Home / Romance / Taming The Good Boy / CHAPTER 4: NO RULES, JUST PLEASURE

Share

CHAPTER 4: NO RULES, JUST PLEASURE

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-04-24 07:00:20

Paglabas ni Elian ng opisina, parang may kung anong kakaibang kaba at excitement na nag-uunahan sa dibdib niya. Tiniklop niya ang kanyang laptop at inayos ang mga papeles sa desk nang may ngiti sa mga labi. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang magsimula siyang magbago, mula sa pagiging isang tahimik at sunud-sunuran na empleyado hanggang sa maging isang lalaking may tiwala sa sarili. At alam niya kung sino ang dahilan ng lahat ng ito.

Zara.

Ang babaeng pumasok sa buhay niya na parang isang ipo-ipo—mabilis, magulo, pero sa huli, binago ang buong mundo niya. Unti-unti nitong binasag ang pader ng kaba at hiya na matagal niyang itinayo.

Habang nasa loob siya ng elevator pababa ng building, hindi niya maiwasang mapangiti nang maalala ang text message ni Zara kaninang hapon. “Come over after work. Don’t make me wait, Good Boy.” Simpleng mensahe, pero sapat na para pabilisin ang tibok ng puso niya.

Naging maayos ang byahe niya papunta sa high-end condominium ni Zara. Kilala na siya ng mga guards kaya hindi na siya nahirapang pumasok. Pagdating niya sa floor ng unit nito, huminga muna siya nang malalim bago humakbang papalapit sa p***o. Sanay na siyang pumunta rito, pero palaging may dalang sorpresa ang dalaga.

Hindi man lang niya kinailangang kumatok o gumamit ng keycard. Nakaawang lang ang p***o, isang senyales na inaasahan talaga ang pagdating niya. Ngunit bago pa man niya tuluyang itulak ang p***o, may napansin siyang isang maliit na yellow sticky note na nakadikit sa mismong doorknob.

“Pasok ka lang, Baby. Dumeretso ka sa balcony. May surprise ako sayo.”

Nanlaki ang mga mata ni Elian. Nasanay na siya sa mga biglaang trip ni Zara, pero palagi pa rin siyang kinakabahan sa kung ano ang tumatakbo sa isip nito. “Hala… ano na naman kayang naisip nito?” bulong niya sa sarili habang maingat na itinutulak ang p***o.

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Tahimik ang buong bahay, pero ramdam niya ang kakaibang init at tension sa hangin. Madilim ang living room, tangi ang mga ilaw mula sa labas ng bintana ang nagbibigay ng liwanag. Kasabay ng pagpasok niya ay ang paglanghap niya sa pamilyar at nakaka-relax na amoy ng mamahaling lavender candles na paborito ni Zara, na ngayon ay may kahalong masarap na amoy ng nilulutong pagkain—truffle pasta, ang paborito niya. May mahina ring tumutugtog na jazz music mula sa speaker sa sala, nagbibigay ng romantic at seryosong atmosphere.

“Zara?” tawag niya nang mahina, ibinababa ang kanyang bag sa sofa.

Walang sumagot, pero may narinig siyang mahinang tawa mula sa gawi ng balcony. Ang tawang iyon, yung tawang laging nagpaparupok sa kanya.

Dahan-dahang naglakad si Elian papunta sa glass door ng balcony. Kinakabahan siya sa bawat hakbang, hindi alam kung anong klaseng 'surprise' ang naghihintay sa kanya. Pagkahawi niya ng makapal na kurtina, doon niya nakita ang eksenang hindi niya inasahan, isang eksenang nakapagpatigil sa paghinga niya at unti-unting nagporma ng malaking ngiti sa kanyang mga labi.

