Share

Chapter 5

Author: Senyorita
last update publish date: 2026-09-15 11:21:48

Madaling araw na, pero ni isa sa kanila ay walang balak matulog.

Malamig ang ihip ng aircon sa loob ng master bedroom ni Zara, pero sa ilalim ng makapal na white comforter, balot na balot sila ng init ng isa’t isa. Magkayakap sila. Nakasubsob ang mukha ni Zara sa dibdib ni Elian, habang ang isang braso ni Elian ay mahigpit na nakapulupot sa hubad na balikat ng dalaga.

Naririnig ni Elian ang mabigat at pantay na paghinga ni Zara. Sa bawat pagtaas at pagbaba ng dibdib nito, sumasabay ang tibok ng sarili niyang puso. Hindi siya makapaniwala. Ilang oras na ang nakalipas mula nang isuko niya ang sarili sa babaeng ito, pero ang apoy na pinag-alab ni Zara sa pagkatao niya ay tila walang balak mamatay.

Dahan-dahang itinaas ni Elian ang kamay niya at hinaplos ang magulong buhok ni Zara. Mula sa buhok, bumaba ang mga daliri niya sa makinis na pisngi nito, bago marahang tinalunton ang linya ng leeg pababa sa likod ng dalaga.

Naramdaman niya ang bahagyang pag-ungol ni Zara. Gumalaw ito, mas idinikit ang sarili sa katawan ni Elian, bago dahan-dahang iminulat ang mga mapupungay na mata.

“Hindi ka pa ba pagod, Good Boy?” paos at malambing na bulong ni Zara. Puno ng pagtukso ang boses nito, pero may halong kakaibang lambot na ngayon lang nakita ni Elian.

Ngumiti si Elian. Isang ngiting hindi na inosente, kundi ngiti ng isang lalaking alam na kung paano angkinin ang babaeng mahal niya.

“Kapag ikaw ang kasama ko… parang hindi ako nakakaramdam ng pagod,” sagot ni Elian, mababa ang boses, halos maging isang mainit na bulong sa tenga ni Zara.

Napangisi si Zara. Umangat siya nang bahagya, sapat para magpantay ang mga mukha nila. Tinitigan niya ang mga mata ni Elian, hinahanap ang hiya at kaba na madalas niyang makita roon. Pero wala na. Ang nakikita niya ngayon ay isang lalaking buong-buong nakatingin sa kanya nang may pagnanasa at pagmamahal.

“Look at you,” bulong ni Zara, hinaplos ang labi ni Elian gamit ang hinlalaki niya. “Sino mag-aakala na yung tahimik na lalaki sa bar, kayang sabayan ang kabaliwan ko?”

Hindi sumagot si Elian. Sa halip, hinawakan niya ang batok ni Zara at dahan-dahang hinila ang mukha nito palapit sa kanya. Sinalubong niya ang mga labi ng dalaga ng isang malalim at nag-aalab na halik. Hindi na ito gaya ng mga naunang halik nila na si Zara ang kumokontrol; this time, it was slow, commanding, and filled with raw emotion.

Napapikit si Zara, kusang ibinubuka ang labi para salubungin ang bawat galaw ni Elian. Naramdaman ni Elian ang mga kuko ni Zara na bumaon nang bahagya sa likod niya, isang tahimik na senyales na nagpapasuko sa dalaga sa bawat haplos niya. Puno ng emosyon ang kwarto, ang mga halik na nag-uumpisa sa labi ay unti-unting bumaba sa panga, sa leeg, nag-iiwan ng maiinit na marka sa balat ni Zara na tila nagsasabing akin ka lang.

Sa ilalim ng mga kumot, naglakbay ang mga kamay ni Elian, pinaparamdam kay Zara na kahit malambot ang puso niya, kaya niyang maging matapang para sa kanya. Muling nag-alab ang gabi, puno ng mga singhap, maiinit na bulong, at higit sa lahat, ang tuluyang pagbagsak ng mga pader na matagal nang pilit na itinatayo ni Zara sa paligid niya.

~

Kinabukasan, liwanag na ng araw ang gumising kay Zara.

Kinapa niya ang kabilang gilid ng kama. Walang tao. Malamig na ang unan. Agad na kumunot ang noo niya, at isang mabilis na kaba ang pumitik sa dibdib niya. Umalis na ba siya? Natakot ba siya sa mga nangyari kagabi?

Bumangon si Zara, kinakapa ang bathrobe niya na nahulog sa sahig kagabi. Isinuot niya ito at marahang lumabas ng kwarto. Pero bago pa siya makarating sa hagdan, isang pamilyar na amoy ang pumigil sa kanya. Amoy ng kape at pritong bacon.

