa kamay ng malupit na madrasta.Ngayon nga ay tila umabot na sa sukdulan ang kasamaan nito, dahil sa pagkalugi sa negosy
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-09-30
Baca selengkapnya
Chapter Two
Nagmamadaling umuwi si Lucille.Doon ay inabutan niya ang isang matabang kalbo at may edad nang lalaki. Nakaupo ito sa kanilang sofa at galit na nakatingin kay Jenny."Hija, nangako ako na papakasalan kita 'di ba? Bakit mo ako pinaghintay magdamag kagabi?"Tiniis ni Jenny ang nakakadiring lalaki. Gawain na talaga ito ni Mister De Vega kapag may natitipuhang babae, malas lang ni Jenny na nagustuhan siya nito.Pero dahil ayaw niya at mahal siya ng kaniyang mga magulang ay pumayag ang mga ito na si Lucille ang pumalit sa kaniya, iyon nga lang ay hindi nila akalain na hindi ito sisipot."Mr. De Vega, pasensya na kayo masyado pa siyang bata at inosente." Hinging paumanhin ni Martha."Kung maaari ay huminahon muna tayo," sansala ni Roldan-ama ni Lucille."Huminahon? Hindi! Dahil ayaw ni Jenny na magpakasal sa akin ay hindi ko siya pipilitin. Hintayin niyo na lamang na makulong kayo at tuluyang malugi," Galit na saad ni Mr. De Vega.Tumayo siya at saka galit na nagmartsa paalis.Sa hindi ina
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-09-30
Baca selengkapnya
Chapter Three
"Mr. Saavedra?" Takang tanong ni Mr. De Vega.Kapag nasa larangan ka ng negosyo at mataas ang estado sa buhay, imposibleng hindi mo kilala ang mga Saavedra."Anong ginagawa niyo rito?"Hindi siya pinansin ni Dylan, nakapako ang tingin nito sa kaawa-awang si Jenny na tigmak ng luha ang mukha.Siya ang babaeng umiiyak kagabi sa mga bisig niya.Walang anu-ano'y bigla nitong inundayan ng suntok si Mr. De Vega na nakapagpabagsak dito sa lupa."Puff!" Dumura si Mr. De Vega ng may kasamang ngipin at dugo.Takot na takot ang mga Fernandez at hindi nila naiintindhan ang nangyayari.Ngumisi si Dylan na naghatid ng kilabot sa mga taong naroon."You dared to touch my people?"Natatarantang bumangon si Mr. De Vega at nanginginig sa takot na lumuhod sa harap nito."Sir, hindi ko po alam. Patawad, wala po akong ginawa. Pangako!""Sigurado ka?" Tanong nito saka lumingon kay Jenny."Wala, Wala," iling nito."Get lost before I change my mind!""Thank you Sir! Thank you!" Pasasalamat ni Mr. De Vega saka
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-09-30
Baca selengkapnya
Chapter Four
Naiintindihan ni Lucille ngunit para sa kaniya ay hindi ganoon lamang ang pagpapakasal.Umiling siya, senyales ng kaniyang pagtanggi."Kailangan ba talaga? Baka puwedeng---Pinutol ni Dylan ang kaniyang mga nais pang sabihin.Hindi nagbabago ang anyo nito at tila talagang buo na ang loob sa kaniyang desisyon."Bilang kapalit ng pagpayag mo ay babayaran kita."Napalunok siya sa narinig. Naisip niya ang kapatid na nangangailangan ng pampagamot at iyon talaga ang sadya niya kaya siya nagpunta sa bahay ng mga ito."Basta pumayag ka lang ay ibibigay ko kahit pa magkano ang hingin mo," dagdag pa niya nang makitang tila nagdadalawang isip ito."Sige pumapayag ako," sagot nito.Pilit niyang itinatago ang sarkasmo sa kaniyang ngiti pero para sa kaniya ay napakababa ng babaeng handang magpakasal para lang sa pera.Pero maigi na rin 'yon, hindi siya mahihirapan na alisin ito sa buhay niya pagdating ng tamang panahon."Okay, aayusin ko na ang mga kailangan. Bukas ay magkita tayo sa munisipyo, mag
