Home / Romance / Taming The Good Boy / CHAPTER 3: Wild Baby

Share

CHAPTER 3: Wild Baby

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-04-24 06:59:02

Kinabukasan, parang binabawi ni Elian ang lahat ng tulog na nawala sa kanya kagabi. Oras na para pumasok sa trabaho pero ang bigat pa ng pakiramdam niya. Hindi dahil pagod, kundi dahil sa sobrang daming nangyari sa isip at katawan niya.

Pagbaba niya ng condo ni Zara, inihatid siya nito hanggang pinto. Hinalikan pa siya nito sa pisngi sabay bulong, “Ingat ka, Good Boy. Miss na kita agad.”

At ngayon, habang nagmamaneho papunta sa opisina, paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga nangyari. Si Zara. Ang wild. Ang init. Ang tapang.

“Grabe… babae talaga ‘yun,” bulong niya sa sarili habang nakahawak sa manibela. Namumula pa rin siya kahit nagiisa lang sa loob ng kotse.

Maya-maya, nag-ring ang phone niya. Unknown number, pero alam na niya kung sino ‘yan.

“Yes?” sagot niya.

“Hello? My Good Boy,” boses ni Zara, malandi at nakakakilabot ang ganda. “Nasaan ka na? Nasa work ka na?”

“Papunta pa lang, Zara. Bakit?”

“Wala lang. Miss na kita kasi. Sige na, work well. Basta ha, bawal tumingin sa ibang babae ha. Pag nalaman ko… lagot ka,” banta niya pero tumatawa.

“Opo. Wala naman akong tinitignan kundi ikaw,” sagot ni Elian, medyo nahihiya pa ring magsalita ng sweet.

“Aww. Cute. See you later!”

Pagkababa ng call, napangiti na lang si Elian. Simula nung nakilala niya si Zara, parang nag-iba ang mundo niya. Mula sa pagiging boring at predictable ng buhay niya, bigla itong napuno ng kulay at gulo… pero masarap na gulo.

LUNCH BREAK

Nag-aya manang kumain sa labas ang mga katrabaho ni Elian. Usually, sa canteen lang siya kumakain o kaya nagba-brown bag, pero ngayon sumama siya. Baka sakali makahinga siya kahit saglit sa isipin kay Zara.

Nasa isang sikat na restaurant sila malapit sa building. Tahimik lang kumakain si Elian, nakikinig sa kwentuhan ng mga officemates. Biglang tumahimik ang lahat.

Nagtataka si Elian. “Bakit kayo tumahimik?”

Turo ng isa niyang katrabaho sa pinto. “Bro… tingin ka sa may pinto.”

Dahan-dahang lumingon si Elian. At doon, muntik na siyang mabilaukan.

Pumasok si Zara.

Pero hindi yung Zara na nakasuot ng revealing clothes kagabi. This time, naka-office attire siya pero… iba ang dating. Fitted blouse na medyo low cut, pencil skirt na sobrang ikli na halos kita na ang hita, at naka-stilettos na matataas. Lakad niya, parang model sa runway. Lahat ng lalaki sa restaurant napalingon.

“Who is that? Ang ganda naman!” bulong ng katabi ni Elian. “Bro, parang nakatingin sa’yo oh?”

Tumayo si Zara at diretsong lumapit sa table nila. Walang hiya-hiya, walang takot.

“Hi, Baby!” bati ni Zara nang malakas. Baby? Sa harap pa ng lahat!

Namula ang mukha ni Elian hanggang tenga. “Z-Zara? Anong ginagawa mo dito?”

Ngumisi si Zara, tapos bigla na lang yumuko at hinalikan si Elian sa labi. Isang mabilis pero matamis na halik. Harap ng mga katrabaho niya! Harap ng ibang customers!

“Binisita kita eh. Gutom na ako, pinakain mo ‘ko,” sabi niya na parang wala lang. Umupo siya sa tabi ni Elian, sobrang lapit, tapos inakbayan pa niya ito.

Natahimik ang buong table. Gulat na gulat ang mga kasama ni Elian. They never knew Elian had a girlfriend, lalo na at ganito ka-sexy at ka-bold ang babae.