Wala na ang malamig na aura ng siyudad o ang typical na modern minimalist setup ng balcony ni Zara. Sa halip, punong-puno ang buong paligid ng maiilaw na warm fairy lights na nakasabit sa mga halaman at rehas. May makakapal na kumot at malalambot na throw pillows na nakalatag sa mismong lapag, ginawang isang cozy at intimate picnic spot ang balcony. Sa gitna, may maliit na wooden low table kung saan nakahanda ang paborito nilang pasta, ilang hiwa ng steak, at dalawang baso ng red wine na kumikinang sa ilalim ng mga ilaw.

At sa dulo ng setup na iyon, nakaupo si Zara.

Hindi siya nakasuot ng mga designer clothes niya o ng mga sexy at mapang-akit na damit na madalas nitong gamitin para asarin siya. Nakasuot lang ito ng isang oversized na white t-shirt—na pamilyar kay Elian dahil damit niya iyon na naiwan niya noong nakaraang linggo—at simpleng pajama shorts. Nakalatag ang mahaba at kulot na buhok niya sa kanyang mga balikat, walang makeup, pero para kay Elian, ito ang pinakamagandang bersyon ni Zara. Nakatingin ang dalaga sa kanya, may mapang-asar pero malambing na ngisi.

“Finally… nandito ka na,” bati ni Zara. Ang boses niya ay malambing, sinasabayan ang pino at nakakarelaks na tugtog ng jazz mula sa loob ng condo. “Halika dito. Wag ka mahiya. Kanina pa lumalamig yung pasta, kakahintay sa VIP ko.”

Nangingiti pero kinakabahan pa ring lumapit si Elian. Tinanggal niya ang kanyang sapatos bago tuluyang tumapak sa malambot na kumot. “Z-Zara… anong meron? Ang ganda naman ng setup mo. Nag-abala ka pa talaga pagkatapos mo sa trabaho.”

Umupo si Zara nang maayos at tinapik ang malaking unan sa tabi niya. “Gusto lang kitang masolo, masama ba? Masyado tayong busy nitong mga nakaraang araw sa opisina, puro na lang tayo meetings at deadlines. Ngayon, gusto ko lang na tayo lang muna. Dito ka sa tabi ko.”

Agad namang sumunod si Elian at naupo sa tabi ng dalaga. Hindi pa man siya nakakaayos ng upo, agad nang sumandal si Zara sa balikat niya at ipinulupot ang braso nito sa braso ni Elian. Ramdam ni Elian ang init at lambot ng dalaga. Halos sumabog ang dibdib niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso. Kahit gaano pa sila katagal nang magkasama, hindi pa rin nawawala ang epekto ni Zara sa kanya.

“Akala ko ba kakain tayo?” natatawang tanong ni Elian habang tinitingnan ang pagkain sa mesa.

“Kakain tayo, pero gusto muna kitang yakapin,” bulong ni Zara, isiniksik pa lalo ang mukha sa leeg ni Elian. “Amoy opisina ka pa rin, pero ang bango mo pa rin.”

Napangiti si Elian at dahan-dahang inakbayan ang dalaga. Nagsimula silang kumain habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw nila. Ikinuwento ni Elian kung paano niya nai-present nang maayos ang report niya kanina—isang bagay na hindi niya kayang gawin dati dahil sa sobrang hiya, pero nagawa niya ngayon dahil sa mga payo ni Zara. Si Zara naman ay nakikinig lang, may manipis na ngiti habang tinitingnan ang lalaking nasa tabi niya, halatang proud na proud sa narating nito.

Matapos kumain, nagsalin si Zara ng wine sa kanilang mga baso. Sumandal sila pareho sa pader, nakatingin sa magandang skyline ng siyudad habang umiinom. Ang mga ilaw ng mga gusali ay parang mga bituin sa ibaba, sumasabay sa mga fairy lights na nakapaligid sa kanila.

“Alam mo, Elian,” panimula ni Zara, ang boses niya ay bumaba at naging mas seryoso. Dahan-dahan niyang inikot ang wine glass sa kamay niya habang nakatingala sa kalangitan. “Simula nung nakilala kita, lagi kang sumusunod. Lagi kang sunud-sunuran sa mga gusto ko, sa mga trip ko, kahit minsan alam kong naiilang ka. Lagi akong nagle-lead sa ating dalawa.”