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-09-30
Baca selengkapnya
Chapter Five
Halos matumba si Lucille sa ginawa ni Dylan, mabuti na lamang at nakabalanse siya.Nagkataong tapos na suriin ng doktor ang matanda nang makita sila nito."Oh Mr. Saavedra, nandito na pala kayo. Maayos na ang kalagayan ng Lolo mo sa ngayon, pero mahina pa siya at kailangan niya pa rin ng pahinga. Tutukan mo ang kaniyang pagkain, bawal din siyang ma-stressed o malungkot. Dapat ay good mood lang palagi, at higit sa lahat, inumin ng tama sa oras ang mga gamot." Matapos maghabilin ng doktor ay tuluyan na itong umalis. Bahagyang nakaupo ang matanda sa kama at kumaway sa kanila."Oh Dylan, Lucille nandito pala kayo," masayang bati nito sa kanila."Kakakasal niyo lang, dapat ay hindi na kayong nag-abala pa na magpunta rito. Imbes na, nagsasaya kayo ngayon ay narito kayo," saad nito."D-don, Antonio, sorry po" nauutal sa kabang saad ni Lucille."Bakit hindi mo pa rin palitan ang tawag mo sa akin? Saka bakit ka humihingi ng tawad?" Takang tanong ng matanda."K-kasi po--"Napatigil siya sa pa
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-06
Baca selengkapnya
Chapter Six
Sa kuwarto ay nakaupo si Jun-Jun at suot ang isang hospital gown na basang-basa at puro mantya.Hindi lang iyon, dahil maging ang kaniyang buhok at mukha ay basa at napakarumi rin. Sa sobrang dungis niya ay halos hindi na mahitsura ang kaniyang mukha. Ang isang may kabataan pa na babaeng nurse ay sumandok ng isang kutsarang kanin saka marahas na sinubo sa kaniyang bibig. "Kumain ka! Bilisan mo! Napaka inutil mo! Maski pagbukas ng bibig para kumain ay hindi mo magawa! Daig ka pa ng aso at baboy! Arayyyy!"Bigla na lamang may sumabunot ng buong pwersa sa kaniyang buhok galing sa kaniyang likuran kaya napasigaw siya sa sakit. "Sino ka ba? Bitawan mo nga ako! Inay!"Pulang-pula ang mata ni Lucille sa galit at talagang handa siyang makapatay sa sobrang tindi ng kaniyang nararamdaman. "Inay? Kaninong anak ka ha? Sinong nanay mong hayop ka?! Minamaltrato at sinasaktan mo ang isang batang walang kalaban-laban? Buhay pa ang pamilya niya!" Habang nagsasalita si Lucille ay hindi man lang lu
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-13
Baca selengkapnya
Chapter Seven
Sa lakas ng kutob ni Lucille ay bumalik siya. Sa pinto ng bahay nila ay naroon na si Jenny, lumabas na nakabihis ng magara at naka-make up. Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumaba si Dylan na may dalang pumpon ng mga pulang rosas, saka maginoo niya itong inabot kay Jenny. Mga pulang rosa na sumisimbolo ng pag-ibig. "Ang ganda," masayang anas ni Jenny nang abutin ang mga bulaklak. Inamoy-amoy niyapa ito saka ngumiti siya at humawak sa bisig ni Dylan.Pinagbuksan ni Dylan ng pinto si Jenny at marahang inalalayan pasakay sa sasakyan at bago tuluyan ng umalis. Nang dumaan ang sasakyan ay muli nang tumalikod si Lucille. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Ibig sabihin ay si Dylan pala ang tinutukoy ni Jenny na importanteng date at ang tinutukoy pala ni Dylan na pakakasalan niya sana ay si Jenny. Nagsasabi pala siya ng totoo at nobya niya pala si Jenny. Kung may nobyo si Jenny na katulad ni Dylan ay walang kahirap-hirap na maaabot nila ang kanilang mga pangarap at lalo siyang aal