“Ah eh… Zara, ito mga kasama ko sa work,” pakilala ni Elian, nanginginig pa ang boses.

“Hi guys! Ako si Zara, girlfriend ng good boy na ‘to,” pakilala niya sabay pisil sa pisngi ni Elian. “Sorry ha, ninakaw ko muna siya saglit. Diba okay lang?”

Syempre tumango na lang lahat, namamangha.

“Bro, sige na kayo na muna. Kami na bahala dito,” sabi ng friend niya na may halong pang-aasar.

Tumayo sila at iniwan silang dalawa. Nung wala na sila, humarap si Zara kay Elian.

“Kilig ka noh? Naipagmalaki kita,” biro ni Zara.

“Zara naman eh! Bakit ka kasi naghalik dito? Public place oh! Baka may makakita,” reklamo ni Elian pero hindi naman galit, kinakabahan lang talaga.

“So? May bawal ba humalik? Saka… gusto ko lang ipaalam sa lahat na akin ka na,” sagot ni Zara sabay ilapit ang mukha. “Saka… gusto ko lang makita kung gaano ka ka-cute kapag namumula ka.”

Umorder sila ng pagkain. Habang naghihintay, hindi mapakali si Elian. Si Zara kasi, ang lakas makahawak. Yung kamay niya, nasa ilalim ng table, nakapatong sa hita ni Elian. At unti-unti, umaakyat pataas.

“Zara… oh my god. Tigilan mo nga ako,” bulong ni Elian, tinatabig yung kamay niya pero hinawakan ulit ni Zara.

“Bakit? Nasa ilalim naman eh. Walang nakakakita,” pang-aasar niya. Kinukurot-kurot niya yung hita ni Elian, tapos minsan ay dinadampian ng palad yung private part nito dahilan para mapapitlag siya.

“Please… gutom pa ako. Baka hindi ako makakain niyan,” nahihiyang sabi ni Elian.

“Edi kumain ka. Wag mo pansinin kamay ko,” sagot ni Zara na parang ang dali-dali lang.

Dumating yung order. Spaghetti at steak. Habang kumakain si Elian, halos hindi siya makahinga ng maayos. Kasi yung kaliwang kamay ni Zara, nasa plato niya kumakain, pero yung kanang kamay… nasa kandungan niya, naglalakbay.

“Open your mouth,” utos ni Zara. May sinusubo siyang steak kay Elian.

Kumain si Elian. “Masarap?” tanong ni Zara.

“O-Oo.”

“Good. Kasi may mas masarap pa dyan mamaya,” bulong niya sabay kindat.

Biglang tumayo si Zara. “Cr lang ako, Baby. Wait mo ko ha.”

Nung umalis si Zara, napahilot na lang ng sentido si Elian. “Lord, bigyan niyo po ako ng lakas ng loob. Babae talaga ‘to…”

AFTER LUNCH

Umuwi na sana sila sa office. Nasa parking lot na sila. Sasakay na sana si Elian sa kotse niya nang hilahin siya ni Zara pabalik.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Zara.

“Sa work? May meeting pa ako eh.”

Tinulak ni Zara si Elian hanggang sa mapasandal siya sa kotse niya. Pinagitna siya ni Zara ng dalawang kamay, nakadikit ang katawan nito sa kanya.

“Sandali lang. Wala pa tayong goodbye kiss,” sabi ni Zara.

“Zara, nasa parking lot tayo! Pwede may dumaan!”

“Edi hayaan nila dumaan. Gusto ko humalik,” matigas na sabi ni Zara.

At hinalikan nga niya ito. Hindi lang basta peck, kundi mainit, mabigat, at mahabang halik. Niyakap ni Zara ang leeg ni Elian, idinidikit ang buong katawan. Si Elian, wala nang nagawa kundi tanggapin na lang. Nanginginig pa siya sa kaba kasi baka may makakita, pero sa loob-loob niya… gusto niya rin pala.

Habang hinahalikan siya ni Zara, naramdaman niya yung kamay nito na bumababa sa likod, tapos hinawakan yung pwetan niya. Suminghal si Elian.

“Zara… sobrang wild mo talaga,” bulong niya nung humiwalay saglit si Zara.