Napatingin si Elian sa kanya, pilit binabasa ang emosyon sa mga mata ng dalaga. “Anong ibig mong sabihin? Okay lang naman sakin yun ah. Masaya ako kapag masaya ka.”

Umayos ng upo si Zara at hinarap siya. Ibinaba nito ang baso ng wine sa mesa. Kinuha nito ang dalawang kamay ni Elian at hinawakan nang mahigpit. “Hindi yun ang point ko, Good Boy. Oo, sanay akong ako ang boss. Sanay akong ako ang nagdidikta kung anong gagawin natin. Pero ngayong gabi… gusto kong ikaw naman ang masunod.”

Kumunot ang noo ni Elian. “Ako? Bakit?”

“Kasi gusto kong makita kung hanggang saan na ang tapang mo,” nakangiting sagot ni Zara, pero may lambing sa kanyang mga mata. “Lagi akong nag-ta-take charge. Ngayon, gusto kong ikaw ang magdala. Ano bang gusto mong gawin natin? Ano bang gusto mong sabihin sakin na matagal mo nang tinatago diyan sa utak mo? Ikaw ang masusunod ngayon, Elian. Subukan mong kontrolin ang sitwasyon.”

Umiling si Elian, biglang nakaramdam ng pag-init sa kanyang mga pisngi. Sanay siyang nagpapadala lang sa agos ng enerhiya ni Zara. “Hindi ko kaya. Ikaw ang mas matapang sa ating dalawa. Baka mabigo lang kita.”

Tumawa si Zara nang mahina, isang tunog na parang musika sa pandinig ni Elian. Binitawan nito ang isang kamay ni Elian para haplusin ang pisngi ng binata. “Sus. Subukan lang. Good boy ka nga, pero alam kong may ibubuga ka rin. Nakita ko kung paano ka mag-present kanina sa boardroom. Kung kaya mong harapin ang mga board of directors, kaya mo rin akong harapin. Wag kang matakot sakin, Elian.”

Huminga nang malalim si Elian. Tiningnan niya ang mga mata ni Zara na punong-puno ng tiwala, pagmamahal, at konting hamon. Totoo ang sinabi nito—lagi siyang nagpapadala sa agos ni Zara. Ito ang comfort zone niya. Pero sa pagkakataong ito, naramdaman niyang gusto niyang patunayan na hindi lang siya basta sunud-sunuran. Gusto niyang patunayan na kaya niyang pantayan ang tapang ng babaeng nasa harap niya, na kaya niyang maging kapareha nito sa lahat ng bagay.

Dahan-dahang inalis ni Elian ang mga kamay niya sa pagkakahawak ni Zara. Nakita niya ang bahagyang pagkabigla sa mga mata ng dalaga, marahil inakala nitong aatras siya. Pero sa halip, itinaas ni Elian ang kanyang mga kamay at siya naman ang humawak sa magkabilang pisngi ni Zara.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming The Good Boy   Epilogue

    Para sa isang auditor na tulad ni Elian, ang mundo ay umiikot sa isang napakasimpleng patakaran: lahat ng bagay ay dapat balanse.Sanay siya sa mga numero. Sanay siyang maghanap ng butas, ng mga discrepancies, at ng mga pagkakamali sa bawat ledger na dumadaan sa kanyang mesa. Sa loob ng maraming taon, iyon ang naging buhay niya, isang malamig, kalkulado, at walang-kulay na mundo kung saan ang tama ay tama, at ang mali ay kailangang itama. Kinatatakutan siya sa korporasyon dahil wala siyang sinasanto. Isa siyang makinang walang emosyon. Isang tahimik at masunuring "Good Boy" na nakakulong sa sarili niyang kahon.Ngunit habang nakatayo si Elian ngayon sa malawak na balkonahe ng kanilang penthouse, hawak ang isang baso ng whiskey na hindi niya naman iniinom, napagtanto niyang ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya ay ang nag-iisang pagkakamaling hindi niya kailanman ginustong itama.Isang taon na ang lumipas simula nang isilang si Zion.Huminga nang malalim si Elian at pinag