Dahan-dahan siyang bumaba papunta sa kusina. At doon, natigilan siya.

Nakatayo si Elian sa harap ng stove. Naka-suot ito ng gray sweatpants at walang pang-itaas, kitang-kita ang ilang mapupulang marka na naiwan ni Zara sa balikat at likod nito. Seryoso itong nagluluto, hawak ang spatula, habang may mahinang kanta na tumutugtog mula sa phone nito sa counter.

Sumandal si Zara sa hamba ng p***o. Pinagmasdan niya ang binata. Sa buong buhay niya, sanay siyang gigising nang mag-isa pagkatapos ng isang party. Sanay siyang siya ang naiiwan, o siya ang nang-iiwan. Wala pang lalaking naglakas-loob na ipagluto siya ng breakfast pagkatapos ng isang mainit na gabi.

Tila naramdaman ni Elian ang presensya niya kaya lumingon ito. Agad na nagliwanag ang mukha ng binata nang makita siya.

“Good morning,” bati ni Elian, ang boses ay malambing at presko. Binitawan nito ang spatula, nagpunas ng kamay, at naglakad palapit sa kanya.

“Good morning,” sagot ni Zara, pilit na itinatago ang kakaibang emosyon na bumabalot sa puso niya.

Hindi na nag-alinlangan si Elian. Niyakap niya si Zara sa baywang at hinalikan ito nang mabilis sa noo, bago dumampi sa labi nito. Isang matamis at inosenteng halik, malayo sa wild na Elian kagabi, pero parehong nakakapanghina para kay Zara.

“Nagluto ako,” sabi ni Elian habang inaayos ang magulong buhok ni Zara. “Hindi ko alam kung anong paborito mo, kaya basic bacon, eggs, at fried rice lang ang ginawa ko. Sana kumakain ka nito.”

Tumikhim si Zara, pilit na nag-smirk para ibalik ang angas niya. “Wife duties agad, Good Boy? Baka masanay ako niyan.”

Tumawa nang mahina si Elian. “Husband duties, Zara. At okay lang kung masanay ka. Kasi plano kong gawin 'to araw-araw para sayo.”

Natigilan si Zara. Nawala ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. Tinitigan niya si Elian, sinusuri kung nagbibiro ba ito. Pero seryoso ang mga mata ng binata. Walang halong biro, walang halong pag-aalinlangan.

Lumayo nang kaunti si Zara, humalukipkip. “Elian, listen. Kagabi… it was great. Wild and perfect. Pero alam mo kung anong mundo ang ginagalawan ko. Hindi ako yung babaeng pang-bahay lang. Hindi ako yung tipo na dadalhin mo sa pamilya mo tuwing Sunday lunch. Sigurado ka bang gusto mong ipagpatuloy 'to?”

Isang malamig na katahimikan ang bumalot sa kusina. Ito na ang kinatatakutan ni Zara. Ang i-push away ang mga tao bago pa man siya ang layuan.

Pero sa halip na umatras, humakbang palapit si Elian. Kinuha niya ang dalawang kamay ni Zara at marahan itong hinalikan.

“Zara, nakita ko na ang wild side mo. Naramdaman ko na kung gaano ka katapang. Pero nakita ko rin yung Zara na inaalagaan ang mga kaibigan niya sa bar, yung Zara na ipinagtanggol ako sa mga tao sa restaurant kahapon, at yung Zara na nagyayakap nang mahigpit sakin kagabi habang natutulog tayo,” seryosong sabi ni Elian.

Tumingin siya nang diretso sa mga mata ni Zara. “Hindi ako natatakot sa mundo mo. At wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng iba. Inangkin mo na ako kagabi, 'di ba? Ngayon… panindigan mo ako.”

Hindi napigilan ni Zara ang pagbagsak ng isang luha mula sa mata niya. Agad niya itong pinunasan, naiinis sa sarili dahil sa biglaang pagiging emosyonal. Tumawa siya, isang tawa na halatang pilit tinatakpan ang sobrang kilig at saya.

“Ang kapal din talaga ng mukha mong utusan ako, ano?” nakangiting sagot ni Zara sabay yakap nang mahigpit sa leeg ni Elian. Ibinulong niya sa tenga nito, “Sige. Humanda ka. Dahil simula ngayon, hindi na kita pakakawalan, Good Boy.”