“Syempre. Ako pa ba?” ngisi niya. Tapos bigla siyang bumulong sa tenga niya. “Alam mo Elian… kanina habang kumakain tayo, ang sarap-sarap sana mong sakyan dito mismo sa hood ng kotse mo.”

Namiligan ang mata ni Elian. “Ha? Dito? Sa labas?”

“Oo. Delikado diba? Exciting,” tumawa si Zara. “Pero wag muna ngayon. Baka ma-late ka pa. Sige na, pasok ka na.”

Tinapik niya yung pisngi ni Elian. “Ingat ka ha. Wag kang magbabago. I love you, Good Boy.”

Pumasok na si Zara sa sarili niyang sasakyan, iniwan si Elian na nakatulala pa rin sa gitna ng parking lot, hawak ang dibdib niya na sobrang bilis ng tibok.

THE OFFICE INCIDENT

Akala ni Elian tapos na ang kalokohan. Pero mali siya. Zara ‘yan. Walang pahinga.

Bandang hapon, may biglang dumating na delivery sa office. Isang malaking bouquet of flowers at chocolates.

“Sir Elian, para sa’yo,” tawag ng secretary.

Kinuha niya. May card. Binasa niya:

“Hi Baby! Miss na miss na kita agad. Wag ka masyadong mag-work ha, baka mapagod yan… kasi kailangan ko yan mamaya. Hihintayin kita sa condo. Wear something sexy… or better yet, wear nothing. See you soon. – Your Wild Girlfriend Zara xx”

Namula si Elian. Muntik na niyang mahulog yung card. Buti na lang binasa niya nang palihim.

Tapos, nag-video call si Zara.

“Hello? Baby!” boses ni Zara, nasa opisina rin daw siya pero naka-lean sa swivel chair, medyo nakabukas yung butones ng blouse niya.

“Zara naman oh! Bakit ka tumatawag? Baka makita ng boss ko!” panic ni Elian.

“Edi itago mo phone mo sa ilalim ng table. Dali, ilipat mo camera mo sa baba,” utos ni Zara.

“Bakit?”

“Gusto ko makita legs mo. Ang hot kasi ng suot mong pants ngayon,” sagot ni Zara na walang kahiya-hiya.

“Zara!!! Grabe ka!” sigaw ni Elian nang pabulong. Pero ginawa niya rin. Itinago niya phone sa ilalim ng desk, itinuro yung camera sa legs niya.

“Wow. Ang sexy naman niyan. Gusto ko yakapin yan,” dilaan ni Zara sa screen. “Elian… hawakan mo legs mo. Gawin mo na ako hawak.”

“Zara please… hindi ko kaya,” naiilang na sabi ni Elian, pero unti-unti ay nilagay niya kamay niya sa hita niya habang nakatingin sa screen kung saan nakangisi si Zara.

“Ganun ba? Sige, ako na gagawa ng paraan. Mamaya pagdating mo sa akin… hindi kita patutulugin. Ipaparanas ko sa’yo yung pinaka-wild na gabi ng buhay mo. Sa sala, sa kusina, sa banyo… kahit saan.”

Nanginginig si Elian. “Bakit ba ganyan ka ka-greedy?”

“Kasi ikaw lang ang gusto ko. At kapag gusto ko… kinukuha ko. Lahat-lahat,” seryosong sabi ni Zara, pero may halong lambing. “I love you, Elian. You make me so wild.”

Putol ang call. Naiwan si Elian, pawis na pawis kahit naka-aircon ang opisina.

Tumingin siya sa computer, pero wala siyang maintindihan. Ang nasa isip lang niya… si Zara. Yung wild na babae na akala ng iba masama, pero sa kanya… siya lang ang nagpaparamdam sa kanya na buhay na buhay siya.

“Lord… paano ko kaya ‘to tatapusin ang shift ko?” tanong niya sa sarili sabay hawak sa mainit na mukha.