  • Taming The Good Boy   Chapter 44

    Dalawang araw na ang lumipas mula nang isilang ni Zara ang kanilang panganay na anak.Dahan-dahang iminulat ni Zara ang kanyang mga mapupungay na mata. Unang bumungad sa kanya ang puting kisame ng malawak at pribadong VIP suite ng ospital. Amoy pamilyar na antiseptic ang paligid, ngunit nahahaluan ito ng banayad na amoy ng lavender humidifier na sinadya pang ipagdala ni Elian mula sa penthouse nila para lang maging komportable siya.Naramdaman ni Zara ang matinding ngawit at sakit sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Bawat paggalaw ng kanyang binti ay may kasamang kirot, isang paalala ng matinding laban na pinagdaanan niya sa delivery room. Ngunit sa kabila ng pisikal na hirap, ang kanyang puso ay nag-uumapaw sa isang uri ng kapayapaan na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya.Tumingin siya sa kanyang gilid. Wala si Elian sa mahabang sofa na nagsilbing higaan nito nitong mga nakaraang gabi.Inilibot ni Zara ang kanyang paningin at natagpuan ang asawa niya sa kabilang sulok

  • Taming The Good Boy   Chapter 43

    Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng SUV habang mabilis na binabagtas ni Elian ang kahabaan ng kalsada patungo sa ospital.Nakasandal si Zara sa passenger seat, mahigpit na nakakapit sa handle ng pinto sa itaas ng bintana. Bawat paghinga niya ay mabigat, putol-putol, at may kasamang mahinang pagdaing. Ang mga ilaw ng mga poste sa labas ay nagmimistulang malalabong linya na lamang sa paningin niya dahil sa patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha.Ang sakit. Sobrang sakit.Para itong matinding pilipit sa kanyang ibabang likod na gumagapang papunta sa kanyang puson, na tila hinihiwa siya mula sa loob. Sanay si Zara sa pisikal na pasakit. Ilang beses na siyang nakipag-away noon, nasugatan, at nagalusan sa madilim niyang nakaraan. Ngunit ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay nasa ibang level, isang pwersang hindi niya makontrol, isang alon na pilit siyang nilulunod.Nang maramdaman niya ang panibagong paghigpit ng kanyang tiyan, hindi na niya napigilan ang sarili. Isan

  • Taming The Good Boy   Chapter 42

    Siyam na buwan na ang matuling lumipas at kabuwanan na niya.Nakatayo si Zara sa gitna ng kanilang walk-in closet, nakatitig sa sariling repleksyon sa malaking salamin. Nakasuot siya ng isang maluwag at kulay peach na maternity dress, ngunit kahit anong luwag ng tela, hindi na nito maitago ang napakalaking umbok ng kanyang tiyan. Tila anumang oras ay sasabog na ito. Pakiramdam ni Zara ay isa siyang ticking time bomb na hindi alam kung kailan eksaktong puputok.Napabuntong-hininga siya nang subukan niyang yumuko para isuot ang kanyang paboritong flat shoes. Hindi niya maabot. Sumasabit ang kanyang malaking tiyan, at ang simpleng pagyuko ay nagbibigay ng matinding ngawit sa kanyang ibabang likod.Napasimangot si Zara. Magsasalita na sana siya upang tawagin ang asawa nang biglang bumukas ang pinto ng closet.Pumasok si Elian. Nakasuot ito ng simpleng itim na t-shirt at gray sweatpants. Ang buhok nito ay medyo magulo pa dahil kararating lang nito mula sa pag-aayos ng mga huling detalye sa