Napangiti si Elian habang yakap-yakap ang babaeng nagpabago ng buhay niya. Sa wakas, ang dalawang magkaibang mundo, tuluyan nang naging isa. At alam ni Elian, simula pa lang ito ng mas marami pang wild at matatamis na kabanata nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Taming The Good Boy   Epilogue

    Para sa isang auditor na tulad ni Elian, ang mundo ay umiikot sa isang napakasimpleng patakaran: lahat ng bagay ay dapat balanse.Sanay siya sa mga numero. Sanay siyang maghanap ng butas, ng mga discrepancies, at ng mga pagkakamali sa bawat ledger na dumadaan sa kanyang mesa. Sa loob ng maraming taon, iyon ang naging buhay niya, isang malamig, kalkulado, at walang-kulay na mundo kung saan ang tama ay tama, at ang mali ay kailangang itama. Kinatatakutan siya sa korporasyon dahil wala siyang sinasanto. Isa siyang makinang walang emosyon. Isang tahimik at masunuring "Good Boy" na nakakulong sa sarili niyang kahon.Ngunit habang nakatayo si Elian ngayon sa malawak na balkonahe ng kanilang penthouse, hawak ang isang baso ng whiskey na hindi niya naman iniinom, napagtanto niyang ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya ay ang nag-iisang pagkakamaling hindi niya kailanman ginustong itama.Isang taon na ang lumipas simula nang isilang si Zion.Huminga nang malalim si Elian at pinag

  • Taming The Good Boy   Chapter 44

    Dalawang araw na ang lumipas mula nang isilang ni Zara ang kanilang panganay na anak.Dahan-dahang iminulat ni Zara ang kanyang mga mapupungay na mata. Unang bumungad sa kanya ang puting kisame ng malawak at pribadong VIP suite ng ospital. Amoy pamilyar na antiseptic ang paligid, ngunit nahahaluan ito ng banayad na amoy ng lavender humidifier na sinadya pang ipagdala ni Elian mula sa penthouse nila para lang maging komportable siya.Naramdaman ni Zara ang matinding ngawit at sakit sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Bawat paggalaw ng kanyang binti ay may kasamang kirot, isang paalala ng matinding laban na pinagdaanan niya sa delivery room. Ngunit sa kabila ng pisikal na hirap, ang kanyang puso ay nag-uumapaw sa isang uri ng kapayapaan na ngayon niya lang naramdaman sa buong buhay niya.Tumingin siya sa kanyang gilid. Wala si Elian sa mahabang sofa na nagsilbing higaan nito nitong mga nakaraang gabi.Inilibot ni Zara ang kanyang paningin at natagpuan ang asawa niya sa kabilang sulok

  • Taming The Good Boy   Chapter 43

    Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng SUV habang mabilis na binabagtas ni Elian ang kahabaan ng kalsada patungo sa ospital.Nakasandal si Zara sa passenger seat, mahigpit na nakakapit sa handle ng pinto sa itaas ng bintana. Bawat paghinga niya ay mabigat, putol-putol, at may kasamang mahinang pagdaing. Ang mga ilaw ng mga poste sa labas ay nagmimistulang malalabong linya na lamang sa paningin niya dahil sa patuloy na pag-agos ng kanyang mga luha.Ang sakit. Sobrang sakit.Para itong matinding pilipit sa kanyang ibabang likod na gumagapang papunta sa kanyang puson, na tila hinihiwa siya mula sa loob. Sanay si Zara sa pisikal na pasakit. Ilang beses na siyang nakipag-away noon, nasugatan, at nagalusan sa madilim niyang nakaraan. Ngunit ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay nasa ibang level, isang pwersang hindi niya makontrol, isang alon na pilit siyang nilulunod.Nang maramdaman niya ang panibagong paghigpit ng kanyang tiyan, hindi na niya napigilan ang sarili. Isan

  • Taming The Good Boy   Chapter 42

    Siyam na buwan na ang matuling lumipas at kabuwanan na niya.Nakatayo si Zara sa gitna ng kanilang walk-in closet, nakatitig sa sariling repleksyon sa malaking salamin. Nakasuot siya ng isang maluwag at kulay peach na maternity dress, ngunit kahit anong luwag ng tela, hindi na nito maitago ang napakalaking umbok ng kanyang tiyan. Tila anumang oras ay sasabog na ito. Pakiramdam ni Zara ay isa siyang ticking time bomb na hindi alam kung kailan eksaktong puputok.Napabuntong-hininga siya nang subukan niyang yumuko para isuot ang kanyang paboritong flat shoes. Hindi niya maabot. Sumasabit ang kanyang malaking tiyan, at ang simpleng pagyuko ay nagbibigay ng matinding ngawit sa kanyang ibabang likod.Napasimangot si Zara. Magsasalita na sana siya upang tawagin ang asawa nang biglang bumukas ang pinto ng closet.Pumasok si Elian. Nakasuot ito ng simpleng itim na t-shirt at gray sweatpants. Ang buhok nito ay medyo magulo pa dahil kararating lang nito mula sa pag-aayos ng mga huling detalye sa