Alam niya, pagdating ng gabi, hindi na siya makakatakas. Hihintayin siya ni Zara. At handa na si Elian… handa na siyang pakawalan at pairalin ang kabaliwan kasama ang babaeng nagpatulo sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming The Good Boy   Epilogue

    Para sa isang auditor na tulad ni Elian, ang mundo ay umiikot sa isang napakasimpleng patakaran: lahat ng bagay ay dapat balanse.Sanay siya sa mga numero. Sanay siyang maghanap ng butas, ng mga discrepancies, at ng mga pagkakamali sa bawat ledger na dumadaan sa kanyang mesa. Sa loob ng maraming taon, iyon ang naging buhay niya, isang malamig, kalkulado, at walang-kulay na mundo kung saan ang tama ay tama, at ang mali ay kailangang itama. Kinatatakutan siya sa korporasyon dahil wala siyang sinasanto. Isa siyang makinang walang emosyon. Isang tahimik at masunuring "Good Boy" na nakakulong sa sarili niyang kahon.Ngunit habang nakatayo si Elian ngayon sa malawak na balkonahe ng kanilang penthouse, hawak ang isang baso ng whiskey na hindi niya naman iniinom, napagtanto niyang ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya ay ang nag-iisang pagkakamaling hindi niya kailanman ginustong itama.Isang taon na ang lumipas simula nang isilang si Zion.Huminga nang malalim si Elian at pinag

  • Taming The Good Boy   Chapter 44

    Dalawang araw na ang lumipas mula nang isilang ni Zara ang kanilang panganay na anak.Dahan-dahang iminulat ni Zara ang kanyang mga mapupungay na mata. Unang bumungad sa kanya ang puting kisame ng malawak at pribadong VIP suite ng ospital. Amoy pamilyar na antiseptic ang paligid, ngunit nahahaluan ito ng banayad na amoy ng lavender humidifier na sinadya pang ipagdala ni Elian mula sa penthouse nila para lang maging komportable siya.Naramdaman ni Zara ang matinding ngawit at sakit sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Bawat paggalaw ng kanyang binti ay may kasamang kirot, isang paalala ng matinding laban na pinagdaanan niya sa delivery room. Ngunit sa kabila ng pisikal na hirap, ang kanyang puso ay nag-uumapaw sa isang uri ng kapayapaan na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya.Tumingin siya sa kanyang gilid. Wala si Elian sa mahabang sofa na nagsilbing higaan nito nitong mga nakaraang gabi.Inilibot ni Zara ang kanyang paningin at natagpuan ang asawa niya sa kabilang sulok

  • Taming The Good Boy   Chapter 43

    Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng SUV habang mabilis na binabagtas ni Elian ang kahabaan ng kalsada patungo sa ospital.Nakasandal si Zara sa passenger seat, mahigpit na nakakapit sa handle ng pinto sa itaas ng bintana. Bawat paghinga niya ay mabigat, putol-putol, at may kasamang mahinang pagdaing. Ang mga ilaw ng mga poste sa labas ay nagmimistulang malalabong linya na lamang sa paningin niya dahil sa patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha.Ang sakit. Sobrang sakit.Para itong matinding pilipit sa kanyang ibabang likod na gumagapang papunta sa kanyang puson, na tila hinihiwa siya mula sa loob. Sanay si Zara sa pisikal na pasakit. Ilang beses na siyang nakipag-away noon, nasugatan, at nagalusan sa madilim niyang nakaraan. Ngunit ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay nasa ibang level, isang pwersang hindi niya makontrol, isang alon na pilit siyang nilulunod.Nang maramdaman niya ang panibagong paghigpit ng kanyang tiyan, hindi na niya napigilan ang sarili. Isan

  • Taming The Good Boy   Chapter 42

    Siyam na buwan na ang matuling lumipas at kabuwanan na niya.Nakatayo si Zara sa gitna ng kanilang walk-in closet, nakatitig sa sariling repleksyon sa malaking salamin. Nakasuot siya ng isang maluwag at kulay peach na maternity dress, ngunit kahit anong luwag ng tela, hindi na nito maitago ang napakalaking umbok ng kanyang tiyan. Tila anumang oras ay sasabog na ito. Pakiramdam ni Zara ay isa siyang ticking time bomb na hindi alam kung kailan eksaktong puputok.Napabuntong-hininga siya nang subukan niyang yumuko para isuot ang kanyang paboritong flat shoes. Hindi niya maabot. Sumasabit ang kanyang malaking tiyan, at ang simpleng pagyuko ay nagbibigay ng matinding ngawit sa kanyang ibabang likod.Napasimangot si Zara. Magsasalita na sana siya upang tawagin ang asawa nang biglang bumukas ang pinto ng closet.Pumasok si Elian. Nakasuot ito ng simpleng itim na t-shirt at gray sweatpants. Ang buhok nito ay medyo magulo pa dahil kararating lang nito mula sa pag-aayos ng mga huling detalye sa