  • Taming The Good Boy   Chapter 41

    Walong buwan na ang lumipas at nakasandal si Zara sa paborito niyang pwesto sa malambot na sofa, nakapatong ang manas na mga paa sa ibabaw ng coffee table. Nanunuod siya ng isang random na cooking show sa TV, ngunit ang buong atensyon niya ay nasa pag-ikot ng kanyang anak sa loob ng kanyang sinapupunan. Sa sobrang laki ng tiyan niya ngayon, literal na nakikita ni Zara ang pag-alon ng kanyang balat sa tuwing sisipa o gagalaw ang maliit na Good Boy nila.Hapon na, at tulad ng nakagawian, naka-work-from-home si Elian. Nakaupo ang asawa niya sa dining table na ginawa nitong makeshift office, seryosong nakikipag-usap sa mga board of directors sa pamamagitan ng Zoom call. Nakasuot ito ng pormal na puting polo at necktie, ngunit naka-boxer shorts lamang sa ibaba dahil hindi naman nakikita sa camera.Napangiti si Zara habang pinagmamasdan ang asawa. Ang boses nito ay matigas, punong-puno ng awtoridad, at nagbibigay ng mga direktiba tungkol sa budget cuts. Sa paningin ng ibang tao, isa itong n

  • Taming The Good Boy   Chapter 40

    Alas-singko pa lang ng madaling araw, ngunit dilat na dilat na ang mga mata ni Zara. Sa kabila ng matinding bigat ng kanyang tiyan na tila may nakadagan na pakwan sa kanyang puson dahil walong buwan na ang tiyan niya ay nakaramdam siya ng isang kakaiba at umaapaw na enerhiya. Ayon sa nabasa niya sa mga pregnancy books, ito ang tinatawag na nesting phase, ang matinding urge ng isang buntis na maglinis at mag-ayos ng bahay bilang paghahanda sa pagdating ng sanggol.Dahan-dahan niyang inalis ang mabigat na braso ni Elian na nakapulupot sa kanyang baywang. Payapang natutulog ang asawa niya, ang dibdib ay tahimik na tumataas-baba. Nakadapa ito, nakabaon ang mukha sa unan, halatang pagod mula sa maghapong pag-a-audit ng mga kumpanya kahapon.Maingat na bumangon si Zara, pilit na iniiwasang tumunog ang kutson. Nakasuot lang siya ng isang maluwag na cotton pantulog. Naglakad siya palabas ng master bedroom at dumiretso sa nursery ng kanilang anak.Pagbukas niya ng pinto ng nursery, bumungad sa

  • Taming The Good Boy   CHAPTER 3: Wild Baby

    Kinabukasan, parang binabawi ni Elian ang lahat ng tulog na nawala sa kanya kagabi. Oras na para pumasok sa trabaho pero ang bigat pa ng pakiramdam niya. Hindi dahil pagod, kundi dahil sa sobrang daming nangyari sa isip at katawan niya.Pagbaba niya ng condo ni Zara, inihatid siya nito hanggang pin

  • Taming The Good Boy   CHAPTER 2: TAMING THE GOOD BOY

    Mabilis ang takbo ng motor pero mas mabilis ang tibok ng puso ni Elian. Nasa likod niya si Zara, mahigpit ang yakap sa bewang niya. Ramdam niya ang bawat kurba ng katawan nito na dumidikit sa likod niya. Basang-basa na sila ng ulan, pero parang naiinitan pa lalo si Elian.“Ang bagal mo naman, Good

  • Taming The Good Boy   Chapter 1: WHEN THE STORM MEETS THE CALM

    THIRD PERSON POVThe music was blasting so hard na halos gumalaw yung sahig ng bar. Lasers lights everywhere, people dancing, shouting, living their best lives. But amidst all that chaos, there was one person who looked like he didn’t belong.Elian was sitting on the corner booth, holding a glass o

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status