  • Taming The Good Boy   Chapter 41

    Walong buwan na ang lumipas at nakasandal si Zara sa paborito niyang pwesto sa malambot na sofa, nakapatong ang manas na mga paa sa ibabaw ng coffee table. Nanunuod siya ng isang random na cooking show sa TV, ngunit ang buong atensyon niya ay nasa pag-ikot ng kanyang anak sa loob ng kanyang sinapupunan. Sa sobrang laki ng tiyan niya ngayon, literal na nakikita ni Zara ang pag-alon ng kanyang balat sa tuwing sisipa o gagalaw ang maliit na Good Boy nila.Hapon na, at tulad ng nakagawian, naka-work-from-home si Elian. Nakaupo ang asawa niya sa dining table na ginawa nitong makeshift office, seryosong nakikipag-usap sa mga board of directors sa pamamagitan ng Zoom call. Nakasuot ito ng pormal na puting polo at necktie, ngunit naka-boxer shorts lamang sa ibaba dahil hindi naman nakikita sa camera.Napangiti si Zara habang pinagmamasdan ang asawa. Ang boses nito ay matigas, punong-puno ng awtoridad, at nagbibigay ng mga direktiba tungkol sa budget cuts. Sa paningin ng ibang tao, isa itong n

  • Taming The Good Boy   Chapter 40

    Alas-singko pa lang ng madaling araw, ngunit dilat na dilat na ang mga mata ni Zara. Sa kabila ng matinding bigat ng kanyang tiyan na tila may nakadagan na pakwan sa kanyang puson dahil walong buwan na ang tiyan niya ay nakaramdam siya ng isang kakaiba at umaapaw na enerhiya. Ayon sa nabasa niya sa mga pregnancy books, ito ang tinatawag na nesting phase, ang matinding urge ng isang buntis na maglinis at mag-ayos ng bahay bilang paghahanda sa pagdating ng sanggol.Dahan-dahan niyang inalis ang mabigat na braso ni Elian na nakapulupot sa kanyang baywang. Payapang natutulog ang asawa niya, ang dibdib ay tahimik na tumataas-baba. Nakadapa ito, nakabaon ang mukha sa unan, halatang pagod mula sa maghapong pag-a-audit ng mga kumpanya kahapon.Maingat na bumangon si Zara, pilit na iniiwasang tumunog ang kutson. Nakasuot lang siya ng isang maluwag na cotton pantulog. Naglakad siya palabas ng master bedroom at dumiretso sa nursery ng kanilang anak.Pagbukas niya ng pinto ng nursery, bumungad sa

  • Taming The Good Boy   CHAPTER 4: NO RULES, JUST PLEASURE

    Paglabas ni Elian ng opisina, parang takot na takot siya pero excited na excited. Alam niya kung ano ang naghihintay sa kanya. Zara. Yung babaeng unti-unti nang binabago ang pagkatao niya.Pagdating niya sa condo unit ni Zara, hindi man lang siya kinailangang kumatok. Nakaawang lang yung pinto, may

  • Taming The Good Boy   CHAPTER 3: Wild Baby

    Kinabukasan, parang binabawi ni Elian ang lahat ng tulog na nawala sa kanya kagabi. Oras na para pumasok sa trabaho pero ang bigat pa ng pakiramdam niya. Hindi dahil pagod, kundi dahil sa sobrang daming nangyari sa isip at katawan niya.Pagbaba niya ng condo ni Zara, inihatid siya nito hanggang pin

  • Taming The Good Boy   CHAPTER 2: TAMING THE GOOD BOY

    Mabilis ang takbo ng motor pero mas mabilis ang tibok ng puso ni Elian. Nasa likod niya si Zara, mahigpit ang yakap sa bewang niya. Ramdam niya ang bawat kurba ng katawan nito na dumidikit sa likod niya. Basang-basa na sila ng ulan, pero parang naiinitan pa lalo si Elian.“Ang bagal mo naman, Good

  • Taming The Good Boy   Chapter 1: WHEN THE STORM MEETS THE CALM

    THIRD PERSON POVThe music was blasting so hard na halos gumalaw yung sahig ng bar. Lasers lights everywhere, people dancing, shouting, living their best lives. But amidst all that chaos, there was one person who looked like he didn’t belong.Elian was sitting on the corner booth, holding a glass o

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status