  • Taming The Good Boy   Chapter 41

    Walong buwan na ang lumipas at nakasandal si Zara sa paborito niyang pwesto sa malambot na sofa, nakapatong ang manas na mga paa sa ibabaw ng coffee table. Nanunuod siya ng isang random na cooking show sa TV, ngunit ang buong atensyon niya ay nasa pag-ikot ng kanyang anak sa loob ng kanyang sinapupunan. Sa sobrang laki ng tiyan niya ngayon, literal na nakikita ni Zara ang pag-alon ng kanyang balat sa tuwing sisipa o gagalaw ang maliit na Good Boy nila.Hapon na, at tulad ng nakagawian, naka-work-from-home si Elian. Nakaupo ang asawa niya sa dining table na ginawa nitong makeshift office, seryosong nakikipag-usap sa mga board of directors sa pamamagitan ng Zoom call. Nakasuot ito ng pormal na puting polo at necktie, ngunit naka-boxer shorts lamang sa ibaba dahil hindi naman nakikita sa camera.Napangiti si Zara habang pinagmamasdan ang asawa. Ang boses nito ay matigas, punong-puno ng awtoridad, at nagbibigay ng mga direktiba tungkol sa budget cuts. Sa paningin ng ibang tao, isa itong n

  • Taming The Good Boy   Chapter 40

    Alas-singko pa lang ng madaling araw, ngunit dilat na dilat na ang mga mata ni Zara. Sa kabila ng matinding bigat ng kanyang tiyan na tila may nakadagan na pakwan sa kanyang puson dahil walong buwan na ang tiyan niya ay nakaramdam siya ng isang kakaiba at umaapaw na enerhiya. Ayon sa nabasa niya sa mga pregnancy books, ito ang tinatawag na nesting phase, ang matinding urge ng isang buntis na maglinis at mag-ayos ng bahay bilang paghahanda sa pagdating ng sanggol.Dahan-dahan niyang inalis ang mabigat na braso ni Elian na nakapulupot sa kanyang baywang. Payapang natutulog ang asawa niya, ang dibdib ay tahimik na tumataas-baba. Nakadapa ito, nakabaon ang mukha sa unan, halatang pagod mula sa maghapong pag-a-audit ng mga kumpanya kahapon.Maingat na bumangon si Zara, pilit na iniiwasang tumunog ang kutson. Nakasuot lang siya ng isang maluwag na cotton pantulog. Naglakad siya palabas ng master bedroom at dumiretso sa nursery ng kanilang anak.Pagbukas niya ng pinto ng nursery, bumungad sa

  • Taming The Good Boy   CHAPTER 2: TAMING THE GOOD BOY

    Mabilis ang takbo ng motor pero mas mabilis ang tibok ng puso ni Elian. Nasa likod niya si Zara, mahigpit ang yakap sa bewang niya. Ramdam niya ang bawat kurba ng katawan nito na dumidikit sa likod niya. Basang-basa na sila ng ulan, pero parang naiinitan pa lalo si Elian.“Ang bagal mo naman, Good

  • Taming The Good Boy   Chapter 1: WHEN THE STORM MEETS THE CALM

    THIRD PERSON POVThe music was blasting so hard na halos gumalaw yung sahig ng bar. Lasers lights everywhere, people dancing, shouting, living their best lives. But amidst all that chaos, there was one person who looked like he didn’t belong.Elian was sitting on the corner booth, holding a glass o

  • Taming The Good Boy   CHAPTER 4: NO RULES, JUST PLEASURE

    Paglabas ni Elian ng opisina, parang takot na takot siya pero excited na excited. Alam niya kung ano ang naghihintay sa kanya. Zara. Yung babaeng unti-unti nang binabago ang pagkatao niya.Pagdating niya sa condo unit ni Zara, hindi man lang siya kinailangang kumatok. Nakaawang lang yung pinto, may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status