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-20
Baca selengkapnya
Chapter Eight
Buong maghapon nanatili sa bahay ng kaniyang kaibigan si Lucille at pagsapit ng gabi ay nag-umpisa siyang gumayak papunta sa kaniyang trabaho. Simula nang siya ay tumungtong sa edad na labing walo ay tinigilan na ni Martha ang pagsuporta sa kaniyang mga kailangan. Tanging sa scholarship at part time work niya itinaguyod ang kaniyang sarili at pag aaral. Ang ibinigay naman na card ni Dylan ay ginamit niya lamang pangbayad sa hospital kung saan naroon ang kaniyang kapatid. Bukod doon ay wala na siyang balak na gamitin iyon sa iba pang bagay. Si Lucille ay nagtatrabaho sa isang sikat na bar sa Maynila. Isa itong high end bar na dinarayo ng mga mayayamang parokyano. Artista, negosyante, politiko name it. Isa siyang massage acupuncturist doon. Isa itong tradisyonal na paraan ng mga Chinese na gumagamit ng mga maninipis na karayom para itusok sa iba't-ibang bahagi ng iyong katawan na makakatulong sa iyong kalusugan sa maraming paraan. Dahil nag-aaral siya ng medisina ay kumuha siya ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-23
Baca selengkapnya
Chapter Nine
"Tumabi ka diyan Jerome."Pinaalis ni Dylan si Jerome sa kaniyang harapan. Kalmado na siya at bumalik na sa dating aura niya, arogante at makapangyarihan. "Anong problema mo?" Malamig na tanong nito kay Lucille. "Inutusan mo ba silang tanggalin ako?" "Oo." Matiim siyang tinitigan ni Dylan at saka bumaling kay Jerome. "Sinagot ko na ang tanong niya, tara na!""Opo Kuya!" "Sandali!"Tumakbo si Lucille at humarang sa dadaanan ni Dylan."Alam kong mali ako," nagpapakumbabang saad ni Lucille. Alam naman talaga niyang mali siya sa pag gamit ng kanilang kasal upang magantihan ang pamilya ng kaniyang ama. Nakalimutang niyang hindi basta-bastang tao si Dylan na ginagamit niya. Hindi siya nag isip at masyado siyang naiging kampante. "Nagmamakaawa ako sa'yo. Huwag mo silang hayaan na tanggalin ako, importante ang trabahong ito para sa'kin." Nasa huling taon na siya ng kursong medisina at kasalukuyang nasa internship. Hindi binabayaran ang mga intern na katulad niya kaya sa trabahong ito
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-25
Baca selengkapnya
Chapter Ten
Ngayong wala nang trabaho ay kailangan ni Lucille na maghigpit ng sinturon at humanap ng panibagong mapapasukan sa lalong madaling panahon. Subalit katulad ng inaasahan ay masyado siyang abala bilang intern at kakaunti lang ang kaniyang libreng oras kaya naman ay nahihirapan siyang humanap ng trabaho. Sa buong isang linggo ay sinubukan niyang humanap ng mapapasukan sa tuwing siya ay may bakanteng oras ngunit bigo siya. Tuwing makakaramdam ng gutom ay bumibili lang siya ng tinapay pantawid sa kumakalam na sikmura. Malaki na rin ang ipinayat niya dahil sa madalas ay nalilipasan siya ng gutom. Ngayong araw ay kalalabas niya lang galing sa pang gabing duty at muli siyang nagbabalak na humanap ng maaari niyang mapasukan. "Lucille, pinapatawag ka ni Ma'am Gomez," saad ng kaniyang kapwa intern na si Melissa. "Alam mo ba kung bakit?" Kinakabahang tanong ni Lucille. "Hindi eh, sige na may mga kukuhanan pa ako ng dugo. Pumunta ka na lang agad," nagmamadaling paalam nito. Napabuntong hini
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-10-28
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status